Pangungusap

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 6

I. LAYUNIN
a. Nagagamit sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ang iba’t ibang uri ng pangungusap,
b. Nakasusulat ng ibat ibang uri ng pangungusap, at
c. Nakalalahok ng masigla sa pagbibigay ng ideya ng bawat isa para sa ikakaunlad ng layunin.

II. PAKSANG ARALIN


Kaalaman: Uri ng Pangungusap, F6WG-IVa-j-13
Sanggunian: Ugnayan, Wika at Pagbasa pp 43-44
Kagamitan sa Pagtuturo: tsart, aklat, laptop, tv

III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
Gawain: hep-hep, hooray!
Basahin ang mga sumusunod at sumigaw ng hep-hep kung ito ay parirala at hooray kung
pangungusap.

1. Nakinig nang mabuti si Annie.


2. sa silid-aralan
3. Ang magbabarkada ay nagtatawanan ng malakas.
4. Darating si kuya sa isang buwan kasama ang kanyang pamilya.
5. isang mabuting kaibigan

B. Paglalahad ng bagong Aralin


Ipaskil sa pisara ang kuwento na may pamagat na “Kahinahunan”. Basahin ito ng malakas.

Kahinahunan

Pinag-uusapan ng magkakapitbahay ang gagawing pagpapalaki ng kalsada sa kanilang lugar.

“Hindi ako papayag na sirain nila ang tindahang ito! Paano na ang aking pamilya? Dito kami kumukuha ng
ikabubuhay namin,” pagalit na wika ni Mang Dado, ang may ari ng tindahan.

“Ako man, hindi rin ako papayag na sirain nila ang aking talyer!” matigas na sagot ni Mang Efren.

“Lalong hindi ako papayag! Sisirain daw nila ang bahay ko. Paano na ang aking pamilya?” malakas na
wika ni Aling Nora.

“Huwag tayong pabigla-bigla”, mahinahong wika ni Mang Bayani na nakataas ang dalawang kamay.

“Madali sa iyo ang magsalita dahil hindi ka apektado”, nangangatal na sagot ni Mang Dado.

“Sandali! Makinig kayo ang plano ng gobyerno ay palakihin ang ating mga kalye. Bakit kayo nagagalit, sa
halip na matuwa? Gaganda ang ating lugar at mababawasan ang trapiko. At saka ayon sa pagkakaalam
ko, babayaran daw ang mga maaapektuhan”, paliwanag ni Mang Bayani.

“Naku! Kung magbayad man ang ating gobyerno ay tiyak na bariya lamang” malakas na wika ni Aling
Nora.

“Mga kasama, sa paglapad ng ating kalye ay tayo rin ang makikinabang. Maari tayong magsakripisyo ng
kaunti para sa kabutihan ng lahat. Pakibuksan natin ang ating isip at puso. Ito’y para sa kaligayahan ng
lahat. Isa pa’y tayo rin ang may pagkakamali. Tingnan niyo, Mang Dado nakasagad sa kalye ang inyong
tindahan. Gayundin ang inyong talyer, Mang Efren, at ang bahay niyo, Aling Nora. Kahinahunan ang
pairalin natin. Ang hirap sa atin tayo na ang may mali, tayo pa ang may lakas ng loob na magalit,”
mahabang paliwanag ni Mang Bayani.

Hindi agad sumagot ang tatlo at malamang ay napa-isip. Maya- maya ay nagsalita si Mang Dado.

“May katuwiran ka Bayani, makakabuti sa ating lahat ang proyektong ito ng gobyerno,” malumanay na wika
ni Mang Dado.

“Ako man ay naniniwala na rin, kaya lang ay nanghihinayang ako sa bahay ko,” ani Aling Nora.

Hindi man nagsalita, nakangiting sumang-ayon naman si Mang Efren. Minsan pa, ang kahinahunan ay
muling napairal ni Mang Bayani.
Itanong:
1. Ano ang pinag-uusapan ng apat na magkakapitbahay?
2. Ano ang suliranin sa lugar nila Mang Efren?
3. Paano sila nakumbinsi ni Mang Bayani?
4. Sang-ayon ka ba sa paliwanag na ibinigay ni Mang Bayani? Bakit?

Talakayin ang apat na uri ng pangungusap.


1. Pasalaysay – nagsasalaysay o nagkukuwento ng pangyayari, katotohanan, iniisip o nadarama at
nagtatapos sa tuldok.
2. Patanong – nagtatanong at nagtatapos sa tandang pananong.
3. Pautos o Pakiusap – naguutos o nakikiusap at nagtatapos din ito sa tuldok.
4. Padamdam – nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos sa tandang padamdam.

C. Pagsasanay

Fact o Bluff.
Sagutin ang bawat sitwasyon o tanong kung ito ba ay fact o bluff.

D. Paglalapat/ Aplikasyon

Pangkatin sa tatlo ang klase at ibigay ang kanilang pangkatang gawain.

Unang pangkat- paglalagay ng tamang bantas sa pangungusap at isulat kung anong uri ito.
Ikalawang pangkat- batay sa mga larawan gumawa ng pangungusap ayon sa gamit batay sa ibinigay
na sitwasyon
Ikatlong pangkat- isaayos ang mga salita upang makabuo ng pangungusap at lagyan ng tamang
bantas.

E. Paglalahat/ Generalisasyon

Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit sa dayalogo.


Pilipinas, Perlas ng Silanganan
Sonia: Kaygandang talaga ng mga tanawin sa ating bansa! _______________
Cora: Sang-ayon ako sa iyo. Hindi ko ipagpapalit ang ating bansa sa alinmang bansa sa daigdig.
__________
Bobby: Tingnan mo ang hugis-konong Bulkang Mayon. ________________
Jojo: Paano kaya ginawa ang mataas na hagdan-hagdang palayan?________________
Linda: Pakikuhanan mo naman ako ng larawan dito. _________________

F. Pagtataya sa Aralin

Isulat sa patlang ang PS kung ang pangungusap ay pasalaysay, PT kung patanong, PU kung pautos at PD
kung padamdam. Gamitan ng tamang bantas.

______1. Darating ka ba sa Linggo


______2. Naku isang pulutong ng langgam
______3. Dumalaw ka sa iyong inay
______4. Malulusog ang mga alaga ni Tina
______5. May maitutulong ba ako sa iyo

G. Karagdagang gawain para sa takdang aralin


Magbigay ng tig-limang sariling pangungusap gamit ang apat na pang-uri.

You might also like