Brain Drain Bilang Suliranin Sa Migrasyon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Brain Drain bilang Suliranin sa Migrasyon

Mayroon na tayong kaalaman na ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng


paninirahan ng tao mula sa isang pook papunta sa ibang lugar. Alam natin na dahil sa
kahirapan, maliit na sahod, at konting oportunidad kaya lumilipat o mas pinipiling
magtrabaho ng mga tao sa ibang bansa. Ngunit ano nga ba ng magiging epekto nito o
suliranin sa maiiwang bansa?
Isang napakalaking kaginhawaan sa isang bansa kung may isang propesyonal na
lilipat at magseserbisyo sa kanilang bansa. Maaaring ang kakayahan nito ay magsilbing
napakalaking tulong sa kanilang pag-unlad. Ngunit ano naman ang mangyayari sa
maiiwang bansa? Ang pagkawala ng mga tao sa isang lugar ay may epekto sa pag-
unlad sa dakong iyon. Nagkakaroon ng ‘brain drain’ o pagkaubos ng kapaki-pakinabang
na ‘human resources’ sa isang bansa sapagkat ang kanilang mahuhusay na
propesyunal ay sa ibang bansa naghahanapbuhay. Napakalaking kawalan nito
sapagkat tila nahahadlangan ang pag-unlad ng naiwang bansa.
Ngunit bakit nga ba mas pinipili nilang mag-aral at ipagpatuloy ang kanilang
trabaho sa ibang bansa? Ayon sa datos na nakalap ng Philippine Statistics Authority
noong taong 2019, humigit kumulang 2.2 milyong mga Pilipino raw ang mas piniling
magtrabaho sa ibang bansa. Kabilang na rito ang mga OFW na nagpapakahirap
magtrabaho para sa kanilang pamilya. Hindi nga naman natin maipagkakaila ang ating
pagkasilaw sa pera sapagkat napakataas nga naman ng sahod roon. Bukod pa rito,
napakaraming oportunidad at pinagtutuunan ng pansin ng kanilang gobyerno ang
pagkakaroon ng mas modernong teknolohiya. Ayon din sa isa pang datos ng PSA, nasa
15 porsyento ng mga ito ang mga taong mas pinipiling makapag-aral sa ibang bansa
dahil sa mas magandang sistema ng edukasyon at mas maunlad na teknolohiya.
Ating mahihinuha na dahil sa ilang mga kapabayaan, nawawalan tayo ng mga pag-
asa upang umunlad ang ating bansa. Mas pinipili nilang magserbisyo sa ibang bansa
sapagkat mas maraming oportunidad at pinagtutuunan ang siyensya at teknolohiya.
Napakaraming mga imbensyon ang nagawa ng mga Pilipino ngunit ang nagpapalago
ay ang ibang bansa. At sa kabilang banda, tila naiiwan ang bansang kanilang
pinagmulan. Patuloy na nakararanas ng kahirapan ang mga Pilipino kaya’t maraming
nagnanais na makatakas sa kahirapan nito. Ano kaya ang ating magagawa?
Unang-una, bilang Pilipino, nararapat tayong magtulungan bilang iisa. Nararapat
nating tangkilikin ang mga produktong sa atin nagmula. Sa gobyerno naman, sana ay
paglaanan rin ang pag-unlad ng ating teknolohiya. Sana ay suportahan natin ang mga
Pilipino sa mga imbensyon na kanilang inilalatag. Sana ay hindi natin pairalin ang “crab
mentality” na nakasanayan. Na imbis na magtulungan, ay mas hinihila pa pababa. Kung
mangyari man ito, sana ay mas makilala ang bansa na puno ng mga di-kapani-
paniwalang imbensyon na maaaring maging sanhi ng ating pag-unlad bilang iisa.

You might also like