Session Guide Ni Vince

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALS Session Guide

I.MGA LAYUNIN
1.
2.
3.
4.

Natutukoy at nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng droga.


Nabibigyang diin ang masamang epekto ng droga sa tao.
Nailalarawan ang mga sintomas ng taong gumagamit ng droga.
Nakakagawa ng wastong paraan upang maiwasan ang paggamit ng droga.

II. PAKSA
A. Aralin 1 : Droga Salot sa Lipunan
(Pakikinig sa Radyo)
B. Kagamitan: Radyo, larawan ng taong gumagamit ng ipinagbabawal
na gamot, manila paper, pentel pen.
III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagganyak
Magpasulat sa papel ng mga bagay na nakapagpapaligaya sa
kanila. Talakayin ang kanilang mga sagot.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng taong gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot.
2. Pagtatalakayan
(Pakikinig sa Radyo Tungkol sa Droga)
a. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.
b. Magbigay ng manila paper sa bawat pangkat. Bawat
papel ay may tanong na nakasulat. Sa unang papel,
ano ang kahulugan ng droga at ipinagbabawal na
gamot at sa ikalawang papel ay anu-ano ang mga
sintomas ng taong gumagamit ng droga.(Batay sa napkinggan sa
Radyo)
c. Ipaiikot ang papel sa bawat miyembro.
d. Kapag natapos na ang lahat ng miyembro, magpapalit
ng papel ang magkabilang pangkat.

e. Iuulat ng bawat pangkat ang naging kasagutan ng


klase.
f. talakayin ang mga napakinggan ng mag-aaral sa pamamagitan
ng pag analisa sa kahulugan at mga sintomas ng droga.
Paglalahat
Ipapaliwanag sa mga mag-aaral kung ano ang epekto ng paggamit ng
droga.
4. Pagpapahalaga
Bumuo ng dalawang pangkat at pag-usapan ang mga karaniwang
ginagamit ng mga kabataan na ipinagbabawal na gamot at bigyang-diin ang
mga paraan ng pag-iwas ng mga ito.
5. Paglalapat
Ipabasa at pasagutan sa mag-aaral ang suliranin.
Bata pa lang si Raul ay umiinom na ng alak at
naninigarilyo. Sa paglipas ng maraming taon ay
nakararamdam na siya ng maraming sakit sa katawan.
Kung ikaw si Juan, ano ang gagawin mo para
maiwasan na ang ganitong gawi?
Ipasulat sa papel ang kanilang sagot at ilagay sa
kanilang portfolio.
IV. PAGTATAYA
Magbigay ng 5 pamamaraan na dapat gawin sa pag-iwas sa droga?
V. KARAGDAGANG GAWAIN
Magsaliksik tungkol sa mapanganib na epekto ng alkohol at
tabako sa katawan ng tao. Ihanda ito upang magamit sa susunod na
talakayan

Inihanda ni:
VINCENT E. ALFANTE
Abot-Alam
Mobile
Teacher

You might also like