Anyong Lupa at Tubig

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pagsusulit sa Civics 3

1st Quarter
S.Y 2020-2021
Pangalan: Marka: __________

ANYONG TUBIG

Panuto: Tukuyin kung aling anyong tubig ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Piliin
ang tamang sagot mula sa kahon at isulat ito sa patlang.

Karagatan Batis Lawa

Bukal Ilog

Look Golpo Sapa

Talon Kipot

_______________ 1. Ito ay anyong tubig na isang malawak na look.

_______________ 2. Ito ay anyong tubig na napapaligiran ng lupa.

_______________ 3. Ito ay tinuturing na nagmula sa ilalim ng lupa

_______________4. Ito ay isang makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking


anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.

_______________ 5. Ito ay anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit
na sapa o itaas ng bundok o burol.

_______________ 6. Ito ay isang uri ng anyong tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at
iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa
karagatan.

_______________ 7. Ito ay isang ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos na tubig.


_______________8. Ito ay isang matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa. Ito ay tubig na
umaagos mula sa mataas na lugar tulad ng bundok.
_______________9. Ito ay makitid at natural na daluyan ng tubig na kadalasang mas maliit at
nagmumula sa mga ilog.

_______________10. Ito ang tinuturing na pinakamalaking anyo ng tubig.

Pagsasanay sa Civics 3
1st Quarter
S.Y 2020-2021
Pangalan: Marka: __________
ANYONG LUPA
Kilalanin ang mga anyong lupa na nakalarawan.

yungib bulkan kapatagan

talampas bundok tangway

burol bulubundukin lambak

1. _____________________ 2. _____________________ 3. _____________________

4. _____________________ 5. _____________________ 6. _____________________

7. _____________________ 8. _____________________ 9. _____________________

Panuto: Tukuyin kung aling anyong tubig ang inilalarawan sa bawat pangungusap.
Bilugan ang tamang sagot.

1. Ito ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa
rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
a. Kapatagan b. Burol

2. Ito ay sang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas
kaysa sa burol.

a. Talampas b. Bundok

3. Ito ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring
lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.

a. Yungib b. Bulkan

4. Ito ay higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag
na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga
luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.

a. Burol b. Bulubundukin

5. Ito ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto
tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.

a. Lambak b. Kapatagan

6. Ito ay patag na anyong lupa. Ang kaibahan nito sa lambak ay nakalatag ito sa isang
mataas na lugar.

a. Baybayin b. Talampas

7. Ito ay matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.

a. Pulo b. Bulubundukin

8. Ito ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin
ng tao at hayop.

a. Yungib b. Bulkan

9. Ito ay pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.

a. Burol b. Tangway

10.Ito ay mainit na anyong lupa.


a. Bundok b. Disyerto

You might also like