Photo Essay - Naul

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ma. Celestine Bernadette R.

Naul
12-STEM

“Ang Paaralan”

Bakit karamihan sa mga bata takot pumasok sa paaralan? Ano ba meron dito? Ang paaralan
ang maghahanda sa ating mga kabataan upang harapin ang mga suliranin sa ating lipunan.
Maraming oras ang ginugugol natin sa paaralan kaysa sa bahay. Minsan naman pagdating sa bahay
pakiramdam natin ay parang nasa paaralan pa din tayo dahil papel at ballpen muli ang hawak natin.

Ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng bawat kabataan. Dito napapalawak
pa ang mga kaalamang ating unang natutunan mula sa ating mga magulang sa tahanan kasama ang
kabutihang asal. Dito din tayo namumulat sa mga kaganapan, kasaysayan at mga tradisyon ng ating
bansa. Ang mga guro ang siyang pangalawang mga magulang natin na nagtuturo at gumagabay
upang mahubog ang mga natatagong talent o katalinuhan na mayroon ang isang bata. Dito mo din
makakasalamuha ang iba’t ibang klase ng tao na makakasama mo sa loob ng ilang buwan o taon at
makatagpo na din ng kaibigan na kasabayan mo sa pagharap ng mga pagsubok bilang estudyante.
Paggawa ng mga gawain, pagkakaroon ng pagkakaisa, pagtutulungan sa tuwing may pangkatang-
gawain. Pamilya ang turingan ng bawat seksyon dahil hindi iniiwan sa laban ang kanilang kaklase
tuwing may paligsahan na nilalahokan ang kanilang seksyon bagkus kanilang tinutulungan ito at
ipinapakita o ipinapadama ang buong suporta ng buong klase. Ang lahat ng ito ay nangyayari sa
paaralan.

Ang paaralan ay hindi dapat katakutan bagkus ay mahalin ito sapagkat isa ito sa mga daan
upang makamit ang iyong pangarap sa buhay at umunlad. Bukod sa pag-aaral kailangan din nating
panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng paaralan para sa mga susunod pang henerasyon na
gagamit nito. Linisin ang buong paligid ng paaralan upang maiwasan ang sakit na maaaring dumapo
sa mga estudyante na siyang isa sa mga dahilan upang masira ang pag-abot mo sa iyong pangarap.
Nakagagaan sa pakiramdam at mas masarap mag-aral kapag maaliwalas tingnan ang iyong paligid.

You might also like