Kaligiran at Kaalaman Ukol Sa Bansang Korea
Kaligiran at Kaalaman Ukol Sa Bansang Korea
Kaligiran at Kaalaman Ukol Sa Bansang Korea
Pampamahalaang Organisasyon
Ang sistema ng pamahalaan sa Korea ay “presidensyal” (Presidential System).
Samakatuwid, ang pangulo ang tumatayong pinuno ng buong pamahalaan kung
saan siya ang namumuno at nangangasiwa sa mga pinuno ng bawat
administratibong ahensiya sang-ayon sa isinasaad ng batas at mga patakaran sa
bansa. Ang Punong Ministro din, mula sa utos ng Pangulo, ay namumuno at
nangangasiwa sa mga pinuno ng mga administratibong ahensiya.
North Korea
Kabisera: Pyong Yang
Uri ng Gobyerno: Komunista
Mga tanim: Bigas (rice), Mais (corn), Patatas (potatoes),
Pulses
Industriya: Electric power, Metallurgy
Mamamayan: North Korean
Wika: Korean
Relihiyon: Buddhismo, Confucianismo
South Korea
Kabisera: Seoul
Uri ng Gobyerno: Republika
Mga tanim: Bigas (rice), Rootcrops, Barley, Gulay (vegetables), Prutas (fruits)
Industriya: Electronics, Chemicals, Ship buildings, Motor vehicles
Mamamayan: South Korean
Wika: Korean, English
Relihiyon: Buddhismo, Kristiyanismo
Heograpiya
North Korea
Napapaligiran ng tatlong bansa ang Hilagang Korea. Sa timog sa DMZ, naroon ang
Timog Korea, na nakabuo ng isang bansa hanggang 1948. Ang Tsina ang karamihan
ng hilagang hangganan nito. Mayroon naman mga 19 km hangganan ang Russia sa
Ilog Tumen sa malayong hilaga-silangang sulok ng bansa. Naapektuhan ang bansa
ng hangin mula sa Siberia na nagbibigay ng tuyot at napakalamig na tag - lamig at
mainit at maulan na tag - init.
South Korea.
Nagbibigay ng tuyot at napakalamig na tag - lamig at mainit at maulan na tag - init.
Kultura
South korea
Mahalaga sa loob ng pamilya ang herarkiya. Dapat turuan ang mga bata
na rumespeto sa mas nakatatanda at magalang na ipahayag ang kanilang
mga opinyon. Laging itinuturo sa mga kabataan ang paggalang sa mga
magulang, lolo at lola, at iba pang nakakatandang kamag-anak.
Mahalaga ang relasyon ng mag-asawa, gayundin ang iyong papel bilang isang
magulang. Mas mahaba ang panahong gugugulin bilang isang pamilya kaysa
bilang mag-asawa.
Sa Korea, tinatawag ng bawat miyembro ng pamilya ang isa’t isa gamit ang
natatanging panawag na nagpapakita ng kanilang relasyon sa isa’t isa. Ginagamit
ang “wikang panggalang” para sa mga nakakatanda at ordinaryong pantawag
naman sa mga nakakabata. May kaunting pagkakaiba sa bawat pamilya kaya’t mas
makakabuti kung itatanong ninyo ito sa inyong pamilya.
Family tree
Ang mga linya ay ginagamit upang ipaliwanag ang relasyon sa loob ng pamilya.
Kasal
Libing
Nagsusuot ang pamilya ng mga damit pangluksa habang dinadamitan nila ang
namatay ng bistidura. Sa pangkalahatan, inihahanda na ang mga bistidura para sa
mga nakatatanda habang sila ay buhay pa. Nagiiba ang mga bistidura sa bawat
kabahayan at rehiyon. Sa ilang mga kaso, pinapasuot ang namatay ng damit na yari
sa abaka, maaari itong kulay itim o puti. Dapat iwasan ng mga dadalaw sa
munsang* ang pagsuot ng damit na may matitingkad na kulay at itim o puting
bestida na lamang ang isuot. Sa munsang, dapat ay magbigay-galang at magdasal
kasama ang naulilang pamilya. Nagbibigay din ng abuloy na pera ang mga tao
bilang pakikiramay.
Panitikang Koreano ay ang katawan ng panitikan na ginawa ng mga
Koreano, karamihan ay nasa wikang koreano at kung minsan ay nasa klasikal na
tsino. Sa loob ng 1,500 taon ng pampanitikang kasaysayan itoy nakasulat sa Hanja.
Ito ay karaniwang nahahatisa klasikal at modernong panahon, kahit na ang
pagkakaiba nito ay kung minsan hindi maliwanag.
Panitikang Koreanong Klasikal ay may mga pinanggagalingan nito sa
tradisyonal na katutubong paniniwala at kuwentong- bayan ng tangway sa Korea.
Apat na uri ng Pangunahing Tradisyonal na anyo ng tula
1. Hyangga- Katutubong kanta
2.pyolgok- espesyal na kanta
3.changga- mahabang tula
4.sijo- kasalukuyang melodya
Isa sa mga sikat na mga pinakamaagang mga tula o lirikong kanta ay ang
Gonghuin (konghu-in) ni Yeok -ok sa panahon ng Gojoseon.
MGA AKDANG PANITIKAN SA KOREA
1. Ang Hatol ng Kuneho - Pabula
2.Ang Sutil na Palaka – Pabula
3.Ang Kuwento ni Hangbu at Nolbu- Kuwentong Bayan
4. Ang araw at ang Buwan- Mito
5.Ang Buhay
6. Ang Tamang Sugat