Mga Bahagi NG Pahayagan - Opt

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

MGA BAHAGI NG PAHAYAGAN

Sa modyul na ito –

 makikilala mo ang iba’t ibang bahagi ng pahayagan


 masusundan mo kung saan ang karugtong ng iyong
binabasang balita o pitak
 masasagot mo ang mga tanong tungkol sa mga
impormasyong makikita sa iba’t ibang bahagi ng
pahayagan at
 magagamit mo ang mga bahagi ng pahayagan ayon
sa pangangailangan

Pagbalik-aralan Mo

A. Alin sa mga sumusunod ang likhang isip lamang? Sipiin sa


sagutang kuwaderno at lagyan ng tsek (√) ang mga kahong
nasa unahan.

Talaarawan Kasaysayan ng Pilipinas

Alamat ng Matsing Mga Kuwento ni Lola Basyang

Bernardo Carpio Si Juan Tamad

1
B. Alin sa mga sumusunod ang hindi likhang isip? Sipiin sa
sagutang kuwaderno at lagyan ng tsek (√) ang mga kahong
nasa unahan.

Aklat ng mga Dula Noli Me Tangere

Bibliya Talambuhay ni Andres Bonifacio

Aklat ng Balagtasan Ensayklopedia

Pag-aralan Mo

Ano ang makikita mo sa larawan?

Tama, mga mukha ng iba’t ibang pahayagan. Marami tayong mga


pahayagan. Nasusulat sa Ingles at nasusulat sa Filipino. Iilan lamang ang
pahayagang gumagamit ng wikang gamit sa paaralan. Ang iba halu-halong
Ingles at Filipino. Anu-ano naman ang nilalaman ng mga pahayagan o
diyaryo?

2
Pahapyaw na tingnan ang pahinang ito.

3
Sa pambungad na pahina makikita ang pinakaulo ng mga balita. Ano ang
ulo ng balita sa diyaryong nasa sinundang pahina? ____________________

Paano ito nasusulat? Maliliit o malalaking titik? May kasama bang


larawan ito? Ano ang pangalan ng pahayagan? Ilarawan ang logo ng
pahayagan. Kailan ang araw at petsa ng pagkakalabas nito? Nakalagay ba
ang halaga ng bawat sipi? Magkano? Paano mo mahahanap ang karugtong
ng mga balita sa pamukhang pahina?

Pag-aralan ang mga balita. Pahapyaw lang na basahin.

4
Ang mga nakita ay mga balitang panlalawigan.
Ang nasa pahinang ito ay mga balitang pambansa. Lahat ay naganap
lamang sa ating bansa. Pahapyaw lang na tingnan ang pahinang ito.

PAMBANSA

Sagutin mo nga ang mga tanong.

5
1. Paano nasusulat ang mga pamagat ng mga balita?
2. Bakit tinawag na panlalawigang balita ang nasa naunang pahina?
3. Bakit tinawag na balitang pandaigdig ang mga nasa pahinang ito?

6
Paano nasusulat ang mga balitang pandaigdig?
Nakalagay ba ang bansang pinagmulan ng balita?
Ano ang pagkakaiba ng balitang pandaigdig sa balitang local?

Narito ang iba pang bahagi ng pahayagan. Pahapyaw na tingnan ito. Ang
susunod na matutunghayan ay pahina ng editorial. Matatagpuan dito ang
kaisipan o isyu na nais linawin ng patnugutan. Dito makikita ang mga pitak o
kolum na sariling opinion ng mga kolumnista. Pahapyaw lang ang pagbasa.
Mga titulo lang ang bigyang pansin. Paano mo malalaman na may karugtong
ang binabasa? Saan mo hahanapin?
p. 4

(Sundan sa ph. 5)

7
p. 5
Hardliner . . . (mula sa p. 4)

8
May pahina ng mga lathalain na nakakalibang tulad ng palaisipan, horoscope,
at komiks strip. Tingnan mo ang mga sumusunod.

Ang ibang pahayagan ay may mga patalastas ng mga palabas sa


sinehan, mga numero ng labas ng lotto at text messages.

9
May pahinang pag-showbiz o mga balita at tsismis tungkol sa mga artista.

May pahina rin na pang-isports na naglalaman ng mga balita tungkol sa


mga nagaganap sa iba’t ibang kompetisyon ng isports dito at sa ibang bansa.
Tampok din ang ating sikat na mga manlalaro at mga kampeong pandaigdig.

Ang pahayagan ay may pahina tungkol sa mga anunsyo at patalastas.


Tinatawag itong anunsyo klasipikado.

May anunsyo para sa mga patay. Obituaryo ang tawag dito.

May anunsyo para sa mga trabaho.

May anunsyo para sa mga ipinagbibili at ipinauupa.

May anunsyo na nagpapatalastas ng mga produkto.

May anunsyo rin tungkol sa mga lumalabas na numero sa lotto.

Hindi pare-pareho ang nilalaman ng bawat pahayagan at hindi rin pare-


pareho ang wikang ginagamit. May mga gumagamit ng wika na ginagamit
ang tamang balarila sa paaralan at may gumagamit naman ng pabalbal na
wika, halu-halo.

Isaisip Mo

Naririto ang mahahalagang bahagi ng pahayagan at maikling paliwanag


tungkol sa mga bahaging ito.

1. Pamukhang pahina – makikita rito ang headline o pinakaulo ng


mga balita. Naririto rin ang iba pang mahahalagang mga balita na
ang karugtong ay makikita sa ikalawang pahina. Kung minsan
nasa huling pahina ang karugtong.

2. Pahinang editorial – mababasa rito ang kuru-kuro ng pabliser o


pasulatan tungkol sa mainit na isyu. Naririto rin ang pangalan ng
patnugot at mga bumubuo sa patnugutan kasama ang address at
telepono ng publikasyon. Kasama rin sa pahinang editorial ang
mga liham sa patnugot at mga pitak ng mga kolumnista.

10
3. Pahina ng mga balitang local at balitang pandaigdig.

4. Pahina ng mga Lathalain (Features)

a) Panlipunan – tungkol sa mga pagdiriwang, mga kilalang tao sa


lipunan, mga bagong uso, sining edukasyon at kultura.
b) Panlibangan – tungkol sa mga horoscope, palaisipan, mga
kuwento o eksenang katatawanan na nakalarawan at mga
palabas sa sine.
c) Pang-artista – mga balita tungkol sa mga artista.
d) Pang-isports – tungkol sa iba’t ibang palakasan, nga nananalo
at mga nagiging kampeon sa larangan ng isports.
e) Pangkabuhayan – mga balita tungkol sa negosyo, mga halaga
ng palitan ng pera, mga proyektong pangkabuhayan at mga
bagong imbensyon.
f) Anunsyo klasipikado – mga patalastas tungkol sa serbisyo, mga
trabaho at mga produkto

Pagsanayan Mo

A. Kilalanin kung anong bahagi ng pahayagan ang ipinakikita sa


ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.
1.

11
3. 4.

5.

12
Subukin Mo

A. Piliin ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na kalagayan.


Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno.

1. Wala kang trabaho. Aling bahagi ng pahayagan ang titingnan mo?

a. Palaisipan
b. Kolum ng mambabasa
c. Anunsyo
d. Pangulong balita

2. Ibig mong alamin ang pananaw o pakahulugan ng publisher o palimbagan


sa isyu tungkol sa unang 100 araw ng Presidente. Alin sa mga
sumusunod ang sasangguniin mo?

a. Pahinang pang-isport
b. Kolum ng isang manunulat
c. Editoryal o pangulong tudling
d. Balitang pampamayanan

3. Ibig mong malaman ang opinyon ng isang indibidwal sa isyu tungkol sa


brownout. Alin dito ang babasahin mo?

a. Kolum na isang manunulat


b. Balitang pandaigdig
c. Pahinang pampalakasan
d. Editoryal

4. Aling bahagi ng pahayagan ang gagamitin mo upang maaliw?

a. Balitang pampamayanan
b. Pitak Palaisipan
c. Pangunahing Balita
d. Anunsyo

5. Pinakahuling balita tungkol sa paboritong laro ang mababasa sa bahaging


ito. Aling pahina ito?
a. Pitak-artista
b. Mga anunsyo

13
c. Palakasan
d. Pandaigdig na balita

B. Sabihin ang mababasa sa sumusunod na mga bahagi ng


pahayagan.

1. Editoryal

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

2. Kolum ng Manunulat

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

3. Pangunahing Balita

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

4. Anunsyo

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

5. Balitang Pang-isports

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo na
ngayong simulan ang susunod na modyul.

14

You might also like