Lost and Found

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Lost and Found

(Maikling Kwento)

Walang patid ang agos ng luha ng munting paslit na nakakubli sa hanay ng mga damit na nakadisplay. Takot siya at hindi malaman ang gagawin. Mama. Mama. ang paulit ulit na usal niya sa sarili. Wari bang sinasambit na panalangin at baka sakaling matawag sa kanyang tabi ang pamilyang sa kasalukuyay hindi maabot ng tingin. Sa mga oras na iyon hindi nya lubos maisip na noong mga nagdaang araw at kanikanina lang ay sobrang saya niya. Sa katunayan ilang araw palang ang nakalilipas simula nung masiglang umalis siya sa probinsya nila, kasama ang kanyang ama at ate, para sunduin ang nanay niya sa Maynila. Ang nanay niya ay isa lamang sa napakaraming Pilipino na nagtatatrabaho sa ibang bansa sa paghahangad na mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya. Ika nga ay mga OFW o Overseas Filipino Worker. Noon din unang nasilayan ng paslit ang lungsod ng Maynila na dati ay nababasa niya lang sa libro. Pero para sa kanya ang byahe mula sa terminal ng bus ang pinakamasaya. Namimilog ang mga mata niya sa labis na pagkamangha habang pinapanood ang mga nagdaraang sasakyan na animoy mga makukulay na nakapilang langgam sa malayo. At naisip niya marahil iyon ang kabayo o kalabaw para sa mga tao doon. Ang kaibahan lang ay bilog ang mga paa ng mga sasakyang iyon at may ibinubugang usok sa likuran. Sa probinsya kasi nila tanging kalabaw o kabayo lamang ang gamit nila kung ninanais nilang maglakbay. Sumakit din ang leeg niya sa labis na pagtingala sa mga naglalakihang gusali

at imprastraktura na nadadaanan nila. Ang buong byahe na iyon ay sadyang maganda para sa kanya. Simula noon at sa mga sumunod pang araw siya ay parang sponge na sinisipsip ang lahat impormasyon na nadidiskubre sa bago niyang paligid. Isa pa sa mga napansin niyay ang mga tao sa Maynilay tila palaging walang sapat na panahon para sa mga bagay bagay at palaging nagmamadali. Mas nabubuhay din ang lugar tuwing sumasapit ang gabi. Hindi katulad sa probinsya na pagtuntong ng alas sais ay nagsisimula nang matulog at magpahinga ang mga tao. Dalawang araw mula ng sila ay umapak sa lungsod, dumating na rin ang araw na pinakahihintay niya- ang araw na pumunta sila sa paliparan para sunduin ang ina. Maluhaluha ito nung makita ang nag-aantay na pamilya. Mula roon dumiritso na sila sa kanilang tinutuluyan na may kasunduang mamamasyal kinabukasan. Naalala ng bata na maaga silang natulog ng gabing iyon. Pinilit niyang ibalik ang diwa sa kasalukuyan. Naisip niya ang sitwasyon niya. Kanikanina lang ay nasa may cashier sila nang may nakita siyang lumilipad na laruang helicopter malapit sa kanya. Tiningnan niya ang pamilya niya at naisip na matatagalan pa sila dahil sa dami ng pinamili nila kaya sinundan niya ang papalayong laruan. Hindi niya napansin na napalayo siya masyado. Sa sobrang takot isiniksik niya ang sarili sa mga hanay ng damit. At ngayon napagtanto niya, siya ay naliligaw at posibleng naiwan na ng tuluyan sa lugar na iyon na ang dinig niyay tinatawag na Mall. Naalala niya tuloy ang paalala sa kanya ng nanay at tatay niya noong umagang iyon na huwag basta bastang hihiwalay.

Hindi niya batid na napalakas pala ang kanyang iyak kaya natigilan at napatingala siya nang may naramdaman siyang naghawi ng mga damit at lumapit. Mabait at nag-aalalang mukha ng babae ang bumati sa kanya. Naka-uniporme ito at naisip niya na marahil itoy nagtatarabaho sa gusaling iyon. Anong pangalan mo? ang narinig niyang bati ng babae sabay alok ng kamay nito sa kanya. Cathyrine po. ang marahang sagot niya dito. Pinahid niya muna ang sariling luha sa damit niya saka tinanggap ang nakabukas na palad ng babae. Nawawala ka ba? sunod na tanong nito sa kanya. Napatango lang siya. Hayaan mo, ako ang bahala sayo. Makikita mo uli mga magulang mo. sabi sa kanya. Napangiti nalang siya bilang sagot. Ibinili siya ng babae ng ice cream at pagkatapos ay dinala siya sa lugar kung saan naglalaro ang mga batang palagay niyay kasing edad lang niya. Iniwan muna siya ng

babae na napag-alaman niyang Bren ang pangalan para hanapin ang kanyang mga magulang. Maya-maya lang ay may anunsyo at narinig niya ang pangalan niya na sinasabing nawawala at kasalukuyang pinaghahanap ng mga magulang. Labis na tuwa ang naramdaman niya nang hindi hindi kalaunay nakita niya si Bren kasama ang nag-aalala niyang kapatid at mga magulang na papalapit. Patakbo niyang tinungo ang mga ito. Mahihigpit na yakap ang sumalubong sa kanya. Sa kabila ng lahat, hindi naman pinagalitan si Cathyrine. Pero batid niya sa sarili ang kahalagahan at epekto sa buhay niya ng nangyari. Alam niya na kagaya ng lahat ng bagay na nasa Lost and Found sa eskwelahan nila, hindi lahat ng nawawala ay suwerteng naibabalik sa tunay na may-ari nito. Ang ibay naiiwan at napapabayaan nalang sa isang

sulok hanggang sa wala ng makaalala dito at tuluyan na ngang mapag-iwanan ng panahot limot sa isang tabi. Kaya kahit ngayong siyay malaki at nasa kolehiyo na, malaki parin ang pasasalamat ni Cathyrine sa Diyos na hindi siya pinabayaan at ibinigay sa kanya ang tulong sa katauhan ng babaeng nagngangalang Bren. Habambuhay niyang tatanawing malaking utang na loob sa kanya ang pagkakabalik niya sa piling ng minamahal na pamilya.

CJ Genova

You might also like