Discipleship Tagalog 1st Page

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Module 1 - Lesson 1 NOTES:

ANG PINAKAMAHALAGANG BALITA


Panimula:
Ano ang maituturing mong pinakamahalagang balita ang natanggap mo?

Sa Biblia, may higit na napakahalagang balita ang nais ipabatid ng Diyos sa bawat
tao. Ano kaya ito at bakit ito napakahalaga? Basahin ang Roma 1:16
Bakit mahalagang malaman ang mabuting balita ng Panginoong Jesu-Cristo?
Sapagkat ito ang _____________________ ng Diyos sa ________________ ng
tao. Ang mabuting balita ay tungkol sa kaligtasan ng tao.

BAKIT KAILANGAN NG TAO ANG KALIGTASAN?


Sa Roma 3:23, ano ang sinasabing kalagayan ng lahat ng tao?
Lahat ng tao ay _________________ at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
Ayon naman sa Roma 6:23, ano ang kabayaran ng kasalanan?__________________
Ano ang kamatayang tinutukoy dito?
Ang KAMATAYAN dito ay hindi lamang pisikal kundi espiritwal (Efeso 2:1). Ito
ang pagkakahiwalay ng tao sa Diyos dahil sa kasalanan. Kung ito ay hindi
malulunasan sa buhay na ito, ito ay mauuwi sa walang hanggang
kaparusahan sa impierno ayon sa Biblia. (Basahin: Pahayag 20:14-15).
Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng tao na maligtas sa kabayarang ito ng
kasalanan. Hindi kalooban ng Diyos na ang lahat ay mapunta sa impierno dahil sa
kasalanan kaya gumawa Siya ng paraan tungo sa ikaliligtas.
ANO ANG GINAWA NG DIYOS UPANG SAGIPIN ANG TAO SA KASALANAN?
Roma 5:8 – Namatay si ______________ para sa atin.
Roma 5:9 –Dahil sa ____________ ni Cristo ang tao ay napapawalang sala at naliligtas
sa poot ng Diyos.
Kung si Jesu-Cristo ay namatay para sa mga kasalanan ng tao,
ibig bang sabihin nito ay ang lahat ng tao ay ligtas na ?
________Oo _________Hindi
SINO LAMANG ANG MALILIGTAS?
Ayon sa Roma 10:9-10, sino lamang daw ang maliligtas?
Roma 10:9-10 – Ang maliligtas lamang ay yaong mga ________________________
kay Jesu-Cristo sa puso.
Madaling sabihin ng isang tao na kilala niya si Jesu-Cristo ngunit ang
pananampalatayang nakapagliligtas ay yaong nagmumula sa puso at hindi sa salita
at isip lamang. Ang tunay na pananampalataya ay ang pagkilala kay Jesu-Cristo bilang
nag-iisang Tagapagligtas at pagsusuko ng iyong buhay sa Kanya bilang iyong
Panginoon. Maraming tao ang kilala lamang si JesuCristo sa kanilang isip ngunit hindi
naman nila ipinapasakop ang kanilang buhay sa Kanya.
NOTES: Module 1 – Lesson 10
ANG HALAGA NG PAGIGING ALAGAD
Panimula
Para sa iyo, madali bang mamuhay bilang tagasunod ni Cristo at bakit?

Ang pagiging tagasunod ng Panginoong JesuCristo ay hindi magiging madali. Ito


mismo ang binigyang diin ng Panginoong JesuCristo sa Kanyang mga apostol at mga
maging sa mga nais na sumunod sa Kanya. Ano ang halaga ng pagiging tagasunod ng
Panginoong JesuCristo?
Basahin ang Lukas 9:23, anu-ano ang halaga ng pagiging tagasunod ng Panginoong
JesuCristo?
1. ____________________________________________
2. ____________________________________________
3. ____________________________________________

ANG PAGTANGGI SA SARILI


1. Ayon sa Lukas 9:24, ano daw ang mangyayari sa isang taong ipinagkakait ang
buhay sa Panginoong JesuCristo? _____________________________

2. Ano naman ang mangyayari sa isang taong nagbibigay ng sarili para sa Panginoong
JesuCristo? ________________________________________

3. Paano ipinakita ang kahalagahan ng buhay na makakamit mula sa Panginoong


JesuCristo sa Lukas 9:25? _____________________________
Ang pagtanggi sa sarili ay ang kahandaan laging unahin ang Panginoong JesuCristo
at ang mga bagay na ayon sa Kanyang kalooban kaysa sa nais ng sarili. Ito ay ang higit
na pagpapahalaga sa Panginoong JesuCristo kaysa sa ating sarili.
Magbigay ng sitwasyon kung saan maaaring masubok ang iyong pagpapahalaga sa
Panginoong JesuCristo kaysa sa sarili.
______________________________________________________________

ANG PAGPASAN NG KRUS


1. Noong panahon ng Bagong Tipan, paano itinuturing ng lipunan ang isang taong
ipinapako sa krus ayon sa Galatia 3:13? _______________________
Ang pagpapako sa krus noon ang parusang kamatayan sa mga kriminal kaya nga
nang ipinako sa krus ang Panginoong JesuCristo kasama siya ng mga magnanakaw
bagaman Siya ay hindi naman nagkasala.

2. Ano ang ginagawa sa taong may pasang krus sa daan? Tingnan ito sa nangyari sa
Panginoong JesuCristo sa Mateo 27:31. __________________
______________________________________________________________
Patungkol sa anong relasyon ang mga kautusang binanggit ng Panginoong JesuCristo? A. Ang pag-ibig sa kapwa ay lumalago kapag…
Tungkol sa (__) relasyon sa Diyos 1. Nagiging mapaglingkod tayo sa isa't -isa.
(__) relasyon sa kapwa. 2. Natututo na tayong magpatawad.
Kung susuriin wala siyang problema sa relasyon niya sa kapwa. 3. Naiibig na natin maging ang mga nakasakit sa atin.
ANG KASAGUTAN SA NAPAKAHALAGANG TANONG (t.22). Ano ang pinakadakilang kapahayagan ng pag-ibig sa kapwa? (Juan 15:13)
Ano ang sinabi ng Panginoong JesuCristo sa tanong ng lalaki matapos na sabihin B. Ang pagbibigay ng _____________________ para sa kaibigan.
ng lalaki na wala siyang problema sa relasyon sa kanyang kapwa? Ito ay ginawa ng Panginoong Jesus para sa atin. Ang malinaw na kapahayagan
Basahin ang Lukas 18:22 ng pag-ibig ay ang kahandaang magsakripisyo para sa kapakanan ng iba. Kung higit
____________________________________________________________________ na nating iniisip ang kapakanan ng iba kaysa sa ating sarili, masasabi nating
____________________________________________________________________ mataas na ang antas ng ating pag-ibig sa kapwa.
Ano ang nakita ng Panginoong JesuCristo na problema ng lalaki kung bakit iniutos
Niya ito? Ano pang mahalagang tanda naman ang binanggit sa Juan 15:8?
Ang problema: Ang kanyang RELASYON SA _____________. _________________________ NG SAGANA NG BUHAY
Hindi magawa ng lalaki na unahin ang Panginoong Jesus sa kanyang buhay dahil Anong mga bunga ang dapat makita sa buhay ng isang tunay na alagad ni Cristo?
higit ang kanyang pagpapahalaga sa kanyang kayamanan. Alam ng Panginoon na may Mga bunga ng pagiging alagad.
humahadlang sa taong ito sa pagkakaroon ng maayos at tamang relasyon sa Diyos. 1. Bunga sa sarili
Isang katotohanang ipinapakita dito na may mga karaniwang humahadlang sa Basahin ang Galacia 5:22-23, anu-ano ang mga bunga ng Espiritu na dapat
relasyon ng tao sa Diyos na nais Niyang maalis sa buhay ng ng tao. sumagana sa buhay ng mga alagad ni Cristo?
Maaring hindi ka mayaman gaya ng lalaki subalit maaaring may ibang mga bagay Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan,
na humahadlang sa inyong relasyon sa Diyos. katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan,kahinahunan, at pagpipigil sa
Maaaring ito ay……. sarili. Walang batas laban sa mga ito.
Kataasan (pride) o sariling katwiran 2. Bunga sa buhay ng iba
Ang sasabihin ng tao Saan inihalintulad ng Panginoong Jesus ang mga Cristiano sa Mateo 5:13-14?
Ang bisyo o layaw ng sarili _____________ at _____________. Ang asin ay nagbibigay ng lasa sa pagkain
Mga barkada o kaibigan at pumipigil sa kabulukan at ang ilaw ay nagsisilbing magandang halimbawa na
Mga nakaugaliang bagay siyang nagbibigay liwanag. Ang mga ito ay nagtuturo na ang mga tunay na
Sobrang abala sa hanapbuha alagad ni Cristo ay nagiging mabuting impluwensya ang buhay sa iba.
3. Bunga sa mga gawa
At marami pang iba
Ayon sa Mateo 5:16, ano ang dapat masaganang nakikita sa mga tunay na
PAGSASABUHAY Cristiano?
1. Mayroon ka bang nakikitang nakakahadlang sa iyong buhay ngayon sa iyong Mabubuting ___________. Marami tayong maaaring magawang mabuti sa
lubusang paglapit sa Diyos? Ano ito? ____________________________________ ating kapaligiran at sa ating mga kapwa. Dapat tayong maghanap at gumawa
2. Nais mo bang isuko ito ngayon sa Diyos? ng pagkakataon upang makagawa ng mga ito.
3. Ang napakahalagang tanong ng lalaki ay “Paano siya magkakaroon ng buhay na
walang hanggan?,” Kung ikaw ay tatanungin ngayon, “Nakatitiyak ka na ba na PAGSASABUHAY:
ikaw ay mayroon ng buhay na walang hanggan? 1. Nagsimula mo na bang makita ang mga tandang ito sa iyong sarili?
PAGWAWAKAS 2. Alin sa tatlong tanda ang higit mo ng nararanasan ngayon? Magbigay ng
Sa tanong ng lalaki na “Paano magkakaroon ng buhay na walang hanggan?” Ang halimbawa kung paano mo nararanasan ito?
nais ng Panginoong JesuCristo ay maisuko ng isang tao ang buo niyang buhay sa PAGWAWAKAS
Kanya. Ang tunay na pagsampalataya ay taos at buong pusong pagsusuko ng buhay Kung sinasabi natin na tayo ay mga alagad ni Cristo Jesus, dapat ay nakikita sa ating
sa Kanya. Kung hindi mo pa ito nagagawa, maari kang manalangin ngayon upang ang mga palatandaang ito. Ating suriin ang ating mga sarili. Nananatili ba tayo sa mga
tanggapin mo si Jesus sa iyong buhay bilang Panginoon at Tagapagligtas. aral ng Panginoong Jesus?….lumalago ba tayo sa ating pag-ibig sa kapwa?…. nagiging
mabunga ba ang ating buhay? Ating ipanalangin ang ating sarili sa tatlong bagay na
ito na dapat makita sa atin.
Module 1 - Lesson 3 NOTES:
ANG KAPANGANAKANG MULI
Panimula:
Ano ang inyong pagkaunawa sa salitang "born again"?

Maraming iba't ibang pagkaunawa ngayon sa salitang "born again". Ang iba akala
ito ay isang bagong relihiyon, ang iba ay isang samahan, o kaya ay isang bagong uso.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng "born again" ayon sa Biblia? Basahin ang Juan 3:1-
8. Mapapansin na sa talatang 3 ay binanggit ang kapanganakang muli o sa Ingles ay
“born again.” Maliwanag dito na hindi ito bago dahil noon pa man ay binanggit na ito
ng Panginoong JesuCristo kay Nicodemo.

ANG KAHALAGAHAN NG KAPANGANAKANG MULI


Bakit mahalaga ang kapanganakang muli? (Basahin ang Juan 3:3 at Tito 3:3-5)
A. Ito ang paraan upang mapabilang sa __________________ ng Diyos. (Juan 3:3)
Ibig sabihin hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos ang sinumang hindi
ipapanganak na muli.
B. Ito ang kailangan tungo sa tunay na _________________________. (Tito 3:3-5)
Ano daw ang nangyayari sa isang taong ipinapanganak na muli ayon sa Tito 3:3-5?
Nagkakaroon ng _______________________. Hindi kaya ng tao na makapagbago
sa sarili niya at magkaroon ng kalugod-lugod na buhay sa Diyos kung hindi siya
ipapanganak na muli. Dito nagsisimula ang tunay na pagbabago ng isang tao.
ANG KAHULUGAN NG KAPANGANAKANG MULI
A. Ito ay isang __________________________. (t. 3,5)
Hindi Niya sinabi na kailangan kang maging miyembro ng "born again" kundi
kailangan ni Nicodemo na ma-"born again" upang mapabilang sa kaharian ng Diyos.
Ito ay kalagayan kung saan ang isang tao ay napapabilang sa pamilya ng Diyos.
Ipinanganak tayo sa laman at naging kabilang sa ating pamilya gayon din ang
ipinapanganak na muli ay napapabilang naman sa pamilya ng Diyos at nakakaranas
ng pagbabago.
B. Ito ay bunga ng gawa ng ____________________________
Ano ang pagkaunawa ni Nicodemo sa kapanganakang muli ayon sa Juan 3:4?
Muli siyang papasok sa ______________________ ng kanyang ina.
Ang kapanganakang muli ay hindi pisikal kundi _espiritwal na kapanganakan at ito
ay gawa at pagkilos ng Banal na Espiritu gaya ng _pag-ihip ng hangin_. Hindi
nakikita ang hangin subalit nakikita ang epekto gayon ang pagkilos ng Banal na
Espiritu na hindi nakikita ngunit ang epekto ito ay nahahayag sa pagbabago ng
buhay.
K. Ito ay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.(I Pedro 1:23)
Ano ang ginagamit ng Diyos sa ikapapanganak na muli ng isang tao? (1 Pedro1:23)
________________ ng Diyos. Ito ang nagpapakilala sa tao ng tunay nitong
kalagayan na nasa ilalim ng kasalanan at kahatulan at ito rin ang nagtuturo kung
ano ang kailangan upang makaligtas dito.
NOTES: Module 1 - Lesson 8
PAGHARAP SA SULIRANIN NG KASALANAN
Pagsisimula:
Paano mo masasabi kung ang ginagawa ng isang tao ay kasalanan?
Kahit na ang isang tao ay Cristiano na patuloy pa rin nitong kinakaharap ang
suliranin ng kasalanan. Tayo ay patuloy na magkakaroon ng mga problemang dulot
ng kasalanan. Upang ang kasalanan ay patuloy nating mapaglabanan at
mapagtagumpayan, kinakailangang lumalim pa ang ating pagkaunawa ukol dito. Ano
ang sinasabi ng Biblia tungkol sa kasalanan?
ANO ANG KASALANAN?
Bakit sinasabing ang lahat ng tao ay nagkasala ayon sa Roma 3:23?
A. Hindi pag-abot sa ________________________ ng Diyos. Ang
kaluwalhatian ng Diyos ay ang Kanyang pagiging banal at walang kapintasan. Ito
ang pamantayan na dapat pagbasehan kung ang tao ay nakagawa ng kasalanan.
Mahirap masabing ang isang gawain ay kasalanan kung walang pamantayan na
pagbabatayan. Ang pamantayan sa pag-alam kung ano ang isang kasalanan ay
ang Diyos mismo at ang Kanyang kalooban. Hindi ang sinasabi ng tao, kundi kung
ano ang sinasabi ng Diyos ang siyang sukatan ng tama at mali.
Paano naman inilarawan ang kasalanan sa 1 Juan 3:4?
B. Paglabag sa ________________________ ng Diyos. Gaya ng nabanggit sa una,
anumang paglabag sa mga kautusan ng Diyos ay kasalanan. Ang kalooban ng
Diyos ay Kanyang inihayag sa Kanyang mga Salita, ang Biblia, at dahil Siya nga
ang pamantayan, hindi ito dapat labagin.
Ano pa ang kasalanan ayon naman sa 1 Juan 5:17?
C. Anumang hindi _____________________ . Muli ang matuwid lamang ay ang
Diyos. Ang Kanyang mga Salita ay pawang matuwid kaya ang anumang hindi
ayon sa mga ito ay kasalanan sa Kanyang harapan.
Ano pa ang kasalanang binabanggit sa Santiago 4:17?
D. Pagkaalam ng __________________ subalit hindi ginawa. Hindi lamang
paglabag ang kasalanan, ito rin ay ang hindi paggawa ng alam nating mabuti
ayon sa salita ng Diyos. Ito ang tinatawag sa Ingles na “sin of omission”.
Magbigay ng mga halimbawa ng mga kasalanan ayon sa kahulugang ito?
ANO ANG MAGAGAWA NG KASALANAN SA BUHAY NG ISANG TAO?
Ayon sa Biblia, may epekto ang kasalanan sa buhay ng isang taong gumagawa nito.
Tingnan natin ang mga sinasabi tungkol dito:
Ayon sa Roma 6:23, ano ang bunga ng kasalanan?
A. Ito ay nagdudulot ng ______________________ espiritual.
Ang bungang Ito ay para sa hindi pa tunay na nagsusuko ng buhay sa
Panginoong Jesu-Cristo kaya nga kinakailangang muling maugnay ang tao sa
Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Ang kasalanan ang naghihiwalay sa
tao at sa Diyos at ito ang kamatayang espiritwal.
Sa Awit 51:12, ano ang nawala kay David nang siya ay magkasala na siya
namang ipinapanalangin niyang manumbalik?
2. Ang magnanakaw ay naligtas dahil kinilala niya ang kanyang pagiging Anu-ano ang mga halimbawa ng mga pagnanasang ayon sa kalooban ng Diyos?
makasalanan (Lukas 23:41) at sa pagkilala sa Panginoong Jesu-Cristo na  1 Pedro 2:2 - Pagnanasa sa ________________ ng Diyos
siyang Hari at Tagapagligtas ng kanyang buhay (Lukas 23:42).  1 Tesalonica 5:17 - Pagnanasa sa ___________________
Maliwanag na ang isang tao ay hindi nagiging Cristiano dahil sa bautismo. Hindi  Awit 27:4 - Pagnanasa sa _________________________
nakapagliligtas sa tao ang pagpapabautismo. Sana ay hindi nakatiyak sa paraiso
 Filipos 2:13 - Pagnanasang masunod ang ________________Diyos
ang magnanakaw kung ito ang kailangan.
ANG PAGIGING CRISTIANO AY PAGIGING KASAPI NG ISANG RELIHIYON.
BAGONG PAGGAWA
Ano ang sinasabi ng Biblia sa paniniwalang ito?:
A. Ang pagiging miyembro ng isang relihiyon ay hindi batayan ng pagiging Isa pang ginagawa ng Diyos sa buhay ng isang Cristiano ayon sa Filipos 2:13, ay
Cristiano. pagbibigay kakayahan upang magawa ang ayon sa kalooban ng Diyos. Ang isang
Paano ito ipinakita ng Biblia? Basahin ang Juan 6:70-71. nakipag-isa na kay Cristo ay iniiwanan na ang mga kasalanang dating ginagawa at
1. Si Judas ay miyembro ng labindalawang alagad ng Panginoong Jesu-Cristo. ninanais ng makagawa ng mga bagay na makalulugod sa Diyos.
2. Ang kinabibilangan niyang grupo ay tunay at dalisay na relihiyon dahil ang Nang si Zaqueo ay sumampalataya sa Panginoong JesuCristo, mayroon siyang
Panginoong Jesu-Cristo mismo ang nagtatag nito at kanilang Pinuno. ipinahayag na kanyang iiwanan at kanyang gagawin.
Subalit ano ang sinabi ng Panginoong Jesu-Cristo tungkol kay Judas (Juan 6: 1. Ano ang kanyang dating ginagawa ang kanya ng iiwanan?
70-71)? __________________________________________________________________
Sagot: Na si Judas ay diyablo na ang ibig sabihin ay siya ay nasa ilalim ng 2. Ano magandang gawa ang kanyang gagawin niya sa mahihirap?
kapangyarihan ni Satanas kahit na siya ay isa sa mga miyembro ng ______________________________________________________
labindalawa. Maliwanag na kahit si Judas na miyembro na ng tunay na 3. Ano ang gagawin niya upang maipakita ang tunay na pagbabago sa buhay niya
samahan o relihiyon ay hindi pa rin tunay na Cristiano. tungkol naman sa kanyang mga nadaya? _________________________________
B. Tandaan:Ang pagiging Cristiano ay hindi sa relihiyon kundi sa relasyon sa Diyos sa
______________________________________________________
pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo.
4. Ayon sa Efeso 2:10, para saan daw iniligtas ang mga mananampalataya ng
ANG PAGIGING CRISTIANO AY NASA PAGIGING RELIHIYOSO
Panginoong JesuCristo? ______________________________________________
Sagot sa Biblia:
A.May mga taong masipag sa mga gawaing panrelihiyon ngunit hindi pa ligtas. 5. Ayon sa Mateo 5:16, ano daw ang dapat mangyari sa buhay ng isang Cristiano at
Basahin ang Mga Gawa 10: 1-2, anong klaseng tao si Cornelio? paano ito gagawin? _________________________________________________
1. Siya ay may takot sa Diyos, mapanalanginin, at naglilimos. 6. Ano ang dapat na layunin kung bakit dapat sumagana sa mabubuting gawa ang
Paano naligtas si Cornelio? (Mga Gawa 11:13-14) isang Cristiano? ____________________________________________________
2. Kinakailangan pang isugo sa kanya si Pedro upang ipangaral ang ebanghelio at Ang isang tunay na nakipag-isa na kay Cristo ay nagnanasa ng makagawa ng
siya ay maligtas. mabuti, maipakita ang pagbabago, at maparangalan ang Diyos Ama.
B. Ang kaligtasan ay sa pananalig kay Jesu-Cristo lamang. (Gawa 10:44-48) Pagsasabuhay:
Ang mabubuting gawa ni Cornelio ay itinuring ng Diyos (Gawa 10:3-5) ngunit 1. Anong malaking pagbabago na ang iyong napapansing nangyayari na sa sarili
hindi ito ang nakapagligtas sa kanya. Kinakailangan pa rin ang makinig at mo?
sumampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo. 2. Anong pagbabago na sa iyong buhay ang napapansin na ng iba sa iyo?
SINO ANG MGA CRISTIANO AYON SA BIBLIA?
Sino ang mga unang tinawag na mga Cristiano sa Biblia. (Gawa 11:26) PAGWAWAKAS
Sagot:Ang mga alagad ng Panginoong Jesu-Cristo ang unang tinawag na mga
Madaling sabihin ng sinoman na tinanggap na niya ang Panginoong Jesucristo sa
Cristiano. Ang pagiging Cristiano ay ang pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesu-
kanyang buhay subalit ang magpapatunay kung totoo ito ay ang pagbabagong
Cristo at ito ay nahahayag sa patuloy na pagsisikap na makasunod sa Kaniya.
nagaganap sa buhay. Ang isang taong nagsasabing siya ay na kay Cristo na subalit
PAGSASABUHAY
1. Masasabi mo ba ng tapat na ikaw ay tunay na Cristiano na? hindi nakikita ang pagbabago sa buhay. Maaaring hindi pa tuna yang kanyang
2. Kailan mo masasabing ikaw ay naging tunay na Cristiano? pagtanggap sa Panginoong JesuCristo.
Pagwawakas Masasabi mo bang tunay na ikaw ay nakipag-isa na kay Cristo?
Kung tunay na si Cristo ay nasa iyo ng buhay, ikaw ay Cristiano ng tunay.
Module 1 - Lesson 5 NOTES:
KATIYAKAN NG KALIGTASAN
Panimula:
Gaano mo katiyak na ikaw ay ligtas na?
____ sigurado na ____ nag-aalinlangan pa ____ hindi pa

Isa sa mga pinakamahalagang katotohanan sa iyong bagong buhay bilang Cristiano


ay ang katiyakan ng iyong kaligtasan. Sa araling ito ay mauunawaan ang mga
mahahalagang katotohanan tungkol sa katiyakan ng kaligtasang kaloob ng Diyos sa
pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo.

MAAARI MONG MALAMAN NA IKAW AY LIGTAS NA.


Basahin ang 1 Juan 5:13 at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Para kanino daw isinulat ang aklat ng 1 Juan?
______________________________________________________________

2. Ano ang nais na ipaalam ng talata sa mga sumasampalataya sa Anak ng Diyos na


si Jesus? _____________________________________________

Ang talatang ito ay maliwanag na nagsasabi na ang isang tunay na sumampalataya


na sa Panginoong JesuCristo ay may katiyakan na ng kaligtasan.

MAHALAGANG MALAMAN MO NA IKAW AY LIGTAS NA.


1. Ang kaligtasan ay higit na mahalaga kaysa sa anumang bagay at higit pa sa buong
mundo. Basahin ang Markos 8:36 at pansinin kung paano ipinahayag ng
Panginoong JesuCristo ang kahalagahan ng kaligtasan.
_________________________________________________________________

2. Ang katiyakan ng kaligtasan ay mahalaga upang maging mabisang saksi ng


Panginoong JesuCristo sa ibang tao. Paano ito maibabahagi sa iba ng isang tao
kung siya mismo ay wala pang katiyakan nito.

PAANO MO MATITIYAK NA IKAW AY LIGTAS NA NGA?


1. Ito ay nakabatay sa pangako ng Salita ng Diyos.
Ayon sa Juan 3:16, ano ang pangako ng Diyos sa mga sumasampalataya sa Anak
ng Diyos? _________________________________________________________
___________________________________________________________

Ayon sa 1 Juan 5:11-12, sino raw ang mayroon ng buhay na walang hanggan?
____________________________.

Tandaan natin na ang Salita ng Diyos ang pinakamatibay na batayan na ating


mapapanghawakan tungkol sa katiyakan ng ating kaligtasan.
NOTES: Module 1 Lesson 6
ANG TUNAY NA PAGSISISI
Panimula:
Paano mo masasabi na ang isang tao ay tunay na nagsisisi na sa kasalanan?

Isang napakahalagang bahagi ng pagbabago ng isang tao ay ang pagsisisi. Kaya


naman mahalaga na ating maunawaan ang tunay na kahulugan nito ayon sa Banal na
Kasulatan. Ito ngayon ang ating pag-aaralan. Ano nga ba ang tunay na pagsisisi?
Sisimulan natin ang ating pag-aaral sa karaniwang maling pananaw sa pagsisisi?

ANG MGA MALING PANANAW TUNGKOL SA PAGSISISI.


A. Ito ay hindi lamang pag-uusig ng budhi.
Ano ang nadama ni Felix nang marinig ang pangaral ni Pablo ayon sa Gawa 24:25?
Si Felix ay nakadama ng _______________ dahil sa pangangaral ni Apostol Pablo
ukol sa pagiging matuwid, pagpipigil sa sarili, at paghuhukom. May pag-uusig siyang
nadama ngunit hindi naman siya nagsisi.

Bakit may mga taong nakakadama ng pag-uusig ng budhi ngunit hindi naman
nagsisisi?
1. Maaaring dahil sa “pride”.
2. Maaaring dahil sa hindi maiwanan ang kasalanan.
3. Maaaring sadyang matigas ang puso.

B. Ito ay hindi lamang pagiging malungkot dahil sa kasalanan.


Ayon sa II Cor. 7 : 10, ano ang dalawang klase ng kalungkutan ang binanggit dito?
1. Kalungkutang mula sa _______________
2. Kalungkutang dulot ng ______________
Hindi lahat ng kalungkutan ay nagbubunga ng pagsisisi. Tanging ang kalungkutang
galing sa Diyos ang nagdudulot ng pagsisisi.
Bakit nakakadama ng kalungkutan ang tao dahil sa kasalanan ngunit hindi naman
nagsisisi?
1. Maaaring dahil lamang sa hindi magandang bunga ng kasalanan kaya nalulungkot
hindi dahil sa mismong kasalanan.
2. Maaaring dahil lamang sa sakit na dulot ng kasalanan.
3. Maaaring dahil lamang sa siya ay nahuli sa kanyang kasalanan.

K. Ito ay hindi pagsisikap upang maging relihiyosong tao.


Ano ang nais ng mga Pariseo at Saduceo na gawin sa Mateo 3:7?
_____________________. Nais nilang ipakita na sila ay mga taong masikap sa
kabanalan sa pamamagitan ng pagpapabautismo. Hindi sila binautismuhan ni Juan
dahil alam niya na hindi pa sila nagsisisi. Ang ating mabubuting gawang panrelihiyon
ay hindi pa rin kalugod-lugod sa Diyos kung walang pagsisisi sa ating puso
(Isaias 64 : 6 ).

You might also like