Kabihasnang Africa

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 75

Aralin 16

Ang Sinaunang Sibilisasyon sa Africa at sa


Pacific
Africa
• Ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig,
at nagtataglay ng iba’t ibang katangiang pangheograpiya
na nagresulta sa iba’t ibang uri ng pamumuhay ng mga
tao rito.
• May sukat itong 30, 244, 050 Km2.
• Ang malaking bahagi ng kontinente ay binubuo ng
disyerto.
• Aprikano (lalaki), Aprikana (babae) ang tawag sa mga
taong naninirahan dito.
Oasis
• Ang oasis ay lugar sa
disyerto kung saan may
matatagpuang mga bukal na
tubig.
• Sa gitna ng kontinente ay matatagpuan ang isang
tropical rainforest, na kadalasang umuulan mula
lima hanggang walong talampakan sa isang
taon.
• Ang tropical rainforest ay mainit; may basang
kagubatan na nagtataglay ng matataas na
punongkahoy.
• Kadalasan, sa mga tropical rainforest ay
umuulan araw-araw. Ito ay nasa sonang malapit
sa ekwador.
Savanna
• Ang savanna ay malawak na
kapatagan kung saan marami
ang tumutubong talahib at
damo. Marami sa mga taga-
Africa ay dito naninirahan.
Sinaunang kabihasnan
sa Kanlurang Africa
Imperyong Ghana
• Ang timog ng Sahara ay savanna
na katatagpuan ng Sudan.
• Nasa dakong hilaga ng relihiyong
ito ang sinaunang imperyo ng
kanlurang Africa. Ito ay ang
Ghana, na ang ibig sabihin ay
“Lupain ng mga Itim”.
Soninke
• Ang mga sinaunang tao sa
Ghana.
• Sila ay masisipag na negosyante
at ang kanilang paninda ay
asin, ginto, at bakal na kanilang
ipinagpapalit naman sa garing at
mga alipin.
• Ang paggamit ng bakal ay nakatulong
nang malaki sa pagpapaunlad ng imperyo
ng Ghana.
• Natutunan din ang paggawa ng iba’t ibang
gamit tulad ng mga sandatang kahoy, buto,
at bato.
• Nanguna ang Ghana sa laranganng militar
at napasakamay nila ang malaking bahagi
ng Kanlurang Africa.
Ang mga Pangunahing
Lungsod ng Ghana
1. Timbuktu

• Ang sentro para sa mga


caravan na tumatawid sa
Sahara. Ito rin ang sentro ng
edukasyon at kalakalan.
2. Djenne

•Ang sentro ng koleksyon


ng ginto at alipin.
3. Kumbi
• Ang kabiserang lungsod ng Ghana.
• Dito matatagpuan ang palasyo ng hari,
pook tanggulan, mga gusaling
napaliligiran ng matataas na pader at
ang sentro ng kalakalan, na
kinaroroonan ng mga pamilihan at
tirahan ng mga negosyanteng Muslim,
maharlika, at manggagawa.
• Dahil sa pakikipag-
ugnayan ng mga taga-
Ghana sa mga
mangangalakal na
Arab, marami sa kanila ang
nahikayat sa islam.
Ang Pagbagsak ng
Ghana
•Lumaganap ang Islam sa
buong Hilagang Africa.
•Naging muslim din ang
mga berber.
Almoravid
• Isang pangkat ng mga berber.
• Sumakop sa Ghana, ngunit inabot
ng dalawampu’t isang taon bago
nila nasakop ang lungsod ng
Kumbi.
• Sinira nila ang iba pang lungsod
ng imperyo.
• Maikli ang panahon ng
pananakop ng mga Almoravid sa
Ghana. Nag-aklas laban sa
kanila ang mga tao at naitaboy
sila mula sa Ghana. Dahil dito
naging sentrong pangkalakalan
muli ang Ghana.
•Noong 1420 CE, ang
Ghana ay naging bahagi
na lamang ng imperyong
Mali.
Imperyong Mali
• Napasakamay ng mga pinuno
ng Mali ang mga ruta ng
caravan at mga lungsod ng
Ghana.
• Nagtatag sila ng ikalawang
pinakamalaking imperyo sa
daigdig noong panahong iyon.
Sundiata Keita
•Isang Muslim na
Aprikan na
nagtatag sa
imperyong Mali.
Mansa Musa I
• Isang mayamang
emperador ng Mali.
• Nanungkulan siya mula
1312-1337
(dalawampu’t limang
taon)
• Si Inari Kunate ay
asaw niya.
Niani
• Ang naging sentro ng
Imperyong Mali sa loob ng
dalawampu’t limang taon.
• Ito rin ang naging sentro ng
pag-aaral sa imperyo.
• Hindi nagtagal ang pananakop ng
mga Mali sa Songhay at unti-
unting nagbalik ang kayamanan at
kapangyarihan ng imperyo.
• Pagkalipas ng ilang panahon,
isang pangkat ng mga maharlika,
ang Sunni, ang lumitaw.
• Pagkamatay ni Mansa
Musa, hindi na nakayanan ng
kanyang anak na pamunuan
ang imperyo. Ang mga maliliit
na kanyang sinakop ay
humiwalay na, at unti-unti ang
imperyo ay bumagsak.
Imperyong
Songhay
• Ang mga unang Songhay ay nagtatag
ng mga nayon at bayan. Isa sa mga
pamayanang ito ay ang kukya.
• Nasakop nila ang lupain ng mga
Sarkos, at ang bayan ng Ghana ang
naging kabisera ng Songhay.
• Naging pinakamalaki at
pinakamakapangyarihang imperyong
pangkalakalan sa kanlurang Africa.
Dia Kossoi

•Naging pinuno
ng imperyong
Songhay.
• Umunlad ang Songhay mula
1000 CE hanggang 1300 CE.
• Ilang beses sinubukang
sakupin ng mga Mali ang
Songhay, ngunit sila ay nabigo.
• Si Mansa Musa ang
nagtagumpay sa pagsalakay sa
imperyo.
Sunni Ali
• Unang pinuno ng
imperyong Songhay.
• Namuno siya mula
1464-1492.
• Siya ay isang Muslim.
• Kilala rin siya sa
pangalang Ali Ber o
Ali the Great.
• Sa pamumuno ni Ali, ang mga Songhay ay
nakakaani ng sapat na pagkain para sa
buong imperyo.
• Nakagawa rin ng mga kasuotan at
nakipagkalakalan sa Europa.
• Ang mga Songhay ay marunong gumamit
ng bakal, tanso, at bronse sa paggawa ng
mga kasangkapan, sandata, banga, at
palamuti.
• Kamelyo, kabayo, at aso ang gamit nila sa
paglalakbay at bangka naman sa mga ilog.
Ang Pagbagsak ng
Songhay
Askia Muhammad
• Ang pangalawang
pinakamagaling na
pinuno ng Imperyong
Songhay.
• Kilala din siya bilang
Askia the Great o
Muhhamad Toure.
• Hindi gaanong nagpakita ng lakas at
galing ang mga sumunod na pinuno
ng songhay sapagkat hindi nila napag-
isa ang mga tao sa panahon ng
kanilang pamumuno.
• Sumalakay ang Sultan ng Morocco sa
Songhay at sinakop niya ang Gao.
• Nagpatuloy ang mga Songhay sa
pakikihamok sa mga Moroccan, at
pagkaraan pa lamang ng
dalawampu’t pitong taon bago nila
napaalis ang mga Moroccan
ngunit hindi na nila naibalik ang
lakas ng Songhay.
Sinaunang kabihasnan
sa Silangang Africa
• Dalawang sibilisasyon ang
umunlad sa Silangang Africa-
ang Kaharian ng Kush at ang
Kaharian ng Axum.
Imperyong Kush
• Matatagpuan ang Kush sa kahabaan ng
Nile sa timog ng Africa. Sumasaklaw ito sa
habang 1 200 kilometro mula hilaga.
• Ang Ksuh ay nasa sangandaan ng
maraming sibilisasyon sa sinaunang
daigdig.
• Nasa hilaga nito ang rehiyon ng
Mediterranean; nasa silangan naman nito
ang kabihasnan ng Babylonia, Assyria, at
Persia; sa timog at kanluran nagsimula
naman ang kabihasnan ng Ghana at Mali.
• Ang Kush ang naging sentro
ng pagpapalitan ng kalakal
gaya ng mga bakal, ginto,
garing, at mga alipin.
• Nasakop ng Ehipto ang Kush at naging
kolonya ito sa loob ng 500 taon.
• Ang pagsakop ng Ehipto ay nagdulot
upang masanib sa kulturang Kush ang mga
ideya ng mga taga-Ehipto, sa wika,
arkitektura, sining, at relihiyon.
Pamumuhay sa
Kush
• Aktibo sa pagsasak at kalakalan ang mga
Kushite nang masakop sila ng mga taga-
Ehipto.
• Mahirap magtanim noon dahil ang tubig na
pinapadaloy sa mga taniman ay mula pa sa
ilong Nile na mga 90 kilometro ang layo.
• Nagtanim ang mga Kushite ng mga trigo,
barley, millet, at bulak.
• Nagalaga din sila ng mga hayop gaya ng
kambing at tupa.
• Napabantog ang mga Kushite sa
Meroe.
• Ang opisyal na salita ng mga
Kushite ay ang wikang Ehipto.
• Ginamit din nila ang wikang
Meroitic na isang uri din ng
wikang Ehipto.
Pagbagsak ng
Kush
• Nagsimulang humina ang
kabihasnang Kush nang magapi ng
mga Romano ang mga Kushite. Ito
ang nakapagpabago ng mga
pangunahing rutang pangkalakalan sa
rehiyon.
• Noong 350 CE ay bumagsak na ang
kaharian, at mga piramide na lamang
ang makikita sangayon doon.
Imperyong Axum
• Matatagpuan sa hilagang bahagi ng
bulubunduking Ethiopia.
• Ang mga tao roon ay may lahing
Caucasian at itim na African at
gumamit ng wikang kombinasyon ng
Arabic at Hudyo.
• May relasyong pangkalakalan ang mga
taga-Axum sa mga tao sa Kanlurang Asya.
• Ang kaharian ng Axum ang naging sentro
ng kalakalan ng garing sa hilaga at
silangan ng Africa.
• Napasailalim sa imperyong Roman, at
kasabay ng pagbagsak ng imperyong
Roman ay bumagsak din ito.
• Nasakop ito ng Italy noong 1936.
Mga Kaganapan sa
mga Isla sa Pasipiko
Melanesia
• Ay ang mga isla sa Pasipiko na nasa
hilaga at silanga ng australia.
• Ang pangalang Melanesia ay mula sa
mga salitang Greek na “Melas” o
maitim at “nesos” na
nangangahulugang isla.
• Ang mga tao rito ay pinaniniwalaang
nagmula sa lahing Negro African.
• Ang Micronesia ay ang pangalan ng
mga isla sa Pasipiko na nagmula sa
Gilbert Island.
• Ang mga tao sa Micronesia ay
nagsasalita ng wikang Malayo-
Polynesian.
Mga Tao at Kultura ng
Melanesia
• Maiitim at nagtataglay ng kulot na
buhok ang mga Melanesians.
• Ang mga orihinal na tao sa New
Guinea ay nandayuhan sa isla.
• Karamihan sa kanila ay
magsasaka.
• Ang kanilang lipunan ay
patrilineal.
Patrilineal

• Lipunan na kung saan


nangangahulugan na ang
kanilang tinuturing na ninuno
ay galing sa angkan ng ama.
Mga Tao at Kultura ng
Micronesia
• Ito ay tirahan ng mga taong may
mapuputing kulay at tuwid na buhok
at mayroon pa ding mga kulot.
• Ang mga Micronesian ay naninirahan
sa mga pamayanan na malapit sa mga
baybayin.
• Ang Micronesia ay salitang Greek na
nangangahulugang “Maliliit na Isla”.
• Ang mga pamilyang Micronesian
ay mga matrilineal na
nangangahulugang ang kanilang
kanunununuan ay mula sa angkan
ng kanilang ina.
• Bago pumasok ang mga
mananakop sa lupain, ang
kanilang relihiyon ay animism.
• Ang mga diyos ang
pinaniniwalaang may kontrol sa
kalikasan, kalusugan, at iba pang
kondisyon, at ang mga pinuno ang
pinaniniwalaan ding nagmula sa
mga diyos.
Polynesia
• Ang Polynesia, na
nangangahulugang “Maraming
Isla”, ay tumutukoy sa mga isla na
may hugis trianggulo mula sa isla
ng Hawaii sa hilaga hanggang
New Zealand sa timog.
• Ito ang pinakasilangang rehiyon
ng Pacific Ocean.
Mga Tao at Kultura ng
Polynesia
• Ang Polynesian ay may iisang
kultura, wika, at katangiang
pisikal.
• Sila ay mga Mongoloid na
matatangkad at may katamtamang
kulay ng balat.
• Nagtataglay ng maitim na buhok
na diretso o kaya’y bahagya
lamang ang kulot.
• Ang mga Polynesian ay
responsible sa mga higanteng
monumentong bato sa Easter
Island.
• Ang mga polynesian ay maraming
sinasabang diyos, at ang bawat isa
ay kumakatawan sa iba’t ibang
aspeto ng kapaligiran.

You might also like