Tagasa, Hazely V - Teoryang Eksistensyalismo - ABNKKBSNPLAko
Tagasa, Hazely V - Teoryang Eksistensyalismo - ABNKKBSNPLAko
Tagasa, Hazely V - Teoryang Eksistensyalismo - ABNKKBSNPLAko
DVM 1-1
TEORYANG EKSISTENSYALISMO
ABNKKBSNPLAko?!
PART 1 BUOD
Kakatapos lamang ng klase ni Roberto at nakasalubong nito ang kapwa guro at kaibigan
na si Portia sa paaralan. Tinanong ni Portia kung nais ba ni Roberto na dumalo sa
nalalapit na hayskul reunion nila. Ikinwento ni Roberto noong siya ay isang mag-aaral pa
lamang. Ang ina niya ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya naman pangarap nito na
mapagtapos si Roberto ang ang dalawa pa nitong mga kapatid. Sa paaralan, maraming
natutunan at mga hindi malilimutang karanasan si Roberto tulad ng naging teacher’s pet,
teacher’s enemy, nangopya, nagpakopya, nagcutting classes, nagJS, nagkamedal sa
quiz bee, at marami pang iba. Sa paaralan din niya nakilala ang dalawa niyang matalik
na kaibigan na si Portia at si Ulo. Nagustuhan si Roberto ni Portia ngunit hanggang
kaibigan lang ang turing nito sa kanya, kaya naman sobrang nasaktan si Portia at
nagkagusto na sa mga babae. Sa hayskul naranasan ni Roberto ang unang pagtibok ng
puso niya para kay Special Someone. Natutong magsulat ng mga love letter si Roberto
upang mapansin siya ni Special Someone, ngunit iba naman ang gusto ng Special
Someone niya. Nang dumating ang JS Prom, inanyayahan si Roberto ng kanyang
Special Someone upang maging date nito para magselos ang dating nobyo. Nagtapos
ng hayskul sina Roberto, Portia, at Ulo, ngunit si Ulo ay hindi na nagtuloy ng kolehiyo at
pinili na lamang maging factory worker. Si Portia naman ay kumuha ng kurso sa pagtuturo
at si Roberto ay kumuha ng Computer Programming sa kolehiyo. Maraming mabuti at
hindi magandang karanasan si Roberto sa kolehiyo tulad ngpagpasok nang huli sa klase,
hindi pagpasa ng mga takdang-aralin sa tamang oras, at ang paghihiwalay nila ng nobya
niya. Nang maghiwalay sila ay sobrang nasaktan si Roberto at hindi gaanong nakatuon
ang atensyon sa pag-aaral kahit pa lumipat siya ng ibang paaralan. Ipinagtapat ni Roberto
sa kanyang pamilya ang hindi niya pagpasok nang dalawang buwan sa kolehiyo kaya
pinatigil muna siya ng kanyang magulang hangga’t naisin na niyang makabalik ulit sa
pag-aaral. Hindi nagtagal ay bumalik din si Roberto sa pag-aaral at kumuha ng kursong
bokasyonal na Computer Programming. Pinag-igihan na nito ang pag-aaral niya kaya
nakapagtapos rin siya at naging guro sa mataas na paaralan ng San Isidro. Hindi
inaasahang nagkita muli si Roberto at si Special Someone noong may kanya-kanya na
silang trabaho ngunit ang dating nobyong si Ken pa rin ang binalikan nito. Nagkita sila
muli sa reunion kasama ang nobyo na si Ken at ipinaalam kay Roberto na magpapakasal
na sila. Nilubag naman nina Portia at Ulo ang loob ni Roberto. Nahuli na naman ni Special
Someone si Ken na may ibang babaeng kahalikan kaya nilubag naman ni Roberto ang
loob ni Special Someone. Masaya namang tinapos ng dating magnobyo ang gabi ng
reunion.
PART 2
Eksena at Dayalogo
Ulo: Alam mo di katulad mo ah, ah? Ako, hindi ko kinakahiya kung ano tayo ngayon.
Hayskul teacher ka, factory worker ako pero okay naman kung ano meron tayo. Masaya
tayo. Gusto ko ‘to. At hindi ako nahihiya kung anong meron tayo. Alam mo ikaw? Aminin
mo na, kaya hindi ka pupunta sa Reunion dahil naduduwag ka. Naduduwag ka na baka
isipin ng ibang tao na epic fail ang buhay mo. Anong pakealam natin sa iisipin nila? Yung
mga sinasabi mong successful na classmates natin, ‘kala mo ba masaya mga yon? Hindi
natin alam noh! Alam mo ha? Kung ganyan ka, hindi ako pupunta ng Reunion kung ang
kasama ko, isang taong walang pakealam at kinahihiya ang sarili niya!
Binibigyang diin ng eksenang ito ang kalayaan ni Ulo sa pagdedesisyon kung pupunta ba
siya sa Reunion. Inilahad dito ang mga isinaalang-alang ni Ulo bago siya
nakapagdesisyon para sa sarili niya. Ipinakita na hindi ikinakahiya ni Ulo kung ano ang
narating niya sa buhay kahit isa siyang factory worker ay nais pa rin niyang dumalo sa
Reunion. Kuntento na siya sa anong mayroon siya kaya malaya niyang napagdesisyonan
na pumunta sana sa Reunion ngunit nagbago ito nang sabihin niya na kung ang
makakasama lang niya dito ay taong walang pakialam at kinahihiya ang sarili ay hindi
bale na lang. Masasabi na nasa kakayahang magdesisyon ni Ulo ang magiging takbo ng
kanyang buhay.
Eksena at Dayalogo
Nahuli sa pagpasok sa klase si Roberto sa kolehiyo kaya nahuli siya ng kanyang guro at
pinagsabihan ang maling ginawa nito.
Guro: May I know, Roberto? Where did you have to go to that’s so important that you
simply have to walk in late sa class?
Guro: Overslept? Overslept? Kung may piso lang akong makukuha every time I hear that
excuse, edi sana mas mayaman pa ako kay Imelda Marcos. Tell me. Do you feel a sense
of importance every time you walk in the classroom late? Hmm? Matutuwa ka ba na may
grand entrance ka at nakikita ka ng lahat ng mga classmates mo na late ka? What sense
of satisfaction do you get out of being late since you’re so good at it? Let me just remind
you, that my time is as important to me as your time is important to you. By being late,
you do not respect my time and in effect, you do not respect me.
Ipinapakita dito ang pribilehiyo ni Roberto na sundin ang kanyang sarili kaya’t kinailangan
na tanggapin niya ang responsibilidad o resulta ng kaniyang kagustuhan saan man siya
maparoon. Masasabi na pinili ni Roberto na mapasobra ang tulog niya kaya nahuhuli siya
sa pagpasok ng klase. Dahil sa paulit-ulit na ginawa ni Roberto ay nahuli siya ng kanyang
guro at pinagalitan ito nang mahuli sa pagpasok. Tinanggap ni Roberto ang resulta ng
kanyang desisyon dahil alam niya sa sarili na siya ang may gawa kung bakit siya
napagalitan ng kanyang guro.
Eksena at Dayalogo
Nang matapos ang klase ni Roberto ay tinawag siya ng kanyang guro at kinausap tungkol
sa kanyang pag-aaral.
Roberto: Sir?
Guro: Look, I’ll be blunt. The quality of your schoolwork has been very sloppy. You have
to put in more effort. Otherwise, you’re not gonna pass this course.
Roberto: Hindi naging madali sakin ang mag-adjust sa buhay kolehiyo. Pakiramdam ko,
nakatapak ako sa isang quicksand at unti-unting nalulunod. Dahil hindi ako nakakasubmit
ng mga assignment sa tamang oras, kinailangan kong mag-absent para magawa ko yung
mga assignment sa ibang subject. At dahil sa mga absences ko, marami akong bagsak
na grado. Para akong kandila na sabay sinusunog sa magkabilang dulo. Hindi ko tuloy
alam ang gagawin ko.