Modyul 7. Emosyon - Gawain

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EMOSYON

Gawain # ___ Emosyon


Panuto: Ang bawat tao ay may iba’t ibang sitwasyong hinaharap. May sarili rin siyang paraan kung paano niya ito
haharapin at kung ano ang emosyong ipakikita. Tukuyin mo ang emosyon na angkop sa bawat sitwasyon. Piliin ang
sagot mula sa kahon sa ibaba. Isulat sa iyong kuwaderno ang iyong mga sagot.

Gawain # ___ Pagsusuri ng epekto ng emosyon sa kilos at pagpapasiya


Panuto:
1. Gunitain ang mga sitwasyon sa sariling buhay na naging dahilan ng iba’t ibang emosyon na iyong naramdaman.
Isulat ang bawat sitwasyon sa loob ng kahong katapat ng bawat emosyon.
2. Sa kanan ng sitwasyon isulat ang epekto nito sa iyong kilos.
3. Maaaring gawing gabay ang sumusunod na tanong sa pagsagot sa gawain.
a. Anong mahalagang pangyayari o sitwasyon sa iyong buhay ang naging dahilan upang maramdaman ang
mga pangunahing emosyon?
b. Ano ang magiging epekto ng iyong emosyon sa iyong kilos at pagpapasiya?
4. Gawing gabay ang format sa kanan.

Gabay

Sagutin ang sumusunod na tanong:


a. Ano ang maaaring maging epekto ng iyong naging damdamin sa iyong mga kilos at pasiya?
b. Batay sa iyong mga sagot, napamahalaan mo ba nang wasto ang iyong emosyon? Magbigay ng halimbawa.
c. Sakaling hindi mo napamahalaan nang wasto ang iyong emosyon, ano ang posibleng idulot nito sa iyo at sa iyong
pakikipagkapwa?
d. Ano ang iyong natuklasan pagkatapos nakapagbahagi ang lahat ng miyembro ng iyong pangkat? Ipaliwanag.
EMOSYON

PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAGUNAWA


Marahil ay madalas mong marinig sa iba ang mga katagang “Kailangan mong ilabas ang iyong nararamdaman upang
malaman nila kung ano ang nasa saloobin mo.” Sang-ayon ka ba dito? Ginagawa mo ba ito? Paano
naiimpluwensiyahan ng iyong emosyon ang iyong kilos at pagpapasiya?

Gawain #___ (Pangkatang Gawain)


Panuto:
1. Bumuo ng tatlong miyembro sa bawat pangkat.
2. Basahin ang bawat sitwasyon sa loob ng speech balloon.
3. Isaisip na sa inyo nangyayari ang sitwasyon. Bigyan ang bawat isa ng gampanin sa magiging pag-uusap.
4. Buuin ang usapan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pahayag upang maipakita ang iyong magiging damdamin
kung maharap ka sa ganitong sitwasyon. Gawing gabay ang unang bilang.
5. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
6. Matapos na masagutan, ibabahagi ang mga sinulat sa speech balloon sa klase.

7. Sagutin ang sumusunod na tanong pagkatapos ng pagbabahagi.


a. Angkop ba ang iyong mga naging damdamin sa bawat sitwasyon? Patunayan.
b. Batay sa iyong mga sagot, masasabi mo bang napamahalaan mo nang maayos ang iyong emosyon?
c. Ano ang naitutulong ng iyong damdamin sa iyong pagpapasiya lalo na sa panahon na ikaw ay nakararanas ng krisis,
suliranin, o pagkalito?
d. Paano nakatutulong ang pamamahala ng emosyon sa iyong pagkatao? Sa iyong pakikipagkapwa? Patunayan sa
pamamagitan ng isang karanasan.

You might also like