Posisyong Papel TBP

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

POSISYONG PAPEL

_____________________________________________________________________
Parusang Kamatayan: Kasalanan o Katarungan
ni Niña Mae L. Sumilang
STEM 12A4

Marahil lahat ay pamilyar sa tinatawag na Hammurabi’s Code na kung saan ang

nilalaman nito ay ang batas na, “An eye for an eye, and a tooth for a tooth.”. Isa sa mga

makatarungang batas na sinusunod noon at wala itong pinapaburang estado ng

pamumuhay. Ngunit, ito ay noon pa, sa kasalukuyan, mayroon tayong tinatawag na

death penalty.

Ano nga bang kahulugan ng death penalty? Ang death penalty ay isang

parusang pinapataw sa mga taong nagtamo ng isang mabigat na kasalanan. Upang

mabayaran ang kanilang kasalanan, ang kapalit nito ay ang pagkitil ng buhay. Kung ang

isang tao ay napatunayang nagkasala, maraming paraan kung paano kikitilan ng buhay,

ito ay maaaring sa pag-iiniksyon o pagtuturok na naglalaman ng gamot o droga na

mapapabilis ang pagkamatay ng isang tao, maaari ding sa pamamaraan ng

pagkukuryente, pagbibigti at ang firing squad.

Kung susuriin ang ating bansa, lalong lumolobo ang bilang ng krimen. Kaliwa’t-

kanang pagdodroga. Habang tumatagal ay pabata ng pabata ang mga gumagawa ng

krimen. Marahil ay dala ng kahirapan at ang kapabayaan ng magulang. Ngunit, hindi

makatarungan ang lahat ng ito para sa mga nabibiktima. Lalung-lalo na kung may

buhay na nawala. Para sa mga kaanak ng biktima, sapat bang habangbuhay

napagkakakulong ng taong kumitil ng buhay? Kailanman ay hindi. Kung kaya’t ako ay

sumasang-ayon sa parusang kamatayan. Ito ay itinuturing kong katarungan.

Katarungan ang nawawala sa ating bansa kung kaya’t marami pa din ang nakakalusot

sa batas. Walang mabigat na kaparusahan kung kaya’t patuloy na lumolobo ang

____________________________________________________________________________
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN
POSISYONG PAPEL
_____________________________________________________________________
populasyon ng kriminalidad sa bansa. Diba nga’t, buhay kapalit ng buhayat ito ang

sinisigaw na hustisya.

Mainit pa din ang usapang ito sa korte ngunit marami ang umaapela, ang

Comission on Human Rights o ang CHR at ang simbahan na sinasabing baka may

pagkakataon pang magbago at magsimula muli. At tanging ang Maylikha lamang ang

may karapatang kumuha sa buhay. Ngunit, paano naman ang mga inosente na

nadamay at namatay? Maibabalik pa ba ang nawala? Hindi.

Dahil sa death penalty, maaaring bumaba ang bilang ng kriminalidad sa bansa.

Marami na ang matatakot na gumawa ng karumaldumal na aksyon sapagkat buhay na

ang kapalit. Kung ikaw ay nasasangkot sa droga, rape, pagnanakaw na may pananakit

na ginawa at madami pang iba. Hindi ba kayo nagsasawa na ang mapapakinggan

palagi sa balita at ang bubungad sa pahayagan ay ang mga walang awang pagpaslang

sa mga inosente. Ang ugat ng krimen? Droga.

Madugo man ngunit ito ang nakabubuti sa lahat. Ito ang paraan upang maisalba

ang buhay ng mga susunod na henerasyon. Makakamit na din ng bansa ang patas at

makatarungang batas na pinapangarap ng lahat. Matatakot na din ang mga dayuhang

gumawa ng krimen sa bansa dahil sa mabigat na kaparusahan. Ang batas ay nararapat

na patas at walang kinikilingan. Ang katarungan ay dapat naibibigay sa nararapat at

ang pambansang pagkakaisa ay makakamit.

Death penalty, sagot sa lumalalang problema, tungo sa bansang may hustisya.

____________________________________________________________________________
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

You might also like