1introduksyon at Depinisyon NG Globalisasyon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)

CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING

I. PAMAGAT: INTRODUKSYON AT DEPINISYON NG GLOBALISASYON

II. LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan ng buong yunit, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

naipaliliwanag ang kahulugan ng globalisasyon.


naikukumpara ang ibat-ibang epekto ng globalisasyon sa bawat lungsod, basi
sa ibat-ibang aspeto nito
napalalawak ang kaalaman tungkol sa ibat-ibang interkoneksyon sa buong
mundo upang makasabay tayo sa pag-inog ng mundo at mapadali o
mapagaan ang pakikisalamuha sa bawat lipunang kinapapalooban nito.
natutukoy ang ibat-ibang katangi-an ng pagkakabuklod-buklod at daloy ng uri
ng globalisasyon.

III. INTRODUKSYON:

Mula sa mga teksbuk ng lahat ng naisulat na tungkol sa kasayasayan,


marahil ay madalas nating nakikita at napaguusapan ang salitang pagkakaisa. Sa
kasayasayan ng Pilipinas, makikita mo ito mula sa pagdaong ng unang balangay ng
mga Malay, sa pakikibaka ng mga Katipunero sa mga Kastila hanggang sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, hanggang sa Rebolusyong nangyari sa EDSA noong 1986,
magpahanggang ngayon na nababanggit pa sa mga radyo, telebisyon at ibat-ibang
klase ng midya. Sa panahon ngayon, ang salitang ito ay may bagong pamagat na
tinatawag ng kasalukuyang mga iskolar bilang Globalisasyon. Sa leksyong ito,
pahapyaw nating matatalakay kung ano nga ba ang depinisyon, galaw at layunin ng
Globalisasyon.

IV. PAGTALAKAY:

Bakit kinakailangang pag-aralan ang kursong ito?

1
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING

1. Maiiwasan ang pagkakapangkat-pangkat ng mga tao sa lipunan.


2. Natuturuan ng globalisasyon ang mga taong pag-aralan mismo ang lipunang
kinapapalooban.
3. Mas higit na lumawak ang pakikisalamuha ng bawat Pilipino sa buong mundo.
Halimbawa:
a. OFW 4,018 Filipino bawat araw noong 2009 at 6,092 noong 2015.
b. Paglawak ng Internet, mas murang transportasyon, pag-usbong ng mga
Multi-National Corporation.

Ang Pag-aaral Hinggil sa Globalisasyon

Ang Globalisasyon ay likas at binubuo ng magkakaugnay-ugnay na mga


disiplina o kurso. Makikita ang Kasalukuyang Daigdig sa mas malawak na
nasasakupan. Hinahayaan din tayong alamin ang ibat-ibang klaseng proseso ng
globalisasyon. Hinihikayat tayong magtanong at makialam, ito ang tinatawag na: ang
global citizenship.

Sa akademikong pagpapakahulugan globalisayon, sumasalungat ito sa ideyang


hatid ng mga popular at depinisyon ng mga aktibista. Naninniwala silang ang
globalisasyon ay hindi neoliberal, o dili kaya ay globalismong merkado lamang ang
tuon.

Pangangailangang Pang-interdisiplinaryo
Upang makasabay tayo sa pag-inog ng mundo tungo sa globalisasyon,
kinakailangan ng tao na lumabas at lumampas sa nakasanayang gawi at pananalita
dahil kung hindi, wala tayong karapatang magsalita.

Ayon sa mga Sayantipikong Pulitikal

Ang globalisasyon para sa mga sayantipikong pulitikal ay isang malaking hamon


para sa bansang estado dahil narin sa pag-usbong ng maraming naglalakihang
nasyonal korporasyon. Ang mga multi national corporations ay di hamak na mas
mayaman pa sa ilang mga bansa kung ang pag-uusapan ay ang GDP.

2
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING

Mas pinapagtibay din nito ang pangrehiyon na pagkakaisa gayon na rin ang pag-
angat ng pandaigdigang pampulitikal na pamantayan.

Ayon sa mga Ekonomista:

Ang globalisasyon ay nagpapalago sa malayang kalakalan. Mas pinabibilis din


nito ang pandaigdigang pakikipagkalakalan ng mga bansa. Nagbunsod din ito ng
pagkakatatag ng mga organisasyong may kaugnayan sa pandaigdigang ekonomiya.
Gayon din ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng ekonomiya sa bawat rehiyon ng bansa.

Para sa mga Iskolar ng Kultura at Komunikasyon

Ang layunin ng Globalisasyon ay ang pagbuo ng tinatawag na


Pandaigdigang Lunsod kung saan ang lahat ng tao ay nagkakaisa at parang nakatira
lamang sa iisang pamayanan. Sa lalong pagigting ng makabagong teknolohiya ng
komunikasyon, naging maliit ang ating mundo kung saan ang isang tao sa ibang bansa
ay parang kapitbahay mo lang sa tulong ng ibat-ibang klase ng midya: mula telebisyon
hanggang sa internet. Dahil dito, nagkakaroon ang mga tao ng konseptong tinatawag
na global na imahinasyon na kung saan ang ideya, karanasan o nararamdaman ng
isang tao, mapasaan man sya sa mundo, ay maibabahagi sa mundo. Sa negatibong
banda naman, ang konsepto ng isang pandaigdigang lunsod ay maaring
makaimpluwensya sa kultura o ang tinatawag na Imperyalisasyong Kultural kung saan
naipipilit sa iyo ang kulturang kaiba sa iyong kinagisnan o sa kultura ng pamayanang
iyong kinabibilangan.

Paano pagiisahin ang magkakaibang konsepto?

Pinag-isang depinisyon ng Globalisasyon:

Steger: Ang globalisasyon ay tumutukoy sa paglawak at paglago ng


pakikisalamuha sa Ibat-ibang tao at magkaoon ng kamalayan sa bawat oras at
bawat espasyo ng buong mundo

3
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING

1. Ibat-ibang uri/katangian ng koneksyon: Ang globalisasyon ay tumutokoy sa


ibat ibang uri ng pakikisalamuha kung saan madalas, ang isang konsepto ay
hindi nakatuon sa iisa lamang bagkus ay ang nakasanga at sanga-sangang
konseptong napapaloob sa pagtalakay nito na may kinalaman sa globalisasyon.
Ang sumusunod ay ang mga katangian ng mga koneksyong ito:

Magkakaiba-iba (maaaring ekonomiko, politikal, kultural, atbp.)

Ibinugso ng ibat-ibang salik, alalahanin/diin, midya, atbp.

Walang Pagkakapantay (ibat-ibang lebel ng interkoneksyon)

2. Pagpapalawak at Pagpapalago ng pakikisalamuha sa kapwa: Ang


globalisasyon ang nagbigay-daan tungo sa pagpapaunlad ng pakikisalamuha ng
tao sa isat-isa. Kung datiy ang pakikisalamuha ng isang tao ay nakatuon lang
madalas sa kung sino ang kanyang nakikita sa kanilang lugar o pamayanan,
ngayon ay kaya na nyang makisalamuha sa ibat-ibang tao sa ibat-ibang parte
ng mundo, maging sa ibat-ibang estado ng buhay. Ang dating hindi naaabot ng
kaunlaran ay abot-kamay na ngayon, lalo na sa pagunlad ng teknolohiya Ang
mga sumusunod ay ang mga institusyon o mga salik na nagbigay-daan dito:
Non-Government Organizations o NGOs
Pakikipagkaibigan/Pakikipagrelasyon
Ibat-ibang organisayon sa gobyerno
Multi-National Companies o MNCs
3. Ang Intensipikasyon at Akselerasyon ng Pagbabago at Gawaing Sosyal:
Ang pagunlad ng ating teknolohiya ay nagbunga ng mas malawakan at mas
matinding pakikisalamuha sa ibat-ibang klase ng tao. Ang mga sumusunod ay
ang mga salik na nagbunsod dito:
Mula Sulat Kamay patungong Facebook
Live na Telebisyon
Pagtaas ng bilang ng paglalakbay (murang transportasyong
panhimpapawid )

4. Kaganapang Pansarili: Dahil sa kaisipan nating makiisa sa mundo sa tulong ng


globalisasyon at ng mga salik nito, ang hinuha natin ng isang pandaigdigang
pamayanan bunga ng global na imahinasyon, ang bawat isa ay unti-unting

4
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING

nagiging bukas sa lahat ng kaganapan sa daigdig at madalas ay pilit tayong


nakikiisa o dili kayay nakiki-simpatiya sa mga kasalukuyang kaganapan. Ang
mga sumusunod ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga naging uso at mga
nauusong mga kaisang-konsepto na lumabas at lumalabas sa midya:

1. Iniisip na natin ang kaganapang pandaigdig (#PrayforParis ay isang


halimbawa)

2. Ibinabagay ang sarili sa mga nauuso sa daigdig (pagiging panatiko ng K-Pop)

3. Na sana, makaramdam tayo ng pagiging responsable (climate change)

Ang prosesong ito ay hindi pantay-pantay. Ito ay sa kadahilanang ang iba ay


nakikinabang samantalang ang iba naman ay naaagrabyado. Marahil na din sa
kadahilanang ang simpatiya ng bawat isa ay magkakaiba dahil sa magkakaibang salik
na ating nararanasan na maaring makatulong o makapigil sa atin sa pagkamit ng mga
layunin ng globalisasyon: mapaekonomiya, politikal, atbp.

Makakatulong na katanungan: Anu nga ba ang ginagawang globalisado?

Ang ibat-ibang katangi-an ng pagkakabuklod-buklod at daloy ay ang maraming


uri ng globalisasyon.
Ibat-ibang pandaidigan na tumutukoy sa ibat-ibang uri ng globalisasyon
( Flusty, 2004)
Depende sa uri ng globalisasyon, ang bawat isa ay makakakita ng ibat-ibang
paggalaw.

V. EBALWASYON/PAGTATAYA

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na gabay-katanungan upang makabuo ng isang


essay tungkol sa: Ano ang kwento mo tungkol sa globalisasyon o Paano mo
nararanasan ang globalisasyon?

5
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING

Ano-ano sa iyong pananaw ang mga salik na nakakatulong sa


globalisasyon sa ating bansa o kahit na sa iyong pamayanan? Ano-ano
naman ang pumipigil dito? Magbigay ng espisipikong halimbawa.
Ano naman ang nagawa, ginagawa o pwede mong gawin upang
maipaabot mo ang iyong tulong o pagpigil sa globalisasyon?

VI. MGA SANGGUNIAN

Steger M (2014) Approaches to the Study of Globalization, The SAGE


Handbook of Globalization, Chapter 2, Thousand Oaks: SAGE

Steger M (2005) Ideologies of Globalization, Journal of Political Ideologies


10(1): 11-30

You might also like