Ang Sentensyang Kamatayan
Ang Sentensyang Kamatayan
Ang Sentensyang Kamatayan
KAMAKAILAN LANG, umugong na naman ang usapin tungkol sa parusang kamatayan, pagkatapos
Ang parusang bitay ay kailanman hindi nagsilbi sa kapakanan ng hustisya; bagkus, ito’y ginamit
upang kitlin ang mga kalayaan at karapatan ng mamamayang Pilipino. Mula sa panahon ng mga
Kastila hanggang sa panahon ni Marcos, ang parusang bitay ay ginamit sa politikal at ekonomikong
paniniil.
May positibo at negatibong epekto ang pagpasa ng batas na ito. Positibo na pagbayaran ng mga
kriminal ang kanilang pagkakasala sa mga mata ng diyos at sa batas ng tao. Negatibo sa mga
dahilang may nahatulan na posibleng naging biktima ng batas, nabilanggo ng walang
kasalanan.Death penalty ang isa sa mga kontrbersyal na balita na minsan ng pnagtalunan at
pinag-usapan sa ating bansa. Dahil nga sa mga hindi maubos-ubos na balita tungkol sa krimen
nagpasya ang pamahalaan na ibalik ito. Maraming nagsasabi na kailangan na maipatupad ang
death penalty dahil sa patuloy na pagdami ng mga kriminal. Narito ang ilang mga dahilan kung
bakit kailangan na maipatupad ang death penalty
1. Dahil hindi natatakot sa batas ang mga kriminal
2. Dahil mas lumalaki ang ginagastos ng bansa dahil sa pag-
aaruga ng mga kriminal
3. Dahil nagiging headquarter na ng mga kriminal ang
4. kulungan
5. Dahil hindi lahat ng nakakulong ay nagdudusa
6. Dahil may mga kriminal na hindi titigil gumawa ng krimen
habang nabubuhay sila
7. Dahil lumilikha ng bagong kriminal ang mga kriminal
8. Dahil mapipigilan ng death penalty ang pagdami ng mga
vigilante na inilalagay ang batas sa kanilang mga kamay
Maraming ginagawang paraan ang ating pamahalaan upang dumami ang mga turista sa
ating bansa pero diba dapat din bigyan ng pansin ang kabi-kabilang krimen na na nangyayari
sa ating bansa tulad na lamang ng nakawan, kidnapan, patayan. Ang mga kriminal ay kayang
lumikha ng bagong kriminal. Kung ibubuhos lang sana ng ating pamahalaan ang kanilang
pwersa at paggastos ng pera sa pagbawas ng kriminal mas mababawasan sana ang mga
nangyayaring krimen sa ating bansa. Sa kasamaang palad malabong maipatupad ang death
penalty dahil sa kabibilang krimen na nangyayari sa ating bansa.Narito ang ilang mga dahilan
kung bakit hindi magiging epektibo ang pagpapatupad ng batas na ito:
Bilang isang estudyante at mamamayan ng ating bansa, kung ako ang tatanungin, hindi ako sang-
ayon sa death penalty. Bukod sa labag ito sa batas ng Diyos, hindi rin nila mabibigyan ng
pagkakataon na magbago ang isang tao. Hindi ito maari sapagkat marami ang maaapektuhan.
Sabihin na natin na may mga magandang epekto rin kapag ito ay ipinasulong. Ilang halimbawa
na diyan ay; maaring mabawasan ang paglaganap ng krimen dahil sa takot na maparusahan nito,
mababawasan ang masasamang tao sa lipunan, mapapadali ang pag-unlad ng ating bansa, at iba
pa. Nung una, nakumbinse rin ako, at sumang-ayon sa parusang ito dahil pag nakulong rin
naman ang isang kriminal at nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo, mamamatay rin
naman ito sa bilangguan. Tama naman diba? Pero mali. Mas marami pa ring negatibong epekto
ito sa buhay ng isang tao. Una, sa death penalty wala nang pangalawang pagkakataon ang
nagkasala na magbago dahil kikitilin na ang buhay nila. Ikalawa, hindi ito solusyon sa patuloy na
paglaganap ng krimen. Hindi nito mapipigilan na makagawa ng pagkakamali ang isang tao.
Ikatlo, ang mahihirap ang labis na maapektuhan dahil sa ang iba’y hindi sila ang may gawa na
kasalanan at hindi nila kayang kumuha ng mahusay na abogado para idepensa ang nabintang na
kaso. Ilan lamang ito ito sa mga posibleng epekto kapag naisulong ang parusang kamatayan.
Sa Pilipinas mas maraming mamamayan ang kristiyanong Katoliko. Hindi natin dapat
maipaghihiwalay ang politiko sa relihiyon. Ayon sa nakararami, ang buhay ay mahalaga. Tayong
lahat ay binigyan ng buhay ng Diyos. Ang buhay natin ay hiram lang. Walang karapatan ang
sinumang tao na kumuha ng buhay ng kapwa tao. Diyos na ang bahalang magparusa sa mga
nagkakasala.