Gov

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

GOV. REBECCA A.

YNARES
Gobernador ng Rizal
MAYOR CECILIO C. HERNANDEZ (Montalban)
VICE MAYOR DENNIS L. HERNANDEZ (Montalban)
BRGY. CAPT. EDGARDO SISON (San Rafael, Montalban)

PETITION/REKLAMO

PETITION PARA SA PAGPAPAHINTO NG QUARRYING


OPERATIONS NG:

1. MAJESTIC EARTH CORE VENTURES, INC.


2. MONTALBAN MILLEX AGGREGATES, INC.
3. PACIFIC AGGREGATES, INC. (No Permit)
4. AT LAHAT NG QUARRYING OPERATION SA
MONTALBAN AT SAN MATEO

Kami pong mga Kaparian ng Diyosesis ng Antipolo ng


Lalawigan ng Rizal at mga residente ng mga Bayan ng Rizal
lalong lalo na ang bayan ng Rodriguez, Rizal ay marubdob o
madiin naming hinihiling na ihinto/itigil o invalid ang lahat ng
mga permiso quarrying operations na nabanggit ng mga
quarrying operations sa itaas, dahil sa mga sumusunod na
kadahilanan:

Ang lahat ng mga quarry operations na ito ay PAWANG


LUMALABAG sa mga batas ng Kalikasan tulad ng mga
sumusunod:

1. Ang tatlo (3) na quarry operations ay nasa loob po ng


PRESIDENTIAL PROCLAMATION 1630 and 1637, OTHERWISE
KNOWN as NATIONAL PARK AND WILDLIFE SANCTUARY and
Game Preserved. ITO PO ay isang PROTECTED AREA na
ipinagbabawal po ang magmina tulad quarrying o magtayo ng
crushing plant. (See Annex "A", Xerox copy of P.P 1636-1637)

2. At itong proclamation na ito 1636-1637 ay lalong


pinagtibay ng LETTER OF INSTRUCTIONS NO. 833 ni President
Ferdinand E. Marcos, please see ANNEX “B”-attached copy
report of MGB 2 Director Nestor Punsal) at ANNEX "C" L01-
833.
3. LOCAL GOVERNMENT CODE OF 1991 ARTICLE I-NATIONAL
GOVERNMENT AND LOCAL GOVERNMENT UNITS.

SECTION 28- DUTY OF NATIONAL GOVERNMENT


AGENCIES IN THE MAINTENANCE ECOLOGICAL
BALANCE - It shall be the duty of every national
agency or government-owned or control
corporation authorizing or involved in the
planning and implementation of any project or
program that may pollution, climatic change,
depletion of non-renewable resources last of crop
land, range land on forest cover and extinction of
animal or plant species, to consult with the local
government units NON-GOVERNMENT
ORGANIZATION and other sectors concerned and
explain the goals and objectives of the project or
programs, its impact upon the people and the
community in terms of environment or ecological
balance and the measures that will be undertaken
to prevent or minimize the adverse effects
thereof.

SECTION 27-PRIOR CONSULTATION REQUIRED - No


project or program shall be implemented by
government authorities unless the consultations
mentioned in Section 2(c) and 26 hereof are
complied with, and prior approval of the
Sangguniang concerned is obtained: Provided,
that occupants in areas where such projects are to
be implemented shall not be evicted unless
appropriate relocation sites have been provided in
accordance with the provisions of the constitution

Wala pong public hearing na nangyari sa lahat ng


quarrying operations sa Montalban at San Mateo mula 1987
hanggang ngayon 2018.
Ang Montalban Aggregate Producer Association
(MAPA) ay mayroon pong bayarang NGO, na dalawang tao isa
taga Wawa, Montalban, Rizal at isa na taga Antipolo City.

Hindi po sila nakatira sa pamayanan na pinag-


koquarihan. Bastat pumipirma sila ng report ng Public
Hearing na gawa ng quarry operation at representative ng
DENR.

4. KAPASIYANG BLG. 13.162

PAPASIYAHANG NA "HINDI" PAG-EENDORSO SA PAG-


SASAGAWA NG EXPLORATION, DEVELOPMENT AT
PAG-GAMIT NG DEPOSITONG MINERAL SA
MASASAKOP NA LUGAR NG MINERAL PRODUCTION
SHARING AGREEMENT (MPSA) No. 237-20071V-A NG
MONTALBAN MILLERS AGGREGATES CORP. (MMAC) sa
Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal.

5. KAPASIYAHAN BLG. 14-29

Kapasiyaha nagtatakda ng gradual phase out sa loob ng


Limang Tao (5) sa pag-sasagawa ng Exploration
Development at paggamit ng Depositong Mineral sa
nasasakop na lugar ng Mineral Production Sharing
Agreement (MPSA) No. 239-2007-IV-A ng Montalban
Millex Aggregates Corp. (MMAC) sa Brgy. San Rafael,
Rodriguez, Rizal at pag-aatas sa MMAC na magsumite
ng kanilang Gradual Phase out sa Pamahalaan Bayan.

6. Nag-pahayag ang Director ng Mines and Geo-Science


Bureau na ang lugar ng San Rafael ay nasa "LANDSLIDE
PRONE AREA".

7. Ayon sa Rodriguez Planning and Development Office


(MPPO) nasa Municipal Zoning Ordinance No. 01-82 na
may petsa June 18, 2001, ang tatlo na quarrying operation
ng MILLEX, MAJESTIC EARTH CORE VENTURES, INC. at
PACIFIC AGGREGATES INC. ay nasa loob ng “PROTECTED
FOREST ZONE".
ENVIRONMENTAL IMPACT ON DAMAGES OR INFLICTED ON
HE COMMUNITIES (Social and Economic Impact) NG
QUARRYING OPERATIONS.

1. Lumubog sa tubig baha ang mga daan-daang bahay


hanggang bubungan (yong mga first floor) at yong may
second floor ay lagpas ng second floor ang 49 na villages, at
subdivisions noong typhoon Ondoy.

Yong Dela Costa Subdivisions; Gold River Subdivision,


Kurayaw at Tumana ay lumubog sa putik hanggang tatlong
talampakan.

2. Libo-libo mga damit, appliances, washing machine pati na


mga kotse ay lumubog sa putik. Million-milion peso po ang
nawala in terms loss to properties.

3. Lahat ng may bakod na pader nabuwal na lahat.

4. Sa Sitio Marang - na washed out ang may 350 bahay.

5. Dahil sa sobra siltation ang kailangan kaya sa kabahayan


dumaan ang tubig baha.

6. Kung madadagdagan pa ng quarrying operations ng


MAJESTIC EARTH CORE VENTURES, INC. nakakasiguro at
nakatitiyalk kami na ang lulubog sa putik ay Brgy. San Rafael,
Manggahan at portion ng Balite at San Jose.

7. Ang pinaka-malaking Environmental Impact ng Damages ng


lahat ng Quarry sa Montalban at San Mateo at ibang parte
ng Rizal Province, ay ang heavy SILTATION ng Laguna de Bay
na galing sa mga quarrying operations.

Ang sabi ng DENR ang nakukuha ay mga bato-graba sa


mga bundok ng Montalban Mountain Quarrying ay nasa 35%
lamang, samantala ang soil burden (siltation) ay umaabot sa
65%.

Noong 1970 ang lalim ng Laguna de Bay ay nasa 45


meters. Noong 1998 ay nasa 24 meters na lamang at noong
bagyong Ondoy lalong bumaba ang lalim ng Laguna de Bay.
Ang pagbabaw ng Laguna de Bay ang sanhi o dahilan ng
pagbaha sa mga bayan ng Rizal na nasa paligid ng Probinsya
ng Rizal, Probinsiya ng Laguna at ilang bayan ng Mero Manila
tulad ng Taguig City, Pateros, Pasig, Muntinlupa, San Pedro
at Calamba City.

Ang baha dito ay umaabot hangga 6-8 buwan bago


humupa.

Mga 10-20 taon pa paghindi itinigil ang quarrying dito


sa Probinsya ng Rizal lalong-lalo na sa bayan ng Rodriguez at
San Mateo ay papantay na ang siltation sa kalsada ng mga
bayan ng Rizal at Laguna Province.

Ang bayan ng Montalban at San Mateo ay sobrang


devastated na, wala ng pag-asa pang maibalik ang dating
magandang kalikasan. Hindi na maibabalik ang mga nagibang
bundok. Hindi na mapipigilan ang baha tulad ng Ondoy. At
marami pang Ondoy na darating na posibleng lumubog sa
putik ang buong Montalban.

Laguna at Metro Manila ay umabot sa P282 Billion at


dumagdag sa mga mahihirap ay mga 500,000 at ang casualty
ay nasa 500 person informal settlers.

Dahil sa mga pangyayari na nabanggit sa itaas, kami


pong mga kaparian ng Diocese of Antipolo kasama ang mga
NGOs at mamayan, ng Montalban, San Mateo at Marikina ay
inuulit-ulit naming hinihiling na ipasara na ang lahat, bago at
dating quarrying operation sa Montalban at San Mateo, sa
lalong madaling panahon.

Marami na ang lumaban sa illegal na quarrying na ito


ngunit binaliwala ninyo noong pang 1990.

Kaya panahon na para wakasan ang pagkasira ng


kalikasan sa Rizal, Laguna at Metro Manila.

Kayo pong Governador ng Rizal, REBECCA A. YNARES,


Mayor Hernandez, Vice Mayor Dennis Hernandez at Brgy.
Capt. Edgardo Sison, ang nagsimula ng quarrying dito sa Rizal
nong 1988 - may tatlong dekada na, kayo na rin ang
magwakas nito.

Kung kami ay inyong babalewalain tulad na ginawa


ninyo at ng NGO ng Montalban at San Mateo, idudulog
namin ang problemang ito sa Senado, Malacañang at
Ombudsman.

Marami na kaming threat sa aming buhay pero hindi


kami titigil hanggat hindi naming matagumpayan ang
problemang ito.

Yung ginagawa naming mga kapakanan at mamamayan


ng Montalban at buong Rizal, Laguna at Metro Manila ay
galing sa mensahe ng ating Panginoong Hesukristo sa
pamamagitan ng ating minamahal na Santo Papa na si Pope
Francis, na noong siya mahalal na Santo Papa, sa balconahe
ng Vatican ay sinabi niya ito, at susog sa LAUDATO SI:

"TULUNGAN ANG MAHIHIRAP AT MAHINA AT


PROTEKTAHAN ANG KALIKASAN'"

Maraming Salamat Po:

You might also like