Founfdations of Christian Living Talk 3
Founfdations of Christian Living Talk 3
Founfdations of Christian Living Talk 3
Panimula
Upang tayo ay kanyang hubugin at nang an gating karakter ay sumalamin nang gaya ng
sa Kaniya.
Upag tayo ay gawin Niyang kasangkapan upang hipuin at mangusap sa ibang tao
Upang tayo ay turuan Niyang manalangin nang song a gayon ay magabayan Niya tayo sa
mga pangyayaring ‘di natin kayang kontrolin.
25 Kasama rin doon ang isang babaing labindalawang taon nang dinudugo. 26 Hirap na hirap na
siya sa sakit na iyon, at marami nang doktor ang sumuri sa kanya. Naubos na ang kanyang ari-
arian sa pagpapagamot ngunit hindi pa rin siya gumagaling. Sa halip, lalo pang lumala ang
kanyang karamdaman. 27 Nabalitaan niya ang tungkol kay Jesus kaya't nakipagsiksikan siya
hanggang sa makalapit sa likuran ni Jesus, at hinipo ang damit nito, 28 sapagkat iniisip niyang:
"mahipo ko lang ang kanyang damit, gagaling na ako." 29 Agad ngang tumigil ang kanyang
pagdurugo at naramdaman niyang magaling na siya.
Markos 5: 25-34
Jas. 2:19
Mateo 7: 7-11
Ang pananampalataya ay aktibo, panlabas na tugon, at hindi emosyon ng kalooban. Kung ito ay
ibabatay lamang sa emosyon, ito ay nagiging paputol-putol o pabago-bagong alab. Ito ay hindi
emosyon, ngunit ito isang paraan ng pag-iisip, pagsasalita at pagkilos na naglalaman ng mga
element ng emosyon. Ang pananampalataya ay isang panlabas na pagtugon. “Ikaw ay may
pananampalataya kung ikaw ay kumikilos ayon sa pananampalatay.” Pero, ‘di ito basta hanay
lamang ng mga tiyak na kilos/Gawain, ito rin ay isang pananaw na dapat magpakilala sa kabuuan
ng Kristiyanong Pamumuhay. Ang isang kristiyano na siksik sa pananampalataya ay masaya
anuman ang kaniyang kalagayan o katayuan sa buhay, pag-asa sa mapagbigay na pagsubaybay
ng Diyos sa bawat nangyayari sa isang tao, at pag-iwas sa gawi ng pagiging balisa, takot,
pagiging negatibo, poot o pagkasira ng kalooban.
Paglago sa Pananampalataya
Mga Babasahing Pang Espiritwal – Ang mga aklat, magazine na naglalaman ng patungkol sa
ating pananampalataya. Magkaroon ng tatlong taon na gabay sa kung ano ang mga babasahin.
Magbasa ng kahit isang aklat kada buwan.
Personal na Panalangin – Inampon tayo ng Diyos bilang kanyang mga anak, ant Siya ay
nalulugod na sagutin an gating mga dasal. Dapat lagging magtitiwala sa ating mga dasal o
panalangin.
Panalangin para sa Pananampalataya – ang huling hakbang ay maging tapat o direkta. Hilingin
sa Diyos na dagdagan an gating pananampalataya.
Pagtatapos:
Tayong mga miyembro ng CIC ay mga taong may pananampalataya. Ang Diyos ang nagbangon
sa atin at nais Niyang tayo ay kasangkapanin. Gamitin natin ang kanyang biyaya ng
pananampalataya, dahil ito ang Kanyang nais.
Gabay sa Repleksiyon:
1. Anong klase ng pananampalataya ang mayroon ako ngayon?
2. Anong Mga panganib sa pananampalataya ang aking kinakaharap ngayon? Paano ko ito
iiwasan?
3. Tinutulungan ba ako ng aking sambahayan upang palaguin ang aking pananampalataya?