Ibong Adarna Script 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

IBONG ADARNA CAST:

HARING FERNANDO – DAVID WHELCKOM SANGCO


DONYA VALERIANA- CLAIRE WENDY RESOLIS
DON PEDRO – EDRIAN LOUIE LUCES
DON DIEGO – KERMARI MAGMAYO
DON JUAN – JOHN LLOYD ILDEFONSO
MATANDA – JOHN ARNOLD BONGCALES
MANGGAGAMOT – ZUELL TIDOY
ERMITANYO – JOHN ARNOLD BONGCALES
IBONG ADARNA – ALLYSSA KRISJHOY YAMAT
JUANA – TRISHA MAE GARCIA
HIGANTE – ENJO DELA CRUZ
LEONORA – HANNAH SOFIA ABRERA
SERPYENTE –
AGILA –
MARIA – MARIELLA RAAGAS
HARING SALERMO –
NEGRITO –
NEGRITA -
“IBONG ADARNA”
SCENE ONE:
Donya Valeriana:
Maaari ko bang malaman
Ang kalagayan ng haring mahal?

Manggagamot:
Dahil sa napanaginipan
Labis na nahihirapan.
Malubhang karamdaman
At mahirap din lunasan.

Donya Valeriana:
Wala na bang lunas
Para ang hari'y makaligtas?

Manggagamot:
May mabisang kagamutan
At ito'y nasa Tabor na kabundukan.
Nasa punong makinang at mataas
Na kung tawagi'y Piedras Platas
Ito ang ibong Adarna
Na pag kumanta ay nakagiginhawa.

Don Pedro:
Amang hari at inang reyna,
Nais ko pong magkusang hanapin ang Ibong Adarna.
Ako sana'y inyong pahintulutan
Na maglakbay upang makamtan niyo ang kaginhawaan.

SCENE TWO:
Matanda:
Pahingi ng tutong,
Tutong na malutong
With tortang talong.
Sapagkat ako'y nagugutom.

Don Pedro:
Hoy pangit na matanda!
Sino ka ba?
‘Di kita kilala.
Ipagpaumanhin mo na ‘di kita mabibigyan ng pagkain,
Sapagkat ito’y hindi sapat para sa akin.
SCENE THREE:
Don Pedro:
Ito na nga ang punong makinang at mataas
Ito na nga ang Piedras Platas
Sa wakas ay makukuha ko na din ang Ibong Adarna
Ang kalunasan ng aking Ama
Adarna! Adarna!
(Kakanta ang Ibong Adarna at magiging bato si Don Pedro)

SCENE FOUR:
Donya Valeriana:
Ang ilang buwan ay nakalipas na,
Ngunit ang panganay ko'y wala pa.
Ako at ang mahal kong hari ay nag-aalala na
Baka kung ano nang nangyari sa kanya.

Don Diego:
Inang reyna,
huwag na kayong mag-alala
Sapagkat susundan ko na siya.
Hahapin ko ang kapatid kong si Pedro
Pati narin Ang ibong Adarna na hinihiling ninyo.

SCENE FIVE:
Matanda:
Kailangan ko ng tinapay
Sapagkat ako’y nanlulupaypay.

Don Diego:
‘Di kita pwedeng bigyan
Dahil ako’y pupunta sa Tabor na kabundukan.
Gustuhin ko man
Ngunit baka ako’y gutumin sa daan.

SCENE SIX:
Don Diego:
Nasaan na ang ibong maganda?
Nasaan na ang Ibong Adarna?
Nais ko na itong makita!
Upang gumaling na ang aking ama!
(Kakanta ang Ibong Adarna at magiging bato si Don Diego)
SCENE SEVEN:
Don Juan:
Amang hari at inang reyna
Ako'y labis nang nag-aalala
Sapagkat tatlong taon na ang nakalipas ngunit ang mga kapatid ko'y wala pa.
Maaari niyo po ba akong pahintulutan
Na maglakbay para sila'y matagpuan
At para narin hanapin ang ibong adarna
Na sa inyo'y makagiginhawa?

Haring Fernando:
Kung pati ikaw ay mawawala at sakin ay mawawalay,
Ay tiyak kong ikamamatay.

Don Juan:
Amang hari kahit po ako'y inyong pigilan
Ang mga kapatid ko'y nais ko paring tulungan.
Kahit anong mangyari ako'y aalis parin
Upang hanapin ang Ibong Adarna kahit palihim.

Haring Fernando:
Wala na talaga akong magagawa
Kung ang desisyon mo'y buo na.

Don Juan:
Bendisyon mo, aking ama
Babaunin ko ang sandata

SCENE EIGHT:
Matanda:
Maawa po kayo sakin Ginoo
Maaari po ba akong makahingi kung may pagkain kayo
Kahit kaunti lamang ay sapat na
Sapagkat wala akong kain ilang araw na
Pangakong papalitan ko
Ang maibibigay mo ng kahit ano

Don Juan:
Ako nga po'y mayroon pang natitirang tinapay
Na baon ko para sa aking paglalakbay
Ito po'y tanggapin niyo
Sapagkat busog pa naman ako
Matanda:
Salamat, maraming salamat ginoo
Tunay na ginto ang inyong puso
Sana'y ikaw ay pagpalain
Kung hindi ninyo mamasamain
Maaari ko bang tanungin
Kung ano ang inyong pakay
Sa inyong paglalakbay?

Don Juan:
Ako po ay naglalakbay sa kung saan naroon ang Ibong Adarna
Ang sabi ng aming manggagamot sa kahariang Berbanya
Tanging ang awitin lamang ng Ibong Adarna ang makalulunas
Sa sakit ng amang hari at makapagliligtas.

Matanda:
Kung gayon labis ka pang mahihirapan
Sa iyong pagdaraanan
Kaya ngayon ay itanim mo
Sa puso mo ang bilin ko,
Tandaan mo,
Mag-ingat ka upang ika'y hindi maging bato.
Sa pook na natatanaw mo ay mayroon kang punong madadatnan
Na kawili-wiling tingnan
Ngunit huwag ka doon dumiretso
Pumunta ka sa ibaba noon, na bahay ng ermitanyo.
Makikita mo roon ang isang ermitanyong matanda
Na may kaalaman sa Ibong Adarna.
Itong limos kong tinapay
Ay dalhin mo na sa iyong paglalakbay
Mas kakailanganin mo iyan
Dahil malayo ang iyong paroroonan

Don Juan:
Di ko na po nanaisin
Na ito pa'y tanggapin.
Yan ay akin ng naibigay.
Sa inyo na po ang tinapay.

Matanda:
Salamat Ginoo,
Nawa'y pagpalain kayo.
SCENE NINE:
Ermitanyo:
Ano't mayroong naligaw sa lugar ko?
Ano ang sadya mo, Ginoo?

Don Juan:
Ako po si prinsipe Juan,
Nanggaling sa Berbanyang kaharian.
Maaari niyo po ba akong tulungan?
Sapagkat ang ama'y nahihirapan.
Ang Ibong Adarna'y kailangan,
Upang siya'y maawitan para sa kanyang kagalingan.

Ermitanyo:
Ang iyong hanap,
Ay sadyang mailap.
Ang adarna'y may engkanto,
Kaya baka ika'y sumuko.

Don Juan:
Kung tunay po ang iyong pahayag,
Ang aking katapanga'y ihahayag.
Tutupdin ko ang aking hangad,
At mga kahirapa'y tatanggaping bukas palad.

Ermitanyo:
Hanga ako sa iyong katapangan, Prinsipe Juan.
Kung gayon ika'y aking tutulungan.
Upang iyong matagalan at hindi makatulugan,
Ang pitong kantang pakikinggan.
Ikaw ngayo'y bibigyan,
Ng sa antok ay may panlaban.
Narito ang labaha't pitong dayap na hinog na,
Iyong dalhin nang 'di matalo ng Engkantada.
Palad mo'y sugatan,
Bawat kantang pakikinggan.
Tsaka agad mong pigaan,
Ng dayap ang hiwang laman.
Magbabawas ang Adarna,
Matapos ang pitong kanta.
Iwasang mapatakan ka,
Nang 'di maging bato't magdusa.
Dalhin mo rin itong sintas,
Upang pagtulog ng Adarna'y 'di makatakas.
SCENE TEN:
Don Juan:
Ibong Adarna na aking hanap,
Nais kong makita kahit sulyap.
Ako'y sabik,
Na sigla ng Ama'y maibalik.
Adarna! Adarna!

(Aawit ang Ibong Adarna/ susugatan ni Don Juan ang sarili niya)

(Kukuhanin ni Don Juan ang Ibong Adarna)

(Babalik sa lugar ng Ermitanyo)

SCENE ELEVEN:
Don Juan:
Ang Ibong Adarna nga'y nahibag ko,
Ngunit papaano naman ang mga kapatid ko?

Ermitanyo:
Heto ang banga,
Ang solusyon sa iyong problema.
Punuin mo ito ng tubig at ibuhos sa dalawang bato,
Upang bumalik sila bilang mga tao.

(Kinuha ni Don Juan ang banga at nagtungo sa tahanan ng Ibong Adarna)

SCENE TWELVE:
(Binuhusan ni Don Juan ng tubig ang dalawang bato)

(Bumalik sa lugar ng ermitanyo)

SCENE THIRTEEN:
Don Diego:
Salamat, kapatid kong Juan,
Utang ko sayo ang buhay ko sapagkat ako'y iyong binalikan.

Don Pedro:
Juan, nasaan na ang Adarna?
Nagtagumpay ka ba sa paghuli sa kanya?
Tayo na't umuwi,
Upang mabigyan ng lunas ang Amang Hari.
Ermitanyo:
Ginoong Juan, kuhanin mo na itong hawla,
Pati na rin ang Ibong Adarna.
Kayo na'y magmadali
At baka kung ano nang nangyari sa inyong Amang Hari.

Don Juan:
Maraming salamat sa tulong niyo,
Kung maaari'y hihingin ko ang bendisyon niyo,
Bago kami bumalik sa Berbanya
Upang ibigay ang kalunasan ng aking Ama.

Ermitanyo:
Ngunit ermitanyo lamang ako,
Na tumulong sa inyo.

Don Juan:
Ngunit ang buhay nami'y utang namin sa inyo,
Kaya't gusto naming hingin ang bendisyon niyo.

Ermitanyo:
Kung iyan ang iyong kagustuhan,
Ikaw ay aking bebendisyunan.
Nawa'y kayo'y makarating roon ng ligtas,
At makabalik sa Berbanya upang maibigay ang lunas.

SCENE FOURTEEN:
Don Pedro:
Aking kapatid na Don Diego,
Kailangan nating maitakbo,
Ang Adarna na mula kay Juan at mailayo,
Upang maipakita sa kanilang hindi tayo nabigo.

Don Diego:
Ngunit utang natin sa kanya ang ating buhay,
Kung hindi dahil sa kanya ay naging bato na tayo habambuhay.

Don Pedro:
Nanaisin mo bang mapahiya?
Sa harap ng amang hari at ng Berbanya?
Kapag napagtanto nilang si Juan lamang ang nakahuli sa Adarna,
At tayo ang nabigo na matatandang kapatid niya?
Mag-isip ka Diego,
Dahil pareho lamang tayong makikinabang rito,
Dahil kung hindi, ay malaki itong kahihiyan,
Na kakalat sa buong kaharian.
Don Diego:
Ngunit ang mapahiya ay ayoko,
Kapatid kong Don Pedro.

Don Pedro:
Kaya dapat nating paslangin si Don Juan.
Upang di na makabalik sa 'ting kaharian.

Don Diego:
Ang aking kapatid ay di ko maaaring paslangin.

Don Pedro:
Wala akong panahon para sa ating kapatiran.
Kaya kung ayaw mo'y wag mo kong pigilan.
At pag dating sa kaharian
Siguraduhin mong parang wala kang
nalaman.

SCENE FIFTEEN:
Don Pedro:
Kami'y nandito na,
Dala na namin ang ibong Adarna.

Donya Valeriana:
Maligayang pagbabalik!

Don Fernando:
Nasaan na si Juan?
Siya ba'y inyong iniwan?

Donya Valeriana:
Ang labis na pag aalala
Sayo ay makakasama.
Mas mabuting ikaw nalang ay magpahinga.

Ito na ba ang ibong Adarna?


Aba'y ang pangit niya pala.
Sabi ng manggagamot ito daw ay may pitong kulay ng balahibo
Na sinumpa ng engkanto.

Don Pedro:
Yan na nga po ang Adarna.

Don Fernando:
Bakit tila ba'y nagdurusa ang ibong Adarna?
Parang mas may sakit pa ito sa akin.
Kung ganyan ang kanyang kalagayan
Ay tiyak na ang aking kamatayan.
SCENE SIXTEEN:
Don Juan:
Inang Birhen,ako po sa iyo'y dumadalangin.
Kay ganda ng langit at mga bituin.
Kaya alam ko na pong ako'y inyong kukunin.
Ang mga kapatid ko po sana'y patawarin.
Sa pag tatangkang ako'y paslangin.
Dama ko na po ang aking kamatayan
Kaya't ang aking mga magulang ay ingatan.
Ang sakit ng Hari'y nawa'y malunasan.
O mahabaging Bathala,ako sana'y pakinggan.

Matanda:
O,Mahabaging Diyos!Anong nangyari?
Ika'y aking gagamutin
Kaya't sakit muna'y tiisin.

Don Juan:
Isang himala.
Ang aking panghihina ay nawala.
Salamat po sa inyo.
Ano po bang maaari kong gawing kabayaran sa ginawa ninyong kabutihan?

Matanda:
Ang layon ay kawanggawa.
Ang aking pagtulong ay tinakda.
Ngayo'y ika'y humayo.
Tumungo ka na sa Berbanyang naghihintay sayo.

Don Juan:
Salamat,kayo po sana'y pagpalain
Ng Diyos na mahabagin.

SCENE SEVENTEEN:
Don Juan:
Amang Hari at Inang Reyna,
Ako'y nagbabalik na!

Haring Fernando:
O aking bunso, sa wakas ay narito kana.
Sa kalagayan mo ay labis akong nag-alala.
Reyna Valeriana:
Aking mahal na hari, tingnan mo ang Adarna,
Ang anyo niya ay nag-iba na!

(Kakanta ang Ibong Adarna)

SCENE EIGHTEEN:
Haring Fernando:
Ang pakiramdam ko ay magaan na,
May himala nga talaga ang Ibong Adarna.

Reyna Valeriana:
Magandang balita nga ito,
Mahal ko.

(Lumapit ang Ibong Adarna kay Don Juan at niyakap ito na para bang mag-ama)

Haring Fernando:
PEDRO!
DIEGO!
Ang sinasabi ba ng Ibong adarna ay totoo?!
Sumagot kayo!

Don Diego:
Opo, Amang Hari,
Kayo'y hindi nagkakamali.

Haring Fernando:
Ipatapon at bawian sila ng karapatan!
Ang inyong pagtataksil sa inyong kapatid ay hindi makatarungan!
Hindi niyo ito mapapantayan ng kapatawaran!
Umalis na kayo at ayaw ko na kayong makita dito sa kaharian!
Dapat kayo'y hindi na pamarisan!

Don Juan:
Amang hari, ang kanilang ginawa ay tapos na,
Heto parin ako't buhay pa.
Wala pa ring magbabago,
Sa samahan naming tatlo.
Ang mga kapatid ko'y mahal ko,
Dahil karugtong na sila ng buhay ko.
Kaya't sana sila'y kaawaan niyo,
Dahil sila rin nama'y anak ninyo.

Haring Fernando:
Tama ka aking bunso,
Sila parin nga'y mga anak ko.
Kaya't hindi ko itutuloy ang hatol na ito.
Ngunit, may kapalit itong isang pangako,
Ang hindi na nila uulitin pa ang pagkakamali,
Dahil kung sila'y magkasalang muli,
Patawad, ngunit kamatayan na ang magiging kapalit.
Hindi ko na kayo papatawarin pa,
Nagkakaunawaan ba?!

Don Pedro at Don Diego:


Opo, Amang Hari.
Kami'y hindi na muling magkakamali.

SCENE NINETEEN:
Don Pedro:
Di ko na kayang tanggapin
Ang kahihiyan na binigay ni Juan sa atin.
Ngayo'y aliw na aliw ang Ama sa ibong Adarna
Ito ngayon ang gagamitin kong pang hatol sa kanya.

Don Diego:
Di ka ba nangangamba na malaman ito ng ating Ama?

Don Pedro:
Ang isang magiting na prinsipe
Ay nag hihiganti.
Si Juan,gisingin mo na siya
At pagbantayin mo ng Ibong Adarna.
Wag mo siyang samahan
Upang pag kinatulugan
Ang Ibong Adarna'y ating pakawalan.

SCENE TWENTY:
Don Diego:
Juan ang Adarna muna'y iyong bantayan.
Antayin mo si Pedro upang ika'y halinhinan.

SCENE TWENTY-ONE:
Don Juan:
(Inaantok at tuluyan nang nakatulugan ang pagbabantay sa Adarna)
(Pinakawalan ni Pedro at Diego ang Adarna)

SCENE TWENTY-TWO:
Don Juan:
Nasaan na ang Ibong Adarna?
Ako ba'y nalinlang ulit nila?
Hindi ba sila natatakot sa maaaring gawin ng Amang Hari?
Sapagkat gumawa na naman sila ng pagkakamali?
Ngunit ako'y may pagkakamali rin,
Kaya't ngayon ang dapat kong gawin,
Ay magtago nalang upang pagtakpan,
Ang aking mga kapatid sa kanilang kasalanan.

SCENE TWENTY THREE:


Haring Fernando:
Pedro, Diego, Juan!
Bakit wala ang Ibong Adarna sa kanyang kulungan?!

Don Diego:
Wala po akong alam sa gabing nagdaan.
Ang bantay po kagabi'y si Don Juan.

Don Fernando:
Nasaan si Juan?!
Siya'y hanapin ngayon din kahit saan!

Don Pedro:
Bakit pa po siya hahanapin?
Siya nama'y taksil!

Don Fernando:
Tumigil ka Pedro!
Si Juan ang kailangan ko!

SCENE TWENTY-FOUR:
(Kinakabahan si Diego)
Don Pedro:
Diego,wag kang ganyan.
Itago mo ang iyong takot at hiya kay Juan.
May naisip ako upang tayo man lang ay makabawi mula sa pagpapahiya niya,
Sa harap ng Kaharian ng buong Berbanya.

Don Diego:
Ano naman iyon?
Ano na naman ang naisip mong solusyon?

Don Pedro:
Wag na tayo bumalik sa ating tahanan. Sumama na tayo kay Juan
Makipag sapalaran na tayo sa ibang kaharian.

Don Diego:
Maganda ang iyong ideya kapatid ko.
Tara na't puntahan ang ating bunso.
Don Pedro:
Juan!
(Niyakap si Juan)
Napag kasunduan naming ang Berbanya ay lisanin.
Nais ka sana namin imbitahan,
Para kami'y samahan.

Don Juan:
(Napaisip ng malalim)
Ako'y sang-ayon
Sa inyong desisyon.

SCENE TWENTY-FIVE:
Don Diego:
Masdan niyo ang balong marmol na inukitan,
Ang ukit nito'y ginintuan.

(Lumapit ang tatlo sa balon)

Don Juan:
Ang balong ito ay mahiwaga.
Teka't susubukan kong bumaba.
Ako'y inyong talian,
At ihulog ninyo 'kong dahan-dahan.
Wag ninyong bibitiwan
Hanggat 'di ko pa kayo sinasabihan.

Don Diego:
Ako ang mas matanda sayo Juan.
Kaya't ako na ang bababa, ako'y iyong pabayaan.

Don Pedro:
Hoy Juan at Diego!
Ako ang mauuna dahil ako'y panganay.
Ako ang masusunod,
Kaya't wag kayong sumuway.

Don Juan:
Kung gayon,
Ikaw na nga ang mauna sa balon.

(Tinalian si Don Pedro at pumasok na sa Balon)

Don Diego:
Narating mo ba ang hangganan?
May nakita ka ba sa kailaliman?
Don Pedro:
Ako'y kinapos ng hininga kaya't ako'y umahon.
Binalot ako ng sindak at takot sa loob ng balon.

Don Diego:
Ako'y iyong sinabihan
Na ang tunay na prinsipe'y walang kinakatakutan?

Don Pedro:
Tumigil ka Diego!
Subukan mo.
Tingnan natin kung hindi ka sumuko.

(Tinalian si Diego at pumasok na ito sa balon.)

Don Juan:
Oh? Anong balita?
Mayroon ka bang nakita?

Don Diego:
Wala! Wala!
Wala akong nakita!
Ang aking katawa'y nanlata.
Habang nasa loob ng balong dilim lang ang makikita.

Don Juan:
Dahil hindi niyo nakayanan,
Akin namang susubukang pumunta sa kailaliman.

(Tinalian ang sarili at tumalon sa balon.)

SCENE TWENTY-SIX:
Don Juan:
Mala engkanto ang balong ito.
Mayroong palasyong kumikinang dito.

(Naglakad lakad siya at nakita nito si Donya Juana.)

Don Juan:
Magandang araw sa iyo,
Marikit na Prinsesa.
Ako nga pala si Prinsipe Juan,
Nagmula sa Berbanyang Kaharian.
Donya Juana:
Magandang araw din,ginoo.
Ako'y namangha sapagkat ika'y narito.
Ako nga pala si Donya Juana.
At ako’y isang prinsesa.

Don Juan:
Sadyang tadhana ang sakin dito'y nagdala.
Upang ika'y aking makita.

(Yumuko at hinalikan nito ang kamay ng Prinsesa ngunit 'di manlang ngumiti si Donya Juana.
Sa halip ay puno ng galit ang kanyang mukha.)

Don Juan:
Kung wala mang pag-ibig na nadarama,
Pangakong sinseridad ay ipapakita.
Marami akong pinag-daanan
Upang ika'y aking masilayan.
Balong kasindak-sindak
Ay akin pang tinahak.

Donya Juana:
(Hinawakan ang mukha ng Prinsipe.)
Sa iyo na ang aking puso,
Kapag ito'y naglaho.
Patunay lamang na nag taksil ka sa pangako.

Don Juan:
Ika'y hindi ko pag tataksilan, Oh Prinsesa.
Panahon ang siyang mag papakita.

Donya Juana:
Pero saan kita itatago?
Malupit ang hinganteng saki'y nagbabantay.
Baka 'di ka na makalabas dito ng buhay.

Don Juan:
Aking mahal,wala kang dapat katakutan.
Ang higante'y aking lalabanan.
Para sa iyong inaasam na kalayaan.

SCENE TWENTY-SEVEN:
Higante:
Juana! May naaamoy akong ibang tao.
May ibang taong naparito.

Donya Juana:
Hindi ko alam.
Higante:
Kapag siniswerte ka nga naman.
Di ko na kailangang umakyat ng kabundukan.
Mayroon na akong makakain,
At siya pa ang lumapit sa akin.

Don Juan:
Manahimik ka!
Ako'y hindi mo malalapa.

Higante:
Ikaw ma'y malakas sa inyong kaharian,
Dito'y hindi uubra ang iyong katapangan.
(Fight Scene)

Don Juan:
Mahal na Prinsesa Juana,
Ika'y malaya na.

Donya Juana:
(Niyakap si Juan)
Salamat sayo Juan.
Salamat at ako'y iyong tinulungan.

Don Juan:
Tara na't lumayo sa lugar na ito.

SCENE TWENTY EIGHT:


Leonora:
Sino ka?
Hindi kita kilala,
Ano ang sadya mo rito sa palasyo?
Bakit ka naparito?

Don Juan:
Humihingi ako ng kapatawaran,
Sa aking kapahangasan.
Ang ngalan ko'y Don Juan.

Leonora:
Hindi mo ba alam na tanging kamatayan,
Sa pagparito mo ang iyong makakamtan?
Kaya't bago pa dumating serpyente, ika'y umalis na,
At baka maabutan ka pa niya.
Don Juan:
Ang aking pagkamatay ay hindi gaanong masaklap,
Kung ako'y mawawalan ng buhay sa iyong
harap.

Leonora:
Nagbibiro ka ba? Hindi kita hahayaan,
Na mamatay lamang sa aking harapan.
Umalis ka na,
At huwag mong hintaying ang buhay mo'y masayang pa.

Don Juan:
Bakit ka ba sakin nagagalit?
Nagkasala ba ako,binibining marikit?
Patawarin mo ako sa 'king nadarama
Sapagkat 'di ko kayang 'di ka makita.
Kaya't lahat nang 'yong utos ay susundin.
Wag ka lang mawaglit sa 'king paningin.
Ikaw ba'y sasama sa akin?
O gugustuhin mong sa harap mo ako'y
patayin?

Leonora:
(Nilapitan si Don Juan)
'Di kita matiis Don Juan.
Ika'y aking kinaawaan.
Kung ikaw ma'y aking kinagalitan,
Wag kang mag alinlangan.
Sapagkat ang pag-ibig mo lang ay aking sinubukan.

Don Juan:
Naiintindihan kita,
Prinsesa Leonora.

(Nagtitigan at magyayakap na nang biglang dumating ang serpyenteng may 7 ulo)

Serpyente:
Leonora! Bakit ikaw ay may taong ikinaila sa akin?
Ikaw tao! Ang buhay mo'y aking kikitilin!

Don Juan:
(Bumunot ng Espada)
Serpyente, nagkakamali ka,
Halina't kakalabanin kita.
Ang buhay mo,
Ang wawakasan ko.
Serpyente:
Magsisisi ka sa iyong pagparito,
Magiting na ginoo.

(Fight scene)

Leonora:
Don Juan, narito ang mabagsik na balsamo,
Sa bawat ulong mapuputol ibuhos mo ito.
Upang hindi na muling mabuhay pa, ang serpyenteng kalaban mo.

(Fight scene, isang ulo nalang ang natitira)

Serpyente:
Maghanda na kayo ng inyong mga hukay,
Dahil kahit iisa nalang ang ulo ko, ako pa rin ang magtatagumpay.

(Pagtatapos ng laban ni Don Juan at ng Sepyente)

Don Juan:
Aking Prinsesa,
Tapos na ang iyong pagdurusa.
Halina't tayo'y umalis na.

SCENE TWENTY NINE:


(Lumabas mula sa balon sila Don Juan at ang magkapatid na Prinsesa)
Don Juan:
Aking mga kapatid na Diego at Pedro.
Ipinapakilala ko sa inyo
Sina Juana at Leonora,sila'y nanggaling sa kaharian
Sa kailaliman ng balon.

Don Diego:
Ito nga'y isang himala!
Sa balon nga talaga'y may hiwaga.

Don Pedro:
Kinagagalak naming kayo'y makilala.
Dalawang maririkit na Prinsesa.

Donya Leonora:
Naku!
Ang singsing kong dyamante na pamana pa ng aking Ina.
Naiwanan ko ito sa kaharian sa baba.
Don Juan:
Kung gayon.
Ako'y bababa na ngayon.
Kukunin ko na ang iyong
Singsing.

Donya Leonora:
Salamat!
Salamat sa lahat-lahat.

(Tinalian ni Juan ang sarili sabay baba sa balon ngunit biglang puputulin ni Pedro ang lubid.)

Donya Leonora:
Juan!!!
Ano ang iyong ginawa?
Ang kapatid mo'y nasa baba.
'Di ka ba naawa?

(Sampal kay Don Pedro.)

Don Pedro:
'Di ko na nanaisin,
Na ika'y sakin pa'y agawin.
Mabuti ng maiwan siya.
Upang masolo kita.

Donya Juana:
Kawalang-yaan!
Di nababagay sayo si Leonora.
Lapastangan!

Don Pedro:
Wala na kayong magagawa.
Kayo'y sami'y sumama.
Dadalhin namin kayo sa Berbanya.
Upang ipakilalang aming magiging asawa.

Donya Leonora:
Ako'y iyong lubayan.
Ako'y inyong iwanan.
SCENE THIRTY:
(Dumating ang isang lobo)
Leonora:
Puntahan mo si Don Juan,
Kung siya man ay nasaktan,
Sabihin mong hindi ko kagustuhang siya'y iwan.
At ako'y agad nang humihingi ng kapatawaran.
Ang kanyang mga sugat ay iyong gamutin,
Pinilit lamang kami ng kanyang mga taksil na kapatid kaya't sana ako'y kanyang patawarin.

SCENE 31:
Pedro:
Ama naming hari
kami po'y narito na.
Sa harap ninyo ay nagbalik na.
narito na muli sa Berbanya.

Hari:
Nasaan ang bunso ninyong kapatid?
si Juan ay gusto kong mabatid.

Pedro:
Paumanhin ama,
hindi po namin siya nakita
wala na kaming nagawa
pagkat saan may wala siya.
Ngunit kami'y may hatid na balita
magandang, magandang balita
na labis naming ikinatuwa.
Dalawang prinsesang nasa harapan
ay ang aming natagpuan
at aming napag-isipan
ang sila'y pakasalan.

Hari:
O aking anak na Pedro
Sino sa kanila ang iyong gusto?

Pedro:
Ama,
ang gusto ko po'y si Leonora.
kay Diego nama'y si Juana.
Leonora:
(lumuhod at napaiyak)
Mahal na Hari
ipagpaumanhin ninyo ang aking pagtanggi
pagkat ako'y may dahilang natatangi.
Magmula ng pumanaw na
Ang aking ama't ina
naipanata ko na,
na pitong taong mabuhay mag-isa.
Hayaan nyo munang matapos ko itong panata
bago pakasalan ang prinsipe ng berbanya.

Hari:
Kung iyan iyong kahilingan
akin namang naintindihan.
ipagpaliban muna ang kasal at pabayaan.
sa susunod na lamang pag usapan.
Ikaw naman Donya Juana,
ikakasal sa aking pangalawa.
ipaghanda na ang pista dito sa Berbanya.

SCENE 32:
(Ginawa ng lobo ang lahat ng bilin ni Leonora)
Don Juan:
Maraming salamat, Lobo.
Dahil sayo'y nakalabas pa 'ko sa balon na ito.

SCENE 33:
(Natutulog si Don Juan)
Ibong Adarna:
(Aawit)
Don Juan:
Ako yata'y nasa kalangitan.
Ibong Adarna:
(Muling Aawit)

SCENE 34:
Don Juan:
Ako po'y inyong kaawaan,
Kung meron man po kayong pagkain diyan,
Maaari niyo po ba akong bigyan?
Matanda:
Heto, ginoo.
Durog-durog lamang ang tinapay na ito.
Ngunit tiyak na maiibsan ang gutom mo.
Heto rin ang tubig at pulot-pukyutan,
Upang ika'y masiyahan.

Don Juan:
Maraming salamat sa pagkain,
Kayo sana'y pagpalain.
Hindi man ako makaganti ngayon sa inyong kabaitan,
Tiyak na magkikita tayong muli kaya't baka makatulong ako at kayo ay aking babalikan.
Ako po'y nanghihingi ng kapatawaran,
Paggalang ko ay nawala sa kawalan,
May isa pa po sana akong kahilingan.
Ang kaharian ng Reyno De Los Cristales ay nais ko malaman,
Saan po ba ang daan?
Sapagkat tatlong taon na ang lumipas ngunit hindi ko parin ito matagpuan.

Matanda:
Wala rin akong alam tungkol riyan,
Ngunit may kilala akong makatutulong kung ang kaharian na iyon ay nasaan.
Mula rito,
Tandaan mong nasa ikapitong hanay ng bundok ang hahanapin mong ermitanyo.
Heto ang kapirasong baro,
Ipakita mo ito kung sakaling magkasalubong kayo.
Ikaw na ngayon ay humayo,
Sapagkat malayo pa ang lalakbayin mo.

Don Juan:
Maraming salamat po sa tulong niyo,
Nawa ay pagpalain kayo.

SCENE 35:
Ermitanyo:
Lumayo ka sa tabi ko,
Sa tagal ng pag-iisa ko,
Wala nang taong napapadpad rito,
Kaya siguro ika'y isang engkanto.

Don Juan:
Huwag po kayong mag-alala,
Totoong tao po ako na ipinadala ng matanda.
Heto ang ibinigay niyang baro,
Upang magsilbing katibayan ko.
Ermitanyo:
Totoo nga!
Kung gayon, ano ang iyong sadya?

Don Juan:
Marangal na Ermitanyo,
Ang Reyno De Los Cristales ay pilit na tinutunton ko.

Ermitanyo:
Ang hinahanap mong kaharian,
Ay hindi ko alam kung nasaan.
Maging ang mga hayop,
Na aking nasasakop.
Baka ang kapatid ko ay alam iyan,
Sa ikapitong bundok na iyan,
Doon mo siya madaratnan.
Heto ang baro ko bilang katunayan,
Dalhin mo ito bilang katibayan.
Heto, ang Olikornyo at iyong sakyan.
Ika'y ihahatid niyan sa iyong patutunguhan.

SCENE 36:
Ermitanyo:
Sino ka? At anong sadya mo?
Matagal na akong walang nakikitang tao rito.

Don Juan:
Ako po'y ipinadala ng inyong kapatid upang masagot ang hiling kong katanungan.
Heto ang kanyang kapirasong baro bilang katibayan,
At maniwalang ako'y nagsasabi ng katotohanan.

Ermitanyo:
Sa kapatid ko nga ito,
Ngayon, ang katanungan mo ba ay ano?

Don Juan:
Ang Reyno De Los Cristales ay nais kong malaman kung nasaan,
Alam niyo po ba kung saan ang daan?

Ermitanyo:
Walong daang taon na akong dito naninirahan,
Ngunit wala akong nalalamang ganyang kaharian.
Maghintay ka at magtatanong ako,
Sa mga nasasakop kong ibon sa bundok na ito.

(Tinawag ng ermitanyo ang mga ibon)


Ermitanyo:
Sa mahabang paglalakbay,
Sino ang nakakaalam kung nasaan ang Reyno De Los Cristales ng tunay?
(Walang sumasagot sa mga ibon nang biglang dumating ang isang agila)
Ermitanyo:
Agila, bakit tila nahuli ka?
Saan ka nagpunta?
Tila hindi mo pa nauunawaan kung para saan itong kampana.

Agila:
Mahal naming panginoon,
Ako'y humihingi ng tawad at isa pang pagkakataon,
Hindi ko hangad na kayo'y suwayin,
Narinig ko ang kampana ngunit ako'y nasa malayong lupain.
Paglipad ko man ay binilisan,
Huli parin ako sa kalahatan,
Sapagkat sobrang layo nang aking pinanggalingan.

Ermitanyo:
Kung gayon, sabihin mo ang pangalan,
Ng lupaing iyong pinaggalingan.

Agila:
Isang lupaing lubos ang kagandahan,
Reyno De Los Cristales ang pangalan ng kaharian.

Ermitanyo:
Ito'y isang himala!
Don Juan, narinig mo na ang Agila sa kanyang balita.
Kaya ngayon ikaw ay humanda na,
Pati na rin ikaw agila,
Sapagkat patungo si Don Juan sa Reyno De Los Cristales at ikaw ang nakatakdang magdala.

SCENE 37:
Agila:
Tayo’y narito na sa kaharian,

Don Juan.
Dito na rin kita iiwanan.
Ikaw ay mangubli sa halamanan,
Upang ikaw ay hindi mamalayan.
Asahang sa ikaapat ng madaling araw na oras,
Tiyak ang hanap mong prinsesa ay lalabas.
Ang loob mo ay tibayan,
At ang bili ko’y tandaan,
Nang ang gusto mo’y iyong mapagtagumpayan.
Iiwan na kita rito, Don Juan.
Don Juan:
Maraming salamat, Agila.

SCENE 38:
Don Juan:
Ang kanyang gandahan
Ay mala engkanto tingnan.

Donya Maria:
(Narinig ang ingay)
Ano ang aking nakatunugan?
Sinong nariyan?

(Nanahimik si Don Juan)

Donya Maria:
Alam kong may tao diyan.
Kaya ika'y lumabas kung ayaw mong maparusahan.

Don Juan:
(Lumabas sa pinagtataguan.)
Ako'y iyong patawarin saking kasalanan.
Pag pasensyahan mo na ang aking kapilyohan.
Tanda lamang 'yon ng labis na pagsinta.
Sinasabi ko sayo,iniibig kita.

Donya Maria:
Ako'y galit na galit sayo!
Dahil sa pagpasok mo ng walang paalam dito sa palasyo.

Don Juan:
Kung gaano katindi ang 'yong galit
Ganoon din katindi ang aking pag-ibig.

(Kinuha ang kamay ni Donya Maria sabay pinahawak ang dibdib nito para iparamdam ang tibok ng puso)

Donya Maria:
Ang aking galit ay wala na.
Ang iyong sinseridad ay aking nadama.

Don Juan:
(Lumuhod)
Malayo ang aking nilakbayan.
Para lamang ika'y aking masilayan.
Donya Maria:
Ika'y tumayo.
Tanggapin mo ang kamay ko.
Bilang tanda ng pag ibig ko sayo.

(Hinalikan ang kamay ng Prinsesa)

Donya Maria:
Marami nang nag-hangad ng aking kamay.
Ngunit ikaw palang ang dito'y nagtaglay.
Pero kailangan mong pag daanan ang lupit ng aking ama.
Kailangan mo kong mailayo sa kanya.
Alam kong kakayanin mo siya.

Don Juan:
Salamat Maria!
Tunay nga kitang sinisinta.

SCENE 39:
Haring Salermo:
Sino naman itong ginoo
na dito ay nagtungo?

Don Juan:
Magandang hapon sa inyo mahal na hari.
Ako po ay si Prinsipe Juan
nanggaling sa Berbanyang kaharian.
naglakbay ng malayo
upang dito kayo'y masuyo.
Ako po'y narito
upang humingi ng permiso.
Dahil ang anak nyo po'y aking gusto.
Sana ay payagan niyo.

Haring Salermo:
Kung iyan ang iyong kagustuhan
Pumasok na tayo sa kaharian.
At atin iyang pag-uusapan.

Don Juan:
Salamat po sa inyo
Kahit ano man pong pagsubok Ay gagawin ko.
Kung ano pa yaan ay handa ako
Basta't para sa anak nyong minamahal ko.
Haring Salermo:
Kung gayon ay ihanda ang trigo
At sa lupa ay itanim mo.
Bukas na bukas ay dapat naitanim mo na ito.
Yun ang hinihiling ko.

SCENE 40:
Haring Salermo:
Paano ito nangyari?
Lahat ng pagsubok ay kanya ng nayari
Mula sa trigong ginawang tinapay
Nagawa niya ng walang humpay.
Hanggang umabot sa pagpapaamo ng aking kabayo
Nagawa niya rin ito.
Ngunit hindi ko maaring ibigay ang aking anak
Lalo na ang panganay kong galak
Pero sa araw ng pagpili
Maaring siya'y magkamali
Kaya't maghanda siya ng mabuti
Dahil hindi ito ganun kadali.
Sa tatlong naroon
Hindi niya malalaman kung sino doon.

SCENE 41:
Haring Salermo:
Dahil lahat ng ipinagutos ko ay nagawa mo.
Lahat lahat ito ay nasunod mo
Ngunit ito ay dapat ding gawin mo
Ang pagpili sa kung sino sa kanila ang totoong iniibig ng puso mo.
Nasaan sa kanila ang anak ko?
Ngunit base sa nakikita mo kamay lamang ang nakalabas dito
Kaya't pumili ka ng mabuti
At baka ika'y magkamali.

Don Juan:
(naglalakad- lakad sa mga pinto)
Ito na mahal na hari,
Ang akin pong napili.
Siya po ang aking iniibig,
Ang tangi kong pag-ibig.

Donya Maria:
(lumabas)
O, Mahal ko!
Tama ka sa napili mo,
Ako ang iniibig mo.
Haring Salermo:
(speechless in shock)
Paano ito nangyari!
Hindi ito maari!
(sobrang nagagalit)

Donya Maria:
Ngunit Ama
Nangako ka!
Ginawa niya ito lahat ng tapat,
Kaya't ito'y gawin mo ring nararapat.

Haring Salermo:
Hindi! Ayoko!
Wag Maria anak ko,
Hindi nararapat ito.
Kunin mo na ang lahat ng yaman ko huwag lamang ang anak ko.

Don Juan:
Ngunit siya
Ang mahal ko.
Tuparin niyo ang pangako niyo.

Donya Maria:
Ngayon din mahal ko
Ay ilayo mo ko dito
Umalis na tayo sa lugar na ito.

Don Juan:
(tumakbo habang hawak si Maria)

Haring Salermo:
(hinawakan si Maria)
Bunso kong prinsesa
Huwag mong iwan ang ama.
Siya'y iyo na lamang pabayaan
Wag mo akong iwanan.

Maria:
(iwinaksi ang kamay ng ama at itinulak ito)
Hindi aking ama!
Iginagalang kita
Ngunit ako'y may mahal na.
patawarin ako sana.
(and they're gone)
Haring Salermo:
(umiiyak)
Isinusumpa kita Maria!
Siguradong kapag kayo'y nasa Berbanya na.
Kalilimutan ka rin niya.
Ikakasal siya sa unang babaeng makikita niya.
At ikaw ay maiiwang mag-isa!
(faints/dies)

SCENE 42:
Don Juan:
Aking prinsesa
Maiwan na muna kita.
Pupunta lamang ako sa aking ama.
At harapin ang galit niya.

Donya Maria:
O sige mahal ko
Basta't bilisan ang pagbalik mo.
(hugs)

SCENE 43:
(Juan naglalakad papasok sa kaharian)
Leonora:
(hugs)
O minamahal ko
Narito ka na pala?
Saan ka pa ba nagtungo't
Hinihintay kita.
(and the rest of the monarch appeared)
Haring Fernando:
Anak ko ika’y narito na,
Salamat naman at nagbalik kana.

Leonora:
Mahal na hari
Hinihingi ko ang iyong pag-intindi.
Nakaraan lamang ay aking sinabi
Ang panata kong pitong taon
Ay dahilan ko lamang noon
Upang hindi maipakasal sa lapastangan
At anak niyong puro kasakiman.
Ang totoo ay ang mahal kong si Don Juan.
Ang nagligtas saakin mula sa kapahamakan
Kaya't siya ang dapat at gusto kong pakasalan.
Ang dalawa namang anak ninyo
Ay kasinungalingan ang hinatid sa inyo.
Para lamang kami ay maisama dito.
Haring Fernando:
(tiningnan si Pedro at Diego with anger; nakayuko lang ang ulo ng dalawa)
Leonora, kung si Juan ang iyong nagustuhan
Ihahanda na ang kasalan
Sa mismong linggong ito'y paghandaan.

Haring Fernando:
Ngayo'y ipapataw ko na
Ang parusa sa inyong dalawa
Sa kasalanang inyong ginawa.

Don Juan:
Ama, lahat ng sinabi ni Leonora,
Ay tama.
Ngunit maaari po bang pagkatapos na lamang ng kasal sila’y parusahan?
Ama, ako naman po’y inyong pagbigyan.

Haring Fernando:
Tama nga naman ang iyong kahilingan,
O, anak kong Juan.

SCENE 44:
(Wedding music cue)
Don Fernando:
Itigil muna ang kasalan.
Parating ang emperatris dito sa kaharian.

(Pumasok si Maria ng may pag mamalaki)

Donya Maria:
Nakaabala ba ako sa kasalang nagaganap.
Tila nahuli na yata ako ngunit ako pari'y tinanggap.

Donya Valeriana:
Gawi na namin na unahin
ang panauhin.
Isang karangalan
na masaksihan mo ang kasalan.

Donya Maria:
Ganun po ba?
Kung gayon may regalo ako
Para sa inyo.
Isang palabas para sa lahat,
Ng dito'y nagkalat.
Don Fernando:
Aba!
Ilabas na ang kanyang inihanda.

SCENE 45:
Negrito at Negrita:
(Mag tatanghal ng isang sayaw)

SCENE 46:
Donya Maria:
Don Juan di mo ba matandaan na
Na ako ang minamahal mong tunay?
Kung ganun, dapat sa kahariang ito ay lahat tayo mamatay!
Ang praskong ito ay naglalaman ng nalalabi kong kapangyarihan,
At siya rin ang gugunaw sa inyong kaharian!
(Babasagin ang prasko ngunit niyakap siya ni juan)

Don Juan:
Maria ikaw nga ang tunay kong minahal aking sinta
Sa iyong lumbay at lungkot ako ang may gawa,
Naiintindihan ko kung ika'y galit sa akin.
Pero sana ako ay iyong patawarin.

Ama (hinawakan ang kamay ni maria)


Si Maria ang nais kong pakasalan.
Hindi si Leonora.

Leonora:
Hindi pwede ito!
Ako ang nauna kaya’t mas may karapatan ako!
At sa pangalan ng Bathala,
Ang nauna ang may pala.

Donya Maria:
Inayawan ko ang lahat para kay Juan.
Naging taksil ako sa aming kaharian,
At sa ama ay naging suwail para lamang sa pagmamahal ko kay Juan.
Isinakripisyo ko ang lahat sa kanya dahil kami’y totoong nagmamahalan.
Ano ba ang punto kung may nauna man?
Kung hindi naman niya talaga ito minahal ng lubusan?

Haring Fernando:
Ngunit, utos ito ng simbahan,
At bata rin ng kalangitan.
Ang una ang may karapatan,
Sa pag-ibig ni Don Juan.
Donya Maria:
Ganito ba talaga ang batas ng mga tao?
Sa mali ay anong amo,
Sa tama ay lumalayo?

Reyna Valeriana:
O, Diyos sa Kalangitan,
Kami’y iyong liwanagan.

Donya Maria:
Sa puri kaya ng tao,
Ano ang katimbang nito?

Donya Juana:
Tumahimik ka na.
Ang katipang tinatanggap sa simbahan ay si Leonora!
Siya ang ikakasal kay Don Juan,
Dahil siya ang may karapatan!

Donya Maria:
(Hinarap si Juana at sinampal)

(inawat naman agad siya ni Juan)

Don Juan:
Huminahon ka, aking prinsesa.
Ama at ina ang tunay na nasa puso ko’y si Donya Maria.
Kung nahandugan ko man ng pagmamahal si Leonora,
Inaamin kong mas matimbang naman si Maria sa aking pagsinta.
Kung sakali mang pakasalan ko si Leonora,
Lulungkot lamang ang aking buhay,
At mapupuno ng lumbay.
Hindi lamang dahil nawala sa akin ang minamahal kong totoo,
Ngunit dahil na rin sa magkaklayo ang loob naming ni Don Pedro.
Dahil siya ang tunay na nagmamahal kay Leonora, hindi ako.

Leonora:
Ngunit Juan,

Don Juan:
Ang pag-big na ibinibigay ng aking kapatid ay hindi mo pa nakikita,
Sapagkat hindi mo pa binubuksan ang puso’t isipan mo sa iba.
Mayroong mas karapat-dapat sa iyo,
At alam kong iyon ay hindi ako.
Lubhang mainggitin man si Don Pedro,
Pagdating naman sa iniibig niya siya’y nagbabago.
Don Juan:
(humarap sa ama)
Kaya ama,
Sana’y iyong maintindihan ang aking pasya,
Sana’y basbasan mo kami ni Maria na maikasal na.

Haring Fernando:
Naiintindihan kita
Anak, alam ko na kung sino sa kanilang dalawa.
Alam ko rin namang hindi lahat ng nauna
Ay mahal mo na talaga
Maaaring matagpuan ito sa iba,
Maaaring sa pangalawa.
Kaya't kayo na nga ni Maria ay basbas ko na.
Ngunit sino ang magmamana
Ng aking trono anak ko?

Don Juan:
Sino pa nga ba Ama,
Kundi ang panganay na anak diba.

Donya Maria:
Huwag kayong mag-alala
Mahal na hari ng Berbanya.
Sa amin ay may kaharian ding nagiintay
Doon kami mamamayani ay mabubuhay.
Iyon po ay ang Reyno de los Cristales

Haring Fernando:
Panganay ko ma'y nagkasala,
Siya parin ang dapat na magmana.
Kaya't ang magmamana ng trono ay si Don Pedro.
Halina't ipagpatuloy ang ang pista sa Berbanya!

(music cue)

Don Juan:
Maligaya ang bati ko
O mahal na kapatid ko.
Sapagkat ikaw ang magmamana ng trono,
Mabuhay ka Don Pedro!

Don Pedro:
Salamat kapatid ko
Tunay nga na kaybuti mo
Sana ako patawarin mo
Sa lahat ng masamang bagay na nagawa ko.
Don Juan:
Natural lang sa mag-kakapatid ang mag-away.
Ganoon talaga ang buhay.
(Naglakad palayo)

Donya Leonora:
Maligayang bati!
Para sa susunod na Hari.

Don Pedro:
Salamat aking sinisinta.
Salamat Leonora.

Donya Leonora:
Bukas ba ang trono
Para maging reyna mo?

Don Pedro:
Ahh
Ehh
Hehe!
(Gulat)

Donya Leonora:
(Natawa)
Kung ayaw mong saki'y magpakasal....

Don Pedro:
(Mabilis na nagsalita)
Ikaw ba'y payag na?
Pwede na ba tayong mag pakasal
O aking Prinsesa?

Donya Leonora:
Tama nga ang sinabi ni Juan.
Kaya nais na kitang pakasalan.
Kailangan kong subukang maghanap ng ibang kasintahan.

Don Pedro:
Di mo pagsisisihan
Ang iyong napag desisyunan.
(yakap)
SCENE 47:
Mga tao:
Viva!Viva!
Mabuhay!
Mabuhay ang bagong Hari't Reyna
ng Berbanya!

(Kinoronahan na sila Don Juan at Donya Maria)

You might also like