Mam Mars
Mam Mars
Mam Mars
C. Paghahanda
Pangkatang Gawain:
Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng lumang diyaryo at scratch papers. Hahayaan
ang mga mag-aaral na lukutin ang mga papel.
Magbibigay rin ang guro ng mga papel na may pahilis na linya. Susundin ng mga magaaral ang mga linyang ito.
Maaaring gawin ng mag-aaral ang nasa ibaba.
D. Pagtalakay
Babasahin ng mga mag-aaral ang dialog na binibigyang-diin ang salitang may titik Aa.
Ako si Ashkey Angeles.
Alli ang palayaw ko.
Apat na taong gulang
ako. Isa akong babae.
Nakatira ako sa Amadeo,
Cavite. Nag-aaral ako sa
Amadeo Elementary
School.
E. Pagsasanay / Gawain
Unang Gawain:
Maaaring gamitin ng guro ang estratehiyang hand puppet.
Magpapakilala ang mga bata sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungang nasa
dialog box.
Ano ang
pangalan
mo?
Saan ka
nag-aaral?
Ilang taon
ka na?
Ano ang
palayaw
mo?
Saan ka
nakatira?
Magpapakita ng mga tunay na bagay ang guro na nagsisimula sa titik Aa. Hahayaan ng
guro ang mga mag-aaral na magbigay ng halimbawa at ituturo nila ang mga bagay na
makikita sa silid-aralan na nagsisimula sa titik Aa.
Maaari ring magpaligsahan ang mga mag-aaral sa gawaing ito.
Ikalawang Gawain:
Pakikinggan ng mga mag-aaral ang guro sa pagbigkas ng mga larawang nagsisimula sa
titik Aa. Kukulayan ng mga mag-aaral ang mga larawan ng mga bagay na may tuwirang
kaugnayan sa kanila.
araw na mainit
F. Paglalahat
Bilugan ang mga larawang nagsisimula sa titik Aa.
G. Ebalwasyon
Kulayan ang mga larawang nagsisimula sa titik Aa.
JMJ
NOTRE DAME SIENA COLLEGE OF POLOMOLOK
Brgy. Poblacion, Polomolok, South Cotabato
BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
Kindergarten
Passion for Truth and Compassion for Humanity
Ikalawang Araw
Unang Kwarter: Aralin # 1
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Napagsisikapang tapusin ano man ang sinimulan at may pagpapakumbabang
naipagmamalaki ang natapos na natakdang gawain.
II. Paksang-Aralin
D. Ako at Ang Aking Sarili / Ang Titik A
E. Sanggunian: Batayang Aklat, Bulilit Baybayin (Paglalayag sa Wika at Pagbasa)
Aylen Ortiz-Cabais Ph.D., mga pahina 2 - 8
Phoenix Publishing House Inc. Quezon City 2015
F.
Kagamitan:
lumang papel at mga diyaryo, mga papel na mayroon nang nakasulat na mga
pahilis na sulat
hand puppet, mga bagay na nagsisimula sa titik Aa (aklat, apa, atbp.) kanyakanyang larawan ng bata, pandikit
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a.1. Panalangin at Pagbati
a.2. Paalala
B. Pagganyak
Balik-aral:
Magpapakita muli ng larawan ang guro sa mga mag-aaral. Isa-isahin ito at ipababahagi sa
kanila kung ano-ano ang mga ito.
Maglalahad din ang mga mag-aaral ng kani-kanilang alam na bagay tungkol sa titik Aa.
C. Paghahanda
Babalikan ng guro ang takdang-aralin tungkol sa pagkilala sa sarili. Magpapakilalang
muli ang mga mag-aaral kaugnay sa ginawang takdang-aralin.
D. Pagsasanay / Gawain
Mula sa nakaraang aralin, sa pagsulat ng pahilis na linya ipasasagot ng guro ang
nakalaang gawain sa ibaba.
Bakatin ang mga puto na linyang pahilis para mabuo ang titik Aa.
E. Pagpapahalaga
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Bilugan ang masayang mukha kung ang larawan ay
nagpapakita ng tamang pakikipag-usap at pakikinig sa klase. Bilugan naman ang malungkot na
mukha kung hindi.
Mahalagang maipakilala natin ang ating mga sarili sa iba at kilalanin natin ang iba.
Nararapat din ang wastong pakikinig at pakikipag-usap sa iba.
F. Paglalahat
Pagsasagawa ng isang dula ng mga mag-aaral.
Pipili ang mga mag-aaral ng kapareha at ipakikilala ang sarili sa isat isa.
Ipapaalam ng guro ang natutunan sa pagpapakilala sa sarili.
Gagamitin ng guro ang rubric sa ibaba.
G. Ebalwasyon
Tulungan natin si Dominic. Guhitan ang tamang daan papunta sa bus na kanyang
sasakyan patungo sa paaralan.