Ang dokumento ay tungkol sa karapatan ng mga bata. Ito ay naglalarawan ng iba't ibang karapatan na dapat bigyan ng pansin tulad ng pagkakaroon ng pamilya, edukasyon, kalusugan at proteksyon mula sa mga abuso at krimen.

Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1
KARAPATAN NG MGA BATA
By Vander Reizo Villejo Garcia
Ang makalakad sa mundo, mabuhay na tulad nyo
Mula pa noong una, maranasan ko sana. Isang karapatan wag sanang ipagkait. Sa isang batang walang muwang, isang anghel galling langit.
Isang pamilyang buo, isang pamilyang Masaya.
Ang sa akin ay kumupkop, kaligayahan ay malubos. Magbibigay ng mga kailangan, gagabay sa aking lalakaran. Kasama ko ang mga bata sa daigdig, karapatang ito’y wag nyo sanang iwaglit.
Maging tulad ng ibon, malayang lumilipad
Tuklasin ang mundo, makita ang kagandhan nito. Malaman ang mga bagay, sa sariling pag-raranas, Wag sanang kaligtaan, isama sa aming karapatan.
Magkaroon ng malakas, at maliksing pangangatawan,
Magawa ang maraming bagay, dahil sa kalusugang taglay, Dulot ng mga masustansyang pagkain, sana sa akin ay maihain Pagkaing sapat sa listahan ng karapatan ay wag kalimutang isingit.
Matutunan ang maraming bagay, kasama ang mabuting kaisipan.
Di lamang sa tahanan matutunan, pati sa paaralan. Makapagbasa, makapag-sulat, mga kaalaman sana sa akin ay ihayag. Edukasyon, sa aming karapatan, wag nyo sanang malimutan.
Makilala ang ibang bata, sa kanila ay makisalamuha,
Matuklasan ang ibang bagay, kasama pati ang pakikibagay. Upang maranasan ang kasiyahan, dulot ng paligsahan. Makapaglaro at maging Masaya, sa mga karapatan lagi dapat ay kasama.
Maging ligtas, malaya sa mga abuso,
Mailayo sa panganib, sa tuwina sana kami ay masagip. Mawala sa amin ang takot, madilim na karanasan wag mailukob, Panatilihin sa mga ito, sa aming karapatan ay mahanay ito.
Isang pamayanang kaaya-aya, malaya sa droga,
Tahimik na pamumuhay, lahat naming naisasabuhay, Malaya sa krimen, maipagkakapuri namin, Hindi man ito ang huli, ang karapatang ito wag sanang ihuli.
Patas na serbisyo, maging bata o matanda man.
Tulad nyo na nauna rito, matanggap din naming ito Serbisyong tapat, sapat at para sa lahat, Mula sa gobyerno, maranasan ang isang serbisyong totoo.