Kulturang Popular
Kulturang Popular
Kulturang Popular
KULTURANG POPULAR
Ang kulturang popular ay isang paraan ng mga tao upang maramdaman nila ang
pagtanggap sa kanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang
nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular
ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at
modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng
depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang
kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito
ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makapangyarihang tao,
kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang
kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.
Source: https://www.academia.edu/9686034/KULTURANG_POPULAR