Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan I
Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan I
Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan I
Hunyo 3, 2019
I. LAYUNIN
Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, magulang,
kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang pagkakakilanlan at mga katangian
bilang Pilipino. AP1NAT-Ia-1
II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Pagkilala sa Sarili
Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo, pah. 2-3, Kagamitang Pang-Mag-aaral pah. 3.
Kagamitang Panturo: Awit, Name tags
III. PAMAMARAAN
a. Panlinang na Gawain
Pagganyak: Laro: Kapag itinaas ng guro ang kanang kamay, tatayo lahat ang mga
lalaki. Kapag itinaas ng guro ang kaliwang kamay, tatayo naman lahat ang mga babae.
May parusa sa mga magkakamali.
Paglalahad: Awit: Kamusta Ka
-Sa larong ito, dapat ay masasabi mo ang iyong pangalan.
Pagtatalakay: Anu-ano ang mga alam mo tungkol sa iyong sarili? (Pangalan)
Sa ating pag-awit kanina, ano-anong mahalagang impormasyon ang
iyong ibinahagi sa iyong nagging kapareha?
Anong mga pagkakataon kailangan mong sabihin ang iyong pangalan?
Paglalapat: Bakit kailangan mong malaman ang mga pangunahing impormasyon
tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong pangalan?
Paglalahat: 1. Anu-anong pangalan ang itinatawag sa iyo ng iyong mga magulang o
kaibigan maliban sa iyong unang pangalan?
2. Sa mga pangalang ito, alin ang gusting-gusto mong itinatawag sa iyo?
IV. PAGTATAYA
Gawain: Gamit ang malinis na papel, gumawa ng name tag kung saan nakasulat ang
pinakagusto mong pangalan. Kulayan ito gamit ang paborito mong kulay.
V. TAKDANG-ARALIN
Alamin ang pinagmulan ng iyong pangalan. Itanong sa mgaulang kung bakit ito ang
ibinigay na pangalan sa iyo.
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I
Hunyo 4, 2019
I. LAYUNIN
Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, magulang,
kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang pagkakakilanlan at mga katangian
bilang Pilipino. AP1NAT-Ia-1
II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Pagkilala sa Sarili
Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo, pah. 2-3, Kagamitang Pang-Mag-aaral pah. 3.
Kagamitang Panturo: Larawan, awit
III. PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
Balik-aral: Ano ang pangalan mo?
Ano ang ibig sabihin ng iyong pangalan?
b. Panlinang na Gawain
Pagganyak: (Ipakita ang larawan)
Ano ito? Saan mo ito nakikita?
Anong okasyon ang ginaganap kapag may cake?
Tanong:
a. Tungkol saan ang usapan ng dalawang bata?
b. Ano ang sinabi ng bata tungkol sa kanyang edad?
- Isa-isang ipasabi sa mga mag-aaral ang kanyang edad.
Paglalapat: Tignan ang cake, gumuhit ng kandila ayon sa iyong edad.