Pamanahunang Papel (Rason NG Mga Kabataan Sa Pag-Inom NG Alak

You are on page 1of 30

Pambansang Mataas na Paaralan ng Silangan Dasmariñas

San Simon, Lungsod ng Dasmariñas

“RASON NG MGA KABATAAN SA PAG-INOM NG ALAK”

Bilang Bahagi ng Katuparan


sa Asignaturang Filipino
Ikaapat na Taon
Paaralang Sekondarya

Ipinasa ni:
Darlene Gayle D. Dela Fuente
IV – Gold

Ipinasa kay:
Bb. Aida V. Catibayan
Guro sa Filipino IV

Pebrero 15, 2011


PASASALAMAT

Bilang pasasalamat sa mga taong tumulong at naging inspirasyon upang


maisakatuparan ang proyektong ito.
Bb. Aida V. Catibayan, aming guro sa asignaturang Filipino, Dasmariñas
East National High School. Para sa pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman at
paggabay sa amin mula sa simula hanggang huli. Naging mahirap ang paggawa ng
isang pananaliksik ngunit ginawa niya ang kanyang makakaya upang mahasa ang
galing ng kanyang mga estudyante. Ang pamanahong papel na ito ay isang patunay
na hindi nasayang ang kanyang oras at pagsisikap na turuan kaming lahat.
Sa aking pamilya, para sa pagbibigay ng walang sawang suporta lalo na sa
tulong pinansiyal. Kung wala sila marahil wala din ako sa aking kinatatayuan ko
ngayon. Sila ang dahilan kung bakit ako nagpupursige sa pag-aaral upang
masuklian ang kanilang pagsasakripisyo.
Sa aking mga kamag-aral at kaibigan, para sa kanilang tulong at pagpapakita
ng suporta na siyang naging malaking ambag upang matapos ko ang proyektong
ito.
At higit sa lahat, sa Poong Maykapal, sa Kanyang paggabay, pagbibigay ng
lakas, talino at pagkain sa araw-araw. Malaking tulong ang Kanyang naibahagi
upang mapagtagumpayan ko ang pamanahong papel na ito na dapat tuparin sa
Filipino IV.

ii
TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT PAHINA
UNANG PAHINA i
PASASALAMAT ii
TALAAN NG NILALAMAN iii
LIHAM PARA SA GURONG TAGAPAYO v

KABANATA 1
PINAGMULAN NG PAG-AARAL 1
PAKSA 5
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL 10
TERMINOLOHIYA 12

KABANATA 2
KWESTYUNER 13
PAGSUSURI NG MGA DATOS 16
PAGSUSURI SA BATAY SA SARBEY PROPAYL 22
PAGLALAHAD NG RESULTA O KINALABASAN NG 24
PAG-AARAL AT MGA REKOMENDASYON
SA PAGLUTAS NITO
SANGGUNIAN 30
MGA KUHANG LARAWAN 31
TALAHANAYAN

iii
KWESTYUNER 35
PAGSUSURI NG MGA DATOS
TALANGGUHIT
PAGSUSURI BATAY SA SARBEY PROPAYL

iv
LIHAM PARA SA GURONG TAGAPAYO

Bb. Aida V. Catibayan,

Isang mapagpalang araw!

Ako po ay lumiham sa inyo upang lubos na magpasalamat sa tulong,


pagbahagi ng talino, at paggabay sa amin upang mapagtagumpayan ang
proyektong ito. Isang hamon para sa akin ang paggawa nito ngunit ginawa ko ang
aking makakaya upang tuparin ang mga kakailanganin sa Filipino IV. Kayo ang isa
sa mga naging inspirasyon ko sa paggawa nito, tatanawin ko ng isang malaking
utang na loob ang tulong na inyong naiambag. Hindi ko po kayo makakalimutan.
Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,
Ang inyong mag-aaral
Darlene Gayle D. Dela Fuente

___________________
Bb. Aida V. Catibayan
Guro sa Filipino IV

v
KABANATA 1
PINAGMULAN NG PAG-AARAL

Ilang libong taon na ng makalipas ng maganap ang unang himala ni Hesus


sa isang kasalan sa Konan, ito ay ang paglagay ng tubig sa isang bariles at biglang
naging alak. Noon pa man ay umiinom na ang mga tao ngunit sa pagdaan ng
panahon inabuso nila ito at naging alkoholismo. Isang sakit na nagreresulta ng
paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakalalasing, itinangi sa
pamamagitan ng kawalan ng kontrol sa pag-inom ng alak, pagiging maligalig at
pamamaluktot ng kaisipan.
Ang pagkalulong sa alak ang isa sa mga suliranin sa ating lipunan na sa
ngayon ay mahirap supilin. Maraming kabataan ang natututong uminom ng alak
dahil sa hayagang pagkonsumo nito. Dahil sa paulit-ulit ng pag-inom nito, unti-
unting nasasanay ang kanilang murang katawan sa kakaibang epektong dulot na
inuming ito. “Upang makalimutan ang problema,” ang laging bukambibig ng mga
taong regular na kumokonsumo ng alak.
Ang alkoholismo ay isang salitang ngunit magkakasalungat na kahulugan.
Sa karaniwan at pangkasaysayan na paggamit, binabanggit ang alkoholismo bilang
kahit anong kalagayang nagreresulta sa patuloy na pag-inom ng mga inuming
alkoholiko sa kabila ng mga problema sa kalusugan at negatibong kahihinatnan
nito sa lipunan. Inilalarawan ng medisina ang alkoholismo bilang isang sakit na
nagresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakalalasing sa
kabila ng mga negatibong kahihinatnan nito. Maaari ring banggitin ang
alkoholismo sa pagiging maligalig sa pag-inom o pagpilit na makainom ng alak, at
maging sa kawalan ng abilidad na makilala ang mga negatibong epekto ng sobrang
pag-inom ng alak.
1
Sa panahon natin ngayon, karaniwan na nating makita ang alak lalo na sa
mga okasyon. Parang isang itong atomic bomb na sumabog at mabilis ang
paglaganap sa ating lipunan, kaliwa’t kanan ang makikita nating nag-iinuman
maaaring nasa kalsada, sa loob ng bahay pati na rin sa mga cabaret. Totoong
umuunlad ang ating henerasyon ngayon maraming mga naiimbentong mga
teknolohiya kasama na rito ang mga nakalalasing na inumin. Patuloy ang
pagyabong ng salitang “alak” sa ating lahat.
Ang isa sa mga hilig ng mga kabataan ngayon ay ang pag-inom ng alak.
Hindi lamang ang mga matatanda ang umiinom ngayon. Maging ang mga menor
de edad at kahit ang mga kababaihan. Iba’t iba ang kanilang dahilan kung bakit sila
umiinom ng alak. Dahil sa okasyon at kapag sila ay may problema. At ito ay
nagiging bisyo na nila. Kaya’t nagiging pangkaraniwan na para sa mga kabataan
ang uminom ng alak. Malalim ang mga dahilan kung bakit maraming nahihilig na
uminom nito. Napakaraming naaapektuhan dahil dito. Isa itong lason na sumisira
sa buhay ng maraming kabataan.
Ang pag inom ng alak ay isang napaka-karaniwang karanasan para isang
Pilipino. Mapababae man o lalake, bata man o matanda, halos lahat yata ng
Pilipino ay umiinom ng alak. Bakit nga ba marami ang umiinom? At bakit parang
pabata ng pabata ang natututong gawin ito? Tamang bang ang alak ay nakakabawas
ng problema? Bakit isinasabay sa problema ang pag inom ng alak? Ano nga ba ang
naidudulot nito? Ano nga nagtutulak sa mga mga kabataan ngayon sa pag inom?
Ito siguro ang mga tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi umiinom. Hindi
ba nakakapagtaka sa lahat ng okasyon lagi perfect attendance ang alak o beer.
Minsan nga tayong mga Pilipino ay umiinom ng walang dahilan. Lalo na ang mga
matatanda halos ginagawang na nilang tubig ang alak. Hindi rin mawawala ang all
time partner ng alak at ito ay ang pulutan.
2
Ayon sa pagsusuri ng Unibersidad ng Pilipinas, tinatayang 2.3 porsyento ang
kabuuang ginastos ng mga Pilipino para sa alak lamang. Sinasabing 5.3 milyon o
60 porsyento ng mga kabataan ang umiinom, 4.2 sa mga kalalakihan at 1.1 naman
sa mga kababaihan. Tinatayang 1.25 bilyong litro o 3.9 bilyong bote ng alak ang
nauubos sa loob lamang ng 24 oras. Sinasabi ring ang alak ang puno’t dulo ng mga
aksidente, gulo, kriminalidad, at iba pang mga di-kanais nais na pangyayaring
gumigimbal sa mapayapang lipunan. Itinuturing na malaking problema sa
kalusugan ng publiko ang sobrang pagkonsumo ng alak.
Ayon sa American Psychiatric Association, pinakamadalas abusuhin ng mga
pasyenteng nagpapalunas ang alak. Inestima naman ng World Health
Organization na 140 milyong katao sa buong mundo ang may pag-uumasa sa
alkohol. Walang kongkretong datos sa kasalukuyan sa bilang ng mga mapang-
asang manginginom sa Pilipinas. Sinasabing dahil raw ito sa hindi pagturing ng
mga Pilipino sa alkoholismo bilang isang sakit. Sa kabila nito, hindi mapagkakaila
ang epekto ng alkoholismo sa pamilya at komunidad.
Ang alak ay palaging inuugnay sa mga babaeng nakasuot ng bikini, lalakeng
malalaki ang katawan at mga masasayang oras. Nadadala sila sa mga babaeng
nakasuot ng bikini na nagmomodelo ng alak. Dahil karamihan sa mga umiinom ay
mga lalaki, sila ay nahuhumaling sa katawan ng isang magandang babae. Nagiging
ugali na rin ito ng mga kabataan na akala nila ay magiging masaya sila kung sila ay
iinom. Iyan ang karaniwan na dahilan kung bakit napakaraming lasinggerong
kabataan ngayon.

3
Ang bawat isang dahilan ay napakaraming epekto. Maliit man o malaki.
Kaunti man o madami ang naaapektuhan. Nakakagawa sila ng mga bagay na bawal
nang hindi nila namamalayan. May mga nakakabuntis dahil minsan ay may mga
okasyon na may mga kasamang babae na umiinom ng alak.
Mayroon rin na nakakapatay dahil hindi na nila makontrol ang kanilang sarili.
Nadadala sila ng kalasingan kaya hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Kaya’t
maraming buhay ang nasisira nang dahil sa alak.
Kaya naman napukaw ang aking isipan sa paglaganap ng usaping ito. Nais
kong magsaliksik ukol dito upang mapatunayan ko kung ano nga ba talaga ang
mga dahilan kung bakit umiinom ng alak ang mga kabataan. Kahit na ako rin
mismo ay ginagawa ito, hindi pa rin sapat ang aking kaalaman uko dito. Kung
kaya’t napili ko ang paksang ito upang mamulat ang kaisipan ng mga kabataan
ukol sa kinahuhumalingan nating mga Pilipino… Ang pag-inom ng alak.

4
PAKSA
Patuloy ang pagyabong ng salitang “alak” sa ating henerasyon, marami ang
nahuhumaling at natututong uminom ng alak sa kabila ng mga masamang epekto
nito sa ating buhay. Hindi lamang matatanda kundi pati mga kabataan ay
nabibiktima nito. Maraming mga kabataan ang naaaksidente at namamatay dito.
Ang alcoholic drinks, o alak ay isang inumin na may sangkap na alcohol.
Karaniwan itong iniinom kapag may espesyal na okasyon o salu-salo, ngunit
pwede pa rin kahit na walang okasyon. Ika nga ng iba ay pangpalipas ng oras.
Tinatanggap ito sa lipunan ng ilang mga bansa sa Asya, Europa, at Amerika
maliban sa Middle East. Ang relihiyon ay konsiderasyon sa pag-inom ng alak.
Ang pagkalunod sa alak ay isa rin sa mga malulubhang karamdaman ng tao
na kahit painumin man ng mga paalala o babala ay hinahanap pa rin ng kaluluwa.
Isang katunayan na kahit gumastos pa nang malaki ang mga tao sa pagbili ng alak,
basta lang matugunan ang pangangailangan ng kanilang lalamunan.
Sa karamihan, ang pag-inom ng alak ay may malaking bahagi sa pangsosyal
na buhay. Ang tamang dami ng pag-inom -- 2 shots kada araw para sa mga lalake
at 1 shot naman para sa mga babae ay walang masamang maidudulot sa ating
pangangatawan. Subalit madaming bilang pa din ng tao ang nahuhumaling at
nagkakaproblema dahil sa sobrang pag-inom ng alak. Masasabing milyon-milyong
tao ngayon ang matatawag na "alcoholics."

Ano ba ang alkoholismo?


Sa pinakasimpleng kahulugan, ito ay patuloy at sobrang pagkahilig o
adiksyon sa alak. Ito ay sakit na nakakaapekto hindi lamang sa taong nasa
impluwensiya ng alak kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa kanya.
5
Ang alcohol ang nakakalasing na sangkap ng serbesa at alak. Ito ay
nagagawa sa pamamagitan ng pagpapaalsa, ang proseso ng paggawa ng
alcoholikong inumin. Kapag ang asukal na galing sa prutas o butil ng bigas ay
sinamahan ng pampaalsa at tubig, ang kakalabasan nito ay alcohol. Ang alak ay
isang gamot at tulad ng lahat ng gamot, ito ay may epekto sa katawan at isip ng
tao. Dahil sa alak, pakiramdam ng ibang tao na sila ay nabubuhayan at nagigising.
Ngunit ang katotohanan ito ay nakakapagpatamlay, at pinababagal nito ang
paggalaw ng ating central nervous system. Ang maliit na halaga ng alcohol ay
nakakaapekto sa kaayusan at desisyon ng tao. Ang pag-inom ng maraming alcohol
ay nakamamatay. Ito ay nawawala sa katawan ngunit nag-iiwan ng lason na
nagsasanhi ng mas malalang problema sa kalusugan. Sa loob ng 20 minuto ng
pagpasok nito sa tiyan, may 10% ng alcohol ang nasisipsip ng daluyan ng dugo.
Halos 5% ng alcohol ang naiiwan sa katawan na nagiging ihi, pawis, at hininga.
Ang pag-inom ng alak ay hindi nakakadagdag ng timbang, iyan ay napatunayan na
ng napakaraming pag-aaral. Ang alcohol ay salik sa pagtaas ng bilang ng krimen
tulad ng 68% ng pagpatay sa kapwa tao, 62% ng pambubugbog, 54% ng
pagtatangkang pagpapakamatay, 48% ng pagnanakaw at 44% ng panloloob.
Paano nga ba natin malalaman kung sobra na ang pag-inom natin sa alak?
Una sa lahat, anong ibig-sabihin ng “sobra”? Sinong makakapagsabi kung sobra na
ba ang alak na iniinom ng isang tao? Bagamat iba’t iba ang dami ng alak sa
kailangan sa iba’t ibang tao upang malasing, maaaring magsilbing gabay ang
sumusunod. Ayon sa mga iba’t ibang himpilan, ay pinakamarami ngunit
katanggap-tanggap parin na pag-inom ay 1-2 bote ng beer kada araw ngunit
hindi lalampas ng 7 bote ng beer sa isang linggo. Sa hard drinks naman gaya ng
gin, vodka, rum, o brandy na may 40% alcohol, hanggang 4 na shot (25 ml x 4 =
100mL) bawat araw ngunit hindi lalampas ng 14 na shot sa isang linggo.
6
Una sa dahilan ng mga kabataan sa pag-inom ng alak ay impluwensya ng
kanilang mga kaibigan. Sa dami ng ating nakakasalamuha sa araw-araw, marami
tayong nagiging mga kaibigan. Ilan sa mga ito ay tumutulong sa atin sa oras ng
pangangailangan ngunit ang ilan naman ay nagiging dahilan kung bakit maraming
kabataan ang natututong uminom. Peer pressure ang tawag dito, kung ang mga
kabarkada ng isang kabataan na mahilig uminom ng alak, siguradong mahahawa
siya at maiimpluwensiyahan siya nito.
Ikalawa, hindi lingid sa ating kaalaman na maraming mga kabataan ngayon
ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral at pinipiling magtrabaho na lamang. Dahil
sa labis na pagkapagod dulot ng kanilang trabaho, ang iba sa mga kabataan ay
umiinom ng alak sapagkat naniniwala sila na mawawala ang kanilang pagod at
makakaramdam sila ng kaginhawaan. Hindi ko lubos maisip kung bakit may
ganitong paniniwala ang mga kabataan, ano ba ang magiging bunga nito? Hindi
ba’t pinahihirapan lamang nila ang kanilang sarili sapagkat imbis na magpahinga
na lamang ay ginugugol pa nila ang kanilang oras sa mga walang kwentang bagay.
Ikatlo, naghahatid ng kasiyahan sa mga kabataan ang pag-inom ng alak.
Hindi ba nila naiisip na ang kanilang mga magulang ay nagpapakahirap sa
paghahanapbuhay upang may makain lamang sila sa araw-araw ngunit ano ang
kanilang ginagawa? Nagpapakasasa sila at iniintindi lamang nila ang kanilang
sariling kaligayahan.
Ikaapat, maraming bagay ang gustong subukan ng mga kabataan ngayon.
Dahil parte ng kanilang pagkatao ang pagiging mapusok o mahilig sumubok ng
mga bagong bagay. Ito ay tinanatawag na kuryusidad, at dahil sila ay hindi pa
gaanong mulat sa mga makamundong bagay, hindi nila alam kung paano hawakan
ang ganitong bagay. Sa usaping ito, ako mismo ay naranasan na rin ito. Hindi
masama ang maging matanong ngunit dapat disiplinahin natin ang ating sarili.
7
Ikalima, ang ilan sa mga kabataan ngayon ay ginagawang na ring libangan
ang pag-iinom. Hindi ba nila naiisip na marami ang maaaring gawin? Imbes na
makipaglaklakan sa mga kabarkada tulungan nila ang kanilang mga magulang na
nagkakandakuba na para lamang maiahon sila sa kahirapan. Masakit isipin na ang
mga ilan sa mga kabataan ngayon ay naliligaw ng landas. Paano pa kaya
magkakatotoo ang sinabi ng ating pambansang bayani na “Ang Kabataan ang Pag-
asa ng Bayan,” kung ngayon pa lang nakikita na natin ang kanilang magiging
kapalaran kung patuloy nilang sinisira ang kanilang kinabukasan sa walang
katuturan na mga bagay.
Ikaanim, bunga ng pagkabagot at walang magawa sa buhay natutukso na
ring uminom ang mga kabataan. Hindi ba’t isang napakababaw na dahilan ito para
matukso tayong uminom? Kung iisipin natin, maraming bagay ang maaari nating
gawin at pagtuunan ng pansin. Ika nga ng mga nakakatanda “Kung ayaw
maraming dahilan, kung gusto maraming paraan.” Hindi sapat na dahilan ang
pagkabagot para uminom tayo at malulong sa masamang bisyo na ito.
Ikapito, ang pamilya ay mayroong malaking bahagi na ginagampanan sa
buhay ng isang kabataan. Sila ang nagiging modela sa paglaki ng kanilang mga
anak. Kung minsan pa ay sinasabing kung sino ang puno siya rin ang bunga.
Nagre-reflect ang ugali at gawi ng isang kabataan batay na rin sa nakikita nito sa
loob ng kanilang tahanan. Isa sa mga rason ng kabataan kung bakit natututong
uminom ay dahil nakikita itong ginagawa sa loob ng kanilang tahanan. Kung ang
isang batang paslit ay makikita ito aakalain niyang maganda ito at tatatak ito sa
kanyang isipan na maaaring gawin niya pagdating ng panahon. Kung ang mga
magulang ay ginagawa ang mga iyon, dapat ay isaalang-ala nila ang kanilang mga
anak dahil wala itong maidudulot para sa kanilang kapakanan.

8
Ang pangwalo ay may problema o suliranin na pinagdaraanan ang isang
kabataan kaya mas gugustuhin niyang uminom na lamang upang makalimutan niya
ito kahit panandalian lamang. Isa ito sa mga pangunahing rason sa pag-inom ng
alak ngunit hindi ba nila naiisip na kahit magpakalasing pa sila ay matatakasan nila
problema? Hindi ba’t hindi naman! Pagkagising sa umaga, haharapin mo na naman
ang iyong problema at kasabay nito ang pagsakit ng ulo na tinatawag na hang over.
Pang-siyam, marami ang nauuso ngayon at lahat ito ay nais usisain ng
kabataan. Marahil napapanuod nila sa isang patalastas, sa diyaryo at maaaring sa
mga kalsada sa tuwing sila ay naglalakad. Nagiging moderno na ang panahon
ngayon, maraming natutuklasan na mga bagay at teknolohiya kasabay nito ang
patuloy na pag-uso na alak.
At ang huli ay pag-inom tuwing may okasyon o pagdiriwang sa isang
pamilya at mag-anak. Nainom lamang kapag may okasyon? Ilang okasyon ba ang
nadaan sa loob ng isang taon? Hindi ba’t aabot din iyon sa sampu at kapag nasanay
ang ating katawan sa pag-inom ng alak ay hahanap-hanapin na ito na nagiging
dahilan ng alkoholismo.

Huwag nating sayangin ang pagkakataon na makapag-aral at maging


maganda ang ating kinabukasan. Huwag tayong magpadala sa mga tukso na
magiging dahilan kung bakit nasisira ang buhay ng isang kabataan. Kumilos tayo
at maging positibo ang pagtingin sa buhay. Mabuhay tayo para sa magandang
dahilan at iwasan ang patuloy ng paglaganap ng alak sa ating lipunan!
Umiikot ang proyektong ito sa mga rason ng mga kabataan sa pag-inom ng
alak. Kung bakit marami sa mga kabataan ang natututong uminom sa kabila na
mapait ang lasa ng alak sa unang tikim. Maging ako mismo ay ginagawa ito,
ngunit nais ko pa ring madagdagan ang aking kaalaman ukol sa bagay na ito.
9
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Una, ang pananaliksik ito ay kinakailangan upang maipabatid sa mga
mambabasa nito ang lumalalang kondisyon ng pagkalulong mga kabataan sa beer
at alak. Ang mga estudyante ang karaniwang biktima ng mapanirang alak. Sa
panahon ngayon ang mga kabataan ay mas lalong nalulong sa pag-inom dahil sa
madaming dahilan nariyan ang pinakamadalas na dahilan ang problema sa
pamilya, pagiging mapangahas sa pagsubok sa madaming bagay, ang pageendorso
ng mga alak na ito gamit ang media sa diyaryo man o telebisyon.
Ikalawa, ito ay nagnanais magtampok ng mga paraan kung paano bibigyan
ng solusyon ang lumalalang problema sa pagiging lulong sa alak ng mga kabataan.
Dito nais kong ipahayag ang aking pagaalala bilang isang estudyante sa kadahilang
maraming buhay ang sisirain ng pagkalulong sa beer at alak ng kabataan ngayon
lalo na sa mga kabataan.
Ikatlo, nais kong ipahatid sa mga kabataan ang maaaring kahinatnan ng
kanilang buhay sa hinaharap kung sakaling patuloy ang kanilang pagkahumaling sa
nakalalasing na inumin na ito.
Nais kong mapukaw ang isipan ng mga kabataan ukol sa usaping ito. Hindi
lahat ng bagay sa mundo ay may magandang maidudulot sa ating buhay. Minsan
ang pagkalasing ay nagdudulot ng maagang kamatayan.
Ang sobrang pag-inom ay nakakaapekto rin sa utak ng mga kabataan. Kapag
sobra-sobra at naging palagian ang pag-inom ng alak, apektado rin ang kanilang
utak. Nababawasan ng sobrang pag-inom ang kaalertuhan ng ating pag-iisip at
nagiging mapurol. Ang sobrang pag-inom ng alak ay nakasisira sa personalidad.
Makikita sa kaanyuan ng isang tao kung siya ay manginginom.

10
Marami sa mga manginginom ay kulang sa nutrisiyon kaya nagiging resulta nito ay
malnutrisiyon.
Mahalagang mapag-aralan ang mga suliranin sa ating lipunan nang sa gayon
ay magkaroon tayo ng kaalaman sa kung ano-ano ang mga nagaganap sa ating
kapaligiran. Ang mga ideya at impormasyong nakalap ay nagsisilbing gabay upang
maiwasan ang ganitong suliranin.
Nais kong mabigyan ng karampatang solusyon ang suliraning kinakaharap
ng ating lipunan nang sa gayon ay maiwasan ang paglaganap nito at mabawasan
ang mga kabataang nalululong sa masamang bisyo. Hindi nila naiisip ang maaaring
mangyari sa kanilang buhay at kinabukasan kung aasa sila sa mapanirang alak.
Napakaloob sa pag-aaral na ito ang mga impormasyon ng mga epekto ng
alkoholismo sa kalusugan. Naglalayon na ang mga impormasyon ito ay
makakatulong sa lahat upang maiwasan ang alokoholismo at maagapan ang
masasamang epekto nito sa katawan.

11
TERMINOLOHIYA
Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa
minarapat kong bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay
sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahunang papel na ito:

 Alcoholic drinks – isang inumin na naglalaman ng ethanol (isang uri ng


alkohol), karaniwang tinatawag na alak.
 Alcohol intoxicated – tinatawag ding kalasingan o paglalasing, isang
estado na nangyayari kapag ang isang tao ay mayroong mataas na ethanol
sa kanilang dugo.
 Alcoholics – isa ito sa katangian ng isang tao na patuloy ang pagkonsumo
ng alak sa kabila ng negatibong epekto nito.
 Beer belly – paglaki ng tiyan bunga ng madalas na pag-inom
 Blood Pressure – ito ay ang presyon ng dugo na karaniwang sinusukat sa
isang tao sa itaas na braso
 Detoxify – pagtanggal ng mga lason o kemikal sa ating katawan
 Enzymes –nangangahulugang pinapabilis ang reaksyon ng kemikal sa tao
 Esophagus – lalamunan
 Hang over – pagsakit ng ulo kinabukasan matapos uminom
 Liver Cirrhosis – isang uri ng sakit na nakukuha patuloy na pagkonsumo
ng alak. Humahantong ito sa pagkawala ng gamit ng atay na nagiging
dahilan ng maagang kamatayan.

12
 Mananaliksik – isang tao na gumaganap ng pananaliksik , ang
paghahanap para sa kaalaman o sa pangkalahatan anumang sistematikong
imbestigasyon upang magtatag ng mga katotohanan
 Menor de Edad – mga kabataang wala pa sa hustong gulang karaniwang
nasa 18 pababa ang edad
 Miscarriage - pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan ng kanyang Ina
habang siya ay ipinagbubuntis nito
 Peer Pressure – tumutukoy sa impluwensiya sa pamamagitan ng isang
grupo na naghihikayat sa isang tao upang baguhin ang kanyang pag-
uugali upang tumalima sa grupo na kaugalian.

13
PAGSUSURI NG MGA DATOS
Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan
1. Naiimpluwensiyahan ako ng aking mga 7 0 1 2
kaibigan kaya ako natutong uminom.

Batay sa
pagsusuri sa
pigurang ito,
masasabi natin na
malaki ang
impluwensiya ng mga kabarkada kung bakit natututong uminom ang isang
kabataan. Marahil ay dahil sa pakikisama kaya nagagawa nila iyon.

16
Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan
2. Umiinom ako ng alak dahil sa may 2 5 0 3
problema akong pinagdaraanan.
Sa ikalawang pahayag, masasabi natin na may ilan-ilang umiinom dahil sa
may problema silang pinagdaraanan ngunit sa kabila nito nangibabaw pa rin ang
ilang mga kabataan na hindi umiinom kapag may problema silang kinakaharap.
Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan
3. Naghahatid sa akin ng kasiyahan ang 0 6 1 3
pag-inom.

Sa pigurang ito, mahihinuha natin na marami sa mga kabataan ang hindi


nasisiyahan sa pag-inom ngunit bakit kaya patuloy pa rin ang kanilang
pagkonsumo at pagtangkilik dito? May ilan namang nagsabi na may kaligayahan
silang nakakamtan dito.
17
Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan
4. Dala ng labis na kuryusidad, gusto kong 7 0 1 2
tikman kung ano ang lasa ng alak.
Masasabi natin na dahil sa maraming bagay ang gustong subukan ng mga
kabataan, dala ng kuryusidad ay natututo silang uminom. Disiplina lamang sa sarili
ang tamang solusyon para rito.
Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan
5. Ginagawa kong libangan ang pag-inom 0 7 1 2
ng alak.

Batay sa pigurang ito nakalulungkot isipin na mayroong ilang mga


kabataang ginagawang libangan ang pag-inom ngunit sa kabila nito mas marami pa
rin ang mga kabataang mas inuuna ang ibang bagay kaysa sa pag-inom ng alak.
18
Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan
6. Dahil sa pagkabagot, natutukso akong 0 7 1 2
uminom ng alak.
Sa pahayag na ito may ilang nagsasabi nadahil sa pagkabagot ay natututo
silang uminom ngunit mas marami naman ang nagsabi na hindi sila natutuksong
uminom dala ng pagkabagot.
Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan
7. Dahil na rin sa aking nakikita sa loob ng 0 9 0 1
aming tahanan kaya ako natututong
uminom.

Mahihinuha natin na marami ang nagsasabi na hindi nila sa tahanan


natutuhuhang uminom. Kaya naman bilang isang kabataan, dapat piliin natin ang
mga taong ating pakikisamahan nang sa gayon ay hindi tayo mapahamak.
19
Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan
8. Nainom ako dahil sa labis na pagod at 0 7 1 2
nais ko itong mawala.
Sa pigurang ito mahihinuha natin na may mangilan-ngilang mga kabataan
ang naniniwala na nakakapagpawala ng pagod ang pag-inom ng alak ngunit sa
kabila naman nito mas marami pa rin ang hindi naniniwala na hindi ito ang
solusyon sa pagod na ating nararanasan.

Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan


9. Nauuso ito kaya gusto kong subukan. 0 6 2 2

Batay sa pahayag na ito, masasabi natin na marami ang nauuso kaya naman
ang ilan sa mga kabataan ay nahuhumaling rito. Displina lamang sa sarili ang
tamang solusyon para rito.
20
Mga Pahayag Oo Hindi Madalas Minsan
10. Nainom lang ako kapag may okasyon. 8 0 1 1
Batay sa huling pigura at pahayag, mahihinuha natin na marami sa mga
kabataan ang umiinom sa tuwing may nagaganap sa okasyon. Hindi nga naman
masama ang pag-inom batsa’t isaisip lamang natin na lahat ng sobra ay masama
kaya naman dapat lamang tayong magkaroon ng disiplina sa sarili. At tandaan na
maraming mas magagandang bagay ang maaaring gawin kaysa magpatuloy sa
pagkonsumo ng mapanirang alak na ito.

21
PAGLALAHAD NG RESULTA O KINALABASAN NG PAG-AARAL AT
MGA REKOMENDASYON SA PAGLUTAS NITO
Batay sa mga impormasyon na aking nakalap, mahihinuha natin na ang
nagiging rason ng mga kabataan sa pag-inom ng alak ay ang impluwensya ng
kanilang mga kabarkada kaya sila natututong uminom. Nagpapadala sila sa udyok
ng kanilang barkada. Batay na rin sa aking karanasan, ito rin ang naging dahilan
kung bakit ako natututong uminom. Dala na rin ng pakikisama at alok ng aking
mga kaibigan.
Ang bawat ating kaibigan na ating nakakasalamuha ay may kanya-kanyang
katangian. May dalawa itong mukha, una ay ang mga taong tumutulong sa atin sa
mga panahong nangangailangan tayo at magtuturo sa atin kung an ang tama sa oras
na tayo’y nawalan ng pag-asa. Ang ikalawa naman ay ang mga taong nagtuturo sa
atin sa kamalian, kung tawagin ay masasamang impluwensiya sa isang kabataan.
Ipinapakita lamang nito na dapat ay maging mapanuri tayo sa mga taong ating
pakikisamahan dahil hindi sa lahat ng oras ay dapat tayong magtiwala at makisama
kung alam naman nating hindi ito makakabuti para sa ating lahat ay huwag na
lamang natin iyong gawin.
Sa panahon natin ngayon maraming gustong subukan ang mga kabataan.
Hindi na nila iniisip ang mga bagay na maaaring maging epekto nito sa kanilang
buhay, kung ito man ay makakabuti o makakasama. Ang tanging mahalaga lamang
sa kanila ay kung saan sila masaya at kung anong ginagawa nila sa kasalukuyan.
Wala na silang pakialam kung anong mangyayari sa kanilang kinabukasan kung
patuloy ang kanilang pagtangkilik sa mapanirang alak na ito.

24
Lahat ng sobra ay nakakasama, kaya naman kung didisiplinahin lamang
natin ang ating sarili maaaring hindi tayo malululong sa nakakalasong inumin na
ito. May kanya-kanya tayong dahilan at rason kung bakit tayo umiinom marahil
dala ng kuryusidad at may problema tayong kinakaharap. Ang problema ay
dumarating sa lahat ng tao, nasa atin lamang kung paano natin ito dadalhin at
sosolusyonan. Ngunit, hindi ba’t hindi naman solusyon ang alak? Sinisira lamang
natin ang ating katawan at kinabukasan dito.
Hindi tayo dapat makiayon sa lahat ng ginagawa ng ibang tao, may sarili
tayong isip upang gamatin sa tamang paraan at panahon. Nasa ating mga kamay
ang ikauunlad ng ating kinabukasan at pati na rin ng ating bansang Pilipinas.
Ang paglango sa alak ay maaaring mauwi sa seryosong problema sa
kalusugan para sa mga kumukonsumo ng alak at sa mga taong nakapaligid sa
kanila. Ito ay isang sakit na kumikitil ng milyung-milyong buhay bawat taon. Ang
ganitong suliranin ay kailangang pagtuunan ng pansin at unti-unting sugpuin.
Maraming programa na ang mga naitatag upang tulungan ang mga biktima nito at
ng maiwasan ang paglala ng ganitong suliranin. May mga bagong batas at
alituntunin ang nagbibigay ng karagdagang suporta para masupit ito.

26
EPEKTO NG ALAK SA ATING KATAWAN
Ang ilan ay nagsasabi na ang benepisyo ng alak ay mabuti sa kalusugan ng
pangangatawan. Binabawasan nito lapot ng dugo kung kaya’t hindi ito nahihirapan
na umikot sa ating katawan. Sa pakikipagkapwa-tao naman, ang pakikipag-inuman
ay nagsisilbing pakikisama sa mga kaibigan at kamag-anak.
Ang alcohol na sangkap ng alak ay isang chemical na central nervous
depressant. Ibig sabihin, tumutulong ito upang mapakalma ang central nervous
system. Ang mga enzymes sa atay ang siyang tumutulong upang magawang
mailabas sa katawan ang sobrang alak. Ngunit katulad ng ibang bahagi ng
katawan, may hangganan ang kakayahan ng atay sa pag-detoxify o pagtanggal ng
lason na kalidad ng isang sangkap. Kapag nasosobrahan ang pag-inom, higit pa sa
kayang pag-detoxify ng atay, nagkakaroon ng alcohol intoxication. Sa simpleng
salita, nalalasing. Ang ilan sa mga ito’y pagbaba ng blood pressure, pagbilis ng
pulso, pagbagal ng paghinga at pagbaba ng temperatura, pagkaantok, pagkabulol sa
pagsasalita, pagbagal ng paggalaw ng bituka at intestines, pag-iisip at reflexes sa
katawan. Ito ang mga dahilan kung bakit malapit sa sakuna ang mga alcohol
intoxicated.
Isa pa rito, kapag ang isang babaeng nagbubuntis ngunit patuloy pa rin ang
pag-inom ng alak maaaring humantong ito sa miscarriage.
Sa kabila ng mga benepisyo, madami pa din ang masamang epekto ng
sobrang dami ng alkohol sa katawan. Ang isang alcoholic ay maaaring makakuha
ng sakit na kanser sa atay at esophagus. Maaari ring makakuha ng sakit na
pamamaga ng atay (liver cirrhosis), panghihina ng pangangatawan, magkaroon ng
masamang epekto sa pag-iisip (brain damage), at lubhang mapanganib para sa mga
nagdadalang-tao.
27
Dagdag pa dito, naitalang malaking bilang ng pagkamatay ay dulot ng
aksidente sa mga sasakyan na sanhi ng pagmamaneho habang lasing,
pagpapakamatay at krimen ay gawa ng mga taong nasa impluwensiya ng alak.
Nakakasira ng katawan ang patuloy ng pag-inom ng alak lalo na sa mga
kabataan. Ito ay paglaki ng tiyan o tinatawag na beer belly. Madalas na umiinom
ng alak ang mga kabataan dahil sila ay may problema at gusto nilang makalimutan
ito kahit pansamantala lamang. Iniisip nila na sa pamamagitan ng alak ay
matatakasan nila ang kanilang mga pasanin sa buhay. Ngunit imbis na mabawasan
ang kanilang problema ay madadagdagan pa ito. Maraming epekto ang alak sa
ating buhay, hindi lamang sa taong umiinom nito ngunit pati na rin sa ating
lipunan. Maraming nagaganap na krimen at aksidente dala ng alak.

REKOMENDASYON
Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbaba kong
inirerekomenda ang mga sumusunod:
a) Para sa mga madalas mag-inom, nawa’y mag-isip muna kung ito ba ay
nararapat gawin lalo na sa panahon ng kahirapan.
b) Para sa mga magulang, maging magandang ehemplo sa mga kabataan
partikular sa kanilang mga anak na may posibilidad na mahantong sa
ganitong bisyo.
c) Sa mga kabataan, isipin ang maaaring maging sitwasyon ng bansa kapag
dumating na ang panahon na sila na ang mamumuno sa mga malalaking
organisasyon o kaya’t sa ating gobyerno at biglaan silang magkakaroon ng
isang malubhang karamdaman dulot ng pag-inom.

28
Ang pag-inom ay maaaring iwasan. Kailangan lamang ng disiplina at sapat
na kaalaman tungkol sa pag-iinom. Hindi pa huli ang lahat para tigilan ang pag-
iinom. Kayang mabuhay ng walang alak. Oo nga na ang ilan ay nagsasabi na ito ay
maganda sa puso ngunit tandaan na ang lahat ng sobra ay masama. Maaaring
uminom pero dapat ay magdahan-dahan upang mapangalagaan ang ating
kalusugan. Mahirap nang magsisi sa huli kapag dumating ang araw na magbabayad
tayo ng malaki dahil sa ating pag-inom ng alak.
Dapat ay gumawa ng aksyon ang gobyerno tungkol sa pagbebenta ng mga
alak. Dapat ay magkaroon ng mga age limit sa mga bumibili ng alak. Humingi ng
ID kung kailangan. Para masiguro ang seguridad ng mga iinom ng alak. Dahil
karamihan sa mga pinagmulan ng krimen ay ang kalasingan. Kaya’t dapat na
pigilan ang sanhi upang hindi mangyari ang bunga. Isa lamang ito sa mga
problema na dapat lutasin ng mga Pilipino.
Para magsimula na ang pag-asenso at hindi nakatengga lamang at walang
ginagawa kundi uminom ng alak. Kung magsisipag lamang at titigilan ang pag-
inom ng alak ay siguradong gaganda ang mundo. Mababawasan ang mga lasing at
mga adik. Kaya’t dapat na simulan ang pagbabago para mapaganda ang atingating
lipunang ginagalawan. Walang imposible kung ating gugustuhin. Ayon nga naman
sa kasabihan, “Kung gusto maraming paraan. Kung ayaw maraming dahilan.”
Sana’y mapukaw ang mga mambabasa sa pananaliksik kong ito at
makatulong ito sa kanila upang magdesisyon kung tama pa ba ang kanilang mga
ginagawa. Isipin natin na lahat ng sobra ay masama, nasa ating mga kamay ang
ikauunlad ng ating bansang Pilipinas.

29
SANGGUNIAN

 Searless, John S. 1990. Children of Alcoholics, New York: Guilford Press


 Flores, Berlin. 2009. Ang iba’t ibang pisikal at medikal na mga epekto ng
alak addiction.
 Hahn, Dale B. 1991. Drugs: Issues for Today. St. Louis Missouri: Morby
Yearbook,
 Richards, Donna Beck. 1993. Living with Health. New York: McGraw hill
Inc.
 Emedicine-alcoholism by Warren Thompson, MD
 www.google.com.ph
 http://tl.wikipedia.org/wiki/Alkoholismo
 Behind-alcoholicm.php
 www.kalusugan.ph
 www.reutershealth.com

30

You might also like