Pagtanggap AP

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagtanggap sa Isat-isa

>Sa ating panahon ngayon, laganap na ang LGBT community at nagkakaroon parin ng diskriminasyon at
hindi pagtanggap sakanila. Sila ay tao rin na kailangan natin galangin at tanggapin. Kaliangan din nila ng
pantay na pagturing at matanggap nila ang pagmamahal na kailangan nila.

>Upang tayo ay magkaisa bilang maayos na pamayanan, kailangan nating tanggapin ang bawat isa sa
ating komunidad kahit ano ka pa man. Tanggapin natin ang bawat isa kung ano man ang kasarian natin.
Bawat isa saatin ay may sariling kagustuhan na minsan ay kailangan nalang nating tanggapin at igalang
tulad nalang ng usapin sa kasarian. Ang usaping ito ay matagal nang dala ng ating lipunan at pati na rin
ng ating kasaysayan. Sa katagalan na ito, dapat lamang na matanggap na natin ang mga ito dahil tayo
bilang isang lipunan ay dapat na nagkakaroon ng pagkakaisa, paggalang at pagtanggap sa bawat isa
saatin. Magagawa natin silang tanggapin kung tayo ay magiging bukas sakanila at maiintindihan natin
dapat sila. Kung tayo ay magiging bukas sa mga taong tulad nila, hindi talaga natin matatanggap ang mga
konsepto sa pagkakaiba ng kasarian. Maging bukas tayo na tanggapin sila sa ating lipunan. Kailangan din
makiisa ang ating pamahlaan sa pagsulong ng mga batas o programang tumutulong din sakanila upang
magkaroon ng pantay na pagturing sa ating lipunan.

Maturuan tayo sa bawat paaralan ng ang LGBT community ay kailangan din ng pagtanggap at paggalang
upang magkaroon ang mga kabataan ng bukas na kaisipan sa mga usapin na tulad nito.

>Nasa bawat isa na saatin kung paano natin tatanggapin at igagalang ang mga tao sa ating lipunan.
Kailangan lang natin ng paggalang at panggalang sa kung ano man bawat isa saatin. Magkakaroon tayo
ng pagkakaisa kung lahat tayo ay tanggap ang pagkakaiba ng bawat isa saatin. Hindi hadlang ang kasarian
upang magkaroon tayo ng isang maayos at nagkakisang pamayanan.

You might also like