DLP in Filipino 5 Week 8 - Day 1 - Sir Ding Bobis

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

GRADE 1 to 12 School ILA TALIM ES Grade Level IKALIMANG BAITANG

DETAILED LESSON Teacher Subject FILIPINO


PLAN LYNETTE J. LOYOLA
Teaching Dates October 6 2017 Quarter IKALAWANG
MARKAHAN

WEEK 8- DAY 1
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan/nabasa (F5PN-Ih-17)
BALIK-ARAL
Paano mo maipakikita ang pagtanggap sa mga ideya ng nabasang akda/teksto?
Magbigay ng mga pamantayan.

PAGLALAHAD
Paghahawan ng balakid
Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa Hanay A na makikita sa Hanay B.
Isulat ang tamang titik sa patlang.

Hanay A Hanay B
_______ 1. yumanig A. taos-puso
_______ 2. pumutok B. kakila-kilabot
_______ 3. tumana C. sumabog
_______ 4. kahindik-hindik D. pastulan
_______ 5. taimtim E. umuga nang
malak
Pagganyak na Tanong
Naniniwala ba kayo sa tinatawag na Biyernes 13?
Magbigay ng halimbawa o sariling karanasang may masamang nangyari sa inyo noong
Biyernes 13.
Ipakita ang mga larawan. Ano ang masasabi ninyo sa larawan

Bakit naging kahindik-hindik ang Biyernes sa pamilya Dichoso?


Babasahin ng guro ang kuwento.
__________________________________
Kahindik-hindik ang Biyernes na iyon, 1991 para sapamilya Dichoso na nakatira malapit sa
paanan ng Bundok ng Pinatubo. Pahuni-huni pa ng isang himig sa Aling Linda habang
naglalaga ng kamote. Namimitas naman ng unang bunga ng mga mais si Tatang Venciong sa
tumana. Kaaya-ayang pagmasdan ang pagtutulungan ng magkakapatid na sina Jun, Josie at
Zaldy na nagbubunot ng damo sa halamanan habang nagkukuwentuhan. Paminsan-minsan
ay napapahalakhak ng malakas si Jun, pangiti-ngiti lamang si Josie at napapahagikhik naman
si Zaldy.
Walang anu-ano’y biglang yumanig ang lupa. Nagdilim ang kalangitan at
Umalingawngaw ang isang napakalakas na pagsabog. Nagmistulang gabi ang magandang
umagang yaon.Lumuluha, humihiyaw, humahagulgol sa takot na patakbong nagbalik sa bahay
ang magkakapatid. Lumindol nang napakalakas at napakatagal.
Umulan ng abo at mga bato. May batong maliliit at malalaki ang tipak.
May kasama pang mga buhangin ang abo. Walang anu-ano’y pumutok ang Bulkang
Pinatubo. Naglabas ito ng abo, buhangin at lava. Takot na takot na nagyakap ang mag-anak.
Lumuhod sila at nagdasal nang taimtim. Hindi nila alam kung gaano sila katagal sa ganitong
ayos.
PAGTALAKAY
Pagsagot sa Pagganyak na Tanong
1.Kailan naganap ang pangyayari?
2. Ilarawan ang mag-anak ng umagang iyon?
3. Anong ugali ang ipinamalas ng bawat isa?
4. Sinu-sino ang mga magkakapatid?
5. Ano ang pangalan ng kanyang ama? Ina?
6. Ano ang narinig ng mag-anak?
7. Ilarawan ang naging tagpo ng umagang iyon.
8. Bakit lumuha at napahiyaw ang magkakapatid? Ano ang nangyari?
9.Bago pumutok ang bulkan, ano muna ang nakita at naramdam nila sa kalangitan?
10.Matapos maglabas ng abo, buhangin at lava, ano ang ginawa ng mag- anak?
11.Kung isa ka sa magkakapatid gagawin mo rin ba ang ginawa nila?Bakit?
12. Anu-anong damdamin ang namayani sa mag-anak?
13. Ano ang angkop na pamagat ng kuwentong iyong binasa? Isulat ito sa
patlang sa itaas.

PINATNUBAYANG GAWAIN SA PAGSASANAY


Pangkatang Gawain
Pagsunod sa panutong babasahin ng guro. Pangkatin sa tatlo ang mga bata.

PANGKAT 1
Iguhit ang pamilya Dichoso ng umagang iyon. Iguhit ang masayang tagpo
Habang sila ay gumagawa sa bahay. Kulayan at lagyan ng angkop na pamagat ang iginuhit.

PANGKAT 2
Iguhit ang mga bagay o pangyayari ng sumabog na ang Bulkang Pinatubo.Kulayan ito
at lagyan ng angkop na pamagat.

PANGKAT 3
Magpakita ng isang dula-dulaan tungkol sa pangyayaring naganap ng
sumabog na ang Bulkang Pinatubo. Lagyan ang nabuong dula-dulaan ng angkop na
pamagat.

Pagpapakita sa klase ng Pangkatang Gawain

PAGLALAHAT NG PANGKATANG GAWAIN (GUMAMIT NG RUBRICS )

Kailangan ang pamagat sa anumang uri ng katha. Ito ang nagpapahiwatig ng


diwang napapaloob sa kathang babasahin kahit na binubuo ito ng ilang magkaka-ugnay na
pangungusap lamang. Iniaangkop ang pamagat ng binasa o kaisipang inihahayag ng
babasahin o iginuhit.

ISAHANG PAGSASANAY
Basahin at unawain ang talata sa bawat bilang. Bigyan ito ng magandang pamagat.
1.________________________________
Isang bakasyon, sa likuran ng hardin sa lumang bahay nina tatay sa Lungsod ng Vigan. Isang
lumang barya ang aking nakita. Agad ko itong pinulot at pagkatapos ay tumakbo ako kay Lola.
Tinanong ko siya kong tama nga ang aking hinagap, kung ito nga ay piso ng nakaraaang lipunan.
Mabilis ang tugon ni Lola at sinabing iyon nga ang piso noong kanilang panahon. May kalakihan at
may kabigatan, hindi gaya ng hitsura ng piso ngayon.
2.________________________________
Kung pupunta ka ng Sagada, ihanda ang iyong sarili para sa mga pambihirang karanasan. Maliit
na bayan ang Sagada ng lalawigan ng Mountain Province sa Cordillera Administrative Region.
(CAR). Malayo sa urban na pamumuhay ang Sagada. Malayo rin sa industriyalisasyon. Kaya kung
magnanais ka ng payapa at maaliwalas, liblib na lugar, may sariwang hangin, sariwag mga gulay at
prutas, sa Sagada ka pumunta. Sa mga tanawin naman nariyan ang Kiltepan View na sa madaling
araw ay pinupuntahan ng mga turista sapagkat inaabangan dito ang pagsikat ng araw, Hanging
Coffins, mga kabaong ito na patong-patong na nakasabit sa limestone, karst cliffs, ang talon ng
Bomod-ok at marami pang iba.
3.________________________________
Mahalaga ang mga trekking shoes sa gaagwing pamamasyal sa Sagada. Sa gagawin mong
pagtaas at pagbaba sa mga lalakarin, masusubok ang iyong lakas at tibay lalo na’t kung sanay ka sa
lungsod na kahit malapit lang ang destinasyon ay sasakay ka pa. Sa Sagada ay mahaharap ak sa
paglalakad. Kapag bibili ka sa tindahan, lalakarin mo ito pababa, kung maghahanap ka ng
makakainan pupuntahan mo ito pababa, sa pamamagitan pa rin ng paglalakad. Upang masulit mo
ang malinis at sariang hangin lalakarin mo ang mga pataas-pababang mga kalsada. Kung nais mong
pumitas ng sariwang dalandan, sa bukana lamang ng iyong sasakyan at maglalakad ka ulit. Sa
pakikipagsapalaran sa mga kuweba gaya ng Lumiang Cave,ibayong tibay at lakas ng mga binti at
paa ang kailangan mo sa paglalakad. Napakaesensyal ng paglalakad sa buhay ng tao.
Nagpapalusog ito ng pangangatawan.
4.________________________________
Maraming tao sa pasyalan gaya ng Children’s Park at Rizal Park sa Maynila, EcoPark, UP Sunken
Garden, Quezon Circle sa Lungsod Quezon at sa iba pang pasyalan. Makikita ditto ang ama at ina na
masayang sinusubaybayan ng mga tingin ang mga naglalarong mga anak; ang magkakaibigan na
masayang nagkukuwentuhan habang kumakain ng popcorn, mais at anumang kutkutin; ang mga
mag-aaral na nag-eensayo ng sayaw. Iba-ibang tao na may iba’t-ibang dahilan ng pagtungo sa park
o pasyalan lalo na sa araw ng Linggo.

5.________________________________
Araw-araw libu-libong sasakyan ang bumubuga ng makapal na usok. Nagkalat din ang mga
tumpok ng basurang hindi regular na kinokolekta ng mga basurero. Dagdag pa rito na maraming
mamamayan ang hindi marunong gumamit ng mga basurahan at basta na lang nagtatapon ng bsura
kahit saan. Ang lalong masama ayang ugali ng ilang kalalakihang umiihi kahit saang kubling lugar.
Lahat ng ito ay nagpaparumi sa Lungsod.

PAGLALAHAT
 Anu-ano ang mga mahahalagang dapat tandaan sa pagbibigay ng angkop na pamagat? Ano
ang napapaloob sa pamagat?
Dapat tandaan na mahalaga ang pamagat sa anumang uri ng katha. Dito napapaloob ang diwang
ipinahihiwatig o kaisipang ipinahahayag ng babasahin.
PAGLALAPAT
Basahin at unawain ang mga talata at ibigay ang angkop na pamagat nito.Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.
________________________________________________
1. Noong araw, ang asin ay ginagamit na pamalit ng mga bagay na hindi mabili ng pera. Inilalagay din ang
asin sa pagkain. Ang Isda at karne ay tumatagal kung inaasinan. Ginagawa rin itong pang ulam ng iba. Ang
asin din ay ginagamit na pampaputi at panglinis ng mga ngipin. Ang asin ay nagbibigay din ng lasa sa mga
pagkain. Ang asin din ay ginagamit din panglunas ng mga sakit at sugat. Ginagamit ng tao ang asin sa
iba’t-ibang paraan.

____________________________________________________________
2. Si Maricar at ang kanyang ina ay nasa palengke.
Maricar: Inay, sobra po ng siyam na piso ang sukli ng ale.
Aling Aida: Oo nga, ano? Naku! Aling tindera, sobra ang ibinigay mong suki. Isauli mo nga, Maricar.
Maricar: Opo Inay.Ale, ito na po ang inyong sobrang sukli.
Aling Tindera: Sa iyo na yan, Ineng. Iyan ay para sa mga batang matapat katulad mo.
___________________________________________________________
3.

___________________________________________________________
4.
5.__

____________________________________________________

Senador Prinsipe ng Manlililok na Pilipino


Dakilang Propagandista Gantimpala Para sa Katapatan
Ang Gamit ng Asin

PAGTATAYA
Basahin at unawain ang mga talata at ibigay ang angkop na pamagat nito.Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

______________________________
1. Ang sepak takraw ay isang laro na binubuo ng dalawang koponang magkatunggali .
Ang bawat koponan ay binubuo ng tatlong manlalaro. May sariling posisyon ang mga
manlalaro. Upang makagawa ng puntos, kailangang mapabagsak ang bola sa lapag
ng kabilang panig. Labinlimang puntos lamang ang kailangan para manalo.

______________________________
1. Sa iyong pag-aaral nangangailangan ka ng iba-ibang aklat na mapagkukunan ng
mga impormasyon. Dahil dito, dapat mong malaman ang iba’t-ibang uri ng aklat na
nagbibigay ng mga kinakailangang kaalaman. Narito ang ilan sa mga aklat na
matatagpuan sa silid-aklatan: ensayklopediya, diksiyonaryo, mga panlibang na
babasahin at mga magasin at dyaryo.

______________________________

2. Noong nanliligaw pa lamang si Pangulong Manuel L. Quezon kay Donya Aurora dumalaw siya rito
ng naka-Amerikana at kurbata. Tinanong siya ni Donya Aurora kung bakit bihis na bihis siya.
“Ikakasal na ako”! masayang tugon ni Manuel. Nagtungo sa kusina si Donya Aurora at nag-iiyak.
Sinundan siya ng nagbibirong si Manuel at nakangiting sinabi, “Mahal mo pa rin pala ako!”.

______________________________
4.Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang bisita, bawat isa sa kanila ay abala sa paghaahnda
para sa darating na panauhin. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Pinagkakaabalahan din
nila ang pagsundo at paghahatid sa panauhin.

______________________________
5. Umaawit habang nagtatanim, namamangka o nagpapatulog ng sanggol ang mga sinaunang
Pilipino. Maraming awiting bayan sa bawat uri ng pagdiriwang ang mga ninuno natin.

Pagkamasayahin ng mga Pilipino Pagiging Maasikaso sa Mga Panauhin


Ang Panliligaw ni Pangulong Quezon Mga Iba’t-Ibang Uri ng Sanggunian
Pamantayan sa Larong Sepak Takraw

TAKDANG-ARALIN
Basahin ang tula sa pahina 49-50 ng Alab Filipino 5. Bigyan ito ng angkop na pamagat.

You might also like