COT-Banghay Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV MIMAROPA
Division of Palawan’North Brooke’s Point District
LINAO ELEMENTARY SCHOOL
Ipilan, Brooke’s Point, Palawan

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao I na may Integrasyon sa Gender and Development

I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapasalamat sa
Pangnilalaman lahat ng likha at mga biyayang tinatanggap mula sa Diyos
B. Pamantayan sa Naisasabuhay ang pagpapasalamat sa lahat ng biyayang tinatanggap
Pagganap at nakapagpapakita ng pag-asa sa lahat ng pagkakataon
C. Pamantayan sa EsP1PD- IVd-e – 2
Pagkatuto Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapwa
II. Paksang Aralin A.Paksa: 1. Paggalang sa paniniwala ng iba
B. Sanggunian: K to 12 Esp 1 Gabay Pangkurikulum.
Edisyon May 2016
Patnubay ng Guro pp. 90-91
Kagamitan ng Mag-aaral pp. 259-265
C. Mga Kagamitan: powerpoint presentation, mga
larawan, tsart,
D. Pagpapahalaga:Paggalang sa paniniwala ng iba
Paggalang sa kasarian ng iba

E. Integrasyon :GAD Paggalang sa kasarian ng iba


III. Pamamaraan

A. Pagbabalik aral Ano-ano ang mga ipinagpapasalamat ng bata sa Diyos? Bakit?


B. Paghahabi sa layunin Tignan ang mga larawan at sabihin kung saan sila makikita at sa anong
ng Aralin relihiyon sila kabilang.

C. Pag-uugnay ng mga Sabihin kung anong relihiyon kabilang ang mga bata sa larawan.
Halimbawa sa Bagong
Aralin

D. Pagtalakay ng I Ang mga Pilipino ay may iba’t-ibang paniniwala tungkol sa Dakilang


Bagong Konsepto at Lumikha. Marami sa mga
Paglalahad ng Bagong Pilipino ang naniniwala sa Kristiyanismo. Kabilang dito ang relihiyong
Kasanayan # 1 Katoliko, Iglesia ni Cristo at Protestante. Mayroon ding naniniwala sa
Islam. Bagama’t iba-iba ang mga paniniwala ng mga Pilipino,
mahalagang igalang ang mga ito.

E. Pagtalakay ng Ano- ano ang iba’t-ibang relihyon mayroon tayo dito sa Pilipinas?
bagong Konsepto at Saan ka kabilang?
Paglalahad ng Bagong Maari bang maging magkaibigan ang isang katoliko sa isang
Kasanayan #2 protestante? Bakit?

F. Paglinang sa Pangkatin ang mga bata para sa pangkatang Gawain


Kabihasnan (Bigyan ng takdang oras ang kanilang gawain at muling ipaalala ang
mga tuntunin sa pangkatang gawain.)

Unang Pangkat: Kulayan mo ako


Kulayan ang larawang nagpapakita ng paggalang sa
paniniwala ng iba.
Panuto:Pag-aralan ang bawat larawan. Piliin at kulayan ang larawan na
nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba. Ipaliwanag ang inyong
sagot.

Ikalawang Pangkat: Tayo’y Kumilos


Gumawa ng dula-dulaan na nagpapakita ng paggalang sa
paniniwala at kasarian ng iba.
(Iba’t ibang kasarian na pumapasok sa simbahan ngunit naayon ang
kasuutan at iginagalang ng mga kasapi)
(Integration to content in ESP and GAD- Paggalang sa kasarian ng iba.
Ipaliwanag ang koneksyon ng GAD at paggalang sa paniniwala ng iba
pagkatapos magpalabas)

Ikatlong Pangkat: Halinang Umawit


Gumawa ng isang kanta tungkol sa muslim, katoliko at iba
pang relihiyon.
Ang mga Muslim ay mahal ng Diyos, Di kumukupas.
Ang mga muslim na nagdarasal ay mahal ng Diyos di kumukupas.
Huwag ka ng malungkot kaibigan ko.
(Palitan ang muslim ng katoliko, Adventist at iba pa)

G, Paglalapat ng Aralin
sa Pang araw-araw na Bakit dapat tayong magsimba/dumalo sa pagsamba?
buhay.
H. Paglalahat ng Aralin Tandaan:
Ang paggalang at pagtanggap sa pagkakaiba-ibang ito ay susi sa
pagkakaunawaan at pagkakaroon ng kapayapaan.
I. Pagtataya
Pag-aralan ang bawat larawan. Lagyan ng / kung ang larawan ay
nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba at X naman kung hindi.
Ipaliwanag ang inyong sagot.

J. Karagdagang Gawain Magsaliksik at magtala ng 3 pangalan ng simbahan sa inyong lugar.


para sa takdang aralin

Prepared by:

JANICE B. DEL ROSARIO

Checked by:

JOEL J. PABLICO
Head Teacher III

You might also like