Ang 1987 Konstitusyon NG Pilipinas

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ANG 1987 KONSTITUSYON

NG
REPUBLIKA NG PILIPINAS

PANIMULA
(Preamble)

Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang


Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan
nakakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa,
mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para saming sarili at angkanang
susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang
puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay
naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito.

ARTIKULO I

ANG PAMBANSANG TERITORYO


(National Territory)

Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga
karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o
hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang
dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang
mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng
kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na
karagatan ng Pilipinas.

ARTIKULO II

PAHAYAG NG MGA SIMULAIN


AT MGA PATAKARAN NG ESTADO
(Statement of Aims and Policies of the State)

ARTIKULO III

KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN


(Bill of Rights)

SEKSYON 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, or ariarian ang sino mang tao nang hindi
kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.

SEKSYON 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili,


pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at
pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa
paghalughog o warrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na
pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya
sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at mga taong
darakpin o mga bagay na sasamsamin.
ARTIKULO IV

PAGKAMAMAMAYAN
(Citizenship)

SEKSYON 1. Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas:


(1) Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito;
(2) Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas;
(3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

SEKSYON 2. Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas
mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano hakbangin upang matamo o
malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na maging mamamayang
Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talatataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mga
mamamayan.

ARTIKULO V

KARAPATAN SA HALAL
(Voting Rights)

SEKSYON 1. Ang karapatan sa halal ay maaaring gampanan ng lahat ng mga mamamayan ng


Pilipinas na hindi inalisan ng karapatan ng batas, na labingwalong taong gulang man lamang, at
nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon man lamang, at anim na buwan man lamang sa
lugar na kanilang bobotohan kagyat bago maghalalan.

ARTIKULO VI

ANG KAGAWARANG TAGAPAGBATAS


(The Legislative Branch)

SEKSYON 1. Dapat masalalay sa isang Kongreso ng Pilipinas ang kapangyarihang Tagapagbatas, na


dapat binubuo ng isang Senado at isang Kapulungan ng mga Kinatawan, maliban sa lawak na inilaan
sa mga taongbayan ng tadhana tungkol sa pagpapatiuna at referendum

ARTIKULO VII

ANG KAGAWARAN NG TAGAPAGPAGANAP


(The Executive Branch)

SEKSYON 1. Ang kapangyarihang tagapagpaganap ay dapat masalalay sa isang Pangulo ng


Pilipinas.

SEKSYON 2. Hindi maaaring mahalal na Pangulo ang sino mang tao matangi kung siya ay isang
katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas, isang reshistradong botante, nakababasa at
nakasusulat, apatnapung taon man lamang ang gulang sa araw ng halalan, at isang residente ng
Pilipinas sa loob ng sampung taon man lamang kagyat bago ang gayong halalan.
ARTIKULO VIII

ANG KAGAWARANG PANGHUKUMAN


(The Judicial Branch)

SEKSYON 1. Dapat masalalay ang kapangyarihang panghukuman sa isang Kataastaasang Hukuman


at sa mga nakakababang hukuman na maaaring itatag ng batas.
Saklaw ng kapangyarihang panghukuman ang tungkulin ng mga hukuman ng katarungan na
ayusin ang nangyayaring mga sigalot na kinakasangkutan ng mga karapatang nararapat hingin at
ipatupad nang naaayon sa batas at pasyang kung mayroon o walang naganap na lubhang
pagsasamantala sa direksyon na humantong sa kawalan o kalabisan sa hurisdiksyon sa panig ng alin
mang sangay o instrumentalidad ng pamahalaan.

ARTIKULO IX

ANG MGA KOMISYONG KONSTITUSYONAL


(Constitutional Commissions)

A. Mga Karaniwang Tadhana


(General Provisions)

SEKSYON 1. Ang mga Komisyong Konstitusyonal, na dapat na malaya, ay ang Komisyon sa Sebisyo
Sibil, Komisyon sa Halalan, at Komisyon sa Audit.

SEKSYON 2. Ang sino mang Kagawad ng isang Komisyong Konstitusyonalm sa panahon ng


kanyang panunungkulan, ay hindi dapat humawak ng ibang katungkulan o trabaho. Hindi rin siya
dapat mag-practice ng ano mang propesyon o aktibong mamahala o mangasiwa ng ano mang
negosyo na sa ano pa mang paraan ay maaaring makaugnay sa mga gawain ng kanyang
katungkulan, ni hindi dapat maging interesado sa pananalapi nang tuwiran o di tuwiran sa ano
mang kontrata sa, o sa ano mang prangkisa o pribilehiyong kaloob ng, Pamahalaan, o ano mang
bahagi, sangay, o instrumentalidad niyon, kasama ang mga korporasyong ari o kontrolado ng
Pamahalaan o ang mga sangay nito.

B. Ang Komisyon sa Serbisyo Sibil


(Civil Service Commission)

SEKSYON 1. (1) Ang Serbisyo Sibil ay dapat pangasiwaan ng Komisyon sa Serbisyo Sibil na
binubuo ng isang Tagapangulo at dalawang Komisyonado na dapat ay katutubong ipinanganak na
mamamayan ng Pilipinas at, sa panahon ng pagkakahirang sa kanila, tatlumpu't limang taon man
lamang ang gulang, may subok na kakayahan sa pangasiwaang pambayan, at hindi kailanman
naging kandidato sa ano mang katungkulang halal sa halalang iniraos kagyat bago ang kanilang
pagkakahirang.

K. Ang Komisyon sa Halalan


(Commission on Elections)

SEKSYON 1. (1) Dapat magkaroon ng isang Komisyon sa Halalan na binubuo ng isang


Tagapangulo at anim (6) na mga Komisyonado na dapat ay mga katutubong ipinanganak na
mamamayan ng Pilipinas at, sa panahon ng pagkakahirang sa kanila, tatlumpu't limang taon man
lamang ang gulang, nagtataglay ng titulo sa kolehiyo, at hindi kailanman naging kandidato sa
anomang katungkulang halal sa halalang kagyat na sinundan. Gayon man, ang mayorya nito,
kasama ang Tagapangulo, ay dapat na mga kabilang sa Philippine Bar na nag-practice bilang
abogado sa loob ng sampung (10) taon man lamang.

D. Ang Komisyon ng Audit


(Commission on Audit)

SEKSYON 1. (1) Dapat magkaroon ng isang Komisyon sa Audit na bubuuin ng isang Tagapangulo
at dalawang Komisyonado, na dapat na mga katutubong inianak na mga mamamayan ng Pilipinas
at, sa panahon ng pagkahirang sa kanila, tatlumpu't limang taon man lang mang gulang, mga
certified public accountant na hindi kukulangin sa sampung taon ang karanasan sa pag-a-audit o sa
Philippine Bar na nag--practice bilang abogado sa loob ng sampung taon man lamang at hindi
kailanman naging kandidato sa ano mang katungkulang halal sa halalang iniraos kagyat bago
isinagawa ang kanilang pagkakahirang. Kailan man ay hindi dapt na magkatulad ng propesyon ang
lahat ng mga Kagawad ng Komisyon.

ARTIKULO X

PAMAHALAANG LOKAL
(Local Government)

Mga Tadhanang Pangkalahatan


(General Provisions)

SEKSYON 1. Ang mga subdibisyong teritoryal at pulitikal ng Republika ng Pilipinas ay ang mga
lalawigan, mga lungsod, mga bayan, at mga baranggay. Dapat magkaroon ng mga awtonomiyang
rehiyon sa Muslim Mindanao at sa mga Cordillera ayon sa itinatadhana nito.

SEKSYON 2. Ang mga subdibisyong teritoryal at pulitikal ay dapat magtamasa ng awtonomiyang


lokal.

ARTIKULO XI

KAPANAGUTAN NG MGA PINUNONG BAYAN


(Responsibilities of Government Officials)

SEKSYON 1. Ang pagtitiwala ng bayan ay angkin ng katungkulang pambayan. Ang mga pinuno at
mga kawaning pambayan at kinakailangang mamalaging nananagutan sa mga taong-bayan,
maglingkod sa kanila na taglay ang pinakamataas na pakundangan, dangal, katapatan, at
kahusayan, manuparan na taglay ang pagkamakabayan at katarungan, at mamuhay nang buong
kapakumbabaan.

ARTIKULO XII

PAMBANSANG EKONOMIYA AT PATRIMONYA


(National Economy and Patrimony)
SEKSYON 1. Ang mga tunguhin ng pambansang ekonomiya ay higit pang pantay na pamamahagi
ng mga pagkakataon, kita at kayamanan; sustenandong pagpaparami ng mga kalakal at mga
paglilingkod na liha ng bansa para sa kapakinabangan ng sambayanan; at lumalagong
pagkaproduktibo bilang susi sa pag-aangat ng uri ng pamumuhay para sa lahat, lalo na sa mga
kapus-palad.

ARTIKULO XIII

KATARUNGANG PANLIPUNAN AT
MGA KARAPATANG PANTAO
(Social Justice and Human Rights)

SEKSYON 1. Dapat pag-ukulan ng Kongreso ng pinakamataas na priority ang pagsasabatas ng mga


hakbangin na mangangalaga at magpapatingkad sa karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa
dignidad na pantao, magbabawas sa mga di pagkakapantay-pantay na panlipunan, pangkabuhayan,
at pampulitika, at papawi sa mga di pagkakapantay-pantay na pagkalinangan sa pamamagitan ng
pantay na pagpapalaganap ng kayamanan at kapangyarihang pampulitika para sa kabutihan ng
lahat.
Tungo sa mga mithiing ito, dapat regulahin ng Estado ang pagtatamo, pagmamay-ari, paggamit, at
paglilipat ng ariarian at ng mga bunga nito.

SEKSYON 2. Dapat kalakip sa pagtataguyod ng karunungang panlipunan ang tapat na paglikha ng


mga pagkakataong ekonomiko na nasasalig sa kalayaan sa pagpapatiuna at pagtitiwala sa sariling
kakayahan.

Paggawa
(Labor)

SEKSYON 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa


ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang pupusang employment at pantay
na mga pagkakataon sa employment para sa lahat.

Repormang Pansakahan at
Panlikas na Kayamanan
(Agrarian Reform and Natural Resources)

SEKSYON 4. Dapat magsagawa ang Estado, sa pamamagitan ng batas, ng programa sa repormang


pansakahan na nakasalig sa karapatan ng mga magsasaka at mga regular na manggagawa sa bukid,
na mga walang lupa, na tuwiran o sama-samang magmay-ari ng mga lupang kanilang sinasaka o, sa
kalagayan ng iba pang mga manggagawa sa bukid, tumanggap ng karampatang kaparte sa mga
bunga niyon. Tungo sa layuning ito, dapat magpasigla at magsagawa ang Estado ng makatwirang
pamamahagi ng lahat ng mga lupang pansakahan, na sasailalim sa mga priority at makatwirang
mapapanatiling mga sukat na maaaring itakda ng Kongreso, na nagsasaalang-alang sa mga
konsiderasyong pang-ekolohiya, pangkaunlaran, o pagkamatarungan, at batay sa pagbabayad ng
makatwirang kabayaran. Dapat igalang ng Estado ang mga karapatan ng mga maliliit na may-ari ng
lupa sa pagtatakda ng mga limitasyon sa retensyon. Dapat ding maglaan ang Estado ng mga
insentibo para sa boluntaryong pagbabahagi ng lupa.

You might also like