AP8 Q3 Week5 Final

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

8 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: [email protected]/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 3: Week 5
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: _____________________Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo

Taon at Pangkat: _______________ Petsa: ____________________________

Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at


Pranses.

Susing Konsepto

Ang Rebolusyong Amerikano


Ang Labintatlong Kolonya ay nabuo sa kalagitnaan ng ika-18 siglo mula sa mga
migranteng Ingles na karamihan ay nakaranas ng persecution dahil sa bagong
pananampalataya na resulta ng Repormasyon at Englightenment.
Ang digmaang para sa kalayaan ng Amerika ay lalong kilala sa katawagang
Rebolusyong Amerikano. Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na naging mga
migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa labis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng
parliamentong Ingles dahil wala silang kinatawan sa Parliamento upang sabihin ang kanilang
mga hinaing.Ang insidente ng Boston Tea Party na kung saan noong 1773 itinapon ang mga
tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston bilang protesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na
inaangkat sa mga kolonya.
Binuo ang Unang Kongresong Kontinental ng Labintatlong Kolonya bilang tugon sa
insidente ng Boston Tea Party.Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya
ay isang pagpapkilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ng mga
Ingles sa kanila.Nagkaisa sila na itigil na ang pakikipagkalakalan sa Gran Britanya at ito’y
nagsimula pagkatapos ng Setyembre ,1775 Maraming kolonya ang determinadong gumamit
ng radikal na paraan at bumuo ng boluntaryong hukbo upang makidigma sa Gran Britanya.
Nagsimula ang mga labanan sa Concord noong Abril 1775. Si Paul Reeve naging
kasangkapan upang mabalitaan ang mamamayan sa pagdating ng mga Ingles. Sa labanang
ito nagsimula ang digmaan para sa kalayaan o Rebolusyong Amerikano. Sa ikalawang
pagkataon noong Mayo 1775 nagpulong ang Kongresong Kontinental at nagdeklara ng
pamahalaang tinatawag nilang United Colonies of America. Bumuo ng hukbong militar na
tinawag na Continental Army at si George Washighton ang napiling commander -in -chief.
Inaprubahan ng Kongresong Kontinental deklarasyon ng kalayaan noong Hulyo
04,1776 ay isinulat ni Thomas Jefferson. Binigyang diin ng dokumento na ang dating mga
kolonya ay di na kasalukuyang teritoryo ng Gran Britanya. Sila sa panahong iyon ay kinilala

2
na bilang malayang nasyon sa katawagan Estados Unidos ng Amerika. Sumunod ang
paglusob ng mga Ingles mula sa Canada noong 1777, Pagtulong ng mga Pranses sa laban
sa mga Ingles at tuluyang pagkatalo at pagsuko ng mga Ingles sa pamumuno ni Heneral
Charles Cornwallis sa Yorktown. Sa isang kumperensiya sa Paris, Pransya noong 1783
pormal na tinanggap ng Gran Britanya ang kalayaan ng Estados Unidos ng Amerika.

Rebolusyong Pranses
Simula ng taong 1783 ang Pransya ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI isang
pinunong absolute. Ang absolutong hari ay itinuturing na pinuno ayon sa Divine Right o
nagmula sa Diyos ang kapangyarihan pamunuan ang bansa. Ang lipunan Pranses ay
nahahati sa mga “estate”. Ang unang estate ay mga taong simbahan tulad ng pari , obispo, at
kardinal, pangalawang estate mga maharlika, ikatlong estate binubuo ng nakakaraming
mamamayan tulad ng magsasaka at manggagawa.
Pagdating ng taong 1780 kinailangan ng pamahalaan Pranses ng malaking halaga
upang itaguyod ang pangangailangan ng lipunan. Ang una at ikalawang estate ay hindi
sinisingil ng buwis at ang ikatlong estate lamang nagbabayad ng buwis. Idagdag pa ang
maluhong pamumuhay ng hari at kanyang pamilya, mga magastos na digmaang sinalihan ng
Pransya ay na lalong nagpahirap sa mga miyembro ng ikatlong estate.
Ang pagtatayo ng Pambansang Asembleya ay nagsimula sa pagpupulong nga mga
kinatawan ng ng estate upang malunasan ang problema sa pananlapi. Hindi nagkasundo
sundo sa paraan ng pagboto.Humiling ang mga kasapi ng ikatlong estate ng hiwalay na
pulong at mula sa panukala ni Abbe Sieyes idineklara ang kanilang sarili bilang Pambansang
Asembleya noong Hunyo 17,1789 at inimbithan ang una at ikalawang estate. Maraming pari
at maharlika ang sumama sa ikatlong estate at humiling sa hari ng konstitusyon. Matapos ang
isang linggo’y ibinigay na ng hari ang kanilang hinihiling at pinagsama ang una at ikalawang
estate sa Pambansang Asembleya.
Nagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris ang Bagong Asembleya .Isang
malaking kaguluhan ang naganap noong Hulyo 14,1789 nang sugurin ng galit na mamamayan
ang Bastille, isang kulungan ng mga kalaban ng kasalukuyang hari.Ang pagbagsak ng
Bastille ay naging daan sa paglaganap ng kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng Pransya sa
pamumuno ng mga rebolusyonaryo. Sa taong 1789 nang ang Constituent Assembly , ang
bagong katawagan sa Pambansang Asembleya ay naglabas ng konstitusyon na naghahayag
ng Declaration of the Rights of Man at nagbigay diin sa mga ideya ng kalayaan ,pagkapantay-
pantay at kapatiran.Makalipas ang dalawang taon lubusang pumayag si Haring Louis XVI na
ang kapangyarihan ng simbahan at maharlika ay bawasan at halalan para sa Asembleya
bubuo ng mga batas ay idinaos.Natakot sa pagsiklab ng kaisipan ng Rebolusyong Pranses
ang mga monarkiya ng Europa,kaya sila ay nagpadala ng hukbo ngunit nagapi ito ng mga

3
Rebolusyonaryong Pranses. Pinag-usapan ng mga rebolusyonaryo na posibleng mga
maharlika mag-alyansa at ibalik ang hari sa kapangyarihan.Dahil dito ang hari at mga
tagasuporta sa kanya ay pinagpapatay at nagsimula na ang tinatawag na “Reign of Terror”.
Sa pamumuno ni Maximilien Robespierre ang mga kaaway ng republika ay pinatay sa
pamamagitan ng guillotine. Umabot sa 17,000 katao ang napatay sa pagitan ng 1793-1794 at
may 20,000 namatay sa kulungan.
Taong 1794 humina ang kapanyarihan ng mga rebolusyonaryo at nakuha ng mga
moderate ang kapangyarihan. Si Robespierre ay pinatay rin gamit ang guillotine. Ang
Republika ng Pransya ay gumamit ng bagong konstitusyon na ang layuning ay magtatag ng
direktoryo na pamumunuan ng limang tao na taon-taon ay inihahalal.
Ang ideya ng Rebolusyong Pranses ay lumaganap sa Europa. Ang mga ideyang ito
ay nagsilang sa iba pang ideyang pampolitika gaya ng republikanismo at paggamit ng
sistemang metrikal sa panukat. Naging susi ito upang maghangad ng mga pagbabago sa
pamumuno ang mga tao at magtatag ng isang republikang pamahalaan.

Kasanayang Pampagkatuto:

Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at


Pranses. (AP8PMD-III i-9)

Mga Layunin:

1. Natatalakay ang Rebolusyong Amerikano at Pranses.

2. Naihahambing ang mga pangyayari sa Rebolusyong Amerikano at Pranses.

3. Naiuugnay ang pag-usbong ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano


at Pranses.

Pagsasanay 1:

Panuto: Basahin mo ang mga tinutukoy sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa patlang.

___________1. Ano ang samahan na pinasimulan ng ng Estados Unidos ng Amerika?

___________2. Siya ang pinuno ng mga rebolusyonaryong Pranses na nanguna sa Reign of


Terror?

___________3. Ano ang tawag sa pamahalaan naitatag sa Pransya na binubuo ng limang


tao at taon-taon inihahalal?

___________4. Sino ang hari ng Pransya sa panahon ng Rebolusyong Pranses?

___________5. Sino ang commander-in-chief ng Continental Army?

4
___________6. Ano ang insidenteng pinagsimulang ng pagtatayo ng unang Kongresong
Kontinental?

___________7. Ano ang insidenteng nagsimula ng Rebolsuyong Pranses?

___________8. Sino ang nagbabala sa mga mamamayan ng Concord sa paparating na


hukbong Ingles?

___________9. Sino ang nagmungkahi na ideklara ng ikatlong estate ang sarili bilang
Pambansang Asembleya?

___________10. Sino bumubuo sa ikalawang estate sa lipunang Pranses?

Pagsasanay 2

Panuto: Gamit ang ang talahanayan, tukuyin ang hinihiling na mga impormasyon.

REBOLUSYONG ASPEKTO REBOLUSYONG


AMERIKANO PRANSES

MGA DAHILAN

MGA SANGKOT NA
AKTOR

PANGUNAHING
PANGYAYARI

BUNGA O IMPLIKASYON

SALOOBIN TUNGKOL SA
PANGYAYARI

5
4
Pagsasanay 3:

Panuto: Suriin ang Word Hunt na nasa ibaba. Hanapin ang salita at bilugan ito. Sagutan ang
mga katanungan sa ibaba.

B U W I S L A H H
T P H K G H D A A
K A L A Y A A N R
B U R O T I S T I
J O S E D Z D F A
A P T P O W E R T

Anong mga salita ang iyong nahanap?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Ano ang mahalagang implikasyon ng mga salitang nahanap sa Rebolusyong


Pranses at Amerikano?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________

6
Pagsasanay 4:

Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng bunga ng Rebolusyong Amerikano at


Pranses sa makabagong panahon. Maaring gumamit ng short bond paper sa paggawa ng
poster. Gawing batayan ang Rubrik sa pagmamarka ng poster.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG POSTER:

BATAYAN NG KAPASYAHAN BAHAGDAN MARKA NG GURO


NILALAMAN 40%
KAUGNAYAN SA PAKSA 30%
ORGANISASYON 20%
PAGKAMALIKHAIN 10%
KABUUAN 100%

Pangwakas: Sagutin ang tanong upang makabuo ng iyong repleksyon hinggil sa araling ito.
“Kung nabuhay ka noong panahon ng Rebolusyong Amerikano at Pranses,
makikilahok ka ba sa mga gawaing pampolitikal?” Ipaliwanag ang iyong sagot.

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_______________________________________________________________

7
Mga Sanggunian:

Blando, Rosemarie C.,Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu ,Edna L.
De Jesus,Asher H. Pasco, Rowel S.Padernal, Yorina C. Manalo,Kalenna Lorene S.
Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8- Modyul ng Mag-aaral.
Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education Instructional
Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) ,371-384.

Yumul Conchita V.,Ramon Guillermo “Kasaysayan ng Mamamayan ng Daigdig. (IBON


Foundation,Inc. Quezon City. Philippines, 2014), 357-364.

Susi sa Pagwawasto:

Pagsasanay 1: 1.13 Kolonya 2. Maximilliene Robespierre 3. Directory 4. Haring Louis XVI 5. George Washington
6. Boston Tea Party 7. Pagsalakay sa Bastiile 8. Paul Revees 9. Abbe Sieyes 10. Maharlika
Pagsasanay 2: Rebolusyong Amerikano: labis na pagbubuwis , 13 kolonya at Ingles, Labanan sa Concord,
Kasunduan sa Paris, Kalayaan ng Estados Unidos, Maaring magkakaiba ang sagot ng mag-aaral
Rebolusyong Pranses: labis na pagbubuwis , Haring Louis XVI at Rebolusyonaryo, Pagtatag ng Republika
Maaring magkakaiba ang sagot ng mag-aral
Pagsasanay 3: Buwis, Kalayaan, Hari. Maaring magkakaiba ang sagot ng mag-aaral
Pagsasanay 4:I Batay sa pamantayan ang sagot ng mag-aaral.

Inihanda ni:

JOSE ANGEL D. ZABALLA

Teacher III

You might also like