Kagamitang Panturo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

A.

Mga Batayang Kagamitang Panturo


1.
2.
3.
4.
5.
6.

Batayang aklat
Sanayang aklat
Manwal/Patnubay ng Guro
Modyul
Worktext
Sangguniang aklat

Mga Pantulong na Kagamitang Panturo


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Powerpoint Presentations
Larawan
Visual aids
Graphic organizers
Modelo
Papet
Dayorama

Mga Tanging Kagamitan


1.
2.
3.
4.
5.

Yeso
Tarpaulin
Projector
Laptop
Recordings, short films

B. Alin ang nagamit na?


Kadalasan ang nagagamit ay ang mga visual aids dahil mas madali itong isetup at madali ring alisin pagtapos ng klase. Nasubukan na ring gamitin ang
Powerpoint presentations sa pamamagitan ng laptop at projector. Mas epektibo siya
kaysa sa mga visual aid na nakapaskil dahil mas nagagamit ang kanilang mga
senses sa presentasyon. Ang balakid nga lamang ay ang katagalan at kahirapang
ihanda ang mga kagamitang ito.
C. Paano naging mahalaga ang mga kagamitang panturo na ito?
1. Sa guro mas napapadali ang kanyang pagpapaliwanag sa mga leksyon na nais
ipahayag. Nababawasan ang oras sa paghahanda ng kagamitan sa pagtuturo. Mas
nagiging marami ang mga estilo o teknik na magagamit sa pagtuturo. Nagiging
buhay ang talakayan.
2. Sa mag-aaral mas nagagamit nila ang kanilang mga senses sa pagkatuto.
Nagiging intresante ang mga talakayan. Mas na-eengganyo silang sumali sa mga
talakayan sa klase.
3. Sa mga administrador mas nalilinang ang pagiging malikhain ng kanilang mga
guro. Mas tumataas ang kalidad ng pagtuturo ng kanilang paaralan dahil sa ibat
ibang kagamitan na ginagamit sa pagtuturo. Mas marami ang magnanais na magaral dahil walang pagkabagot sa pag-aaral.

D. Mga Batayang Teoretikal at ano ang mga dapat tandaan na maaaring magamit sa
pagtuturo.
Sa pagkatuto ay mahalaga ang kahandaang sikolohikal upang magkaroon ng
pagkatuto. Nararapat na masukat ng isang guro ang mga kakayahan ng kanyang
mga estudyante upang magkaroon ng plano kung ano ang mga leksyon ang angkop
lamang para sa kanila. Mahalaga rin ang pagsukat sa mga kakayahang pangwika ng
mga estudyante. Isaalang-alang ang mga wika na dapat gamitin sa pagtuturo ayon
sa edad o background ng isang mag-aaral. Maaaring gumamit ng mga salitang
pamilyar sa kanila upang makasabay sa mga talakayan. Kayat mahalaga ang
pagkakaroon ng mga talasalitaan sa pagtalakay sa panitikan upang mabigyang
kahulugan ang mga malalalim na salita sa akda.

Inihanda ni:
Bb. Amparo Rose R. Gallardo
MAED Pagtuturo ng Filipino

You might also like