Grade 5 Project Bayani DLP Francisco Baltazar

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
City of Malolos

Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 5


Project BAYANI: Francisco “Balagtas” Baltazar

Kasanayan sa Pagkatuto:

Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban


para sa kalayaan.

I. Layunin:
A. Natutukoy ang talambuhay ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
B. Naiisa-isa ang mga naging papel at ambag ni Francisco “Balagtas” Baltazar sa
larangan ng pagsulat.
C. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Francisco
“Balagtas” Baltazar na naging daan upang hirangin siyang “Prinsipe ng Makatang
Tagalog”.
D. Naisasabuhay ng mga mag-aaral ang mga magagandang katangian ni Francisco
“Balagtas” Baltazar.

II. Nilalaman:

A. Paksa: Project BAYANI: Francisco “Balagtas” Baltazar


B. Mga Kagamitan:
Brochure ni Francisco “Balagtas” Baltazar
Manila Paper, Pentel Pen, Activity Retrieval Chart, TV Led, Powerpoint
Presentation

C. Sanggunian
https://en.wikipedia.org/wiki/Francisco Baltazar
https://youtu.be/tnYTZS2j7vQ

D. Values Integration:
Pagka-makabayan at makabansa

III. Pamamaraan ng Pagkatuto:


A. Pagganyak:
Ayusin ang mga sumusunod na JUMBLED LETTERS upang mabuo ang
mga salitang may kauganayan sa bayaning tatalakayin natin sa araw na ito.

Bukod sa tawag na Balagtas, kilala


K I O K rin siya sa tawag na

Bayan kung saan ipinanganak si


A G T A L S B A Francisco Baltazar.
Tinagurang siyang ______ ng Makatang
Tagalog
E P I S R N P I

Pinakatanyag na obra maestro ni


E F O R N T L A Francisco Baltazar.
A T
A U L A R

Buwan ng kapanganakan ni Francisco


Baltazar.
L I B R A

B. Paghahabi ng Layunin ng Aralin:


1. Magpakita ng larawan ni Francisco Baltazar. Itanong sa mag-aaral kung
kilala nila ang nasa larawan.
2. Gamit ang graphic organizer ilarawan si Francisco Baltazar, bilang
bayani at isang kilalang manunulat.

C. Pag-uuugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:

Ipanood sa mga mag-aaral ang video ng buhay ni Francisco Baltazar.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan :


1. Talakayin ang buhay ni Francisco Baltazar gamit ang powerpoint
presentation.
2. Bigyang pansin ang mahahalagang nagawa/kontribusyon ni Francisco
Baltazar sa pagsulat ng korido, komedya at mga awit.
a. Bakit tinawag na “Prinsipe ng Makatang Tagalog si Francsico Baltazar?
b. Ano-ano ang kanyang naging papel at ambag sa larangan ng pagsulat?
c. Bakit itinuturing na bayani si Francisco Baltazar, samantalang makata
lamang siya?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Gawain1.
Indibidwal na Gawain:
Sa tulong ng Flower Chart, itampok ang limang mahahalagang tala tungkol sa
buhay ni Francisco “ Balagtas” Baltazar. Gamiting gabay ang brochure ni Francisco “
Balagtas” Baltazar sa pagsagot.
 Personal na impormasyon
 Katangiang ipinamalas noong panahon ng Katipunan
 Pagpapatunay ng kanyang katapangan at paninindigan
 Taguri at pagkilalang iginawad sa kanyang kabayanihan

Francisco
“ Balagtas”
Baltazar

Gawain 2:
Para sa iyo, anong katangian ni Francisco “Balagtas” Baltazar ang nais
mong tularan? Bakit?

F. Paglinang sa Kabihasaan:

Pangkatang Gawain
Hatiin ang pangkat sa tatlo at ipagawa ang mga gawain.
Pangkat 1 – Sulkas Tula (Papel na ginampanan ni Francisco “Balagtas” Baltazar
sa larangan ng pagsulat)

Pangkat 2 – Spoken Poetry (Magagandang katangian ni Francisco “Balagtas”


Baltazar bilang bayani ng bansa)
Pangakt 3- Lights, Camera, Action! (Isadula ang talambuhay ni Francisco
“Balagtas” Baltazar)

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

1. Kung ikaw ay isang manunulat sa kasalukuyang panahon at isusulat mo ang


iyong buhay ,ano ang nais mong maging pamagat nito ? Bakit?

2. Bilang isang Pilipino, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa bayan?

H. Paglalahat ng Aralin

 Ipininanganak si Fransico “ Balagtas” Baltazar noong Abril 2, 1788 sa


Panginay, Bigaa, Bulacan.
 Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas
 Isa siya sa apat na anak nina Juana dela Cruz at Juan Baltazar
 Sa edad na 11 taong gulang, naging utusan siya ng isang mayamang taga
Tondo na si Donya Trinidad.
 Nakapag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at Colegio de San Jose.Naging
guro niya si Padre Mariano Pilapil.
 Nakapag-aral ng kanones, batas sa pananampalataya, naging bantog na
mandudula, naging Tenyente Mayor at Huwes de Sementera sa Udyong,
Bataan, at nahirang na dalubhasa sa hukuman ng nabanggit na lalawigan
 Taong 1836 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala
si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon
ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa
kanyang tulang Florante at Laura.
 Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya,
isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan.
 Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya kahit
walang pag-ibig na nadarama si Selya para kay Nanong Kapule. Doon sa
kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz para kay
Selya.
 Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan. Nadestino at naging klerk sa
hukuman si Kiko noong 1840 sa Udyong, Bataan.
 Nakilala niya si Juana Tiambeng na kanyang naging asawa. Nagpakasal sila
noong 1842. Si Tiambeng ay 31 at si Balagtas naman ay 54.
 Sa kauna-unahang pagkakataon, ginamit niya ang Baltazar sa kanyang
sertipiko ng kasal.
 Nagkaroon siya ng apat na anak kay Juana Tiambeng.
 Humawak din siya ng mataas na tungkulin sa Bataan-tenyente mayor at juez
de semantera.
 Nabilanggo muli si Kiko sa Balanga, Bataan dahil sa sumbong na pinutol niya
ang buhok ng katulong na babae ni Alferez Lucas. Nakalaya siya noong 1861
 Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya
ay lumaya.
 Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at mga anak
noong 20 Pebrero 1862.
 Namatay siya sa gulang na 74, dahil sa sakit na pulmonya at dahil narin sa
kanyang katandaan.
 Ang kaniyang mga sinulat
 Orosmán at Zafira – isang komedya na may apat na bahagi
 Don Nuño at Selinda – isang komedya na may tatlong bahagi
 Auredato at Astrome – isang komedya na may tatlong bahagi
 Clara Belmore – isang komedya na may tatlong bahagi
 Abdol at Misereanan – isang komedya
 Bayaceto at Dorslica – isang komedya na may tatlong bahagi,
 Alamansor at Rosalinda – isang komedya
 La India elegante y el negrito amante
 Nudo gordeano
 Rodolfo at Rosemonda
 Mahomet at Constanza
 Claus (isinalin sa Tagalog mula sa Latin)
 Florante at Laura, isang awit ; pinaka-tanyag na gawa ni Balagtas

IV. Pagtataya ng Aralin:

Balikan ang talambuhay ni Francisco Baltazar at punan ng tamang


impormasyon ang mga sumusunod. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

Balagtas, Bulacan Florante at Laura Kiko

Juana Tiambeng Francsico”Balagtas Baltazar

_______________________1. Lugar ng kapanganakan ni Francisco Baltazar.


_______________________2. Tinatawag kay Francisco Baltazar
_______________________3. Asawa ni Francsico Baltazar.
_______________________4. Kilalang obra maestro ni Francisco Baltazar
_______________________5. Siya ay tinaguriang “Prinsipe Makatang Pilipino”

V. Takdang Aralin

Sagutan ang repleksyon sa iyong brochure at ipasa ito sa Biyernes.

Inihanda nina:

ELEONOR D. VALERIO
District AP Coordinator-Cambaog Elementary School

GELLIE DR. EUGENIO


Teacher I- Bulacan Heights Elementary School
Binigyang pansin ni:

DOLORES O. GATUZ
AP District Adviser
Principal II

Pinagtibay ni:

VIRGILIO L. LAGGUI, Ph.D.


EPS – Araling Panlipunan

You might also like