Fil3 - Q3 - Mod10 - Pang-Ukol at Salitang Klaster - v4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Filipino 3

Kuwarter 3 - Linggo 10
Pang-ukol at Salitang Klaster

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


Filipino - Grade 3
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 3 - Linggo 10: Pang-ukol at Salitang Klaster
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government
of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work of profit. Such agency or office may, among
other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to
locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education


Division of Malaybalay
Development Team of the Module
Authors: Heaven C. Ocladina at Daylinda O. Casucot
Editors: Armando A. AgustinMaria Luz G. Pama Vilma T. Fuentes
Valerie S. de Leon Guillerma S. Fortin JeremyG. Lagunday
Lourdes O. Ducot Abel P. Galer Berna G. Bateriza
Leny G. Ama Zelda T. Arceno Jay Martin L. Dionaldo
Armand Anthony S. Valde Sr. Cosjulita K. Olarte Nairobi Jose B. Baja

Illustrators: Vanessa Joy D. Mirafuentes


Layout Artist: Manuel D. Dinlayan II, PDO II
Management Team:
Chairperson: Dr. Victoria V. Gazo, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Sunny Ray F. Amit


Asst. Schools Division Superintendent

Ralph T. Quirog
CES, CID

Members: Purisima J. Yap


EPS-LRMS

Maria Concepcion S. Reyes, EPS-Filipino


Jesus V. Muring, EdD. PSDS—District V

Printed in the Philippines by Department of Education


Division of Malaybalay City
Office Address: Sayre Highway P-6, Casisang, Malaybalay City
Telefax: (088) 314-0094
Email Address: [email protected]
3
Filipino
Kuwarter 3 - Linggo 4
Pang-ukol at Salitang Klaster

Ang instruksyunal na materyal na ito ay kolaboratibong nabuo at sinuri ng mga


dalubhasa mula sa Sangay ng Lungsod Malaybalay. Hinihiling namin ang mga
guro, administrator at stakeholders ng edukasyon na magbigay ng puna,
komento at suhestiyon at ipadala o email sa [email protected].

Pinahahalagahan po namin ang inyong feedback at rekomendasyon.

Sangay ng Lungsod Malaybalay • Kagawaran ng Edukasyon


Paunang Salita Para Sa Mga Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ikatlong Baitang,
modyul sa Pang-ukol at Salitang Klaster.
Ang modyul na ito ay ginawa sa mga guro sa Sangay
Lungsod ng Malaybalay ayon sa Kurikulum ng K – 12 ginagabayan
ng mga punong-guro, tagamasid pampook at tagamasid
pansangay . Ginawa rin ito bilang tugon sa iyong
pangangailangan sa gitna ng pandemya (Covid-19).
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Paalaala sa mga Guro:


Nakapaloob nito ay ang mga pamamaraan para matuto
ang mga mag-aaral. Inaasahang magagabayan ninyo ang
mga mag-aaral sa paggamit nito.

Paalaala sa mga Mag-aaral:


Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo upang maintindihan
mo ang mga competency na dapat mong matutunan.
Pinaalalahanan din kayo sa mga sumusunod:
1. Huwag dumihan at sulatan ang modyul. Ang inyong mga
sagot sa mga gawain ay isulat lamang sa aktibiti notbuk sa
Filipino.
2. Isunod-sunod and pagsagot sa mga gawain.
3. Ibalik ang modyol na maayos ayon sa petsa na
napagkasunduan ng iyong guro.
4. Kung merong mga tanong at alinlangan, huwag mag-atubiling
magkonsulta sa iyong guro.
5. I teks o tumawag sa numerong ito ____________.
Alamin
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw
ay inaasahang:
• Nagagamit nang wasto ang pang-ukol (laban sa,
ayon sa, para sa, ukol sa, tungkol sa);
• Nagsasama ang mga katinig, patinig upang
makabuo ng salitang klaster (hal. blusa, gripo,
plato)
• Naikokompara ang mga kuwento sa
pamamagitan ng pagtatala ng pagkakatulad at
pagkakaiba;
• Naibibigay ang buod o lagom sa tekstong binasa.

Subukin
• Alin ang angkop na pang-ukol sa pangungusap na ito?
Ang mga bata ay namitas ng gulay (para sa , ayon sa)
kanilang hapunan.
• Alin ang salitang may klaster? ( blusa , para )
• Ano ang pagkakaiba ng hilaw na mangga at hinog na
mangga?
• Ibigay ang buod ng kuwentong pinamagatang “Si
Kuneho at Si Pagong”.

Unang Nagagamit nang wasto ang pang-ukol


Araw (laban sa, ayon sa, para sa, tungkol sa).

Tuklasin

Basahin ang teksto at suriin ang mga salitang


sinalungguhitan.

Kayamanan sa Pagsulat
Ayon sa ating mga ninuno
1 may mayamang tradisyon sa
pagsulat ang mga Pilipino. Patunay rito ang napakaraming tulang
nalikha noong unang panahon para sa iba’t ibang pangyayari sa
buhay.
Ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang tula upang
makapaghatid ng aral para sa mga kabataan.Sumulat din sila
tungkol sa mga sinaunang kaalaman para maipasa sa susunod na
henerasyon.

Suriin

Ang Pang-ukol ay ginagamit para sa pagtukoy sa


pook o bagay na pinagmulan, kinaroonan, pinangyarihan,
pinag-uukulan ng kilos tulad ng;
ayon sa tungkol sa para sa

Halimbawa:
1. Ang mga rosas na itoay para sa iyo.
2. Ang pinag-uusapan ay tungkol sa pagtaas ng presyo ng
bilihin.
3. Ayon sa DepEd patuloy ang pag-aaral sa modyul
hanggat walang gamut sa COVID-19.

Pagyamanin

Piliin ang tamang pang-ukol na angkop upang mabuo ang


pangungusap. (tungkol sa, para sa, ayon sa, laban sa)
1. Ang nabasa naming kuwento ay _______ batang tamad
na naging masipag.
2. Kailangan ay malinis ang aming katawan, _______ aming
punungguro.
3. Ang lahat ng mag-aaral ay abala ______ kalinisan ng
kanilang paaralan.
4. Abala si Jenny sa paghahanda ng mga regalo ________
kanyang mga kaklase.
5. Ang protestang ito ay ______ pagtaas ng buwis.

2
Ikalawang Pagsasama ng mga katinig, patinig
Araw upang makabuo ng salitang klaster

Balikan

• Ano ang Pang-ukol?


• Magbigay ng halimbawa ng mga salitang Pang-ukol?

Tuklasin
Basahin at unawain ang maikling talata. Suriin ang mga
salitang may salungguhit.
Isinuot ni Ana ang pulang blusa. Kinuha niya ang magandang
sombrero malapit sa gripo. Plano niyang mamasyal sa plasa.
Sumakay siya ng traysikel.

Suriin
Sa binasang teksto, ang mga salitang blusa,
gripo, plasa, at traysikel ay mga halimbawa ng mga
salitang klaster.
Ang salitang klaster ay binubuo ng mga titik na katinig at
patinig. Ang mga halimbawa ng titik na patinig ay: a,e,i,o,u at
ang mga titik na katinig naman ay:
b,d,c,k,l,f,g,h,j,m,n,p,q,r,s,t,v,w,x,y,z.

Pagyamanin

Bumuo ng limang salitang may klaster batay sa kahon.

blu pri sa
pla no pla
gri tra po
bro sa to
no so tra

3
Halimbawa: blu + sa = blusa
1. ____ + _____ = _______
2. ____ + _____ = _______
3. ____ + _____ = _______
4. ____ + _____ = _______
5. ____ + _____ = _______

Ikatlong Pagkokompara ng mga kuwento sa


pamamagitan ng pagtatala ng
Araw pagkakatulad at pagkakaiba

Tuklasin

1. Ano ang nakikita mong pagkakatulad sa larawan?


2. Ano naman ang pagkakaiba?

Suriin

Narito ang mga dapat tandaan sa pagkokompara


ng isang kuwento:
• Basahin at unawain ang kuwento.
• Itala ang pagkakatulad ng mga tauhan sa kuwento.
• Itala ang pagkakaiba ng mga tauhan sa kuwento.

Basahin at unawaing mabuti ang kuwentong, “ Ang Maya at Ang


Agila”.
Ang Maya at Ang Agila

Isang malaking Agila ang kasalukuyang lumilipad sa


kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang
kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang
paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit at
mapagkumbabang Maya at hinamon niya ito. Hoy! Maya, baka
gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis

4
lumipad.” buong kayabangan ni Agila, Kaya naipasya niyang
tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon.

Pagyamanin

Isulat sa loob ng kahon ang pagkakatulad at pagkakaiba ni


Maya at Agila ayon sa pisikal na kaanyuan at pag-uugali. Gawin
ito sa iyong papel.

Hayop Pagkakatulad Pagkakaiba


Maya
Agila

Ikaapat na Pagbibigay ng buod o lagom sa


Araw tekstong binasa

Tuklasin
Basahin at unawain ang kuwento.

Si Kuneho at Si Pagong

Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong


niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad si Pagong ay
pinagtatawanan ito ni Kuneho. Ganoon na lang ang katuwaan
ng mayabang na si Kuneho. Hinamon ng Kuneho si Pagong,
nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawain
nilang karera. Gusto niyang pagtawanan si Pagong sa harap ng
mga kaibigan sa oras na matalo niya ito. Nakapaligid sa kanila
ang mga kaibigang hayop. Sa karerang iyon ay nanalo si Pagong.

5
Suriin

Ang buod ay pagsasalaysay ng mga pangyayari na naganap


sa isang kuwento sa paraang mas madali at maikli.

Gabay sa pagbubuod:

a. Basahin at unawaing mabuti ang binasa o pinakinggan.


b. Alamin ang kasagutan sa mga tanong na ano, saan, sino,
kailan, at bakit.
natin siya?

Pagyamanin
Ibigay ang buod ng kuwentong Si Kuneho at Si Pagong.
Sundin ang mga gabay sa pagbubuod.

Ikalimang Pagbibigay ng buod o lagom sa tekstong


Araw binasa.

Balikan
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng buod sa
isang tekstong binasa?

Tuklasin

Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Matalinong Matsing


Isang araw, nasa gilid ng ilog si Matsing at gusto niyang
pumunta sa kabilang gilid ng ilog na may maraming saging. Nakita
siya ng nagugutom na Buwaya at gusto siyang kainin nito. Sinabi
ng Buwaya na isasakay siya nito patungo sa kabilang gilid ng ilog.
Sumakay si Matsing sa likod ng Buwaya. Gustong kainin ng Buwaya
si Matsing ng sila ay nasa gitna na ng ilog. Ngunit sinabi ni Matsing

6
na naiwan niya ang kanyang puso sa gilid ng ilog at babalikan
muna niya. Ibinalik ng Buwaya si Matsing. Pagdating sa gilid ay
biglang tumalon si Matsing at pinagtatawanan niya ang Buwaya.

Suriin

Ang buod ay pinagsasama-samang mahahalagang


impormasyon o pangyayari ng kuwento o teksto.
Mga gabay sa pagbubuod

a. Intindihing mabuti ang laman ng kuwento o teksto.


b. Piliin ang pinakamahalagang ideya.
c. Tanging mahalagang detalye ang isulat.

Pagyamanin
• Ibigay ang buod ng kuwentong pinamagatang “Ang
Matalinong Matsing”
• Sundin ang mga gabay sa pagbubuod.

Isaisip

Upang makapagkokompara ng mga kuwento dapat itala


ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tauhan dito.
Mahalaga ring matutunan mo ang pagsulat ng buod ng isang
kuwento o tekstong nabasa upang makuha ang
mahahalagang impormasyon.Sa araling ito natutunan mo rin
ang mga salitang pang-ukol, napagsama ang katinig at
patinig upang makabuo ng salitang klaster.

Isagawa

Sumulat ng buod batay sa iyong karanasan na hindi


malilimutan.

7
Tayahin

Bilugan ang tamang sagot.


1. Ang mga proyekto ay __________ mga mahihirap.
a. para sa b. ayon sa c. tungkol sa

2. Alin sa sumusunod na mga salita ang may klaster?


a. gripo b. mansanas c. lapis

3. Alin ang dapat tandaan sa pagkokompara ng isang


kuwento?
a. ibigay ang buod
b. Magtala ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
pisikal na kaanyuan ng mga tauhan.
c. mahalagang detalye ang isulat

4. Ibigay ang mga gabay sa pagbubuod.


a. ______________________________________.
b. ______________________________________.

Karagdagang Gawain

Sagutin ang sumusunod na mga tanong batay sa pabulang


“Si Kuneho at si Pagong” upang makabuo ng pagbubuod.

1. Ano ang ginawa ni Kuneho kay Pagong?


____________________________________.
2. Saan naganap ang karera?
____________________________________.
3. Sino ang nanalo sa karera?
________________________________________.
4. Sa iyong palagay bakit nanalo si Pagong?
____________________________________.

8
https://www.youtube.com/watch?v=I0mWLGqeD_I
https://www.youtube.com/watch?v=CVXzV8r0VBM
pabula.html
https://buklat.blogspot.com/2017/12/ang-kuneho-at-angpagong-
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino
Patnubay ng Guro
Unang araw Ikalawang araw Sanggunian
Pagyamanin Pagyamanin
1. Tungkol sa 1. plano
2. Ayon sa 2. plasa
3. Para sa 3. blusa
4. Para sa 4. prito
5. Laban sa 5. trapo
Ikatlong araw
Pagyamanin
Hayop Pagkakatulad Pagkakaiba
Maya Parehong ibon Maliit
Agila May pakpak Malaki
Tayahin
Karagdagang Gawain
1. a. Para sa
2. a. gripo 1. pinagtawanan
3. b. mag tala ng pagkakaiba 2. sa lugar ng mga hayop
at pagkakatulad ng mga 3. si Pagong
pisikal na kaanyuan ng mga 4. masigasig at
tauhan mapagkumbaba
4.
a. Basahin at unawaing mabuti
ang binasa o pinakinggan.
b. Alamin ang kasagutan sa mga
tanong na ano, saan, sino,
kailan, at bakit.
Susi ng Pagwawasto

You might also like