Action

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

1

Tsapter 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Panimula
Nakapagpahaba ng interes ng mambabasa ang mga sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ito tungkol sa
buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng ibat-ibang uri ng
damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at
pangamba. Isa itong uri na mahalagang panlunas na tumutulong sa tao upang makapagplano ng sari-sariling buhay,
upang matugunan ang kanilang mga suliranin at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.
Maaaring mawala o maubos ang kayamanan ng isang tao at maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi
ang panitikan. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan.
Sa aklat na isinulat nina Atienza, Ramos, Zalazar, at Nazal (2001) na pinamagatang Panitikang Filipino,
ipinapahayag na ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao
bilang ganti niya sa reaksyon sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanilang
kapaligiran at gayundin sa kanyang pagsusumikap na makita ang Maykapal.
Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan at itoy nabubuo sa
pamamagitan ng mga pangungusap at talata. Nailalahad din dito ang isang maselang pangungusap sa buhay ng
pangunahing tauhan.
Sa aklat nina Arrogante, Ayuyao at Lacanlale (2004) na pinamagatang Panitikang Filipino, sinasabing ang
maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan. Itoy isang paggagad ng realidad. Inilalarawan nito ang iyong
mga paningin, ang bughaw na langit at kapag huminay ipahabong naman ang putik sa mga lubak-lubak ng bakubakong landas.
Kaya sinasabi na ang katha o kwento ay walang humpay na paghahanap ng realidad. Hinahalughog ang
isipan at damdamin, at tuloy na nililirip ang kanyang mga hangarin at mithiin, ang kanyang mga pangamba at
pagkasiphayo, ang kanyang ligaya at lumbay, pati ang mga hamon at pagpupunyagi.
Kung bibigyan nang masusing pansin ang mga mahahalagang aral at mga balyung maikikintal mula sa mga
maikling kwento, dito papasok ang usaping moralidad na akma sa kasalukuyang panahon. Mapapansing marami sa
mga kabataan ngayon ang kakikitaan ng kawalang-galang sa mga matatanda maging sa mga guro at kapwa mag-aaral.
Sa halip na pagtuunang-pansin ang pag-aaral ay nahuhumaling sa pag-inom, paninigarilyo at paggamit ng droga. Ang
pambu-bully, pangongopya, pagkakalat ng mga basasura, vandalism, palaging huli sa klase, madaldal, tamad,
matigas ang ulo at hindi pagsunod sa patakaran ng paaralan ay ilan lamang suliraning pampaaralan na bunga ng
kakulangan sa pagpapahalaga sa moralidad.

2
Mahalaga ang moralidad sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat tao. Isa itong pangunahing kailangan
upang makamit ng tao ang kanyang mga hangarin sa buhay.
Likas sa tao ang pagiging makatarungan, ang magpanatili ng magandang pakikipag-ugnayan, ang umunawa
at magbigay hindi lamang sa pamilya at mga kaibigan kundi maging sa mga higit na nangangailngan. Sa aklat ni
Agapay (2009), ganito ang kanyang sinabi:
A morally good act is that which sound in all aspects
in its nature, motive, and circumstances. In the scriptures, the morally upright is a just man,one who weighs
his action in relation to what the law demands, to what
the circumstances would allow, and to what fits his
nature as a rational being. A morally good action,
therefore, is a just act.
Ang tao, upang maging makatao ay nararapat na maging tunay na mabuti sa kapwa. Bago gumawa ng isang
aksyon, iisipin muna niya ang kapakanan ng kanyang kapwa kung itoy nakabubuti o nakasasama. Dumarating sa
puntong kailangang kalimutan ang sarili alang-alang sa ikabubuti ng iba. Sinasabing maging makatarungan sa lahat ng
pagkakataon.
Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa, mahalagang ipakita at ipadama sa kapwa ang mabuting paguugali at kagandahang-loob. Ayon sa kawikaan:
A good character is worth more than gold.
(Lardizabal, 2001)
Hindi nasusukat ang tunay na tagumpay sa kayamanan kundi sa kakayahang ipakita ang kabutihan. Pinupuri
at minamahal ang tao, hindi sa kanyang salapi kundi sa kanyang mabuting pakikitungo at pakikipagkapwa. Ang tunay
na kaligayahan ay hindi napapantayan ng salapi ngunit masasabing ang susi ng tunay na kaligayahan ay ang mabuting
pag-uugali. Ito ay lalong pinatunayan sa konsepto ni Confucius:
Happiness can only be attained by man by
Fulfilling the virtues of kindness, wisdom and
truthfulness. (Ariola, 2009)
Ang katuwiran, ang katotohanan at ang kabutihan ay siyang bunga ng pagpapahalagang moral. Kung ang
lahat ay magbibigayan, magtutulungan, magmamahalan at magtuturingang tunay na magkakapatid mawawala ang lahat
nang kaapihan at mananariwang muli sa puso ang tunay at wagas na pag-ibig sa kapwa. Sa gayon, ang bayan na datiy
puno ng hinagpis ay matutulad sa isang tunay na paraiso.
Masasalamin ang mga mahahalagang aral at mga balyung inihayag nina Agapay, Lardizabal at Ariola sa mga
piling maikling kwento ni Rogelio R. Sicat. Pinag-aaralang mabuti ang mga akdang sinulat niya at binigyang-diin ang
mga diyalogong ginamit ng mga tauhan upang mapalutang ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal mula sa
mga piling maikling kwento.

3
Kung mauunawaan lamang sanang lubos ang tunay na kahulugan at kabuluhan ng maikling kwento sa buhay
ng isang tao, kung gaano kasuperyor at kapaki-pakinabang ang makukuha dito, matitiyak na mas magiging
magantimpala at maluwalhati ang tagumpay na tatmuhin ng bawat isa dahil bawat kwento ay nag-iiwan ng isang
kakintalan o impresyon sa isip ng mga mambabasa, hango sa tunay na buhay at higit sa lahat kinakikitaan ng katangitanging aral.
Batayang Teoretikal
Nagiging matagumpay ang isang pag-aaral lalo nat may katulong na mga teorya na siyang gagamiting gabay
upang makamit ang minimithi ng mananaliksik. Isinalig ng mananaliksik sa Teoryang Moralistiko ang kanyang pagaaral. Sa teoryang ito, layunin ng panitikang ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o
kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan (Dinglasan, 2005). Samaktwid,
napagkakasunduan ang moralidad ayon na rin sa kaantasan nito. Ang aral na pinahahalagahan sa mga akda ay nasa
larangan ng moralidad ng kilos at gawi sa pang-araw-araw na buhay ng tao bilang isang mamamayan o kasapi ng
komunidad.
Ang moralistikong teorya ay nagbibigay-diin sa mga layuning dakila at pinahahalagahan nito ang kabutihan,
ang tama, ang kagandahang asal, tamang pakikipagkapwa, mabuting pag-uugali at wastong reaksyon ng tao sa kanyang
kapwa.
Upang higit na maging makabuluhan ang ginagawang pagsusuri ay idinagdag ang Ginintuang Patakaran ni
Confucius na nagsasaad na Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo. (Brown, 2011)
Nangangahulugan itong huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. Kung ano ang makakasama sa iyo,
makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kanya sapagkat siya ang
iyong kapwa-tao. Magkakatulad ang inyong pagkatao bilang tao. Ayon nga sa kawikaan (Proverbs 22.8) ng matandang
tipan ng Bibliya, Siyang naghasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan; at ang pamalo ng kanyang poot ay
maglilikat. Ang kasamaan na inihasik ng marami sa ngayon, aanihin niya pagdating ng araw. Ang lahat ng kasamaang
gawin ng tao ay unti-unting magtutulak sa kanya sa walang hanggang kapahamakan. Ito ang batas ng katalagahan sa
ating mga tao upang umiral ang katarungan ng Diyos. Datapwat sa mga gumagawa ng mabuti, hindi naman mawawala
ang gantihin sila ng Diyos.
Sa mga nabanggit na teorya ibinatay ng mananaliksik ang kanyang ginawang pagsusuri sa mga piling
maikling kwento ni Rogelio R. Sicat. Mula sa kanyang mga akda, nakatitiyak ang mananaliksik na makikita ang

4
hinahanap na mahahalagang aral at mga balyung maikikintal na magiging gabay tungo sa tamang landasin. Ito ang
aakay sa tao tungo sa kabutihang panlahat.
Batayang Konseptwal
Ang batayang konseptwal ay inilalahad ng mananaliksik upang tuwirang maipakita ang daloy ng pagsusuring
gagawin sa mga piling maikling kwento ni Rogelio Sicat. Tinukoy ng mananaliksik ang pinag-ugatang
pagpapahalagang moral na angkin ng mga tauhan sa kwento. Ang mga Pagpapahalagang Moral (Malayang
Ensiklopedya, 2012) ay ang mga sumusunod: Pagmamahal sa Diyos (Love of God), bilang nilikha ng Diyos, marapat
na siya ay mahalin. Siya ang pinagmulan ng pag-ibig at ng tao at Siya rin ang patutunguhan ng tao. Pagpapahalaga sa
Katotohanan (Love of Truth), ang katotohanan ay maaaring tuklasin ng tao dahil sa kanyang karunungan at kagustuhan.
Ang pag-iisip ng tao ay may kapasidad na magsuri, magmunimuni at timbangin ang katotohanan ng bawat bagay. Ang
katotohanan ay hindi nagbabago kahit magbago man ang panahon. Paggalang sa Buhay (Respect for Life), ang buhay
ay dakilang kaloob ng Diyos sa tao. Ang paggalang dito ay paraan ng pagpapahalaga at pagmamahal sa Diyos.
Paggalang sa Kapangyarihan (Respect for Authority), ang unang tatlo sa sampung utos ng Diyos ay patungkol sa
paggalang sa kapangyarihan ng Diyos. Siya ang nagbigay ng buhay kaya nararapat lamang na sambahin at igalang
Siya. Ang pang-apat na utos ay paggalang sa mga magulang. Ang mga magulang ay nararapat na igalang dahil sila ang
umalalay sa mga anak. Paggalang sa mga magulang dahil sila ang paraan at tinatawag na kasama sa paglikha ng tao sa
mundo at paggalang sa mga pinuno ng bayan dahil sila ang namumuno sa kaayusan at kabutihan ng lahat. Panggalang
sa Sekswalidad (Respect for Human Sexuality), ang pagiging mabuting lalaki at mabuting babae ay sukatan ng
mabuting pagkatao. Walang kahinatnan ang dunong at yaman kung walang paggalang sa sekswalidad at sekswalidad
ng iba. Ang pagiging marangal na tao ay nababatay sa kung paano ka kumilos ayon sa kasarian. At Wastong
Pamamahala ng mga Materyal na Bagay (Responsible Dominion Over Material Things), naunang likhain ng Diyos ang
lahat ng bagay, may buhay o wala kaysa tao kayat ang tao ang siyang ginawang tagapangasiwa ng mga ito. Ang tao ay
lilipas sa mundong ito ngunit mananatili ang mga bagay sa mundo.
Makatutulong ang mga konseptong ito upang maging matagumpay ang pag-aaral. Isa ito sa magiging
lunsaran upang lubos na makilala ang tunay na katangian at pagkatao ng mga tauhang matatagpuan sa kwentong
ginamit sa pag-aaral. Ang mga nabanggit na konsepto ang naging basehan ng mananaliksik sa pagsusuri ng mga
piling maikling kwento ni Rogelio R. Sicat. Masasabi ng mananaliksik na sa mga kathang ito ay matatagpuan
ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal na maging gabay ng tao upang tunguhin ang tamang landasin at
mamuhay nang may kabuluhan.
Matutunghayan sa sumusunod na dayagram ang mga hakbang na ginawa ng mananaliksik upang maging
matagumpay ang ginawang pagsusuri sa mga piling maikling kwento ni Rogelio Sicat. Tinukoy ng mananaliksik ang

5
pinag-ugatan ng mga pagpapahalagang moral tulad ng Pagmamahal sa Diyos, Pagpapahalaga sa Katotohanan,
Paggalang sa Buhay, Paggalang sa Kapangyarihan, Paggalang sa Sekswalidad at Wastong Pamamahala ng Mga
Materyal na Bagay. Hinimay-himay ang mga ito at binigyang-kahulugan sa pamamagitan ng mga teoryang ginamit. Sa
mga pagpapakahulugan, inilahad ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal sa lipunang kinabibilangan ng
mga tauhan at ng mga mamamayan sa kasalukuyan.

Mga Katangiang Inilalahad ng mga Tauhan


batay sa Ipinapahayag na mga Diyalogong Matatagpuan sa mga Piling Maikling Kwento ni
Rogelio R. Sicat

Pinag-uugatang Pagpapahalagang Moral


Pagmamahal sa Diyos (Love og God)
Pagpapahalaga sa Katotohanan (Love of Truth)
Paggalang sa Buhay (Respect for Life)
Paggalang sa Kapangyarihan (Respect for Life)
Paggalang sa Sekswalidad(Respect for Human Sexuality)
Wastong Pamamahalsa sa mga Materyal na Bagay (Resposible Dominion Over Material Things)

Mahahalagang Aral at Balyung Maikikintal

Figura 1. Iskematik Dayagram na naglalahad sa pagpapahalagang moral na taglay ng mga piling maikling
kwento ni Rogelio Sicat

Paglalahad ng Suliranin
Naglalayon ang pananaliksik na ito na matukoy ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal sa
ginawang pagsusuri sa piling maikling kwento ni Rogelio R. Tinangkang sagutin ng mananaliksik ang sumusunod na
mga katanungan:
1.

Anu-ano ang mga katangiang inilalahad ng mga tauhan batay sa inihahayag ng mga diyalogo sa mga
piling maikling kwento ni Rogelio R. Sicat?

2.

Anu-ano ang mga pinag-ugatang pagpapahalagang moral ng mga ipinapahiwatig ayon sa:

6
a.
b.
c.
d.
e.
f.
3.

Pagmamahal sa Diyos (Love og God)


Pagpapahalaga sa Katotohanan (Love of Truth)
Paggalang sa Buhay (Respect for Life)
Paggalang sa Kapangyarihan (Respect for Life)
Paggalang sa Sekswalidad(Respect for Human Sexuality)
Wastong Pamamahalsa sa mga Materyal na Bagay (Resposible Dominion Over Material Things)

Anu-ano ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal sa mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon
gamit ang mga napiling kwento ni Rogelio R. Sicat.

Layunin ng Pag-aaral
Layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal mula sa mga
piling maikling kwento ni Rogelio R. Sicat. Ito ay ang mga sumusunod:
1.

Matukoy ang mga katangiang inilalahad ng mga tauhan batay sa inihahayag ng mga diyalogo sa mga piling
maikling kwento ni Rogelio R. Sicat.

2.

Maipakita ang mga pagpapahalagang moral na taglay ng mga tauhan batay sa Pagmamahal sa Diyos,
Pagpapahalaga sa Katotohanan, Paggalang sa Buhay, Paggalang sa Kapangyarihan, Paggalang sa
Sekswalidad at Wastong Pamamahala sa mga Materyal na Bagay.

3.

Maibigay ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal mula sa mga piling maikling kwento ni Rogelio
R. Sicat sa mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Sinasabing ang panitikan ay salamin ng buhay. Dahil dito maaring makatulong ito upang lalong mapabuti ang
pag-uugali ng isang tao lalung-lalo na sa kanyang pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Hangarin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal mula sa mga
piling maikling kento ni Rogelio R. Sicat. Inaasahan ng mananaliksik na magkaroon ng malaking ambag ang pag-aaral
na ito sa mga sumusunod:
Punung-guro. Mapaalalahanan ang mga punong-gurong hikayatin ang mga guro na bigyan ng
pagpapahalaga ang pagtuturo sa panitikan bilang isang makabuluhang paksa.
Guro. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga guro. Sila ang tinaguriang magulang sa loob ng paaralan.
Hinuhubog nila ang isipan, damdamin at maging ang pagkatao ng isang mag-aaral. Inasahang makatutulong ang pagaaral na ito lalo na sa mga guro ng panitikan. Mapalalago ang kanilang kamalayan at mapalalawak ang kanilang
imahinasyon tungo sa pagpapabuti ng kanilang pagtuturo. Magagamit nila ito upang lalong mapahalagahan ang mga
pagpapahalagang moral na matatagpuan sa bawat kwento.
Mananaliksik. Makatutulong sa mga mananaliksik ang karagdagang impormasyong nakuha sa pag-aaral na
ito. Magsisilbi itong lunsaran sa pangangalap ng datos na may kaugnayan sa kanilang ginagawang pananaliksik.
Mag-aaral. Mapalalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol

7
sa kahalagahan ng moralidad. Mabibigyan ng wastong pagpapahalaga ang kabutihang-asal upang maging patnubay sa
pang-araw-araw na buhay tungo sa kaunlaran ng sambayanan.
Mambabasa. Mapahahalagahan ng mga mambabasa ang pagkahilig nila sa pagbasa ng maikling kwento
dahil alam nilang hindi lamang aliw ang dulot nito kundi naragdagan pa ang kanilang kaalaman lalo na sa pang-arawaraw na pamumuhay.
Panatiko ng Pantikan. Patuloy nilang tangkilikin ang pagbabasa ng mga akdang pampanitikan at ibahagi sa
kapwa ang mga kahalagahan at natutunang aral mula dito upang iangat ang estado ng ating bansa.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Makabuluhan ang mga akdang pampanitikang nakapagpapayaman sa isip, humuhubog sa isang indibidwal at
nakapagbibigay ng inspirasyon upang gumawa ng kabutihan.
Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga pagpapahalagang moral na taglay ng mga tauhan na kapupulutan ng
mahahalagang aral at balyung maikikintal mula sa walong maikling kwento ni Rogelio SicatAma (1960), Impeng
Negro (1962), Tata Selo (1962), Handog sa Kanyang Ina (1962), Lumang Kotse (1963), Ang Kura at Ang Agwador
(1963), Nawawalang Pasko (1963) at Tinik ng Nakaraan (1964).
Isinagawa ang pananaliksik ngayong taong 2013-2014 sa paaralng St. Michaels College, lunsod ng Iligan.
Depinisyon ng mga Terminong Ginamit
Sa bahaging ito, binigyan ng mga kaukulang kahulugan ang ilang terminong madalas ginamit sa pag-aaral
upang lubusang maunawaan ang kabuuan ng pananaliksik.
Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values). Ito ang pangkalahatang katotohanan (universal truth)
na tinanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga. Ito ang mga prinsipyong etikal (ethical principles) na kanyang
pinagsisikapang makamit at mailapat sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay ang mga mithiing tumatagal at nananatili; ito
ay katanggap-tanggap at makabuluhan para sa lahat ng tao anuman ang kanyang lahi o relihiyon. (Dy, 2007)
Maikling Kwento. Isang akdang pampanitikan na may isang kakintalang nililikha ng mga inilalarawang pangyayari sa
pamamagitan ng pinakamatipid na paggamit ng mga salita. Ito ay may iisang impresyon o kakintalan, may iisang pangunang tauhang inilalarawan at may iisang paksa o diwang pinagsisikapang diwang maipaliwanag. (Rubin et. Al, 2001)
Moralidad. Ito ay ang pagkakakilala ng tao sa kung alin ang tama o mali. Ito ang pamantayan ng pag-uugali at
kagandahang-asal. Bilang aral, ito ang leksyon o turo sa tama, wasto o angkop na kaasalan o pag-uugali.
Moralistiko. Inilalarawan sa teksto ang mga paksang pagtatagumpay sa kabutihan laban sa kasamaan, pagwawagi ng
katarungan laban sa pang-aapi, pangingibabaw ng kalinisan at pagkatao at katatagan sa harap ng mga pagsubok at
kahinaan. Ipinapakita ang pagtutunggali ng lakas ng katwiran at impluwensya ng mga elementong sumisira sa tao. Ang
akda ay kapupulutan ng mga aral at pagwawasto sa mga maling landasin sa buhay.

8
Paggalang sa Buhay. Ang buhay ay dakilang kaloob ng Diyos sa tao. Ang paggalang dito ay paraan ng pagpapahalaga
at pagmamahal sa Diyos.
Paggalang sa Kapangyarihan. Siya ang nagbigay ng buhay kaya nararapat lamang na sambahin at igalang Siya.
Paggalang sa mga magulang dahil sila ang paraan at tinatawag na kasama sa paglikha ng tao sa mundo at paggalang sa
mga pinuno ng bayan dahil sila ang namumuno sa kaayusan at kabutihan ng lahat.
Paggalang sa Sekswalidad. Ang pagiging mabuting lalaki at mabuting babae ay sukatan ng mabuting pagkatao. Ang
pagiging marangal na tao ay nababatay sa kung paano ka kumilos ayon sa kasarian.
Pagmamahal sa Diyos. Marapat lamang na ang Diyos ay mahalin sapagkat siya ang pinagmulan ng pag-ibig at ng tao
at Siya ring ang patutunguhan ng tao.
Pagpapahalaga. Anumang bagay na kaibig-ibig, kaakit-akit, kapuri-puri at kahanga-hanga at nagbibigay
inspirasyon,

magaan

ay kasiya-siya

sa pakiramdam at kapakipakinabang.

Pagpapahalaga sa Katotohanan. Ang pag-iisip ay may kapasidad na magsuri, magmuni-muni at timbangin ang
katotohanan ng bawat bagay. Ang katotohanan ay hindi nagbabago kahit magbago man ang panahon.
Pananaliksik. Ito ay isang mapanuring pagsisiyasat ng mga ideya, isyu, konsepto, o anumang bagay na
nagangailangan ng ganap na paglilinaw,
pagpapatunay, at maaari ring pagpapasubali sa mga kaisipang inilatag ng mga naunang pag-aaral. (Atanacio et. Al,
2009).
Panitikan. Pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan
at pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha. Ang paraan ng pagpapahayag ay iniaayos sa ibat
iba niyang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa, nababalot ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o
pangamba. (Panganiban et. Al, 2005).
Wastong Pamamahala ng mga Materyal na Bagay. Naunang likahain ng Diyos ang lahat ng bagay, may buhay o
wala kaysa tao kayat ang tao ang siyang ginawang tagapangasiwa ng mga ito.

Tsapter 2
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Naglalarawan ang mga piling maikling kwentong pinag-aralan sa kasalukuyang mga pangyayari na
nararanasan ng bawat indibidwal. Sinulat ito ni Rogelio R. Sicat. Inilalahad dito ang mga pagpapahalagang moral na
taglay ng bawat tauhan na kapupulutan ng mga mahahalagang aral at mga balyung magiging patnubay sa buhay.
Kadalasan, inilalarawan dito ang positibong pag-uugali ng mga Pilipino sa panahon ng kagipitan, ang pagpupunyaging

9
labanan ang mga pagsubok sa buhay at handang magpakasakit alang-alang sa katahimikan at kaligayahan ng lahat.
Inilalantad sa kanyang mga kwento ang problemang panlipunan at pampulitika makikita magpahanggang ngayon.
A.

Kaugnay na Literatura
Maraming bagay ang hindi

nalalaman at lalong di naiintindihan ng tao sa panahong ito. Marami ang ligaw,

bulag, bingi, at salat sa kaalaman sa katotohanan. Mas maraming humahanap ng kalayawan at aliwan kaysa ang
humanap sa katotohanan patungo sa Diyos. Mas maraming sumasamba sa materyal at makamundong gawain kaysa
pagsamba sa tunay at nag-iisang Diyos. Ito ay sa dahilang labis ng pagnanasa ng tao sa makamudong kaligayahan.
Ayon kay Aristotle (Esteban, 2000), ang ultimate end o pinakamatayog na layunin ng tao ay ang
kaligayahan. Ang kaligayahan ay maaring nasa kasarapan, karangyaan o yaman sa buhay. Ito ay nasa karangalang
maibibigay ng ibang tao. At ang kaligayahan ay maaaring nasa birtud na moral. Kinakailangan pa rin ng tao ang
makatikim ng sarap, magtamo ng karangalan subalit mapanatili ang moral na birtud. Pangmatagalan ito, may
kasarinlan, aktibo at panghabambuhay. Mula sa mga katangiang nabanggit, dito makikita na ang layuning makagawa
ng maganda o mabuti ang magbibigay ng kaligayahan sa tao. Magiging lubos lamang ang pagpapakatao kung
makikipagkapwa-tao.
Ayon pa rin sa etika ni Aristotle isinasaad na ang birtud ay isang anyo ng kabutihan o kagandahang-asal. Ang
birtud tulad ng katapatan, kawanggawa, kalinisan, mapagpatawad, mapagbigay at pagiging maawain ay ilan lamang sa
pagkakataon kung saan kongkretong mamalas ang kagandahang-loob o kabutihan.
Ang pangalagaan ang kabutihan ng kapwa ay isang karangalan. Isang marangal na gawain ang isapuso at isip
ang mapanatili ang kabutihan ng ating kapwa. Kaakibat nito ang pagkakaroon ng malasakit sa kapakanan ng iba.
Ang bigyang-kasiguruhan ang kabutihan ng nakararami ay marangal at banal. Isa sa makapagpatunay sa
isinaad ni Arestotle sa kanyang etika ay si Mother Theresa ng Calcutta. Nagawa ni Mother Theresang bigyan ng pagasa at pagkalinga ang mas higit na may pangangailangan sa lansangan. Kaya naman, kahit nabubuhay pa lamang siya
ay itinuturing na siyang isang banal.
Ang tao bilang persona ayon kay Santo Tomas de Aquino, ay indibidwal na maaaring tumindig sa sarili niya
dahil sa kanyang kamalayan at kalayaan. Ang tao dahil siya ay persona ay orihinal ang kabutihan, at ang paggawa ng
mabuti ay pagkapersona o pagpakatao (Dy, 2007).
Nakaugat ang angking kabutihan o kagandahang-loob ng tao sa kanyang loob. Ang loob ng tao ang siyang
nagsisilbing munting tinig na gagabay o gumagabay sa bawat kilos nito. Ang pagkakaroon ng likas na kagandahang-

10
loob ang magbibigay-daan para sa pakikipagkapwa. At ang pakikipagkapwa-tao ang siyang magbibigay kaligayahan sa
tao na siyang ultimong layunin ng tao.
Napag-alaman ang ugnayan ng loob, kabutihan at pakikipagkapwa ayon sa aral ni Santo Tomas at ng iba
pang mga pilosopo. Bigyang-diin ngayon ang kabutihan bilang repleksyon ng isang magandang buhay.
Ang kagandahang-loob sa kapwa ay isang ekspresyon ng kagandahang buhay. Ang kabutihan, kagandahangloob ay maipaliliwanag sa ibat ibang pagkaunawa. Nilikha ang taong kawangis ng Diyos na Manlilikha. Likas na
kaloob ng Diyos ang kagandahang-loob o kabutihan. Dahil dito, pinagkalooban ang tao ng espiritwal at materyal na
kabutihan. Pinag-ugatan ang kagandahang-loob ng mabuti at magandang pag-iisip, damdamin, at gawa ng habang
namumuhay ito nang matiwasay. Hindi magiging ganap ang kagandahang-loob kung hindi ito maipamamalas sa iba. Ito
ay nararapat na magmula sa kalooban at maibahagi sa kapwa para sa ikabubuti ng marami.

Nakasalalay ang

kagandahang-loob at mabuting buhay sa antas ng kamalayan o pang-unawa kung ano nga ba talaga ang mabuti (Alejo,
2001).
Gayunpaman, may malaking papel na ginampanan ang pamahalaan upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga kabataan. Ayon sa 1987 na Konstitusyon ng Pilipinas, Artilkulo II, Seksyon 13:
Kinikilala ng Estado ang napakahalagang tungkulin ng
Kabataan sa pagbuo ng bansa at dapat magtaguyod at
mangalaga ng kanilang kagalingang pisikal, moral, espiritwal, intelektwal at sosyal. Dapat nitong ikintal sa mga
kabataan ang pagkamakabayan, nasyonalism at pasiglahin nila ang paglahok sa mga gawaing bayat sibiko.
Lalong pinagtibay ito sa Artikulo II, seksyon 17:
Dapat mag-ukol ng prayoridad ang Estado sa edukasyon,
agham, at teknolohiya, mga sining at kultura at pampalakasan upang mapabulasang pagkamakabayan at nasyunalismo, mapabilis ang kaunlarang panlipunan, at maitaguyod ang ganap na paglaya at pag-unlad ng tao.
Ganito naman ang isinaad sa Artikulo XIV, Seksyon 2: Ang Estado ay dapat magtatag, magpanatili at
magtustos ng isang kumpleto, sapat at pinag-isang sistema ng eduksyong angkop sa pangangailangan ng sambayanan at
lipunan; magtatag at magpanatili ng isang sistema ng libreng pambayang edukasyon sa elementary at mataas na
paaralan. Hindi bilang pagtatakda ng likas na karapatan ng mga magulang sa pag-aaruga ng kanilang mga anak,
sapilitan ang edukasyong elementarya sa lahat ng mga batang nasa wastong edad ng pag-aaral; magtatag at magpanatili
ng isang sistema ng mga kaloob ng mga scholarship, mga programang pautang sa mga estudyante, mga tulong sa
salapi, at iba pang insentibo na dapat ibigay sa mga karapat-dapat na mga estudyante sa mga paaralang publiko;
pasiglahin ang di pormal, impormal at katutubong mga sistema sa pagkatuto, at gayundin ang mga programang

11
pagkatuto sa sarili, sarilinang pag-aaral at pag-aaral sa labas ng paaralan lalo na yaong tumutugon sa pangangailangan
ng pamayanan; at mag-ukol sa mga mamamayang may sapat na gulang, may kapansanan, at mga kabataang nasa labas
ng paaralan ng pagsasanay ng sibika, kahusayang bokasyonal at iba pang kasanayan.
Inilahad naman ni Belvez (2001), na kaisa ang paaralan sa hangaring ito at malinaw na isinasaad sa layunin
ng edukasyon sa ating saligang batas:
Ang pamahalaan ang magpapairal ng isang ganap at
Sapat na pamamaraan ng edukasyong pangmadla at
Magtatakda ng mga paaralang walang bayad para sa
pang-unang pag-aaral man lamang at ng pagsasanay
sa pagkamamamayan sa matanda. Dapat maging
layunin ng paaralan ang paglinang ng kagandahangasal, disiplinang pansarili, budhing sibiko at kasanayang bokasyunal at ang pagtuturong tungkulin sa pagkamamamayan.
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EP) ay asignaturang bahagi ng K to 12 na gagabay at huhubog sa mga
kabataan. Ang tunguhin ng EP ay makahubog ng kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa
kabutihang panlahat. Nangangahulugan itong lilinangin at pauunlarin ang pagkataong etikal ng bawat mag-aaral.

(EP) Edukasyon sa Pagpapakatao is the Basic


Education that teaches grade school pupils. And
high school students character education, moral
values, and ethics. It supports the national education goal to provide a well-rounded education
that will assist each individual in society to attain
his/her potential as a human being and enhance the
range and quality of the individuals within the
group.
The EP Curriculum is guided by the following
beliefs:Man must develop virtue not for his own sake
but as a means to an end; that end being the ultimate good, God. Andethics and moral values are a
set of guiding principles that enable man to discern
right from wrong in thoughts, words, decisions, and
actions. They are manifested through good habits of
behavior that are practiced habitually, consistently
and constantly. Ehtical behavior is seen in a persons treatment of oneself, in elating to other people,
country/world and God (Agapay, 2008).
Ang paaralan ay hindi lamang naglalayong matuto ng mga bagong kaalaman ang mga mag-aaral kundi ito rin
ay naglalayong hubugin ang birtud ng bawat mag-aaral tungo sa maunlad at mapayapang lipunan.
Dagdag pa ni Ramirez (2009):
When the teacher takes an active role in developing
Virtue among children, he/she is not only helping in the
Formation of the person but also significantly contributing to the development of the society.

12

Maging ang mga guro ay mayroong malaking papel na ginagampanan. Ang hubugin ang kaisipan ng mga
kabataan ay hindi sapat. Responsibilidad ng mga guro na bigyan ng masusing pansin ang mabuting pag-uugali ng mga
kabataan. Ito ang natatanging daan sa ikatatagumpay at ikauunlad ng bayan.
Makakamit man ng tao ang lahat ng bagay dito sa mundo ay mawawalan naman ito ng saysay o halaga kung
hindi ito nailaan sa isang mabuti at maayos na layunin o patutunguhan. Tandaan na hindi mahalaga ang materyal na
bagay, maging ang pisikal, o materyal na kalikasan dahil ang mga ito ay lumilipas.
Ang tao ay moral na ispiritwal na nilalang. Siya ay may kapasidad na maiangat ang kanyang sarili mula sa
kanyang pisikal o materyal na kalikasan o kalagayan. Madaling makamit ang materyal na bagay at ang mga luho at
sarap ng katawan ay panandalian lamang.

Mamamatay ang kanyang materyal o pisikal na katawan ay mamamatay

subalit ang ispiritwal na kalikasan ay nangangailangan ng mabuting patutunguhan.


Higit sa lahat, ang ispiritwal na kalikasan ay ang kapasidad na magmahal at makaalam. Ito ang nagbibigayhalaga sa materyal na kalikasan. Walang kabuluhan ang katawan kung hindi nito malalaman ang mga kahalagahan nito
para sa kanya. Ang kapasidad sa pagpapasya ay nasa paggamit niya ng rasyonal na pag-iisip at kalayaang maunawaan,
isabuhay at itangi ang mga moral na pagpapahalaga. Ang tunguhin nito kung gayon ay ang moral na taong kumikilos
kung ano ang tama at kung ano ang dapat.
Moral ang kilos kung naaayon ito sa kalikasan niya. Dahil nga na likas na mabuti ang tao, kinikilala niya ang
dikta ng kanyang kaisipan, kalooban at konsyensya. May kaugnayan ang pagiging moral sa pagiging ispiritwal. Ang
kalikasang ispiritwal ang siyang nag-aangat mula sa pagkamoral tungo sa sukdulang ispiritwal. Moral ang isang asawa
kung tinutupad niya ang kanyang obligasyon bilang asawa at ama ng kanyang mga anak. Subalit maiaangat niya ang
kanyang pagiging moral patungong ispiritwal kung mananatili siyang tapat sa kanyang asawa at huwarang ama sa
kanyang mga anak. Sa kabilang dako, ayon kay Sauco (2001), ang kahalagahan ng panitikan sa bawat bansa ay katulad
ng isang walang katapusang daloy ng tubig sa batisan. Magwawakas

lamang ito kung mawawala sa daigdig ang

mga nakalimbag ng titik at kung mawalan na ang mga tao ng kakayahan sa pagpapahayag ng kaisipan, damdamin at
karanasan.
Mangyayaring mawala ang kaunlarang materyal gayundin ang diwa ng materyalismo ngunit hindi kailanman
mawawala at mawawasak ang tunay nakaluwalhatian ng panitikan. Mabisang lakas itong tumutulong sa pag-unlad ng
sibilisasyon at lipunan ng bawat bansa.
Samantala, Sa aklat ni Buensuceso (2000), sinabi niyang ang panitikan ay isang sining sa mayos at
magandang pagpapahayag ng damdamin ng tao, pasalita o pasulat, hinggil sa mga bagay bagay na may kaugnayan sa
kanyang sarili o sa pakikitungo niya sa kapwa.

13
Sa larangan ng sining at panitik, itoy may tiyak na kabuluhan. Matapat. ang panitikan sa muling paglikha ng
buhay ng isang masining na paraan. Pag-aayos ito ng payak ngunit makahulugang mga karanasan ng taong hinabi sa
pamamaraang ninanais ng may katha nito. Matatagpuan ang tunay na kahulugan ng panitikan sa katotohanang nauukol
ito sa mga niloloob, sa mga ideya at damdamin ng tao.
Sa pagbabasa ng nobela, dula, maikling kwento, tula at iba pang mga babasahing pampanitikan hindi lamang
aliw ang hatid nito kundi mga bagong kaalaman at higit sa lahat, ng mga magagandang aral sa buhay.
Ayon kay Reyes (2000), sa moralistikong pananaw, ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang
maglahad o magpahayag hindi lamang ng literal na katotohanan kundi ng panghabambuhay at unibersal ng mga
katotohanan at mga di mapapawing pagpapahalaga (values). Samakatwid, ang karaniwang pinahahalagahan ng tula o
nobela hindi dahil sa mga partikular na katangian nito bilang likhang-isip na may sinusunod na mga sariling batas at
prinsipyo sa kanyang pagiging malikhain, kundi dahil sa mga aral o leksyon na naidudulot nito sa mga nakikinig o
bumabasa.
Dagdag pa niya, anuman ang mukha ng moralistikong pananaw, may ilan itong mga presuposisyon na
nagbibigay-hugis sa mga artikulasyong kritikal. Pinatotohanan nito ang pambihirang bisa ng panitikan sa buhay ng
karaniwang tao; at sa mga pagsusuri, hindi gaanong tinitingnan ang akda bilang likhang-isip na may sariling kakayahan
bilang sining. Itinuturing ang mambabasa sa ganitong kritikal na oryentasyon, na indibidwal na madaling maantig ang
damdamin at isipan na siyang nagtutulak sa kanya upang isabuhay ang mga aral na kanyang napulot sa kanyang
nabasa.
Nagturo ang nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal ng isang napakainspirasyunal na paglalakbay.
Kapupulutan ng maraming aral tulad ng diwang nasyonalismo, pagiging tapat at magalang, pagigigng marespeto at
pagkakaroon ng malakas na paninindigan at katapangan.
Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas na nagturo ng pagtutulungan at pagkakaisa, pagkamagalang,
pagmamahalan, katapangan at kabayanihan.
Samantalang ang tulang Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos ay punung-puno ng mga aral para sa buhay
ng mag-asawa. Itoy nagturo na ang pag-aasawa ay hindi tulad ng isang kaning mainit na isusubo na kapag napaso ay
basta na lamang iluluwa. (Ignacio, 2003)
Nagturo sa kabataan ang kwentong Mabangis ang Lungsod ni Efren Reyes Abueg na magkaroon ng lakas
ng loob upang harapin ang hamon ng buhay. Nangaral din itong paghandaan ang buhay habang bata pa dahil ang buhay
ay puno ng pakikipagsapalaran at napaliligiran ng maraming pagsubok, krisis at tukso. (Ignacio, 2003)

14
Maraming mapupulot mula sa panitikan kaalaman tungkol sa moralidad, kabatiran tungkol sa pang-arawaraw na buhay, pag-unawa hinggil sa puso at damdamin ng tao, mga batas at alituntunin ng wastong kilos at gawi sa
konteksto ng isang komunidad.
Sa isang pagpapahalaga sa Urbana at Feliza, buong katatagang binigkas ng kritiko ang sumusunod:
Kung tunay na patay man ang kumatha ng Urbana
at Feliza, ang pangalan naman niya ay buhay pa rin
sa ating mga guniguni, sapagkat siya ang nakapagiwan sa atin ng isang lapat at mabisang gamot na
nagbibigay-lunas sa lasong makamandag na nalalanghap ng ating mga kabataan. Itoy ang mali at di tumpak na gawain ng ating mga kabataan sa ating
lipunan ngayon. Ang kanyang iniwan ay isang mahalagang hiyas na mapapatampok ng karangalan sa
bawat sumupling na bunso ng Inang Bayan. Sa
ating pagtahak ng magulong landas ng buhay, naway
ang kahalagahang hiyas na iyan na kanyang iniwan
ang siyang magsisilbing
tanglaw natin sa pagtatalunton sa tugatog ng walang hanggang tagumpay.
(Reyes, 2000)
Ang mga kaalaman at kabatiran na inilahad ng mananalikisik ay kaugnayan sa kanyang pag-aaral. Siyay
lubos na naniniwalang nakatutulong ito nang malaki upang maging matagumpay ang ginawang pananaliksik.
B.

Kaugnay na Pag-aaral
May kaugnayan ang pag-aaral ni Dalman (2010) na pinamagatang Makatotohanang Pangyayaring Naganap

sa Mga Pangunahing Tauhan sa Mga Piling Maikling Kwento ni Liwayway A. Arceo. Natuklasan niya na ang mga
kwento ni Liwayway A. Arceo ay kakakitaan ng mga makatotohanang pangyayari at pagbabago sa kamalayang
sikolohikal, ispiritwal, at emosyunal na kamalayan ng mga tauhan. Ipinakita ni Liwayway A. Arceo kung paano
nakipaglaban ang mga tauhan sa agos ng buhay. Hindi naging hadlang ang kahirapan upang ang tao ay hindi mabuhay
at lumigaya sa gitna ng kawalan, na siyang positibong pag-uugali at magandang katangian na nakikita sa buhay ng mga
Pilipino.
Sa ginawang pag-aaral ni Jumalon (2008) na may pamagat na Mga Pagpapahalagang Moral sa Mga Piling
Maikling Kwento ni Genoveva Edroza Matute kanyang natuklasan ang kagandahang-asal na matatagpuan sa mga
tauhan ng kwento na dapat tularan ayon sa itinakda ng lipunan. Kanya ring natuklasan na ang mga kwento no
Genoveva Edroza Matute ay hitik sa pagpapahalagang moral na taglay ng mga tauhan. Ang mabuting katangian ay
nagingibabaw pa rin hanggang sa kasalukuyan dahil ang tao ay likas na mabuti kaya sumusunod siya sa mga
alituntunin ng batas ng kagandahang-asal.
Sa pananaliksik naman ni Calisagan (2005) na pinamagatang Mga Piling Sugilanon ni Marcel M. Navarra :
Kabang-yaman ng Mga Paniniwala at Kaugaliang Sebwano, isa sa kanyang mga natuklasan na ang mga Sebwano ay

15
kilala sa pagiging relihiyoso. Maging ano mang relihiyon ang kanilang kinabibilangan, ang mga Sebwano ay likas na
nananalig sa Panginoon. Ito ay pinatutunayan sa kanilang pangungumpisal, pagrorosaryo bago matulog at ang
pangingilin sa mahal na birhen.
Sa isinasagawang pag-aaral ni Mauhum (2001), na may pamagat na Pagsusuri ng Panlipunang suliranin na
Napapaloob sa Nobelang Ginto ang Kayumangging Lupa ni Dominador B. Mirasol. Itoy sinusuri sa pamamagitan ng
pagdulog na moralistiko at sosyolohikal na ginagamitan ng pamaraang palarawan, kanyang natuklasan ang mga
makatotohanang pangyayaring naganap, ang pagkitil ng buhay ng mga kriminal sa kanilang nagiging biktima ng
pagnanakaw dahil sa kahirapan at kawalan ng edukasyon.
Ang pag-aaral na ito ay iniuugnay ng mananaliksik sa kanyang isinasagawang pag-aaral sapagkat itoy
makapagbibigay kanya ng malawak na kaalaman. Nakikita ng mananaliksik ang kalagayan sa lipunan ng mga tauhan sa
nobelang ginamit.
Sa riserts ni Dizon (2000), na pinamagatang Mahalagang Ugaling Pilipino na Matatagpuan sa Maikling
Kwento na nalathala sa Liwayway Huling Taon 2000 ay kanyang natuklasan na ang bawat kwentong sinuri ay
naglalaman ng mahahalagang ugali na dapat taglayin ng sinuman. Bagaman, ang mga kwento ay isang kathang-isip
lamang, ito naman ay naglalarawan ng tunay na buhay, pamumuhay, ugali, pamamahala at ukol sa lipunan.
Ang mga mahahalagang pag-uugali gaya ng pagpapahalaga sa sarili, pakikisama o pakikipagkapwa,
pagkamakabayan at pagkamaka-Diyos ay mga katangi-tanging ugali na dapat angkinin upang makapamuhay nang
matiwasay at maunlad. Ang kagandahang-asal o ugali ng isang tao ay maipagkakapuri, hindi lamang sa kanyang sarili,
bagkus sa buong bansa na rin.
Sa pag-aaral ni Trihos (1998), higit niyang binigyang-diin ang mga moralidad na mga gawain tulad ng
pagkakasangkot sa bawal ng gamot, pagpapakatiwakal at pagpatay, pang-aabuso sa kapangyarihan, paninirang puri at
isyung ekolohikal ay maiiwasan kung ang tao ay may wastong pananampalataya sa Diyos at magagabayan ng malinis
na budhi o konsensya.
Ayon naman sa pag-aaral ni Tamine (1996), aniya, Ang kaalamang moral na natutunan ng tao mula sa
tahanan, paaralan, simbahan ay higit na makabuluhan at makatotohanan kung ito ay naipagsasabay. Tinukoy niya
rito ang kaalamang moral na natutunan ng tao ay lubhang mahalaga, lalo na kung gagamitin ito sa pamumuhay.
Natuklasan niya sa kanyang pag-aaral na ang mga pagpapahalagang moral tulad ng pagmamahal sa kapwa,
pagmamalasakit, pagtitiis sa karukhaan, pagpapahalaga sa buhay at katarungang panlipunan, at gayundin ang sapat na
pananalig sa Diyos ay magiging kalugud-lugod sa mga maibigin sa katarungan at kaayusang panlipunan.
Matutunghayan sa pananaliksik ni Mahinay (1997), hinggil sa Ang Katutubong Panitikan ng Malinao,
Aklan: Kung saan nasasalamin ang kanilang mga Kaugalian at Pagpapahalaga sa Buhay, na ang nilalaman ng mga

16
salawikain ng mga taga-Malinao, Aklan ay nakabatay sa mga naging karanasan ng mga unang taong naninirahan sa
naturang lalawigan. Mababakas ang kanilang kaugalian at mga pagpapahalaga sa paraan ng kanilang pamumuhay.
Ipinapakita sa pananalik na ang mga Malinaonon ay nagsisikap na umunlad at nagtitipid. Mababakas din ang ugaling
mapagkumbaba. Ipinakita sa kinalabasan ng pag-aaral na sumunod sila sa ilang batas na pinaiiral, iginagalang ng bawat
mamamayan ang mga batas na ito upang maging mabuting mamamayan. Ang paggalang sa pananampalataya ng bawat
mamamayan ay nakikita rin sa kanilang salawikain.
Sa pag-aaral ng ginawa ni Tejero (1981), The Seleced Common Proverbs of Catanduanes ang Their
Relevance to the Scope and Sequence in character Education, kanyang natuklasan na mayaman ang naturang lugar sa
mga salawikain na nagpapayaman sa pagpapahalagang moral, espiritwal, disiplinang pansarili, pangkabuhayan, sosyal,
mapang-agham na pag-iisip at estetikong pagpapahalaga. Napatunayan na mainam na isasanib sa pagtuturo ng
character education ang mga naturang salawikain.
Sa pag-aaral naman ni Badal (1980), tungkol sa Integration of Moral Values in the School Curriculum as
Viewed by School Administrators sa Labangon, Cebu city, napatunayan ng mga guro na may mataas na kakayahan ang
pinagsanib na pamamaraan ng pagtuturo sa pamamagitan ng paksang tula, awit, salawikain at dula-dulaan sa
pamamagitan ng pagsanib ng kalagayan ng mga mag-aaral ng kalinisan, katapatan at paggalang. Bilang epekto nito
napansin na talamak ang vandalism sa naturang paaralan.
Iniugnay ng mananaliksik sa kanyang pag-aral ang mga nabanggit na pag-aaral sapagkat naniniwala siyang
makatutulong nang malaki ang mga impormasyong nakapaloob sa ginagawang pananaliksik upang mapagtibay ang
kahinaan nito.

Tsapter 3
METODOLOHIYA
Sa tsapter na ito makikita ang mga pamaraang ginamit ng mananaliksik at ang prosesong gagawin sa kanyang
pag-aaral. Layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mahahalagang aral at balyung maikikintal mula sa mga piling
maikling kwento ni Rogelio R. Sicat. Matutunghayan ang mga hakbang na ginawa ng mananaliksik upang maging
matagumpay ang ginawang pagsusuri sa mga piling maikling kwento ni Rogelio Sicat. Tinukoy ang mga
pagpapahalagang moral na taglay ng bawat tauhan sa kwento. Hinimay-himay ang mga ugaling ito at binigyan ng
kahulugan sa pamamagitan ng mga teoryang ginamit. Sa mga pagpapakahulugan, inilahad ang mga mahahalagang aral
at balyung maikikintal sa mga mag-aaral at ng mga mamamayan sa kasalukuyan.
Metodolohiyang Ginamit

17
Pamamaraang Palarawan (Descriptive Analysis) at pangnilalamang pagsusuri (Content Analysis) ang ginamit
ng mananaliksik sa kanyang ginawang pag-aaral. Binigyang-diin ang mga diyalogo ng mga tauhan sa kwento upang
mapalitaw ang mga pagpapahalagang moral na taglay ng bawat tauhan sa mga piling maikling kwento ni Rogelio R.
Sicat na kapupulutan ng mga mahahalagang aral at mga balyung magiging gabay sa landas ng buhay.
Kagamitang Ginamit sa Pag-aaral
Gumamit ng walong (8) maikling kwento ni Rogelio Sicat ang mananaliksik. Pinili niya ang mga kwentong
ito dahil lubos siyang naniniwala na punung-puno ito ng mga pagpapahalagang moral. Ang walong(8) maikling kwento
ay: Ama (1960), Impeng Negro (1962), Tata Selo (1962), Handog sa kanyang Ina (1962), Lumang Kotse (1963), Ang
Kura at Ang Agwador (1963), Nawawalang Pasko (1963) at Tinik ng Nakaraan (1964).
Kraytirya sa Pagpili ng Maikling Kwento
Bago ginamit ng mananaliksik ang mga maikling kwento na isinulat ni Rogelio R. Sicat, binasa at
pinagpipilian muna niya ang karapatdapat na gagamitin sa pagsusuri. Siya ay nagkaroon ng kraytirya sa pagpili. Ito ay
ang mga sumusunod: Isinulat ni Rogelio R. Sicat ang mga maikling kwento. May mga tauhan ang kwento na siyang
gagamiting ihemplo ng mananaliksik upang ipakita na mayroon pa ring mga tao sa kasalukuyan na katulad ng mga
tauhan sa kwento. May mga diyalogong ginamit ang manunulat na magpapatunay sa mga pagpapahalagang moral na
taglay ng mga tauhan. Kakikitaan ng mahahalagang aral sa buhay at mga balyu ang kwento.
Ang mga kraytiryang ito ang siyang basehan ng mananaliksik upang maging matagumpay ang ginawang pagaaral. Ito rin ang aakay sa tamang landasin tungo sa matagumpay na resulta ng pananaliksik.

Daloy ng Pag-aaral
Nasa ibaba ang daloy ng Gawain sa pag-aaral na ito.

Unang Pagbasa ng Piling Maikling Kwento ni


Rogelio Sicat
(Pagkuha ng Tema)

Pangalawang Pagbasa
Pagtukoy sa mga Katangiang Ipinamalas ng mga Tauhan Batay sa
Diyalogong Ginamit sa Kwento

18

Pangatlong Pagbasa
Pagsisiyasat sa mga Pagpapahalagang Moral
na Taglay ng mga Tauhan
Batay sa Kanilang Diyalogong Ginamit

Pag-uuri-uri ng mga Pagpapahalagang Moral na Taglay ng mga


Tauhan batay sa Pinag-ugatang Pagpapahalagang Moral

Muling Pagsusuri at Internalisasyon


Pagtatala ng mga Mahahalagang Aral at Balyung Maikikintal Mula sa mga Piling Maikling
Kwento ni Rogelio R. Sicat Batay sa mga Diyalogong Ginamit ng mga Tauhan sa Kwento
/Pagbuo ng Talahanayan

Figura 2. Daloy ng Gawain


Sa unang pagbasa ng mga kwento, iniisa-isang tiningnan ng mananaliksik ang banghay ng kwento upang
alamin ang tema nito. Tinukoy ang kaugnayan ng pamagat at tema sa kabuuan ng kwento. Sa pangalawang pagbasa,
isinaalang-alang niya ang pagtukoy sa mga katangiang ipinamalas ng mga tauhan batay sa diyalogong ginamit na
nakapaloob sa walong maikling kwento. Sa pangatlong pagbasa, siniyasat ang mga pagpapahalagang moral na taglay
ng mga tauhan sa kwento batay sa kanilang diyalogo. Pagkatapos malikom, inuuri-uri ang mga ito batay sa anim na
pinag-ugatang pagpapahalagang moral. Isinunod ang pagsusuri at internalisasyon, itinala ang mga mahahalagang aral at
balyung maikikintal mula sa mga piling maikling kwento ni Rogelio R. Sicat batay sa mga diyalogong ginamit ng mga
tauhan sa kwento. Gumamit ng talahanayan ang mananaliksik upang malinaw niya itong maipaliwanag.
Sa huling talakay ay binigyan ng interpretasyon ang mga natuklasan sa pagsusuri ng mga mahahalgang aral at
balyung maikikintal na napapaloob sa kwento.
Maikling Talambuhay ni Rogelio Sicat
Si Rogelio Sicat (1939-1996) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika at guro. Anak siya
nina Estanislao Sicat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa San Isidro, Nueva Ecija. Siya
ang pang-anim sa walong magkakapatid. Nagtapos si Rogelio Sicat ng Batsilyer ng Sining sa Pamamahayag mula sa
Pamantasan ng Santo Tomas at M.A. sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.
Nakatanggap si Rogelio Sicat ng maraming pampanitikang premyo at gawad. Mas lalo siyang naging tanyag
dahil sa Moses, Moses, ang kanyang dulang nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog).
Marami sa kanyang kwento ang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog.

19
Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sicat sa kanyang mga nagawa ay nalalahad sa Living and Dying as a Writer, na
isinulat ni Lilia-Quindoza Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen ang Ink III.
Si Rogelio Sicat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Arte at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas sa
Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyo ng Komunikasyong
Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula na pinamagatang Munting Lupa batay sa Tata Selo ni
Sicat, na isa pang premyadong kwento. Lumikha naman ang director ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang
maikling pelikula noong 1999 na batay sa Impeng Negro ni Sicat. Noong 1998, bagaman sumakabilang buhay na si
Sicat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasaling-wika.
Buod ng Maikling Kwento
Ama (1960)
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang amang magsasaka. Napagutusan siya ng gobernardor na iligpit ang isang magsasaka rin dahil ikinalat nitong ang gobernador ang utak ng pangaagaw ng lupa sa lalawigan. Dala nang matinding kahirapan, pumayag siyang gumawa ng karahasan dahil sa halagang
ipinangako sa kanya at may posibilidad pang mabigyan siya ng magandang trabaho sa kapitolyo. Subalit hindi niya
naipagpatuloy ang masamang balak na iyon nang makita niya ang taong kanyang papatayin na isa ring amang tulad
niya na ibinabangon ang anak na may sakit at katabi nito ang dalawa pang bata. Nagpasya siyang isauli ang karbin na
hiram sa kaibigan at babalikan na lamang niya ang kanyang palay.
Impeng Negro (1962)
Ang Impeng Negro ay tungkol sa isang batang agwador ng tubig. kulot ang buhok at maitim ang kanyang
balat. Ang pagkakaroon niya ng kaaibang itsura ang siyang dahilan ng panlalait sa kanya. Hindi nagkulang sa
pagpapaalala ang kanyang ina na huwag patulan ang mga nanunukso sa kanya. Hanggang isang araw, siningitan ni
Ogor ang kanyang balde. Bantulot niyang binawi ang kanyang balde at nagpasyang umuwi na lamang. Ngunit pinatid
siya ni Ogor. Nabuwal siya. Tumama ang kanan niyang pisngi sa balde at nagdugo ito. Napasigaw siya. Hindi minabuti
ni Ogor ang kanyang pagsigaw kaya sinipa siya nito sa tagiliran. Nang muling aangat ang kanang paa ni Ogor upang
siyay sipaing muli, sinunggaban na niya iyon, niyakap at kinagat
hanggang sa bumagsak si Ogor. Hindi na siya bumitaw. Nagpagulunggulong sila hanggang sa napasuko niya si Ogor.
Tata Selo (1962)
Si Tata Selo ay nasa istaked kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao. Nataga at napatay niya si Kabesang
Tano sa kadahilanang pinaaalis siya sa lupang sinasaka. Pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang

20
magsaka. Ayaw niyang tanggalin siya sa pagsasaka dahil ito lamang ang ikinabubuhay ng kanyang pamilya subalit
tinungkod siya nang tinungkod ng Kabesa.
Handog sa Kanyang Ina (1962)
Isang maalalahaning bata si Ben. Tuwing kaarawan ng kanyang ina ay may handog siyang regalo dito. May
sakit ang kanyang ina sa araw ng kaarawan nito. Umalis siya ng bahay upang bilhan ng regalo. Treinta sentimos
lamang ang kanyang pera. Habang naghahanap ng mabibiling regalo naisip niyang sanay mayaman siya upang mabili
niya ang relo, singsing, pulseras, kwentas at ipabalot nang maganda. Ayaw niyang umuwi hanggang sa makasalubong
niya ang nagbebenta ng balot. Bumili siya ng isa. Para sa kanya, ang isang balot ay sapat na.
Lumang Kotse (1963)
Si Florencio ay nagsusumikap makatapos ng pag-aaral bilang ganti sa paghihirap na naranasan ng ama,
mabigyan lamang siya ng magandang kinabukasan. Hindi naman niya binigo ang kanyang ama. Naging accountant,
nagkaroon ng magandang trabaho at nagkapamilya. Hangad niya ang kaligayahan ng ama. Para sa kanya, hindi sapat
ang pagpapadala ng pera at pagbibigay ng gamot sa tuwing itoy nagkasakit. Bago namatay ang kanyang ama, binilhan
niya ito ng lumang kotse na nakapagdulot nito ng labis-labis na kaligayahan sa mga huling sandali ng buhay nito.
Ang Kura at Ang Agwador (1963)
May dalawang magkababatang agwador. Si G. Manuel (Padre Gonzales) at Diego (Egong Laki). Paglipas ng
panahon, si G. Manuel ay naging pari at si Diego na kilala sa tawag Egong Laki ay nananatiling agwador, ang pagigib ng tubig ang tangi niyang ikinabubuhay. Mula pagkabata hanggang sa naging pari si Padre Gonzales ay palaging
binibiro ni Egong Laki na humantong sa pisikal na pananakit ang kanyang mga biro. Ito ang naging daan ng pagbabago
ni Egong Laki at nagpasyang siya na ang tagaigib ng tubig ni Padre Gonzales.
Nawawalang Pasko (1963)
Si Bert na isang doktor ay hindi umuwi sa kanilang bayan upang ipagdiwang ang Pasko, samantalang ang
kanyang mga kasamahan sa Medical Mission ay nagsipag-uwian na. Para sa kanya ang pasko ay hindi tarhetang
pamasko, hindi tugtuging pamasko at hindi regalong pamasko. Ito ay nadarama.
May kakilala siyang mag-asawang hirap sa buhay, si Haman at Tanya. Buntis si Tanya. Bisperas ng Pasko,
pinuntahan siya ni Haman at hiningan ng tulong dahil manganganak ang kanyang asawa. Nahirapan si Tanya ngunit sa
tulong ni Bert ay nailigtas niya ito. Laking pasasalamat ng mag-asawa sa aginaldong bigay ni Bert.
Tinik ng Nakaraan (1964)
Lumuwas ng Maynila si Mr. Camilo Marcelo. Dumaan siya sa bahay ng kanyang pamangkin na si Tindeng.
Dito niya nalaman na mag-aasawa na si Juaning, anak niya sa unang asawa. Alam niyang may hinanakit sa kanya ang
kanyang anak. Namatay ang ina nito ni hindi siya nakipaglibing at nakatapos ng pag-aaral ay wala man lang siyang

21
naitulong. Nabalitaan niyang ikakasal ito ngunit hindi man lang nagsabi sa kanya bagay na nagdulot sa kanya ng
labis-labis na kalungkutan na kahit sa panaginip ay dala-dala niya.

Tsapter 4
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT IMPLIKASYON
Sa tsapter na ito, inilahad, sinuri at binigyang-kahulugan ng mananaliksik ang mga mahahalagang aral at
balyung maikikintal na taglay ng mga tauhan batay sa diyalogong ginamit mula sa kwento ni Rogelio Sicat.
Sa bahaging ito, makikita ang ginawang pagsusuri at pag-aaral. Gamit ang talahanayan, inihanay ang mga
pamagat ng maikling kwento at hinimay-himay ng mananaliksik ang mga pagpapahalagang moral na taglay ng bawat
tauhan batay sa kanilang diyalogong ginamit at itoy sinuri batay sa anim na pagpapahalagang moral upang madaling
maunawaan ng babasa nito ang isinagawang pag-aaral.
Sa mga inihandang talahanayan, makikita mula sa mga piling maikling kwento ni Rogelio R. Sicat ang
natuklasan ng mananaliksik na mga mahahalagang aral at balyung maikikintal. Sa pamamagitan ng masinsinang
pagbasa at pag-uuri-uri, tinukoy at inisa-isa ang mga natuklasang pagpapahalagang moral upang maipakita ang paguugaling nararapat taglayin at gamitin ng babasa nito.

Talahanayan 1
Mga Piling Maikling Kwento ni Rogelio R. Sicat
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.

Pamagat
Ama
Impeng Negro
Tata Selo
Handog sa Kanyang Ina
Lumang Kotse
Ang Kura at ang Agwador
Nawawalang Pasko
Tinik ng Nakaraan

Taon ng Pagkakasulat
1960
1962
1962
1962
1963
1963
1963
1964

Matutunghayan sa talahanayan 1 ang mga napiling maikling kwento ni Rogelio R. Sicat at ang taon kung
kailan ito sinulat. Ang Ama na sinulat niya noong 1960, Impeng Negro,1962, Tata Selo, 1962, Handog sa
Kanyang Ina, 1962, Lumang Kotse, 1963, Ang Kura at ang Agwador, 1963, Nawawalang Pasko, 1963 at Tinik
ng Nakaraan na sinulat noong 1964.

22

You might also like