Tugmang de Gulong Hal...
Tugmang de Gulong Hal...
Tugmang de Gulong Hal...
Kahulugan – Tinatawag na tugmang de gulong ang mga paalalang makikita sa mga pampublikong
sasakyan gaya ng dyip, traysikel, o bus. Ang mga tugma o paalalang ito ay karaniwang nakatutuwa,
nanunudyo,o di kaya naman ay mayroon talagang makabuluhang mensaheng nais iparating sa mga
pasahero. Karaniwan ding inihahango ang mga tugmang ito sa mga kasabihan o salawikaing Pilipino.
Hindi man isinulat ng mga lehitimong manunulat, kakikitaan pa rin ng pagkamalikhain kung paano
naisisulat ang mga tugmang de gulong. Dahil hango ito sa mga salawikain, naroroon pa rin ang mga
tugma at pinapalitan lamang ang mga salita upang maging tugma sa buhay pagbiyahe ng mga Pilipino.
Ang mga sumusunod ay ilang halimbawa ng mga tugmang de gulong na naging bahagi na rin ng
pagbiyahe ng marami sa atin. Alamin ang 20 na halimbawa na ito:
Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang ‘para’ para ang dyip ay huminto.
Estudyante lang ang may discount, hindi ang mga mukhang estudyante lang.
Sana pwede ring batakin ang tali kapag gusto mo nang ihinto ang relasyon.
Sa dyip pwede mong ipagsiksikan ang sarili mo, huwag lang sa pag-ibig.
Ang relasyon ay parang jeep. Hindi mo alam kung kailan siya bababa.
Magbayad nang tama dahil mahal ang presyo ng gasolina. May binubuhay kaming pamilya.
Ang mga bata sa jeep ay kinakandong. Kailangang bantayan at arugain ng mga magulang at tiyaking
ligtas sa biyahe.
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kaya bumaba lamang sa may paaralan.
Umupo nang maayos para lahat ay komportable sa biyahe. Parehas kayong nagbayad.
Ang maganda umupo sa kanan, ang kyut sa kaliwa, ang sexy sa harap, ang pangit ay bumaba.
Payak lamang ang katangian ng mga tugmang de gulong. Dahil hindi ito isang uri ng pormal na tula o
anumang akda, wala itong sinusunod na tugma, bilang ng pantig, o maging bilang ng mga salitang
gagamitin.
Karaniwang nakaayon lamang ito sa mga tanyag na kasabihan o salawikain. Kung sariling akda naman,
kinakailangan lamang ay nakatutuwa ito at mayroong kinalaman sa buhay ng isang tsuper o pasahero.
Maaari din itong maging panunudyo o pang-aasar ngunit iniiwasan ang labis na paggamit ng salita upang
hindi naman lubhang makasakit ng damdamin. Maaari din namang seryoso ang tono sa pagbibigay ng
paalala o motibasyon sa mga pasahero at kapuwa komyuter.
Ayon sa mga eksperto sa wika at lingguwistika, walang tiyak na dahilan sa pagkakabuo ng mga tugmang
de gulong. Ngunit mababakas umano ang pinagmulan nito sa naisin ng mga may-ari ng pampasaherong
sasakyan na mas pagandahin ang kanilang mga ginagamit sa hanapbuhay. Upang maging kakaiba, imbes
na larawan ng mga sikat na personalidad, sinubukan nilang isulat ang mga paalala sa mas malikhaing
paraan na naging patok naman sa mga komyuter. Dahil doon, lumaganap ang paglalagay ng mga paalala
sa mga pampasaherong sasakyan at kalaunan ay nakilala bilang tugmang de gulong.