Araling Panlipunan 8
Araling Panlipunan 8
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan
Petsa:
I.Layunin
1. Natutukoy ang mga mahahalagang salita/ termino sa puzzle box na may kaugnayan sa
paglakas ng Europe.
2. Natatalakay ang konsepto ng bourgeoisie at merkantilismo sa pag – usbong ng Europe
3. Napahahalagahan ang kontribusyon sa daigdig ng mga bourgeoisie.
II.Nilalaman
A. Paksa : Paglakas ng Europe ( Bourgeoisie )
B. Kagamitan :Modyul, mga larawan, powerpoint presentation
C. Sanggunian : Gabay Pang mag aaral pp. 279- 280
III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Balitaan
3. Balik – aral
4. Pagganyak
Gawain 1 – Word Hunt
B. Paglinang ng Aralin
1. Aktibiti: Gawain 5 – BURGIS KA! Kumpletuhin ang hinihinging impormasyon ng
concept map matapos maipabasa ang teksto.
2. Analisis:
a. Batay sa mga kaisipan at konsepto naipahayag sa teksto, ano ang kahulugan ng
bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance, repormasyon at
paglakas at paglakas ng simbahan?
b. Ano ang katangian ng mga Bourgeoisie?
c. Ano ang halaga sa lipunan ng Bourgeoisie?
d. Ano ang katangian ng Merkantilismo?
e. Paano nagsimula at nakatulong ang merkantilismo sa paglakas ng Europe?
f. Bakit sinasabing hindi lamang pang-ekonomiya kundi pampulitika rin ang layunin
ng merkantilismo?
3. Abstraksiyon: Sa tulong ng Venn diagram, ano ang pagkakatulad pagkakaiba ng
Bourgeoisie at Merkantilismo?
Bourgeoisie Merkantilismo
4. Aplikasyon:
a. Sa kasalukuyan, may mga tao pa ba tayong maituturing na Bourgeoisie?
b. Meron pa bang sistemang Merkantilismo sa kasalukuyan? Patunayan
Paglalahat
Bubuo ng kaisipan ukol sa paksang tinalakay.
IV. Pagtataya
Isulat ang K kung ang pahayag ay may katotohanan at KW kung walang katotohanan.
1. Ang mga Bourgeoisie ay kulang sa impluwensya na kaagapay ng pagiging maharlika.
2. Ang merkantilismo ay tumutukoy sa akumulasyon ng ginto at pilak at pagtatatag ng
kalakalang panlabas.
3. Maiuugat ang English Revolution, American Revolution at French Revolution sa pagnanais
ng Bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo.
4. Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya.
5. Ang doktrinang Bullionism ay senttal sa teorya ng merkantilismo.
V. Kasunduan
Ibigay ang kahulugan ng National Monarchy,Nation – State at Simbahang Katoliko (293 – 297)
B. Paglinang ng Aralin
1. Aktibiti
KONKLUSYON
2. Analisis
A. Ano ang nagging papel ng simbahan sa paglakas ng Europe?
B. Paano nagging daan ang Simbahan sa pagiging tanyag ng Europe?
C. Paano nakilala ang simbahan bilang isang nagsasariling institusyon sa Europe
noong sinaunang panahon?
3. Abstraksyon
Nakakaimpluwensya ba ang simbahan sa kasalukuyang panahon sa daigdig?
Paano binago ng simbahan ang iyong pag – uugali at pananaw sa buhay?
4. Aplikasyon
Paano mo pinahahalagahan ang mga turo ng iyong simbahang kinabibilangan?
Paglalahat
Ang simbahan ang humuhubog ng pananampalataya ng mga mamamayan sa
lipunan. Sa pamamagitan rin ng simbahan natuto tayo ng mga pangaral ng
panginoong diyos,nagkakaroon tayo ng pagpapahalaga sa ating sarili at sa
diyos.Isang daan upang malinawan tayo sa mga dapat at hindi dapat gawin sa
mundong hiram natinb sa panginoon.
IV. Pagtataya
Bumuo ng isang kaisipan tungkol sa paksang tinalakay.
V. Kasunduan
Anu – ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng imperyong Romano?
Sanggunian: LM pp.167 – 169
IV. Pagtataya
Tukuyin ang mga sumusunod.
1. Nangangahulugan ito ng muling pagsilang. (Renaisance)
2. Bansang pinagmulan ng Renaissance.( Italy)
3. Magbigay ng isa sa mga dahilan kung bakit sa Italy sumibol ang Reanissance
4. Isang kilusang intelektwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng
pansin ang klasikal na sibilisasyong Greece at Rome ( Humanismo )
5. Magbigay ng isa sa mga kababaihang nagbigay ng kontribusyon sa panahon ng
Renaissance.
V. Kasunduan
Magdala ng mga kagamitan para sa paggawa ng poster.