Ap Mod9 Q1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

5

Unang Markahan – Modyul 9


Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa Pagkabuo ng Lipunang at
Pagkakakilanlang Pilipino
Republika ng Pilipinas • Kagawaran ng Edukasyon
Aralin Kontribusyon ng Sinaunang
Kabihasnan sa Pagkabuo ng
Lipunang at Pagkakakilanlang
9 Pilipino

Alamin

Pagkatapos basahin ang modyul na ito, ang mga bata ay inaasahang:


1. Nakakabuo ng konklusyon tungkol sa kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa
pagkabuo ng lipunang at pagkakakilanlang Pilipino AP5PLP-Ij-12

Subukin

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa sumusunod:


1. Isang mahabang berso na binibigkas nang paawit at hinaharana ng mga sinaunang Ilocano
ang kanilang iniirog naipapakita nila ang isang awit at sayaw sa isang
pagdiriwang._________
2. Naging inspirasyon din ng mga sinaunang Filipino ang kalikasan, tulad ng mga kilos ng
hayop, sa paggawa ng mga sayaw, halimbawa nito ay __________
3. Dalawang anyo ng panitikan ang mga sinaunang Filipino.__________ at__________
4. Maipagmamalaki din ang kahusayan ng mga katutubong Filipino sa paggawa ng mga
kasangkapan at palamuting yari sa___________.

5. Isa sa pinakamahalagang kalakal ng bansa mula sinaunang panahon __________.

Tuklasin

Pagsasalin ng Kultura
Iba’t ibang uri ng sining at panitikan ang nabuo noong sinaunang panahon. Sa
pamamagitan ng mga ito, hindi lamang naipahayag ng mga sinaunang Filipino ang kanilang
damdamin, paniniwala, at mga karanasan; naisalin din nila sa mga sumunod na henerasyon

1
ang mayaman nilang kultura sa pamamagitan ng musika , awit, sayaw, at panitikan. Ilan sa
mga ito ay nanatiling bahagi ng modernong kultura ng Pilipinas.

Musika at Sayaw

Isinaliw nila ang musika sa kanilang pagsayaw at ibang gawain tulad ng pagsasaka at
pag-aani, gayundin sa mahahalagang pagdiriwang at rituwal sa kanilang pamayanan.
Halimbawa ng kanilang instrumento ay ang tambuli ng mga Tagalog na yari sa sungay ng
kalabaw. Sa pamamagitan ng Dallot isang mahabang berso na binibigkas nang paawit at
hinaharana ng mga sinaunang Ilocano ang kanilang iniirog naipapakita nila ang isang awit at
sayaw sa isang pagdiriwang. Naging inspirasyon din ng mga sinaunang Filipino ang
kalikasan, tulad ng mga kilos ng hayop, sa paggawa ng mga sayaw, halimbawa nito ay ang
Tinikling.

Panitikan

May dalawang anyo ng panitikan ang mga sinaunang Filipino ang pasalita (sabi,
sawikain, bugtong , awiting kalye, awit sa bangka, hele at awit ng pagsasagwan) pasulat
( Darangan ng mga Maranao at Ibalon ng mga Bicolano). Ginagamit ng mga sinaunang
Filipino ang panitikan upang maipaliwanag kung paano nilalang ang daigdig at ang tao, at
upang maisalaysay ang kabayanihan ng mga pambihirang tao o diyos.

Sining

Makikita sa mga kasangkapan at kagamitang pandigma ng mga sinaunang Filipino


ang kanilang pagiging malikhain at ang angking husay sa sining. Patunay nito ang mga
nahukay na kagamitang bato, mga palamuting yari sa kabibe at luwad, mga tapayan na
ginamit sa paglilibing , at mga larawang guhit na natagpuan sa loob ng yungib sa Angono
Palawan. Maipagmamalaki din ang kahusayan ng mga katutubong Filipino sa paggawa ng
mga kasangkapan at palamuting yari sa ginto, ang isa sa pinakamahalagang kalakal ng bansa
mula sinaunang panahon. Liban sa ginto , nahukay din ang hindi mabilang na banga, palayok
at tapayan na may iba’t ibang disenyo, ukit, kulay, hubog, at laki. Ipinakikita nito ang
mayaman at magkakaibang kultura ng mga lalawigan sa Pilipinas gayundin ang magkakaiba
nilang istilo sa paggawa ng palayok. Ang mga ito ay naging mahalagang bakas ng sinaunang
sining ng mga Filipino.

2
Suriin

Paano isinalin ng mga sinaunang Filipino ang kanilang kultura sa mga sumusunod
na henerasyon?

Musika

Sining PAGSASALIN NG
KULTURA
Sayaw

Panitikan

Anu-ano ang nabuo na naging kontribusyon ng sinaunang panahon sa pagkakakilanlan ng


Pilipino?
Paano naipahayag ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang damdamin, paniniwala, at mga
karanasan?

Pagyamanin

A. Story Board Ko. Sa mga natutuhan mo sa pag-aaral ng paksa ay isagawa mo ito sa


pamamagitan ng isang presentasyon na magpapaliwanag at magpapakita ng naging
kontribusyon ng sinaunang Filipino sa pagkabuo ng lipunang at pagkakakilanlang Pilipino.

3
1. Gumawa ng sarili mong paglikha o drawing ng halimbawa ng sining o panitikan na nabuo
noong sinaunang paanahon gamit ang isang long bondpaper.
2. Gamitin mo ang iyong pagiging malikhain sa pagpapaliwang nito.
Gamit Noon Gamit Ngayon

3. Kapag natapos mo na ang iyong paglikha, ihanda ito para sa pagwawasto.


Post It. Gumupit o gumuhit ng mga larawang gamit noong sinaunang panahon at mga gamit
sa kasalukuyan tulad ng mga kasuotan, instrumento, kagamitan at iba pang may kinalaman sa
kultura.Uriin ang mga ito sa gamit noon at gamit ngayon.

Isaisip

TANDAAN MO!

 Iba’t ibang uri ng sining at panitikan ang nabuo noong sinaunang


panahon.
 Naisalin din nila sa mga sumunod na henerasyon ang mayaman nilang
kultura sa pamamagitan ng musika , awit, sayaw, at panitikan.
 Ang mga ito ay naging mahalagang bakas at kontribusyon ng sinaunang
panahon ng mga Filipino sa pagkabuo ng lipunang at pagkakakilanlang
Pilipino.

Isagawa
Data Retrieval Chart. Punan ang ikalawang hanay ng tsart ng mga datos mula
sa aralin. Sa ikatlong hanay naman, isulat ang kalagayan ng kultura ng mga
Filipino sa kasalukuyan.
Aspekto ng Kultura Kultura noong sinaunang panahon Kultura sa kasalukuyan
1. Musika at sayaw
2. Panitikan
3. Sining

You might also like