Ap-Ekonomiks & Kakapusan
Ap-Ekonomiks & Kakapusan
Ap-Ekonomiks & Kakapusan
BAKIT DAPAT MATUTUHAN NG ISANG MAG- AARAL ANG EKONOMIKS , A T ANO ANG KAUGNAYAN NITO
SA PAGSAGAWA NG DESISYON?
Para matutunan niya kung paano umiikot ang pera sa pamamagitan ng ''Marginal Thinking".
Ang marginal thinking ay isang desisyon sa pagpili ng mga bagay-bagay na iisa lang ang
halaga.
Dahil dapat itong matutunan ng isang mag-aaral upang magkaroon siya ng idiya kung
paano siya makakatulong sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa.
Dapat kailangan ng mga mag-aaral matuto ng ekonomiks dahil dito tayo nagkukunan ng
yaman,pangkabuhayan at kung ang pagdedisisyon may ay mali malaki ang mababawas mo dito
at kung ang pagdesisyon mo ay tama malaking-malaki ang ma iipun mo at may nagawa kapa
na makapapatulong sa ating lipunan.
Halimbawa: Nais mong bumili ng gulay ngunit napakamahal nito kaya ang bibilhin mo ay ang
mas mura dahil doon lang kasya ang iyong budget. Dito papasok ang demand, suplay,
pangangailangan at kagustuhan na pare-parehong parte ng ekonomiya
Kakapusan (ekonomiya)
Ang salitang Kakapusan ay isang problema hinggil sa ekonomiya ng pagkakaroon ng walang
hangganang pangangailangan sa mundong mayroong limitadong likas na yaman. Sinasabi nito na
ang lipunan ay mayroong kapos na mapanlikhang kayamanan o kagamitan upang matupad ang
mga pangangailan ng mamamayan. Bilang resulta, hindi rin maaaring matupad ang lahat ng
hangarin ng lipunan sa magpasabay na panahon. Dahil dito, may konseptong trade-off, kung saan
tinitimbang ang kagandahan nang supply ng isa sa iba.
Kakulangan sa larangan nang Ekonomiya
Ang merkansya o kalakal (o serbisyo) na madalang o kakaunti na lamang ay tinatawag na
economic goods. Ang ibang merkansya o goods ay tinatawag na free goods kung sila ay ninanais
kahit sila ay sagana tulad nang hangin at nang tubig-dagat. Ang pagiging sobra-sobra sa iisang
bagay na libre at medaling kunin ay matatatawag na isang bad, ngunit ang kanyang kakulangan o
ang pagkawala ay maitatawag na good.
Ang mga ekonomista ay pinagaaralan kung papaano gumagalaw ang lipunan upang ilaan ang
mga kayamanan at kagamitan na ito—kasama na kung papaano nabibigo ang mga lipunan sa
pagkamit nang tamang inepisiya.
Halimbawa, ang prutas tulad nang chico ay napapanahon lamang ang kanilang pagusbong sa
merkado pagkat sila ay tumutubo at namumunga sa iilang buwan sa bawat taon. Kapag ang dami
nang chico sa merkado ay mababa, sila ay maaaring kakaunti lamang at bibihira, at hindi laging
pwedeng mapakinabangan o gamitin. Kung may sapat na dami nang tao ang may gusto nang
chico kapag walang supply ng strawberry sa merkado, doon ay tataas ang demanda kaysa sa
nasupply na dami, saka nagkakaroon nang isang shortage o kakulangan.
Iilang merkansya ang laging may kakulangan sa merkado, isang halimbawa ay ang lupain. Ang
mga bagay na ito ay sinasabing nagtataas ang halaga dahil sa kakulangan nila sa merkado. Kahit
sa isang theoretical na post scarcity society o isang lipunan matapos ang isang malawakang
kakulangan, iilang merkansya, tulad nang magagandang lupain at mga orihinal na piraso nang
sining ang mananatiling may kakulangan. Eto ay isang halimbawa nang artipisyal na kakulangan,
na isang repleksiyon ng instituting lipunan.
Ang Konsepto ng Kakapusan
Kakapusan – tumutukoy sa isang sitwasyonkung saan limitado o hindi sapat ang mga
pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan
ng tao.
Absolute Scarcity – absolute ang kakapusan kapag nahihirapan ang kalikasan at tao na
paramihin at pag-ibayuhin ang kapakinabangan ng pinagkukunang-yaman. ito ay dahil non-
renewable ang pinagkukunang-yaman.
Relative Scarcity – relative ang kakapusan kapag ang pinagkukunang-yaman ay hindi
makaagapay sa walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Ang kakapusan ay umiiral sa dalawang kalagayan:
o Pisikal na kalagayan – tumutukoy sa limitadong pinagkukunang-yaman
o Kalagayang Pangkaisip an – tumutukoy naman sa walang hanggang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
Mga Palatandaan ng Kakapusan
o Sa Yamang Likas – pagkasira at pagkaubos ng mga hayop, halaman, at mga bagay na
walang buhay
o Sa Yamang Tao – pangunahing indikasyon ng kakapusan ay ang haba ng buhay ng tao
o Sa Yamang Kapital – hindi maingat na paggamit sa capital, maaaring magkulang sa
maintenance ang isang makina
Kakapusan at Kakulangan
Kakapusan (scarcity) – di-kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
Kakulangan (shortage) – ay isang kaganapan kung saa hindi kayang mapunan ng dami ng
malilikhang produkto ang dami ng planong pagkonsumo
Kakapusan at Kadahilanan Nito:
o Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-yaman
o non-renewability ng ilang pinagkukunang-yaman
o kawalang-hanggan ng pangangailangan at kagustuhan ng tao
Opportunity Cost – ang halaga ng bagay na handang isuko o bitawan upang makamit ang isang
bagay.
Dahil sa kakapusan, kailangan ng tao ang wastong pagpili sa mga bagay na nais niyang bilhin.
Nagkakaroon ng opportunity cost sapagkat may kakapusan ang pinagkukunang-yaman. Ito ay
nagiging isang panlipunang suliranin ang kakapusan kapag hindi nakakamit ng tao ang kanyang
layunin. Upang maging responsable ang tao sa kanyang pagdedesisyon, kailangan niyang
mabatid ang opportunity cost ng kanyang mga desisyon.
References: EKONOMIKS: Mga Konsepto, Aplikasyon, at Isyu .
Photos courtesy of google images.
Advertisements