Consolidation Topic 2
Consolidation Topic 2
Consolidation Topic 2
ANG PAGSISISI
Anuman ang iyong nagawa, mayroon ng nakahandang paraan ang Diyos para
makapanumbalik ka sa Kanya-at ito’y sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesu-
Cristo. Ang Kanyang kamatayan sa krus at ang tagumpay ng Kanyang muling
pagkabuhay ang siyang nag-iingat para sa iyo ng lahat ng mga pagpapalang galing sa
Diyos, kasama na ang pagpapatawad. Ang tanging gagawin mo lang ay magsisisi at
ipagkatiwala ang iyong buhay kay Hesus. (Mga Gawa 3:19)
Ang ating Amang nasa langit ay hindi naghahanap ng paraan para sa parusahan tayo.
Oo, Siya ay makatuwirang Diyos subalit Siya rin ay isang mapagmahal na Ama na
naghahanap ng Kanyang nawawalang anak. Siya’y isang Pastol na handing iwan ang
kanyang 99 na tupa na nasa ligtas na pastulan para hanapin ang isang tupang
naliligaw.
Habang ikaw ay nananalangin, matiyagang naghihintay ang Diyos, bukas ang Kaniyang
mga kamay para sa lahat ng Kanyang mga anak na nais magbalik-loob sa Kanya. Ang
kailangan lamang ay matuto tayong magpakumbaba at manampalataya na ang
mapagmahal nating Ama ay nakikinig sa ating mga tapat na pagsamo at Kanyang
lilinisin tayo sa lahat ng kasalanan.
Maglaan ng ilang sandal sa oras na ito upang magsisi - - upang magbago ng iyong
kaisipan at talikuran ang anumang nagpapahiwalay sa iyo sa Diyos at sa mga nasa
paligid mo.
Ama, naniniwala po ako na mahal N’yo po ako. Ang Iyong mga salita ang nagsasabi na
ang iyong pagtitiyaga at kabaitan ang siyang nag-aakay sa akin tungo sa pagsisisi.
Kaya nga, nagpapakumbaba akong lumalapit sa Iyo, at ipinapahayag ang aking mga
kasalanan. Nagpapasalamat po ako sa Inyo sa pagpapatawad at paglilinis Ninyo sa
aking katawan, kaluluwa, at espiritu. Sa pamamagitan ng dugo ni Hesus, turuan mo
akong lumakad nang may katapatan at katuwiran sa iyong harapan araw-araw. Sa
pangalan ni Hesus, Amen.
Kailangan natin magtiwala ka Hesu-Cristo na pinatawad na ang ating mga kasalanan at
sikaping lubusang sumunod sa Kanya sa lahat ng araw ng ating buhay. Sa gayong
paraan, makikilala natin ang Diyos at makasusumpong tayong muli ng kapayapaan.
Ang sabi ng Bibliya, “Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong
puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. Sapagkat
sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay
pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang
labi at sa gayon ay naliligtas.” (Roma 10:9-10)
PERSONAL NA PAGSASABUHAY
Isipin mo: Anong mga kaisipan, sitwasyon o mga kilos na maaaring maging hadlang sa
iyong relasyon sa Diyos?
PANALANGIN
Panginoon, naniniwala po ako na Ikaw ang nasa katuwiran at ako ang mali. Nagsisisi
po ako sa mga bagay na aking nagawa. Sa iyong pag-ibig at kagandahang-loob, ako
po’y nagsisisi, at magbabago po ako ng paraan ng aking pamumuhay. Isasabuhay ko
ang katotohanang galing sa Iyong mga salita, ang Bibliya. Sa pangalan ni Hesus,
Amen.