Noli Me Tangere
Noli Me Tangere
Noli Me Tangere
Rizal
Nag-umpisa ang nobela sa nakatakdang handaan sa tahanan ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala sa tawag na
‘kapitan Tiyago’ bilang pagbabalik bayan ni Crisostomo Ibarra, anak ng matalik niyang kaibigan, mula sa pitong taong
pag-aaral sa Europa. Ilan sa mga panauhin ay ang mag-asawang Dr. De Espadana at Donya Victorina, Padre Sibyla na
kura ng Binundok, Padre damaso, Tinyente Guevarra na tinyente ng mga guardia civil. Ilan sa mga napag-usapan ng mga
panauhin ay ang pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko ng bayan ng San Diego na nagsilbi ng
dalawangpung taon. Ayon sa pari, ang dahilan ng pagkakatanggal niya ay dahil sa pagpapahukay niya sa labi ng isang
marangal na lalaki na hindi nakapangumpisal.
Dumating na si Juan Crisostomo Ibarra Y Magsalin o Ibarra sa handaan, anak siya ni Don Rafael Ibarra at dahil para sa
kanya ang handaan, siya ang naupo sa kabisera. Binaggit din siya sa lahat ang ideyang pagpapatayo ng paaralan para sa
kapwa Pilipino. Nagpupuyos naman sa galit si Padre Damaso dahil napunta sa kanya ang hindi magagandang parte ng
Manok na Tinola.
Isang gabi, habang naglalakad si Ibarra, nakita siya ni Tinyente Guevarra at inilahad nito kung paano nahirapan at
namatay ng kanyang ama sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
Nakarating na si Maria Clara sa bahay ni Kapitan Tiyago at tuwang-tuwa naman dito si Padre Salvi, ang paring may
pagnanasa kay Maria. Inilahad naman sa nobela ang buhay nina Kapitan Tiyago at Pia Alba na ina ni Maria.
Kinabukasan, nagkaroon ng Suyuan sa Asotea sina Maria Clara at Ibarra. Pagkatapos, pumunta si Maria sa kumbento
para kumuha ng gamit at nakausap niya si Padre Damaso na nagsabing dapat na niyang itigil ang pakikipagkita kay
Ibarra. Sa kabilang dako, bumisita si Padre Sibyla sa isang matandang paring may sakit.
Kinalaunan, nabunyag ang detalyadong nangyari sa bangkay ng ama ni Ibarra na si Don Rafael. Ito ay hinukay sa
kadahilanang hindi daw ito bagay sa nililibingan nito, dapat daw ay sa libingan ito ng mga intsik nakalibing ngunit nang
dinadala na ito, nagkataong umuulan at hindi kinaya ng sepulturero at ng kanyang kasama ang bigat na dala ng kabaong
at ng tubig ulan kaya ang bangkay ay nagpatianod na lamang sa lawa. Nang marinig ito ni Ibarra, siya ay nagalit lalo pa
nang malaman niyang si Padre Damaso ang may pakana ng lahat.
Sa kabilang dako, dumalaw naman si Don Anastacio o mas kilala sa tawag na Pilosopo sa puntod ng kanyang asawa. Siya
ay kinikilala bilang matalinong tao na sa paniniwala ng iba ay nabaliw na kaya kung anu-ano nang idealismo ang
sinasabi. Pagkatapos, dumalawa siya sa mag-asawang Don Filipo at Aling Doray.
May magkapatid na ang pangalan at Crispin at Basilio, sila ay magkapatid na anak ni Sisa, babaeng sunud-sunuran sa
lasinggero at basagulerong asawa. Pinagkamalang nagnakaw ng dalawang onsa o 32 pesos ang nakababatang anak ni
Sisa na si Crispin at hindi daw ito makakauwi hangga’t di niya nababalik ang nawalang pera. Samalantang si Basilio
naman ay pinagalitan dahil sa maling pagpapatugtog ng kampana.
Nagkaroon ng pagkakataong naghanda si Sisa ng mga paboritong pagkain ng kanyang dalawang anak pero sa kasamaang
palad, mas naunang umuwi ng bahay ang walang kwenta niyang asawa at inubos ang lahat.
Pagkatapos, nakauwi na sa wakas si Basilio na nadaplisan ng bala sa ulo. Ikinuwento niya ang nangyari kay Crispin, kung
paano sumigaw at humingi ng tulong ang batang kapatid at wala siyang magawa para ito ay tulungan.
Tungkol sa pagpapatayong paaralan ni Ibarra, siya, kasama ang guro na tutulong sa kanya ay inanyayahang maging bisita
sa tribunal, ito ay isang bulwagan para sa pagpupulong ng mga makapangyarihan at mayayaman. May dalawang pulong,
ang mga Conserbador na binubuo ng pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng kabesa at pangalawa, ang Liberal
na binubuo ng mga kabataan sa pangunguna ni Don Filipo. Ilan sa mga napag-usapan ay ang paaralan at ang nalalapit na
piyesta. Sa huli, napagdesisyunan na sa piyesta, magkakaroon ng anim na pruisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor
at isang komedya.
Ang kawawang Sisa ay patuloy padin sa paghahanap sa kanyang mga anak at nang pauwi na ito, nakita niyang galing lang
sa bahay nila ang ilang guardia civil. Pilit pinaamin si Sisa at nang walang mahita sa kanya, kinaladkad nila ito at ipinasok
sa kwartel. Pinauwi din siya kinagabihan at nakita sa kanilang bahay ang punit na damit ni Basilio na may dugo. Siya ay
nababaliw na.
Dumating naman si Maria Clara at Tiya Isabel sa San Diego para sa nalalapit na piyesta. Nagyaya ng piknik si Ibarra.
Ito ang araw ng piknik, kasama ang mga kaibigan ni Maria Clara na sina Iday, Victorina, Neneng na nakahiwalay ang
Bangka sa mga lalaki. Sa kasamaang palad, nabutas ang sinasakyang Bangka ng mga lalaki kaya tumabi sila sa mga babae.
Walang mahuling isda ang mga nasa piknik dahil sa buwaya na nasa lawa kaya lumundag si Elias, ang nagsasagwan, at
tinulungan naman siya ni Ibarra sa pamamagitan ng paglundag din at nagapi nila nila ang buwaya.
Pagkatapos, nag-usap si Ibarra at Pilosopo Tasyo tungkol sa paaralang ipapatayo. Sa panahon ding ito, bisperas na ng
Pista at tinatapos na ang paaralang pinapagawa sa tulong ni Nol Juan.
Nagkaroon ng pagkakataong may nakita si Maria na ketongin at sa sobrang awa nito, ibinigay niya ang regaling bigay sa
kanya ng Ama.
Tanging mga kastila lamang ang naisisyahan sa komedya dahil wikang kastila ang salita nila. May pananaw naman si
Pilosopo Tasyo na ang paghahanda dito ay pagsasayang lamang ng oras at pera. May ibang bagay pa daw na mas
mahalaga at dapat paghandaan kaysa sa pagpapagarbo ng Piyesta.
Sa panahong ito, ginaganap ang misa na bawat isa ay kailangang magbigay ng 250 para sigurado daw na ang kanilang
kaluluwa ay mapupunta sa langit. Sa sermon, inaalipusta ni Padre Damaso si Ibarra pero hinayaan lamang niya ito.
Habang nagmimisa, nakausap niya si Elias nang walang nakakaalam. Binalaan siya nito sa mangyayari kinabukasan.
Nagkatotoo nga ang babala ni Elias at nagkaroon ng aksidente na siyang kinamatay ng taong dilaw, isa sa mga
responsible sa pagpapagawa ng paaralan. Sa totoo pala, ang nagplano ng aksidente ay ang taong dilaw mismo.
Darating at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tiyago ang Heneral kaya nagkaroon ditto ng kainan. Nasa magkabilang dulo si
Ibarra at ang alkalde. Huling dumating si Padre Damaso at pagkadating pala nito ay pinagdiskitahan na kaagad niya si
Ibarra sa pamamagitan ng pagsasalita ng masasamang bagay. Nabuklat ang nangyari sa ama ni Ibarra na kanyang
ikinagalit na muntik pa niyang masaksak si Padre Damaso. Mabuti na lamang at nandoon si Maria Clara at napigilan niya
ito. Sa huli, umalis na lamang si Ibarra.
Kumalat sa buong San Diego ang nagging aksyon ni Ibarra at halos lahat ng tao ay panig kay Padre Damaso. Tanging si
Kapitan Martin at Kapitana Maria lamang ang nagtatanggol kay Ibarra. Dahil dito ay itinanghal bilang pilibustero si
Ibarra. Samantala, nag-aalala naman ang mga magsasaka nab aka hindi na matuloy ang pagpapagawa ng Paaralan at
manatiling mang-mang ang kanilang mga anak.
Kinabukasan, umiiyak si Maria at inalo siya ni Padre Damaso sa pagsasabing sa ibang lalaki na lang siya ilalaan at hindi na
kay Ibarra. Dumating na din ang Heneral sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Sa pagkakadating ng Kapitan, isa-isa niyang kinausap ang mga taong kilala sa bayan at ang pinakanagustuhan niya ay si
Ibarra na sinabi pang gagawan niya ng paraan ang pagiging excomulgado ni Ibarra, nagprisinta din itong maging ninong
sa kanilang kasal ni Maria.
Pagkatapos, nagsimula na ang prusisyon at napilitang pumunta ni Ibarra dahil sa Kapitan. Sa harap ng bahay nila kapitan
Tiyago gaganapin ang nasabing Gawain at napansin ng ilan ang pagkawala ng magkapatid na Crispin at Basilio.
Sa sumunod na kabanata ay inilahad ang buhay ni Donya Consolacion na asawa ng Alperes. Siya ang babaeng maraming
kolorete sa mukha na palaging naiinis sa mga bagay-bagay. Naiirita siya sa prusisyon at ibinaling na lamang ang galit kay
sisa na naririnig niyang kumakanta. Pinahirapan niya sa sisa hanggang sa dumating ang Alperes at pinatigil ang ginagawa
niya dahil na din sa ihahatid niya it okay Ibarra kinabukasan.
Pagkatapos, nag-umpisa na ang dula na pinagunahan ni Chananay at Marianita, dumating si Ibarra ngunit umalis din
kaagad. Sa kanyang pag-alis, nagkaroon ng kaguluhan dahil gusting patigilin ni Donya Consolascion ang dula. Nahimatay
si Maria na sinuportahan naman ni Padre Salvi.
Sa panahong ito, hindi makatulog si Ibarra kaya nagpunta ito sa kanyang laboratory, dumating si Elias para sabihing may
sakit si Maria at siya di ang tumigil sa naganap na kaguluhan. Papunta siya sa bahay ni Kapitan Tiyago nang Makita niya
sa daan si Lucas, kapatid ng taong dilaw na namatay at humihingi ito ng malaking pera para sa namatay niyang kapatid
pero hindi ito pinagbigyan ni Ibarra dahil siya ay nagmamadali. Dito nalaman na ang ama ni Lucas at Taong Dilaw ay
pinahirapan ng lolo ni Ibarra, si Saturnino.
Tuluyan na ngang nagkasakit si Maria Clara at dahil dito, sinamo ni Kapitan Tiyago si Don Tiburcio de Espadana at Donya
Victorina kasama si Linares na galing espanya, nag-aaral ng abogasya. Inilahad din ang buhay ng mag-asawa at nalamang
hindi pala totoong doctor si Tiburcio. Si Linares naman na nabighani din sa kagandahan ni Maria ay may dalang sulat at
nakasaan doon na nangangailangan siya ng mapapangasawa at trabaho.
Dumating naman si Lucas kay Padre Salvi para kunin ang pera para sa namatay niyang kapatid, naliitan siya sa pera at
nainis kaya ito ay umalis na lang.
Patuloy naman sa pagtaas ang lagnat ni Maria pero kinalaunan ay gumaling na din siya, ibinalita naman ni Padre Damaso
na siya ay lilipat sa Tayabas. Hindi naman makasulat si Ibarra kay Maria dahil abala ito sa pag-aayos ng kanyang
excomulgado. Para daw tuluyan nang gumaling si Maria, kailangan daw niyang mangumpisal at si Padre Salvi ang paring
mangungumpisal sa kanya. Hindi maituon ng pari ang kanyang sarili sa sinasabi ni Maria dahil iniisip niya ang mukha at
katawan ng babae.
Sa kabilang dako, nakipagkita si Elias kay Kapitan Pablo na may masalimuot na nakaraan sa kamay ng mga kastila.
Nagbabalak sila ng himagsikan at binaggit ni Elias ang pagkakakilala niya kay Ibarra na maaring tumulong sa kanilang
nais. Ang plano, pakiusapan si Ibarra na makipagusap sa heneral tungkol sa hinaing ng mga sawimpalad at kung hindi ito
mangyayari, itutuloy nila ang himagsikan.
Samantala, dumako ang kwento sa isang pamilyar na lugar sa mga panahong ito, sa Sabong na may tatlong parte, una,
ang bungad kung saan nakaabang ang maniningil para sa lahat ng papasok, pangalawa, ang ulutan, dito nakahanay ang
mga nagtitinda ng samu’t sari at nagpupustahan, nagtatayaan at nagbabayaran, huli, ang Ruweda na pinagdarausan ng
sultada. Nakatakdang magsabong ni Kapitan Tiyago na may malaki at putting lasak at si Kapitan Basilio na may hawak na
bulik. Sila ay nagpustahan ng 3,000. Narito din ang magkapatid na Bruno at Tarsilo na sa huli ay natukso ni Lucas na
pahiramin ng pera kapalit ng pagsama nito sa magaganap na himagsikan.
Sa ibang kwento, Nagkaroon ng konting kaguluhan sa pagitan ng mag-asawang Donya Victorina at Don Tiburcio at ng
Alperes at Donya Consolacion. Sinabi ni Donya Victorina sa asawa na hamunin sa barilan ang alperes ngunit natakot ito
kaya pagdating sa bahay ni Kapitan Tiyago, napagdiskitahan niya si Linares at inutusang hamunin sa barilan ang Alperes
kung hindi ay isisiwalat ng babae ang tunay na buhay ni Linares. Sa pagtatapos ng gabi, dumating na si Kapitan Tiyago at
ibinigay na ang ilang libong piso na bayad sa panggagamot kay Maria.
Masayang ibinalita ni Ibarra sa guro sa ginagawang paaralan na tinanggal na ang pagigin excomulgado niya. Nakita niya
si Elias at nag-ayang mamangka.
Sa Bangka, ipinahayag ni Elias ang saloobin ng mga sawimpalad, ito ay ang (1) pagbabago sa pagtrato sa kanina ng
sandatahan at mga prayle (2) pagkakaloob ng karangalan sa karapatang pagtao. Ikinuwento ni Elias ang nakaraan ng
kanyang pamilya, kung paanong masalimuot na pinatay ang kanyang lolo, lola, at kapatid. Sa huli, hindi padin pumayag
sa gusto nila si Ibarra dahil ang katwiran niya, hindi maitatama ng isang mali ang isang pagkakamali.