Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan - 1st QRTR

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag - aaral ay may pag - unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-arawaraw na pamumuhay.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag - aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto
ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-arawaraw na pamumuhay.

Pamantayan sa Pagkatuto

Naipakikita ang ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa suliranin


ng kakapusan. (AP9MKE-Id-8).

Unang Markahan Linggo: 4 Araw: 1

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. natutukoy ng mga mag-aaral ang kanilang personal na kagustuhan at


pangangailangan;
2. naipamamalas ang kanilang matalinong pagdedesisyon sa pagpili ng kanilang
pangangailangan at kagustuhan bilang mag-aaral; at
3. napahahalagahan ang mga paraan ng matalinong pamamahala sa kakapusang
nararanasan.

II. Nilalaman

Paksa: Aralin 3: Pangangailangan at Kagustuhan


- Personal na Kagustuhan at Pangangailangan
Integrasyon: Values, Mathematics
Estratehiya: Cooperative Learning
Sanggunian: Modyul para sa Mag-aaral, Pahina 40-41
K to 12 Gabay Pangkurikulum, Pahina 25-32

Kagamitan: visual materials, manila paper, larawan

III. Pamamaraan

A. Balik-aral (ELICIT):

THINK, PAIR AND SHARE

Upang masuri ang kaalaman ng mga mag-aaral sa nakaraang talakayan tungkol sa


kaibahan ng kagustuhan at pangangailangan ay magkakaroon ng gawaing think pair and
share.
Panuto: Sa loob ng isang minuto ay mag-iisip ang mga mag-aaral ng limang bagay
na pinakagusto at pangangailangan nila bilang isang mag-aaral. Pagkatapos ng isang
minuto ay maghahanap sila ng kapareha at tatalakayin nila ang kanilang mga sagot at
magtatawag ang guro ng limang mag-aaral na ibahagi sa klase ang kanilang naging
kasagutan.

B. Pagganyak (ENGAGE):

Hahatiin ang pisara sa dalawang bahagi, ang isang bahagi para sa kagustuhan at ang
kabila ay para sa pangangailangan. Magbibigay ang guro ng meta cards, kung saan susuriin
nila ito at ipapaskil sa pisara kung saan ito napabilang. Tatawag ang guro ng ibang mag-
aaral upang magpaliwanag.

C. Pagtuklas (EXPLORE)

Gaano nga ba kahalaga na malaman ninyo bilang mag-aaral ang kaibahan


ng inyong personal na pangangailangan sa inyong personal na kagustuhan?

D. Pagtalakay (EXPLAIN)

Talakayan tungkol sa Ang Kaugnayan ng Personal na Kagustuhan at


Pangangailangan sa Suliranin ng Kakapusan.sa pamamagitan ng pagbasa ng
kwento nila Mat at Tam.

E. Pagpapalalim (ELABORATE)

A. Basahin ang kwento ni Mat at Tam at sagutan ang mga sumusunod:

1-2. Ibigay ang mga pangalan ng kambal sa kwento.


3. Magkano ang baon nila araw-araw?
4. Ano ang pinaggagastahan ni Tam sa halagang P30.00 ng
kanyang baon?
5. Sino sa kambal ang gumigising ng maaga upang maglakad
papunta sa paaralan?
6. Sino sa kambal ang sumasakay upang hindi mahuli sa pagpasok?
7. Magkano ang kabuuang halaga na nagastos ni Tam sa video
games at pamasahe?
8. Ano ang nabili ni Mat sa kanyang naipong pera?
9-10. Saan nakasalalay kung paano pamamahalaan ng tao ang
kakapusang nararanasan nila.

B. Itanong sa Klase:
1. Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?
2. Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan? Bakit?
3. Ano ang pagkakaiba ng iyong sagot at ng iyong kamag-aral?
4. Maaari bang maging kagustuhan ang isang pangangailangan? Patunayan

IV. Paglinang sa Kabihasaan (EVALUATE)

Isulat ang salitang GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng.


1. _______ pumunta sa party
2. _______ kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang
aking katawan.
3. _______ magbubukas ng savings account sa isang matatag na bangko
para sa isang kinabukasan.
4. _______ lumipat sa magandang bahay na may aircon
5. _______ uminom ng tubig pagkatapos kumain
6. _______ mamahaling relo
7. _______ telebisyon
8. _______ kumain ng pizza
9. _______ maglaro ng video game
10. _______ magsuot ng maayos na damit

V. Kasunduan (EXTEND)

Bilang isang mag-aaral, paano mo pamamahalaan kung ang baon mo sa isang


linggo ay P300.00?
Gumawa ng break down o time table para sa pag-bubudget nito.

VI. Pagninilay (REFLECTION)


A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80%: ____
B. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan ng karagdagang gawain para mas
mapagaling: _____
C. Naging mabisa ba ang karagdagang gawain? ___
D. Bilang ng mga mag-aaral na naka-habol sa aralin: ____
E. Bilang ng mga mag-aaral na kailangang ipagpatuloy pa ang remediation: ___
F. Anong estratehiya sa pagtuturo ang naging mabisa? Bakit ito mabisa?
G. Anong mga hadlang o paghihirap sa pagtuturo na aking na sagupa na
matutulongan ng aking principal o supervisor na malutas? _____
H. Anong mga makabago o localized na mga kagamitan na aking ginamit na
gusto kong ibahagi sa ibang guro? _____

You might also like