Magkasingkahulugan
Magkasingkahulugan
Magkasingkahulugan
1. maganda - marikit
2. lungkot - lumbay
3. saya - ligaya
4. pagmamahal - pag-ibig
5. mahalimuyak - mabango
6. malinamnam - malasa
7. mabuti - mabait
8. plano - balak
9. matalino - marunong
10. malakas - matikas
11. malinis - busilak
12. payapa - tahimik
13. kurakot - mandarambong
14. kupit - nakaw
15. madaldal - mabunganga
Di Magkasingkahulugan
1. mabait - masama
2. maputi – maitim
3. maliit - malaki
4. mainit – malamig
5. Tulog - gising
6. Simula – katapusan
7. Gutom - busog
8. Sarado – bukas
9. Lumalapit - lumalayo
10. Minsan – madalas
11. Lalaki - Babae
12. Malinis – Marumi
13. Tama - Mali
14. Maayos – Magulo
15. Maaraw - maulan
Mga Talinghaga - Lipon ng mga salitang may ibang kahulugan. (Idioms)
Ang mga sumusunod na halimbawa ay karaniwang makikita sa mga tula, sanaysay at iba
pang mga uri ng Panitikang Pilipino.
1. agaw-buhay -- naghihingalo,
3. anak-dalita -- mahirap
Halimbawa:
1. nars 9. Libro
2. Felisa 10. Lapis
3. Aso 11. Paaralan
4. Luneta 12. Simbahan
5. Kompyuter 13. Palengke
6. Binyag 14. Doktor
7. Kasalan 15. Abogado
8. kapayapaan
Halimbawa:
Sina Jayson,JM,At Micko ang tumulong sa paglilinis.
Panghalip
Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit
na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay
nangangahulugang "panghalili" o "pamalit".
Uri ng Panghalip
Ayon sa Tagalog Lang, mayroong apat na uri ang panghalip. Kabilang sa mga uri ng
panghalip ang panghalip na panao, panghalip na pananong, panghalip na panaklaw,
at panghalip na pamatlig.
Panghalip na panao
Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o
"pangtao") ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan ng
tao. Halimbawa ng mga panghalip na panao ay ang mga salitang
1. ako 6. kayo 11. mo
2. ko 7. atin 12. siya
3. akin 8. inyo 13. kanila
4. amin 9. kita 14. kanya
5. kami 10. kata
Panghalip na pananong
Ang panghalip na pananong ay pamamalit sa pangngalan sa paraang patanong. Ito ay
maaring isahan o maramihan. (mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang
"pantanong") ay nakikilala sa Ingles bilang interrogative pronoun.
Halimbawa :
1. ano 4. sino-sino 7. alin-alin.
2. ano-ano 5. nino
3. sino 6. alin
Panghalip na panaklaw
Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na
"pangsaklaw" o "pangsakop") ay tinatawag na indefinite pronoun (literal na "panghalip
na walang katiyakan" o "hindi tiyak") sa Ingles.
Halimbawa:
1. lahat 4. alinman 7. ilan
2. madla 5. anuman,
3. sinuman 6. saanman
Panghalip na pamatlig
Ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na itinuturo o
inihihimaton.
Halimbawa:
1. ito 5. niyan 9. ganoon 13. narito
2. iyan 6. niyon 10. dito 14. nariyan,
3. iyon 7. ganito 11. diyan 15. naroon.
4. nito 8. ganyan 12. doon
Pandiwa
Tuon ng pandiwa
Tuon ng pandiwa ay ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa
ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
Tagaganap
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong na "sino?"
(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)
4. Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
5. Si Anne ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.
Layon
Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "ano?".
Tinatawag ito direct object sa wikang Ingles.
(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)
6. Binili ni Jomelia ang bulaklak.
7. Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
Ganapan
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap.Ito ay sumasagot sa
tanong na "saan?"
(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)
8. Dinaraan ng tao ang kalsada.
9. Ang tindahan ang pinagbilhan ni Jomelia ng bulaklak.
Tagatanggap
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa
tanong na "para kanino?"
(i- , -in , ipang- , ipag-)
10. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
11. Pinakilala sa madla ang kampeon.
Gamit
Ang paksa ang bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa
pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?"
(ipang- , maipang-)
12. Ipinangsulat niya ang pentel pen para mabasa nila ang nakasulat.
13. Si Luciano Pavarotti ay pinagkalooban ng talino sa pag-awit.
Sanhi
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong na "bakit?"
(i- , ika- , ikina-)
14. Ikinalungkot ng mga bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.
15. Ang pagkain ng mayaman sa kolesterol ang ipinagkasakit sa puso ni Tong.
Direksiyon
Ang paksa ang nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?"
(-an , -han , -in , -hin)
16. Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
17. Pinuntahan ni Maryse ang tindahan para mamili ng kagamitan.
Ang Pang-angkop (Ligatures)
Halimbawa:
1. malalim – bangin = malalim na bangin
2. mataas – tao = mataas na tao
3. feel – feel = feel na feel
4. yamot – yamot = yamot na yamot
5. tulay – bato = tulay na bato
Kayarian ng pang-uri
May apat na anyo ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main,
ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,
Mga Halimbawa:
6. Kasingtibay
7. Mabait
8. Maladyosa
9. Sintapang
10. Kayganda
Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita.
Mga halimbawa:
11. pulang-pula,
12. puting-puti,
13. araw-araw
14. gabi-gabi.
1. Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos
na taglay ng isang pandiwa sa pangungusap. Mayroon itong tatlong (3) uri: may pananda,
walang pananda, at nagsasaad ng dalas.
May Pananda
Halimbawa: nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
1. Tayo nang manood ng sine.
2. Naglalakad sa kawalan ni Marco.
Walang Pananda
Halimbawa: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali
3. Sumayaw kami kahapon sa palatuntunan.
4. Kanina pa sila umalis.
Nagsasaad ng Dalas
5. Halimbawa: araw-araw, tuwing, taun-taon
6. Kailangan mong maligo araw-araw.
2. Pang-abay na Panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari.
Ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap.
Tumutukoy din ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Ilan
sa mga halimbawa ng pang-abay na panlunan ang mga salitang sa, kina o kay.
Samantala, ginagamit ang ‘sa’ kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o
isang panghalip. Ang ‘kay’ at ‘kina’ naman ay ginagamit kapag ang kasunod ay
pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
Halimbawa:
1. Buksan mo ang pinto sa kusina.
2. Ibinigay sa akin ni Mariel ang hawak niya.
3. Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o
magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ilan sa mga halimbawa nito ang nang,
na, at -ng.
Halimbawa:
3. Sinuntok ko siya nang malakas.
4. Binigyan niya ako nang matinding sampal sa mukha.
4. Pang-abay na Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagpapahiwatig ng hindi o kawalan ng katiyakan sa
pagganap sa kilos ng pandiwa. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga salitang marahil,
siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa.
Halimbawa:
5. Parang ayoko nang pumunta sa lugar nina Elmer.
6. Marahil ay wala na tayong aabutan kung tutuloy pa tayo.
5. Pang-abay na Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon ng nagsasalita sa
pangungusap. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga,
syempre at marami pang iba.
Halimbawa:
7. Sadyang mabilis kumilos ang batang si Irene.
8. Tunay ngang napakabuti ng ating Diyos.
6. Pang-abay na Pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pagtanggi, pagsalungat o pagtutol. Ilan sa
mga halimbawa nito ang mga salitang hindi, di at ayaw.
Halimbawa:
9. Hindi ako makakapayag sa nais mo.
10. Ayaw kong makita kang pagala-gala sa oras ng gabi.
8. Pang-abay na Pamitagan
Ang pang-abay na pamitagan ay nagsasaad ng paggalang.
Halimbawa:
13. Bukas ko na po iuuwi ang pusang ito.
14. Saan po maaring makakuha ng libreng tubig?
9. Pang-abay na Panulad
Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay sa
pangungusap.
Halimbawa:
15. Mas marami siyang alam kaysa sa akin.
16. Higit na magaling umawit si Erik kaysa kay Mark.
Tayutay
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang
madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa
kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.
Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos ng mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
5. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
6. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
7. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa delubyo.
8. Ang kapalaran mo ay handog sa iyo na langit sa itaas na tinitingala ko
9. Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa.
10. “Sa ngalan ng Hari ay isinambulat gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.
11. Ang ikalawang tahanan ng mga kabataan
12. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
13. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
14. Walang bibig ang umasa kay Romeo.
15. Hingin mo ang kaniyang kamay.
Ang simile o pagtutulad ay isang payak at lantarang paghahambing ng dalawang bagay
na hindi magkatulad.
Halimbawa:
1. Ang puso niya ay bato.
2. Ang kanyang kamao ay bakal .
3. Ikaw ay isang ahas.
4. Ang aking ina ay ilaw ng tahanan namin.
5. Ang aking mahal ay isang magandang rosas.
6. Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.
7. Ang kanyang mga luha ay butil ng perlas
8. Ang aming ama ay haligi ng tahanan.
9. Ang mukha niya ay hugis puso.
10. Siya ay isang anghel mula sa langit.
11. Ang makata ay isang gerilya.
12. Ang mga pangako niya’y hangin.
13. Si lito ay kayod-kalabaw.
14. Ang mata niya ay mga bituin sa aking langit.
15. Ang katawan niya’y tila bakal sa tigas.
Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng
kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan. Ito rin ay gumagamit ng eksaherasyon
Halimbawa:
Opinion