OUTSOURCING

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

OUTSOURCING

Bukod sa mga nabanggit, ang pagdami ng outsourcing companies ay maituturing na manipestasyon ng globalisasyon.
Hindi na bago ang konsepto ng outsourcing dahil marami na ang gumagamit nito partikular sa malalaking pribadong
kompanya.

Tumutukoy ang Outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang
bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin
ang sa palagay nila ay higit na mahalaga.

Isang halimbawa nito ay ang paniningil ng utang ng isang institusyong pinansyal sa mga credit card holders nito. Sa
halip na sila ang direktang maningil, minabuti ng ilang kompanya na i-outsource mula sa ibang kompanya ang
paniningil sa mga kliyente sa kanilang pagkakautang. Dahil dito mas napagtutuunan nila ng pansin ang higit na
mahahalagang bagay tulad ng agresibong pagbebenta (aggressive marketing) ng kanilang produkto at serbisyo na
nagbibigay naman ng malaking kita. Maaaring uriin ang outsourcing batay sa uri ng ibinibigay na serbisyo tulad ng
Business Process Outsourcing na tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang kompanya. Nariyan din ang
Knowledge Process Outsourcing na nakatuon sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang
teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal. Kung gagawin namang batayan ang
layo o distansya na pagmumulan ng kompanyang siyang magbibigay ng serbisyo o produkto, maaaring uriin ito sa
mga sumusunod:

1. Offshoring- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad.
Saksi ang Pilipinas sa ganitong uri ng outsourcing. Sa pagnanais ng mga outsourcing companies mula United States,
at mgabansa sa Europe na makatipid sa mga gastusing kalakip ng nasabing serbisyo minarapat nilang kumuha ng
serbisyo sa mga kompanya mula sa bansang Asyano tulad India at Pilipinas. Marami sa mga outsorcing companies sa
bansa ay tinatawag na Business Process Outsourcing na nakatuon sa Voice Processing Services. Ilan sa mga gawaing
kalakip nito ay pagbebenta ng produkto at serbisyo, paniningil ng bayad sa nagamit na serbisyo at produkto, pagkuha
ng order ng isang produkto at serbisyo, pagkuha ng mga impormasyon mula sa mga mamimili na magagamit ng mga
namumuhunan at mga katulad nitong gawain. Bukod sa pagkakaiba ng oras, karaniwang nagiging suliranin dito ang
pagkakaiba ng wika at kultura na nakapagpapabagal ng produksyon.

2. Nearshoring- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa. Layunin nitong iwasan
an g mga suliraning kaakibat ng offshoring sapagkat inaasahan na ang kalapit bansang pagmumulan ng serbisyo ay
may pagkakahawig kung di man pagkakatulad sa wika at kultura ng bansang nakikinabang sa paglilingkod nito.
3. Onshoring- Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang
kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon. Tulad ng
nabanggit, talamak sa Pilipinas ang offshore outsourcing sa kasalukuyan. Patunay rito ang dumaraming bilang ng call
centers sa bansa na pag-aari ng mga dayuhang namumuhunan na ang ilan ay mula sa United States, United Kingdom,
at Australia. Malaking bilang ng mga graduates ang nagtatrabaho sa call centers dahil na rin sa mataas na sahod na
ibinibigay ng mga ito. Ayon sa Tholons, isang investment advisory firm, sa kanilang Top 100 Outsourcing
Destinations for 2016, ang Manila ay pangalawa sa mga siyudad sa buong mundo (sunod sa Bangalore, India) na
destinasyon ng BPO. Kasama rin sa listahan ang Cebu City (7th), Davao City (66th), Sta. Rosa City (81st), Bacolod
City (85th), Iloilo City (90th), Dumaguete City (93rd), Baguio City (94th), at Metro Clark (97th). Malaki ang
naitulong ng industriyang ito sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa Information Technology and Business
Process Association of the Philippines (IBPAP), pangalawa ito sa pinagkukunan ng dolyar ng bansa. Katunayan,
lumikha ito ng 1.2 milyong trabaho at nagpasok ng $22 bilyong dolyar noong taong 2015. Tinukoy ng Bangko Sentral
ng Pilipinas (BSP) na kung magpapatuloy ang ganitong takbo ng industriya, malalagpasan nito ang inuuwing dolyar
ng mga OFW sa mga susunod na taon. Naging daan din ito sa pagkakaroon ng karagdagang kita sa maraming mga
Pilipino na nagbunsod naman ng pagka karoon ng surplus budget na nailagak sa mga institusyong pinansiyal bilang
savings o investment. Iyong matatandaan na binigyang pansin sa asignaturang Ekonomiks ang halaga ng savings at
investments sa pag -angat ng ekonomiya ng isang bansa. Samakatuwid, mayroong positibong dulot ang outsourcing
sa pamumuhay ng mga Pilipino.

OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon


Kung mayroon mang isang buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa, ito ay ang mga manggagawang
Pilipino na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay. Sa katunayan, malaking bahagdan ng
manggagawang Pilipino ay matatagpuan sa iba’t ibang panig ng daigdig partikular sa Timog-kanlurang Asya tulad ng
Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at Silangang Asya tulad ng South Korea,Japan, Taiwan, Hongkong at
China. Maging sa kontinente ng Europe at America tulad ng Canada at United States ay kakikitaan ng mga
manggagawang Pilipino. Ang pangingibang-bayan ng manggagawang Pilipino ay nagsimula sa panahon ni dating
Pangulong Ferdinand Marcos bilang panandaliang tugon sa budget deficit ng kaniyang administrasyon. Naging
matagumpay ang stop gap measure na ito. Nang makita ng pamahalaan ang malaking kapakinabangang makukuha
dito’y pinaigting pa ang pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa.Kaya naman nagpapatuloy ito hanggang sa
kasalukuyan.

You might also like