Replektibong Sanaysay

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Curfew, ipamulat sa kabataan

Marami sa ating mga pilipino ang nagtataka, napapaisip, at


nagtatanong bakit nga ba nagkakaroon pa ng mga batas na pinapatupad
kung ang iba sa mga tao ay hindi naman ito sinusunod? Ano ba ang silbi
ng papel na sinulatan at pinirmahan ng may kataasan sa katungkulan kung
hindi naman naaaksiyonan at hindi ginagampanan lalo na ng mga
kabataan na isa isa pinakaparte ng ganitong sitwasyon. Paano nga ba ito
sisimulan kung sa unang pagpapatupad nito marami pa ring mga kabataan
ang sumusuway sa ganitong patakaran.

Isipin man natin sa isang sitwasyon na sapagdaan ng alas diyes ng


gabi ang lahat ay tila nasa kani-kanilang bahay na sama sama at ang lahat
ay tahimik na ni walang taong naglalakad mag-isa na sa isang kalsada, na
maraming ilaw at kitang kitang parang umaga na. Hindi ba kay payapang
tingnan kahit na mga tanod ay magiging komportable ang kalooban na
wala ng mapapahamak at silay magmamasid sa tahimik na kapaligiran.
Hindi bat kay luwag sa pakiramdam na walang taong masasaktan at ang
lahat ay payapa lang. Ngunit ag lahat ng yan ay tila isang imahinasyon lang
isipin mo man ng isipin na kailan may di mo mababaligtad ang
nakatadhanang sitwasyon dahil hanggat ang tao ay walang katinuan di
mawawala ang ganyang mga kaso nangunguna na para sa kabataan. Bakit
ba pinapatupad ang ganitong uri ng batas? simple lang kung ako ang
inyong tatanungin madali lang naman kung ito ay susundin at kung ang
lahat ay makikiayon din. Sa pagkakataong ito lahat ng tao ay may
karapatang magdesisyon para sa sarili nila pero hindi naman lahat ng
desisyon ay maaaring iayon sa kagustuhan nya lamang na di na iisipin ang
kapakanan ng sarili lalo na ang iba. Ibig kong sabihin ang Curfew ay isang
batas na pinatupad upang mabawasan ang kapahamakan sa ating
kapaligiran. Hindi ba nakikita mo rin, na naoobserbahan mo din na sa ating
lugar ng Bulihan na kung saan tayo ay naninirahan ay di mawawala ang
ibat- ibang klase ng krimen ng ating nababalitaan. Isa ito sa mga batas na
dapat ay ating aksiyonan bigyang kahalagahan at kaaktibuhan dahil hindi
naman porket pinagbawalan ka ng lumabas sa pagsapit ng alas diyes ng
gabi magmamaktol ka na lang, oo meron kang karapatan pero diba tao ka
lang din lang na maaaring mapahamak sa lansangan. Kaya mo bang
ipagtanggol ang sarili mo sa kapahamakan? kaya mo bang labanan mag-
isa ang takot sa kalsadang hindi mo alam kung sino ang iyong madadatnan
? kabataan mag isip isip ka! isipin mo ang sarili mo, isipin mo ang mga
batas na pinatutupad sa lugar niyo hindi lamang sa iisa kung hindi sa
marami pang iba. Gumising ka sa katotohanan, hindi sa kasinungalingan,
hindi sa kapahamakan. Marami mang mga tanod ang sa iyo ay sisita ito ay
para lamang sa iyo, sa kaligtasan mo, sa ikabubuti mo. Marami mang
pasaway sa lansangan oo hindi naman maaalis ang mga ginagawa ng mga
iyan dahil sa nakasanayan pero sa mga magulang hindi naman sa
sinasabing nagkukulang, bigyang katuturan lang ang mga bagay na dapat
sila ang nangunguna, sila ang mag-uumpisa, sila ang gagayahan ng iba,
hindi yung pasaway na pakalat kalat lang sa kalsada. Sa pagkakataong ito
sana maisip mo! maisip nyo ang kahalagahan ng mga batas lalo na ng
Curfew nasisiguro mo man ang inyong kaligtasan dahil sa kakilala mo nga
lang ang iyong pupuntahan hindi pa rin sapat ang mga ganoong dahilan
dahil kaya nga nilagdaan at pinakalat sa kabarangayan ay para
maobserbahan at mabawasan ang kapahamakan na ang iba sa atin ito ay
nararanasan. Para sa dagdag kaalaman sa ating isipan ating ituwid ang
ating landas na pinupuntahan hindi porket nagkamali ka tatalikuran mo na
lang isipin mo ding hindi lang naman ikaw ang nabubuhay dito sa ating
mundong ginagalawan kung ikaw pa mismo ang mangungunang sumuway
sa patakaran tulad ka lang din ng iba na walang magandang
patutunguhan. Hindi naman kase mahirap para sa isang tao na ang bawat
batas ay pakinggan lalo na ang batas ng barangay dahil hindi naman natin
alam kung ano ang mga paghihirap na kanilang napagdaanan mailathala
lang ang ganyang klaseng katuturan na makakatulong sa atin sa paglimita
sa ating oras at limita ng paglabas lalot kapag madilim pat walang kasa
kasama sa daan. Isipin natin na kung ang lahat ng tao ay may pagkukusa,
may pagpapahalaga, may tiwala, may katinuan hindi bat laking tulong sa
atin sa pamumuhay ng bawat pilipinong naninirahan sa anumang lugar
kahit na malayo pa Yan kaya kung ako sayo pakikinggan ko na ang mga
batas na inirerekomenda lalo na ang curfew lalot sa pagsapit ng ang oras
ay gabing gabi na. Hindi bat laking tulong sayo sa anak mo sa pamilya mo
kung ang maaaring maging resulta nito. Kaya curfew ang isa sa pinaka
importanteng batas na dapat sa atin ay naguumpisa bakit?? Alam naman
nating marami pa rin sa mga kabataan ngayon ang napupunta sa mali. Ang
pagnanakaw, pagmamaktol, pagtambay imbes na ang mag-aral,
pagkaadik sa mga laro sa internet, paggala sa gabi kahit na ang mga
magulang ay alalang alala na. Hindi bat kung ikaw yan at anak mo yan
hindi ba magagalit ka, na mapapaisip ka, na sisihin mo pa ang sarili mo na
sana nakinig ka sa payo nila na sana sinunod mo na ang batas na
nilagdaan at inirekomenda. Sana wag mo ng isipin pa na ito ay mangyari
muna bago mo pa madama maaari naman sigurong sundin na kaagad ang
ganitong batas na walang pagdadalawang isip mo pa. kung maaaring
binabalewala mo nga lang ang lahat teka nagkakamali ka dahil maaaring
naiimpluwensyahan ka lang ng iba . isipin mong para sayo lang talaga sa
kaligtasan mo at maaaring sa iyo pang pamilya.

Para sa mga kabataan curfew ay siyang wag balewalain lang dahil


sa pamamagitan nito kaligtasan mo ay masisigurado mo na lang. Sa
paglimita mo sa oras na alas diyes ay tama lang na dapat wala ng pakalat
kalat sa kalsadang hindi mo alam kung sino ang maaari mong madatnan.
Kaya mga kabataan curfew ay siyang unahin, pahalagan, sundin at wag
lang balewalain dahil para lamang sayo sa kaligtasan at maaaring ng iba
pang tao dito sa mundong ating ginagalawan.

1023
REPLEKTIBONG SANAYSAY SA FILIPINO SA PILING LARANG

Curfew, ipamulat sa kabataan

Ipinahanda ni:

AILEEN C. PASCUAL

Inihanda ni:

AMY P. CABANIG

12HUMSS Collegiality

You might also like