W TG 20121215
W TG 20121215
W TG 20121215
E D I S Y O N PA R A S A PA G - A A R A L
ARALING ARTIKULO
ENERO 28PEBRERO 3
PEBRERO 4-10
PEBRERO 11-17
PEBRERO 18-24
34567
LAYUNIN NG MAGASING ITO, Ang Bantayan, na parangalan ang Diyos na Jehova, ang Kataas-taasang Tagapamahala ng uniberso. Noong sinaunang panahon, natatanaw ng isa mula sa bantayan ang mga nangyayari sa malayo. Sa katulad na paraan, ipinakikita ng magasing ito ang kahalagahan ng mga pangyayari sa daigdig ayon sa mga hula ng Bibliya. Inaaliw nito ang mga tao sa pamamagitan ng mabuting balita na di-magtatagal, wawakasan ng Kaharian ng Diyos, isang tunay na gobyerno sa langit, ang lahat ng kasamaan at gagawin nitong paraiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo, na namatay para magkaroon tayo ng pag-asang mabuhay nang walang hanggan at namamahala na ngayon bilang Hari sa Kaharian ng Diyos. Ang magasing ito ay walang pinapanigan sa pulitika at patuluyang inilalathala ng mga Saksi ni Jehova mula pa noong 1879. Sinusunod nito ang Bibliya bilang awtoridad.
ARALING ARTIKULO 1, 2 PAHINA 4-13 Ano ang ibig sabihin ng tunay na matagumpay na buhay? Ipinakikita ng mga artikulong ito na ang tamang sagot ay naiiba sa pangmalas ng sanlibutan. Makikita rin natin na para maging tunay na matagumpay, kailangan nating manatiling tapat sa Diyos at tanggapin ang mga pananagutang ibinigay niya sa atin.
ARALING ARTIKULO 3, 4 PAHINA 19-28 Sa anong diwa mga pansamantalang naninirahan ang mga pinahirang Kristiyano at ang ibang mga tupa? (Juan 10:16; 1 Ped. 2:11) Sasagutin ng mga artikulong ito ang tanong na ito. Patitibayin din ng mga ito ang ating determinasyon na patuloy na mamuhay bilang mga pansamantalang naninirahan habang nagkakaisang nangangaral bilang isang internasyonal na kapatiran.
PABALAT: May mahigit 100,000 Saksi sa South Korea. Marami ang nakabilanggo dahil sa pagiging neutral sa pulitika at pagtangging gumamit ng armas laban sa kanilang kapuwa. Pero kahit sa bilangguan, nagsisikap silang magpatotoo, halimbawa, sa pamamagitan ng liham SOUTH KOREA
POPULASYON
48,184,000
MAMAMAHAYAG
Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.
100,059
18 NATATANDAAN MO BA?
Publishers: Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc. 5 2012 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. All rights reserved. Printed in Japan.
731
ORAS NA GINUGOL SA MINISTERYO BAWAT BUWAN
9,000
ang diyablo na pumasok sa isang bahay kung saan may Ebanghelyo. Iniulat din niya na ikinukuwintas ng ilan ang siniping mga bahagi ng Ebanghelyo bilang agimat. Sinabi pa ni Propesor Gamble na para sa Katolikong teologo na si Augustine, puwedeng maglagay ng isang kopya ng Ebanghelyo ni Juan sa ilalim ng unan habang natutulog ang isa na masakit ang ulo! Dahil sa mga turong ito, sinimulang gamitin ng mga tao ang Bibliya sa mahiwagang paraan. Ituturing mo ba ang Bibliya bilang agimat, o antinganting, na makapagbibigay ng proteksiyon sa iyo? Marahil ang mas karaniwang paraan ng maling paggamit sa Bibliya ay ang tinatawag na bibliomancy. Tumutukoy ito sa basta pagbubuklat ng isang aklat, kadalasan ay ang Bibliya, at pagbasa sa unang mga salitang makikita, sa paniniwalang ang mga ito ang magbibigay ng kinakailangang patnubay. Halimbawa, ayon kay Propesor Gamble, nang minsang marinig ni Augustine ang tinig ng isang bata sa kalapit na bahay na nagsasabing Kunin mo at basahin, kunin mo at basahin, inisip ni Augustine na inuutusan siya ng Diyos na buklatin ang Bibliya at basahin ang unang mga salitang makikita niya. May nabalitaan ka na bang mga tao na nang magkaproblema ay nanalangin sa Diyos, basta nagbuklat ng Bibliya, at umasang ang unang talata na makikita nila ang sagot sa kanilang problema? Baka maganda naman ang intensiyon nila, pero hindi iyan ang paraan ng mga Kristiyano sa paghanap ng patnubay mula sa Kasulatan. Tiniyak ni Jesus sa kaniyang mga alagad na isusugo niya sa kanila ang katulong, ang banal na espiritu. Sinabi pa niya: Ang isang iyon ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at ibabalik sa inyong mga pagiisip ang lahat ng bagay na sinabi ko sa inyo. (Juan 14:26) Sa kabaligtaran, sa bibliomancy, hindi kailangang may alam ka sa Bibliya. Laganap ang bibliomancy at ang iba pang pamahiin sa paggamit ng Bibliya. Pero hinahatulan ng Salita ng Diyos ang paghahanap ng mga tanda. (Lev. 19:26; Deut. 18:9-12; Gawa 19:19) Ang salita ng Diyos ay buhay at may lakas, pero kailangang bihasa tayo sa paggamit nito. Ang tumpak na kaalaman sa Bibliya, hindi ang paggamit nito sa pamahiin, ang magpapabago sa buhay ng mga tao. Ang pagkuha ng gayong kaalaman ay nakatulong na sa marami na maging malinis sa moral, talikuran ang masamang pamumuhay, patatagin ang buhay-pampamilya, at magkaroon ng personal na kaugnayan sa Awtor ng Bibliya.
PAANO MO SASAGUTIN?
NO ang ibig sabihin ng pagiging matagumpay sa buhay? Itanong mo iyan sa mga tao at makikita mong iba-iba ang sagot nila. Halimbawa, para sa marami, ang tagumpay ay ang pag-asenso sa kabuhayan, o pagkakaroon ng magandang propesyon, o edukasyon. Sinusukat naman ito ng iba ayon sa husay nilang makisama sa kanilang mga kapamilya, kaibigan, o katrabaho. Baka isipin pa nga ng isang naglilingkod sa Diyos na ang sukatan ng tagumpay ay ang pagkakaroon ng pribilehiyo sa kongregasyon o ang mga naisagawa nila sa ministeryo. 2 Para malaman mo kung ano ang pangmalas mo sa tagumpay, isulat ang pangalan ng ilang taong itinuturing mong matagumpaymga taong hinahangaan at iginagalang mo. Anong katangian ang taglay nilang lahat? Mayaman ba sila o sikat? Kilala ba sila sa lipunan? Makikita sa sagot mo kung ano ang nasa puso mo, at makaaapekto iyan sa mga desisyon at tunguhin mo.Luc. 6:45. 3 Ang importante ay kung itinuturing tayo ni Jehova na matagumpay, yamang nakasalalay sa pagsang-ayon niya ang kaligtasan natin. Nang ibigay ni Jehova kay Josue ang mabigat na atas na pangunahan ang mga Israelita papasok sa Lupang Pangako, sinabihan Niya siya na basahin ang Kautusang Mosaiko araw at gabi at maingat na sundin ang nakasulat doon. Tiniyak sa kaniya ng Diyos: Sa gayon ay gagawin mong matagumpay ang iyong lakad at sa gayon ay kikilos ka nang may karunungan. (Jos. 1:7, 8) Alam nating nagtagumpay si Josue. Kumusta naman tayo? Paano natin malalaman kung kaayon ng pangmalas ng Diyos ang pangmalas natin sa tagumpay? Suriin natin ang halimbawa ng dalawang lalaking binanggit sa Bibliya.
1, 2. (a) Paano sinusukat ng marami ang tagumpay? (b) Paano mo malalaman kung ano ang pangmalas mo sa tagumpay? 3. (a) Ano ang dapat gawin ni Josue para maging matagumpay ang kaniyang lakad? (b) Ano ang tatalakayin natin?
ANG BANTAYAN
Naging matagumpay si Solomon sa maraming paraan. Bakit? Sa loob ng maraming taon, may takot siya kay Jehova at naging masunurin, kung kaya pinagpala Niya siya nang husto. Maaalaala natin na nang tanungin ni Jehova si Solomon kung ano ang kahilingan niya, humingi ang hari ng karunungan para mapatnubayan ang bayan. Kaya naman binigyan siya ng Diyos ng karunungan at kayamanan. (Basahin ang 1 Hari 3:10-14.) Ang karunungan niya ay mas malawak kaysa sa karunungan ng lahat ng taga-Silangan at kaysa sa lahat ng karunungan ng Ehipto. Napabantog si Solomon sa lahat ng bansa sa buong palibot. (1 Hari 4:30, 31) Kung kayamanan ang pag-uusapan, ang timbang ng ginto na pumapasok sa kabang-yaman ni Solomon taun-taon ay mga 25 tonelada! (2 Cro. 9:13) Mahusay siya sa diplomasya, konstruksiyon, at komersiyo. Oo, matagumpay si Solomon noong maganda ang katayuan niya sa Diyos.2 Cro. 9:22-24. 5 Ipinakikita ng mga isinulat ni Solomon sa aklat ng Eclesiastes na hindi niya inisip na mayayaman at prominente lang ang puwedeng maging matagumpay at masaya. Sumulat siya: Nalaman ko na wala nang mas mabuti sa kanila kundi ang magsaya at gumawa ng mabuti habang ang isa ay nabubuhay; at na ang bawat tao rin ay kumain at uminom nga at magtamasa ng kabutihan dahil sa lahat ng kaniyang pagpapagal. Iyon ang kaloob ng Diyos. (Ecles. 3:12, 13) Naunawaan niya na magiging kasiya-siya lang ang mga bagay na ito kung ang isa ay may mabuting kaugnayan sa Diyos. Kaya naman tama ang sinabi ni Solomon: Ang katapusan ng bagay, matapos marinig ang lahat, ay: Matakot ka sa tunay na Diyos at tuparin mo ang kaniyang mga utos. Sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. Ecles. 12:13.
4
Sa loob ng maraming taon, lumakad si Solomon nang may takot sa Diyos. Mababasa natin na patuloy na inibig ni Solomon si Jehova sa pamamagitan ng paglakad sa mga batas ni David na kaniyang ama. (1 Hari 3:3) Hindi ka ba sasang-ayon na iyan ay maituturing na tunay na tagumpay? Sa patnubay ng Diyos, nagtayo si Solomon ng isang maringal na templo para sa tunay na pagsamba at sumulat ng tatlong aklat ng Bibliya. Hindi tayo umaasang magagawa rin natin iyan. Pero ang halimbawa ni Solomon noong tapat siya sa Diyos ay nagtuturo sa atin kung paano dapat sukatin ang tunay na tagumpay at kung paano natin makakamit iyon. Sa tulong ng espiritu ng Diyos, isinulat ni Solomon na ang kayamanan, karunungan, katanyagan, at kapangyarihanna itinuturing ng marami sa ngayon na sukatan ng tagumpayay walang kabuluhan. Walang silbi ang mga bagay na ito, at paghahabol [lang] sa hangin. Marahil naobserbahan mo na ang mga maibigin sa kayamanan ay hindi nakokontento. Kadalasan, nababalisa sila sa mga tinataglay nila. At balang-araw, mapupunta lang sa iba ang mga ito.Basahin ang Eclesiastes 2:8-11, 17; 5:10-12. 7 Alam natin na nang maglaon, hindi nanatiling tapat at masunurin si Solomon. Sinasabi ng Salita ng Diyos: At nangyari, nang panahon ng pagtanda ni Solomon ay ikiniling ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso na sumunod sa ibang mga diyos; at ang kaniyang puso ay hindi naging sakdal kay Jehova na kaniyang Diyos tulad ng puso ni David na kaniyang ama. . . . Si Solomon ay nagsimulang gumawa ng masama sa paningin ni Jehova. 1 Hari 11:4-6. 8 Yamang hindi nalugod si Jehova, sinabi niya kay Solomon: Sa dahilang . . . hindi mo tinupad ang aking tipan at ang aking mga
6
lomon? 5. Ano ang nasabi ni Solomon tungkol sa mga taong matagumpay sa paningin ng Diyos?
DISYEMBRE 15, 2012
6. Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ni Solomon hinggil sa pagsukat sa tunay na tagumpay? 7, 8. Paano naging di-tapat si Solomon? Ano ang resulta nito?
batas na ibinigay ko bilang utos sa iyo, walang pagsalang pupunitin ko ang kaharian mula sa iyo, at ibibigay ko nga ito sa iyong lingkod. (1 Hari 11:11) Napakasaklap! Bagaman naging matagumpay si Solomon sa maraming paraan, nang maglaon ay binigo niya si Jehova. Nabigo si Solomon sa pinakamahalagang aspekto ng buhayang katapatan sa Diyos. Tanungin ang sarili, Ikakapit ko ba ang aral na natutuhan ko sa buhay ni Solomon para magtagumpay ako?
ISANG BUHAY NA TUNAY NA MATAGUMPAY
Ibang-iba ang naging buhay ni apostol Pablo kay Haring Solomon. Hindi naupo si Pablo sa tronong gawa sa garing, ni nakipagpiging man siya sa mga hari. Sa halip, dumanas siya ng gutom, uhaw, ginaw, at kahubaran. (2 Cor. 11:24-27) Dahil sa pagtanggap ni Pablo kay Jesus bilang Mesiyas, naiwala niya ang tinitingalang posisyon sa Judaismo. Kinapootan pa nga siya ng mga Judiong lider ng relihiyon. Ibinilanggo siya, hinagupit, hinampas, at binato. Sinabi ni Pablo na siya at ang kaniyang mga kapuwa Kristiyano ay nilait, pinagusig, at siniraang-puri. Naging gaya kami ng basura ng sanlibutan, ang sukal ng lahat ng bagay, hanggang ngayon.1 Cor. 4:11-13. 10 Noong kabataan pa si Pablo, na kilala noon bilang Saul, waring malayo ang mara9
rating niya. Malamang na isinilang siya sa isang prominenteng pamilya. Naging estudyante siya ni Gamaliel, isang respetadong guro. Nang maglaon ay isinulat niya: Sumusulong ako sa Judaismo nang higit kaysa sa maraming kasinggulang ko. (Gal. 1:14) Matatas siya sa wikang Hebreo at Griego. Bilang mamamayang Romano, si Saul ay may napakagandang mga pribilehiyo at karapatan. Kung nagpursigi siyang maging matagumpay sa sanlibutan, malamang na naging tanyag siya at umasenso sa buhay. Pero mas pinili niya ang landasin na sa paningin ng marami marahil pati na ng ilang kamag-anak niya ay isang kahibangan. Bakit iyon ang pinili niya? 11 Mahal ni Pablo si Jehova at hangad niyang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos sa halip na ang kayamanan at katanyagan. Nang malaman ni Pablo ang katotohanan, pinahalagahan niya ang pantubos, ang ministeryong Kristiyano, at ang pag-asang buhay sa langit mga bagay na hindi mahalaga sa sanlibutan. Napag-unawa ni Pablo na may usaping kailangang lutasin. Nagparatang si Satanas na maitatalikod niya ang mga tao sa paglilingkod sa Diyos. (Job 1:9-11; 2:3-5) Anumang pagsubok ang danasin ni Pablo, determinado siyang ma11. Anong mga bagay ang mahalaga kay Pablo at ano
9. Sa mata ng maraming tao, matagumpay ba si Pablo? Ipaliwanag. 10. Bakit maaaring isipin ng iba na sinayang ni Pablo ang oportunidad na magtagumpay?
natiling tapat sa Diyos at magpatuloy sa tunay na pagsamba. Hindi kasama iyan sa tunguhin ng mga tagasanlibutan na gustong magtagumpay. 12 Ganiyan din ba ang determinasyon mo? Bagaman hindi madaling mamuhay nang may katapatan, alam nating nagdudulot ito ng pagpapala at pagsang-ayon ni Jehova, at iyan ang tunay na tagumpay. (Kaw. 10:22) Ngayon pa lang ay nakikinabang na tayo, at tiyak na pagpapalain tayo sa hinaharap. (Basahin ang Marcos 10:29, 30.) Kaya naman dapat nating ilagak ang ating pag-asa, hindi sa walang-katiyakang kayamanan, kundi sa Diyos, na saganang naglalaan sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan. Tayo ay nagiimbak para sa ating sarili ng isang mainam na pundasyon para sa hinaharap, upang makapanghawakan tayong mahigpit sa tunay na buhay. (1 Tim. 6:17-19) Oo, nakatitiyak tayo na sandaang taon, sanlibong taon, o higit pa ang lumipas, makapagbabalik-tanaw tayo at masasabi natin, Hindi ako nagkamali sa pinili kong landas tungo sa tunay na tagumpay!
12. Bakit mo inilagak sa Diyos ang iyong pag-asa? DISYEMBRE 15, 2012
Ganito ang sinabi ni Jesus hinggil sa mga kayamanan: Huwag na kayong mag-imbak para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa ` lupa, kung saan ang tanga at kalawang ay nang-uubos, at kung saan ang mga magnanakaw ay nanloloob at nagnanakaw. Sa halip, mag-imbak kayo para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit, kung saan kahit ` ang tanga o ang kalawang man ay hindi nanguubos, at kung saan ang mga magnanakaw ay hindi nanloloob at nagnanakaw. Sapagkat kung nasaan ang iyong kayamanan, doroon din ang iyong puso.Mat. 6:19-21. 14 Hindi lang salapi ang itinuturing ng mga tao na kayamanan sa lupa. Maaaring kabilang dito ang prestihiyo, katanyagan, o kapangyarihanmga bagay na ayon kay Solomon ay ginagawang sukatan ng tagumpay. Idiniin ni Jesus ang puntong binanggit ni Solomon sa aklat ng Eclesiastesang makasanlibutang kayamanan ay pansamantala lang. Marahil naobserbahan mo na ang gayong mga kayamanan ay nasisira at napakadaling maglaho. Ganito ang isinulat ni Propesor F. Dale Bruner tungkol sa gayong mga kayamanan: Alam nating lahat na ang kasikatan ay naglalaho. Ang sikat ngayon, bukas ay laos na. Ang nagtagumpay sa negosyo noong isang taon, sa susunod na taon ay bangkarote na. . . . Mahal [ni Jesus] ang mga tao. Hinihimok niya silang iwasan ang hinagpis na dulot ng kumukupas na kaluwalhatian. Hindi ito nagtatagal. Ayaw ni Jesus na madismaya ang [kaniyang] mga alagad. Arawaraw, umiikot ang mundo, at ang nasa tuktok ngayon, mayamaya ay nasa ilalim na. Kahit marami ang sasang-ayon sa komentong ito, ilan kaya sa kanila ang magbabago ng kanilang pangmalas sa buhay? Handa ka bang gawin iyon?
13
ng mga kayamanan?
14. Bakit hindi katalinuhang maghangad ng kayama-
nan sa lupa?
Sinasabi ng ilang lider ng relihiyon na maling magsumikap para magtagumpay at na dapat supilin iyon. Pero pansinin na hindi hinatulan ni Jesus ang gayong pagsisikap. Sa halip, hinimok niya ang kaniyang mga alagad na ibaling ang kanilang pagsisikap sa ibang direksiyon, anupat pinasigla silang mag-imbak ng di-nasisirang mga kayamanan sa langit. Gusto nating maging matagumpay ayon sa pangmalas ni Jehova. Pinaaalalahanan tayo ni Jesus na maaari tayong pumili kung ano ang itataguyod natin. Pero ang totoo, itataguyod natin kung ano ang nasa puso natin, kung ano ang mahalaga sa atin. 16 Kung talagang nasa puso natin na palugdan si Jehova, makapagtitiwala tayo na ilalaan niya ang mga bagay na kailangan natin. Baka pahintulutan niya tayong pansamantalang dumanas ng gutom o uhaw, gaya ni apostol Pablo. (1 Cor. 4:11) Pero makapagtitiwala tayo sa matalinong payo ni Jesus: Huwag kayong mabalisa at magsabing, Ano ang aming kakainin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming isusuot? Sapagkat ang lahat ng ito ang mga bagay na masikap na hinahanap ng mga bansa. Sapagkat nalalaman ng inyong makalangit na Ama na kailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito. Patuloy, kung gayon, na hanapin muna ang kaharian at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng iba pang mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.Mat. 6:31-33.
15
15. Anong uri ng tagumpay ang dapat nating pagsikapang abutin? 16. Sa ano tayo makapagtitiwala? 17, 18. (a) Saan nakadepende ang tunay na tagumpay? (b) Saan hindi nakadepende ang tagumpay?
nurin at katapatan sa Diyosang tunay na sukatan ng tagumpay. Tinitiyak sa atin ni Jehova: Ang hinahanap sa mga katiwala ay ang masumpungang tapat ang isang tao. (1 Cor. 4:2) At dapat tayong magbata para makapanatiling tapat. Sinabi ni Jesus: Siya na nakapagbata hanggang sa wakas ang siyang maliligtas. (Mat. 10:22) Tiyak na sasang-ayon ka na ang kaligtasan ay isang di-maikakailang katibayan ng tagumpay! 18 Kung pag-iisipan natin ang mga natalakay na, makikita natin na ang pananatiling tapat sa Diyos ay walang kinalaman sa katanyagan, edukasyon, salapi, o katayuan sa lipunan; hindi rin ito nakadepende sa talino, talento, o abilidad. Anuman ang kalagayan natin, maaari tayong manatiling tapat sa Diyos. Noong unang siglo, ang ilang lingkod ng Diyos ay mayayaman, ang iba naman ay mahihirap. Pinayuhan ni Pablo ang mayayaman na gumawa ng mabuti, na maging mayaman sa maiinam na gawa, na maging mapagbigay, handang mamahagi. Kapuwa ang mayayaman at mahihirap ay maaaring makapanghawakan [nang] mahigpit sa tunay na buhay. (1 Tim. 6:17-19) Totoo rin iyan sa ngayon. Lahat tayo ay may pare-parehong oportunidad at responsibilidad, samakatuwid nga, ang manatiling tapat at maging mayaman sa maiinam na gawa. Kung gagawin natin ito, magiging matagumpay tayo sa paningin ng Maylalang, at magiging maligaya dahil alam nating napalulugdan natin siya.Kaw. 27:11. 19 Baka hindi mo na mababago ang iyong sitwasyon, pero mababago mo ang pangmalas mo rito. Pagsikapang maging tapat, anuman ang iyong kalagayan. Sulit ang iyong pagsisikap. Magtiwala na sagana kang pagpapalain ni Jehovangayon at magpakailanman. Tandaan ang sinabi ni Jesus sa mga pinahirang Kristiyano: Patunayan mong tapat ka maging hanggang sa kamatayan, at ibibigay ko sa iyo ang korona ng buhay. (Apoc. 2:10) Iyan ang tunay na tagumpay!
19. Kung tungkol sa tagumpay, ano ang determinasyon mo? DISYEMBRE 15, 2012
PAANO MO SASAGUTIN?
GA 2,500 taon na ang nakararaan, isang Griegong manunulat ng dula ang sumulat: Walang taong kusang-loob na magpapasan ng pamatok ng pagkaalipin. Marami sa ngayon ang sasang-ayon sa sinabi niya. Kapag pinag-uusapan ang pagkaalipin, naiisip natin ang mga taong sinisiil at nakagapos, na ang pagpapagal at pagsasakripisyo ay pinakikinabangan lang ng nagmamay-ari at namumuno sa kanila. 2 Ipinahiwatig ni Jesus na ang mga alagad niya ay magiging mga abang lingkod, o mga alipin. Pero ang pagkaaliping ito ng mga tunay na Kristiyano ay hindi mapanghamak ni mapaniil man. Sa halip, marangal ang katayuan ng mga aliping ito at silay pinagkakatiwalaan at iginagalang. Halimbawa, pansinin ang sinabi ni Jesus tungkol sa isang alipin noong malapit na Siyang mamatay. Inihula ni Kristo na aatasan niya ang isang tapat at maingat na alipin.Mat. 24:45-47. 3 Kapansin-pansin na sa isang katulad na ulat, ang aliping iyon ay tinawag na isang katiwala. (Basahin ang Lucas 12:42-44.) Bagaman karamihan ng tapat na Kristiyanong nabubuhay ngayon ay hindi kabilang sa uring tapat na katiwala na iyan, ipinakikita ng Kasulatan na lahat ng naglilingkod sa Diyos ay mga katiwala. Ano ang pananagutan nila? Ano ang tamang pangmalas sa mga pananagutang iyon? Para masagot iyan, suriin natin ang papel ng mga katiwala noong sinaunang panahon.
ANG PAPEL NG MGA KATIWALA
4 Noong sinaunang panahon, ang isang katiwala ay kadalasan nang isang pinagkakatiwalaang alipin na
1. Ano ang pangmalas ng sanlibutan sa pagkaalipin? 2, 3. (a) Ano ang katayuan ng mga alipin, o lingkod, ni Kristo?
(b) Anong mga tanong tungkol sa mga katiwala ang tatalakayin natin? 4, 5. Ano ang mga pananagutan ng mga katiwala noong sinaunang panahon? Magbigay ng mga halimbawa.
inatasang mangasiwa sa sambahayan o negosyo ng kaniyang panginoon. Karaniwan na, ang mga katiwala ay may malaking awtoridad at namamahala sa ari-arian, salapi, at iba pang lingkod ng sambahayan. Ganiyan ang kalagayan ni Eliezer, na inatasang mangalaga sa napakaraming ari-arian ni Abraham. Malamang na siya ang isinugo ni Abraham sa Mesopotamia para ikuha ng mapapangasawa ang anak nitong si Isaac. Napakahalagang atas nga nito!Gen. 13:2; 15:2; 24:2-4. 5 Si Jose, apo sa tuhod ni Abraham, ay namahala sa sambahayan ni Potipar. (Gen. 39: 1, 2) Nang maglaon, nagkaroon si Jose ng sariling katiwala, na namamahala sa [kaniyang] sambahayan. Ang katiwalang ito ang nag-asikaso sa sampung kapatid ni Jose. Sa utos ni Jose, isinaayos niya ang mga bagaybagay may kinalaman sa ninakaw na kopang pilak. Maliwanag na lubhang pinagkakatiwalaan ang mga katiwala noon.Gen. 43:19-25; 44:1-12. 6 Pagkaraan ng ilang siglo, isinulat ni apostol Pablo na ang mga tagapangasiwang Kristiyano ay dapat maging mga katiwala ng Diyos. (Tito 1:7) Bilang hinirang na mga pastol sa kawan ng Diyos, ang mga tagapangasiwa ay nagbibigay ng tagubilin at nangunguna sa mga kongregasyon. (1 Ped. 5:1, 2) Siyempre pa, iba-iba ang pananagutan nila. Halimbawa, karamihan sa mga tagapangasiwang Kristiyano sa ngayon ay naglilingkod sa isang kongregasyon. Ang mga naglalakbay na tagapangasiwa ay naglilingkod sa maraming kongregasyon. At ang mga miyembro ng Komite ng Sangay ay nangangalaga sa mga kongregasyon sa isang bansa. Anuman ang kanilang tungkulin, inaasahan na tapat nilang gagampanan ang mga ito; lahat sila ay magsusulit sa Diyos.Heb. 13:17. 7 Paano naman ang maraming tapat na Kristiyano na hindi tagapangasiwa? Sumulat
6. Ano ang ibat ibang pananagutan ng mga Kristiyanong elder? 7. Bakit natin masasabi na ang lahat ng Kristiyano ay mga katiwala?
si apostol Pedro sa mga Kristiyano sa pangkalahatan at sinabi niya: Ayon sa kaloob na tinanggap ng bawat isa, gamitin ito sa paglilingkod sa isat isa bilang mabubuting katiwala ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos na ipinamamalas sa ibat ibang paraan. (1 Ped. 1:1; 4:10) Udyok ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos, binigyan niya tayong lahat ng mga kaloob, katangian, abilidad, o talento na magagamit natin sa kapakinabangan ng ating mga kapananampalataya. Kaya naman, lahat ng naglilingkod sa Diyos ay mga katiwala, at ang tungkuling iyan ay may kaakibat na karangalan, tiwala, at pananagutan.
PAG-AARI TAYO NG DIYOS
8 Bigyang-pansin natin ang tatlong simulain na dapat nating isaalang-alang bilang mga katiwala. Una: Lahat tayo ay pag-aari ng Diyos at magsusulit tayo sa kaniya. Sumulat si Pablo: Hindi ninyo pag-aari ang inyong sarili, sapagkat binili kayo sa isang halagaang haing dugo ni Kristo. (1 Cor. 6:19, 20) At dahil pag-aari tayo ni Jehova, pananagutan nating sundin ang kaniyang mga utos, na hindi naman pabigat. (Roma 14:8; 1 Juan 5:3) Mga alipin din tayo ni Kristo. Tulad ng mga katiwala noong sinaunang panahon, binibigyan tayo ng malaking kalayaanpero may hangganan ito. Kailangang gampanan natin ang ating pananagutan ayon sa tagubilin. Anumang pribilehiyo ang taglay natin, mga abang lingkod pa rin tayo ng Diyos at ni Kristo. 9 Tinutulungan tayo ni Jesus na maunawaan ang kaugnayan ng panginoon at ng alipin. Minsan, ikinuwento niya sa kaniyang mga alagad ang tungkol sa isang alipin na maghapong nagtrabaho sa bukid. Pag-uwi nito, sasabihin ba sa kaniya ng panginoon: Pumarito kang karaka-raka at humilig sa mesa? Hindi, kundi sasabihin niya: Ipaghanda mo
8. Ano ang isang mahalagang simulain na dapat nating tandaan? 9. Paano inilarawan ni Jesus ang kaugnayan ng panginoon at ng alipin? ANG BANTAYAN
10
ako ng aking mahahapunan, at magsuot ka ng epron at paglingkuran mo ako hanggang sa ako ay makakain at makainom, at pagkatapos ay maaari ka nang kumain at uminom. Anong aral ang itinuro ni Jesus sa ilustrasyong ito? Kaya kayo rin, kapag nagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na iniatas sa inyo, sabihin ninyo, Kami ay walangkabuluhang mga alipin. Ang aming ginawa ang siyang dapat naming gawin. Luc. 17: 7-10. 10 Siyempre pa, pinahahalagahan ni Jehova ang ating mga pagsisikap na paglingkuran siya. Tinitiyak ng Bibliya: Ang Diyos ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pag-ibig na ipinakita ninyo para sa kaniyang pangalan. (Heb. 6:10) Laging makatuwiran ang hinihiling ni Jehova sa atin. Karagdagan pa, ang mga iyon ay para sa ating ikabubuti at hindi pabigat. Pero gaya ng ipinakikita ng talinghaga ni Jesus, ang alipin ay hindi dapat magpalugod sa kaniyang sarili, anupat inuuna ang kaniyang kapakanan. Ang punto ay, nang ialay natin ang ating sarili sa Diyos, nagpasiya tayong unahin ang kaniyang kapakanan sa ating buhay. Sang-ayon ka ba rito?
KUNG ANO ANG HINIHILING NI JEHOVA SA ATING LAHAT
Ang ikalawang simulain ay: Bilang mga katiwala, iisang pamantayan lang ang sinusunod nating lahat. Totoo na sa kongregasyong Kristiyano, may mga pananagutang iniaatas lang sa iilang kapatid. Pero karaniwan na, parepareho ang inaasahan sa atin ng Diyos. Halimbawa, bilang mga alagad ni Kristo at mga Saksi ni Jehova, inuutusan tayong ibigin ang isat isa. Sinabi ni Jesus na pag-ibig ang pagkakakilanlan ng mga tunay na Kristiyano. (Juan 13:35) Pero hindi lang mga kapatid ang iniibig natin. Sinisikap din nating magpaki11
10. Ano ang nagpapakita na pinahahalagahan ni Jehova ang ating mga pagsisikap na paglingkuran siya? 11, 12. Bilang mga katiwala, anong katangian ang dapat nating ipakita? Ano ang dapat nating iwasan? DISYEMBRE 15, 2012
ta ng pag-ibig sa mga di-kapananampalataya. Magagawa natin ito, at dapat naman. 12 Kahilingan din sa atin ang pagpapakita ng mabuting paggawi. Iniiwasan natin ang mga paggawi at istilo ng pamumuhay na hinahatulan ng Salita ng Diyos. Sumulat si Pablo: Hindi ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa idolo, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga lalaking iniingatan ukol sa di-likas na mga layunin, ni ang mga lalaking sumisiping sa mga lalaki, ni ang mga magnanakaw, ni ang mga taong sakim, ni ang mga lasenggo, ni ang mga manlalait, ni ang mga mangingikil ang magmamana ng kaharian ng Diyos. (1 Cor. 6:9, 10) Totoo naman na kailangan ang pagsisikap para masunod ang matuwid na mga pamantayan ng Diyos. Pero sulit ang mga pagsisikap na iyon dahil maraming pakinabang. Kabilang dito ang mabuting kalusugan, magandang kaugnayan sa iba, at pagsang-ayon ng Diyos.Basahin ang Isaias 48:17, 18. 13 Tandaan din na ang isang katiwala ay may trabahong dapat gawin. Ganiyan din tayo. Binigyan tayo ng mahalagang kaloob ang kaalaman tungkol sa katotohanan. Inaasahan ng Diyos na ibabahagi natin ang kaalamang iyan sa iba. (Mat. 28:19, 20) Isinulat ni Pablo: Tayahin nawa kami ng tao bilang mga nasasakupan ni Kristo at mga katiwala ng mga sagradong lihim ng Diyos. (1 Cor. 4:1) Kinilala ni Pablo na isa siyang katiwala ng mga sagradong lihim, o katotohanan sa Bibliya, at pananagutan niyang ibahagi ito sa iba gaya ng iniutos ng Panginoong Jesu-Kristo.1 Cor. 9:16. 14 Ang pagbabahagi ng katotohanan sa iba ay isang paraan ng pagpapakita ng pag-ibig. Siyempre pa, hindi pare-pareho ang kalagayan ng bawat Kristiyano. Iba-iba ang kaya nating gawin sa ministeryo. Nauunawaan iyan ni Jehova. Ang importante ay gawin natin ang
13, 14. Anong pananagutan ang ibinigay sa lahat ng Kristiyano? Ano ang dapat nating maging pangmalas dito?
11
ating buong makakaya. Sa gayoy nagpapakita tayo ng walang-pag-iimbot na pag-ibig sa Diyos at sa ating kapuwa.
ANG KAHALAGAHAN NG PAGIGING TAPAT
Ang ikatlong simulain na may malapit na kaugnayan sa dalawang nauna ay: Dapat tayong maging tapat at mapagkakatiwalaan. Baka ang isang katiwala ay maraming mabubuting katangian at kakayahan. Pero walang silbi ang mga ito kung iresponsable siya o dimatapat sa kaniyang panginoon. Kailangan ang katapatan para maging mahusay at matagumpay na katiwala. Alalahanin ang isinulat ni Pablo: Ang hinahanap sa mga katiwala ay ang masumpungang tapat ang isang tao. 1 Cor. 4:2. 16 Kung tapat tayo, tiyak na gagantimpalaan tayo. Pero kung hindi, maiwawala na15
tin ang pagsang-ayon ng Diyos. Makikita natin ang simulaing iyan sa ilustrasyon ni Jesus tungkol sa mga talento. Ang mga alipin na may-katapatang ipinangalakal ang salapi ng kanilang panginoon ay tumanggap ng komendasyon at saganang pinagpala. Ang aliping iresponsable sa ipinagkatiwala ng panginoon sa kaniya ay hinatulang balakyot, makupad, at walang kabuluhan. Binawi ang talento na ibinigay sa kaniya, at itinapon siya sa labas.Basahin ang Mateo 25:14-18, 23, 26, 28-30. 17 Sa iba namang pagkakataon, ipinakita ni Jesus ang resulta ng pagiging di-tapat nang sabihin niya: May isang taong mayaman at mayroon siyang isang katiwala, at ang isang ito ay inakusahan sa kaniya ng maaksayang pangangasiwa ng kaniyang mga pagaari. Kaya tinawag niya siya at sinabi sa kaniya, Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ibigay mo ang ulat ng iyong pagiging katiwala, sapagkat hindi ka na makapamamahala
ANG BANTAYAN
12
pa sa bahay. (Luc. 16:1, 2) Nilustay ng katiwala ang ari-arian ng kaniyang panginoon, kaya ipinasiya ng panginoon na palayasin ito. Napakatinding aral iyan para sa atin! Tiyak na ayaw nating maging di-tapat sa mga iniatas sa atin.
TAMA BANG IHAMBING SA IBA ANG ATING SARILI?
18 Tanungin ang sarili, Paano ko minamalas ang aking pagiging katiwala? Bumabangon ang problema kapag inihambing natin ang ating sarili sa iba. Pinapayuhan tayo ng Bibliya: Patunayan ng bawat isa kung ano ang kaniyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng dahilan na magbunyi may kinalaman sa kaniyang sarili lamang, at hindi kung ihahambing sa ibang tao. (Gal. 6:4) Sa halip na ikumpara ang nagagawa natin sa nagagawa ng iba, magpokus tayo sa kaya nating gawin. Makatutulong ito para maiwasan natin ang pagmamalaki, o kaya naman ay ang panghihina ng loob. Kapag sinusuri natin ang ating sarili, kilalanin natin na nagbabago ang ating kalagayan. Baka hindi na natin nagagawa ang gaya ng dati dahil sa humihinang kalusugan, pagkakaedad, o iba pang pananagutan. Sa kabilang dako naman, baka makagagawa pa tayo nang higit kaysa sa ginagawa natin sa kasalukuyan. Kung gayon, bakit hindi natin subukang dagdagan pa iyon? 19 Isaalang-alang din ang mga pananagutang gusto nating makamit. Halimbawa, baka gusto ng isang brother na maglingkod bilang elder sa kongregasyon o magkabahagi sa mga asamblea at kombensiyon. Hindi masamang magsikap na maging kuwalipikado sa gayong mga pribilehiyo, pero hindi tayo dapat panghinaan ng loob kung hindi ito dumating sa panahong inaasahan natin. Sa mga kadahilanang hindi natin nauunawaan, may mga pribilehiyong hindi agad ipinagka-
kaloob sa atin. Tandaan na waring handanghanda na si Moises na pangunahan ang mga Israelita sa paglabas sa Ehipto, pero kinailangan niyang maghintay nang 40 taon bago gawin iyon. Dahil dito, nagkaroon siya ng sapat na panahon na malinang ang mga katangiang kailangan para pangunahan ang isang bayang matigas ang leeg at mapaghimagsik. Gawa 7:22-25, 30-34. 20 Kung minsan, baka hindi talaga ipagkaloob sa atin ang isang pribilehiyo. Ganiyan ang nangyari kay Jonatan. Dahil anak siya ni Saul, nakahanay sana siyang maging hari sa buong Israel. Pero pinili ng Diyos si David, na mas nakababata kay Jonatan, para maging hari. Paano tumugon si Jonatan? Tinanggap niya ito at sinuportahan si David, kahit nanganib ang buhay niya. Sinabi niya kay David: Ikaw ang magiging hari sa Israel, at ako ang magiging ikalawa sa iyo. (1 Sam. 23:17) Nakikita mo ba ang aral dito? Tinanggap ni Jonatan ang kaniyang sitwasyon, at di-gaya ng kaniyang ama, hindi siya nainggit kay David. Kaya pagtuunan natin ng pansin ang mga pananagutan natin, sa halip na mainggit sa atas ng iba. Makatitiyak tayo na sa bagong sanlibutan, titiyakin ni Jehova na masasapatan ang wastong nasa ng lahat ng kaniyang lingkod. 21 Tandaan natin na bilang pinagkakatiwalaang katiwala, hindi tayo dumaranas ng mi serableng pagkaalipin na puno ng paniniil at pagdurusa. Sa kabaligtaran, marangal ang ating posisyon dahil ipinagkatiwala sa atin ang di-na-mauulit na gawainang paghahayag ng mabuting balita sa mga huling araw ng sistemang ito ng mga bagay. Mayroon tayong malaking kalayaan kung paano natin gagampanan ang ating pananagutan. Kung gayon, naway maging tapat na mga katiwala tayo at pakaingatan natin ang pribilehiyong maglingkod sa pinakadakilang Persona sa buong uniberso.
20. Anong aral ang matututuhan natin kay Jonatan? 21. Ano ang dapat nating maging pangmalas sa pagiging katiwala natin?
sarili?
19. Bakit hindi tayo dapat panghinaan ng loob kung
13
Bago namin nalaman ang katotohanan sa Bibliya, sumailalim kaming mag-asawa sa in vitro fertilization sa kagustuhan naming magkaanak. Hindi lahat ng aming pertilisadong itlog (embryo) ay nagamit; ang ilan ay inimbak sa freezer. Dapat pa bang iimbak ang mga ito, o maaari nang itapon?
Isa lang ito sa maraming mabibigat na isyu sa moral na napapaharap sa mga mag-asawang nagpasiyang sumailalim sa in vitro fertilization (IVF). Bawat mag-asawa ay may pananagutang gumawa ng pasiya na magpaparangal kay Jehova. Maaaring makatulong ang ilang impormasyon tungkol sa assisted reproductive technology na ito. Noong 1978, isang babae sa Inglatera ang kaunaunahang nagdalang-tao ng tinatawag na test-tube baby. Bago nito, hindi siya mabuntis dahil barado ang kaniyang mga Fallopian tube, kung kaya hindi makadaloy ang sperm patungo sa kaniyang (mga) selulang itlog. Kumuha sa kaniya ang mga doktor ng isang magulang na selulang itlog, inilagay ito sa isang glass dish, at pinertilisa ito sa pamamagitan ng sperm ng kaniyang asawa. Pagkatapos, ang nabuong embryo ay hinayaang madebelop sa tulong ng mga sustansiya at saka inilagay sa kaniyang bahay-bata, kung saan ito kumapit. Di-nagtagal, nagsilang siya ng babaing sanggol. Ang prosesong ito, pati na ang ibat ibang pamamaraang katulad nito, ay tinatawag na in vitro (in glass) fertilization, o IVF. Nagkakaiba-iba ang pamamaraan ng IVF sa bawat bansa, pero karaniwan na, ganito ang mga hakbang na kasangkot: Ang asawang babae ay binibigyan ng matatapang na fertility drug sa loob ng ilang linggo para makagawa ng maraming itlog ang kaniyang mga obaryo. Ang asawang lalaki ay maaaring hingan ng sperm sa pamamagitan ng masturbasyon. Ang mga selulang itlog at ang sperm ay pinagsasama sa laboratoryo. Maaaring mapertilisa ang mahigit sa isang itlog at magsisimulang mahatihati ang mga ito, na magiging mga embryo. Pagkaraan ng isang araw o higit pa, ang mga embryo na ito ay maingat na susuriin para makita kung alin ang may depekto at alin ang mukhang malulusog at mas malamang na kumapit at mabuo. Pagsapit ng mga ikatlong araw, karaniwan nang inililipat sa bahay-bata ng asawang babae hindi lang ang isa kundi dalawa o tatlo sa pinakamagagandang embryo para mas malaki ang tsansang magdalang-tao siya. Kapag kumapit ang isa o higit pa sa mga ito, magbubuntis siya, at sa kalaunan ay manganganak.
Ang mga Kristiyanong napapaharap sa ganitong pagpapasiya ay may pananagutan sa Diyos na gamitin ang kanilang budhing sinanay sa Bibliya
Pero kumusta naman ang mga embryo na hindi inilipat sa bahay-bata, pati na ang mga mukhang di-malusog o may depekto pa nga? Kung pababayaan, ang mga ekstrang embryo na ito ay mamamatay. Kaya bago mangyari iyan, ang mga ito ay maaaring i-freeze sa liquid nitrogen. Bakit? Ang ilan sa reserbang embryo na ito ay magagamit, sa mas mababang halaga, sakaling hindi magtagumpay ang unang ginawang IVF. Pero nagbabangon ito ng ilang usapin sa moral. Tulad ng mag-asawang nagtanong, marami ang nahihirapang magpasiya kung ano ang gagawin sa kanilang mga frozen na embryo. Baka ayaw na nilang magkaanak. Dahil sa edad o pinansiyal na kalagayan ng mga magulang, posibleng hindi na prakti kal na mag-anak pa. Maaaring takot sila sa peligrong dulot ng pagbubuntis ng mahigit sa isang sanggol.1 O baka naging komplikado ang sitwasyon dahil namatay o nag-asawang-muli ang isa sa kanila o pareho sila. Oo, maraming dapat isaalang-alang, at bilang resulta, ang ilang mag-asawa ay maraming taon nang nagbabayad para sa pag-iimbak ng kanilang mga embryo. Noong 2008, isang chief embryologist ang nagsabi sa The New York Times na marami sa mga pasyente ang hindi makapagpasiya kung ano ang gagawin sa mga ekstrang embryo nila. Sinabi ng artikulo: Di-bababa sa 400,000 embryo ang nakaimbak sa mga clinic sa ibat ibang bahagi ng bansa, at marami pa ang nadaragdag araw-araw . . . Ang mga embryo ay maaaring manatiling buhay sa loob ng isang dekada o mahigit pa kung tama ang pagkaka-freeze dito, pero hindi lahat ay nabubuhay kapag inilabas na sa freezer. (Amin ang italiko.) Ang huling nabanggit ay dapat pag-isipan ng mga Kristiyano. Bakit? Maaaring isaalang-alang ng mga mag-asawang Kristiyano na napapaharap sa mga usapin tungkol sa IVF ang mga problemang kasangkot sa isa pang sitwasyong medikal. Ang isang Kristiyano ay baka kailangang magpasiya kung ano ang gagawin sa isang kapamilya na may taning na ang buhay at umaasa na lang sa articial life support, gaya ng ventilator, para patuloy na makahinga. Ang mga tunay na Kristiyano ay tutol sa pagpapabaya sa pasyente. Kasuwato ng
1 Paano kung ang nabuong fetus ay tila abnormal, o kaya naman ay mahigit sa isang embryo ang kumapit? Ang sinasadyang pagkitil sa embryo ay katumbas ng aborsiyon. Sa IVF, karaniwan ang pagbubuntis ng mahigit sa isa (kambal, triplet, o higit pa rito), na may kasamang dagdag na peligro, gaya ng panganganak nang kulang sa buwan at pagdurugo. Ang babaing nasa ganitong kalagayan ay baka payuhang sumailalim sa selective reduction, anupat pahihintulutan niyang patayin ang isa o higit pa sa mga fetus. Ito ay aborsiyon, na katumbas ng pagpaslang.Ex. 21:22, 23; Awit 139:16.
15
Exodo 20:13 at Awit 36:9, mataas ang pagpapahalaga nila sa buhay. Ganito ang sabi ng Awake! ng Mayo 8, 1974: Dahil sa paggalang nila sa pangmalas ng Diyos sa kabanalan ng buhay, paggalang sa kanilang budhi, at bilang pagsunod sa mga batas ng pamahalaan, ang mga nagnanais mamuhay ayon sa mga simulain ng Bibliya ay hinding-hindi babaling sa positive euthanasia, kung saan sinasadyang wakasan ang buhay ng pasyente. Pero sa ilang sitwasyon, life-support technology na lang ang bumubuhay sa isang pasyente. Ang mga miyembro ng pamilya ay dapat magpasiya kung itutuloy o ihihinto nila ang articial life support na iyon. Totoo na naiiba ang sitwasyon nila sa mag-asawang gumamit ng IVF at ngayon ay may nakaimbak na mga embryo. Pero ang isang opsyon ay ang alisin ang mga embryo mula sa nitrogen freezer. Sa labas ng artipisyal na kapaligiran ng freezer, ang mga embryo ay mamamatay. Kailangang magpasiya ang mag-asawa kung pahihintulutan nila ito.Gal. 6:7. Maaaring ipasiya ng isang mag-asawa na magbayad para sa pag-iimbak ng kanilang mga frozen na embryo o para magamit ang mga ito kung gusto pa nilang magkaanak sa pamamagitan ng IVF sa hina-
harap. Pero baka magpasiya ang ibang mag-asawa na ihinto na ang pag-iimbak sa kanilang mga frozen na embryo, anupat itinuturing na nabubuhay lang ang mga ito sa pamamagitan ng artipisyal na pamamaraan. Ang mga Kristiyanong napapaharap sa ganitong pagpapasiya ay may pananagutan sa Diyos na gamitin ang kanilang budhing sinanay sa Bibliya. Dapat nilang maging tunguhin na magkaroon ng malinis na budhi, at kasabay nito ay huwag ipagwalang-bahala ang budhi ng iba.1 Tim. 1:19. Natuklasan ng isang eksperto sa reproductive endocrinology na karamihan sa mga mag-asawa ay nalilito pero nakadarama ng pananagutang magpasiya kung ano ang gagawin sa kanilang mga [frozen na] embryo. Ganito ang konklusyon niya: Para sa maraming mag-asawa, parang walang magandang desisyon. Maliwanag, dapat pag-aralan ng mga tunay na Kristiyanong nagbabalak sumailalim sa IVF ang seryosong implikasyon ng teknolohiyang ito. Nagpapayo ang Bibliya: Matalino ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli, ngunit ang mga walang-karanasan ay dumaraan at daranas ng kaparusahan.Kaw. 22:3.
Isang lalakit babaing nagsasama nang di-kasal ang nag-aaral ng Bibliya at gustong magpabautismo. Pero hindi sila makapagpakasal dahil ang lalaki ay ilegal na naninirahan sa bansa. Hindi pinahihintulutan ng pamahalaan na makasal ang mga ilegal na dayuhan. Maaari ba silang lumagda ng Deklarasyon na Nangangako ng Katapatan at saka magpabautismo?
Parang iyan ang solusyon sa kanilang problema, pero hindi ito maka-Kasulatan. Para maintindihan kung bakit, talakayin muna natin kung ano ang Deklarasyon na Nangangako ng Katapatan at kung kailan ito maaaring gamitin. Ang dokumentong ito ay isang kasulatang nilagdaan sa harap ng mga saksi ng lalakit babaing hindi makapagpakasal sa kadahilanang tatalakayin natin. Kapag lumagda sila sa dokumentong ito, sumusumpa sila sa harap ng Diyos at ng mga tao na magiging tapat sila sa isat isa at magpapakasal kung posible na ito. Kaya sa paningin ng kongregasyon, sila ay mag-asawa na parang legal na ikinasal. Kailan ginagamit ang Deklarasyon na Nangangako ng Katapatan? Si Jehova ang nagtatag ng kaayusan ng pag-aasawa at mataas ang pagpapahalaga niya rito. Sinabi ng kaniyang Anak: Ang pinagtuwang ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao. (Mat. 19:5, 6; Gen. 2:22-24) Idinagdag pa ni Jesus: Ang sinumang dumiborsiyo sa kaniyang asawang babae, maliban sa saligan ng pakikiapid [seksuwal na imoralidad], at mag-asawa ng iba ay
DISYEMBRE 15, 2012
16
nangangalunya. (Mat. 19:9) Samakatuwid, tanging ang pakikiapid, o sa ibang pananalita, seksuwal na imoralidad, ang maka-Kasulatang saligan na maaaring pumutol sa ugnayan ng mag-asawa. Halimbawa, kung ang asawang lalaki ay nakipagtalik sa hindi niya asawa, ang kaniyang pinagkasalahang kabiyak ay maaaring magpasiya kung makikipagdiborsiyo sa kaniya o hindi. Kapag nakipagdiborsiyo ito sa kaniya, malaya na itong mag-asawa ng iba. Pero sa ilang lupain, lalo na noong nagdaang mga panahon, hindi kinikilala ng pangunahing relihiyon ang malinaw na pamantayang ito ng Bibliya. Sa halip, itinuturo nila na hindi puwedeng magdiborsiyo ang mag-asawa sa anumang kadahilanan. Kaya naman, sa mga lugar kung saan napakalakas ng impluwensiya ng simbahan, ang batas ng pamahalaan ay walang probisyon para sa diborsiyo, kahit sa lehitimong saligan na binanggit ni Jesus. Sa ibang bansa naman, may diborsiyo, pero napakatagal, napakasalimuot, at napakahirap ng proseso ng pagkuha nito. Baka abutin nang maraming taon bago makakuha ng diborsiyo. Para bang hinahadlangan ng simbahan o ng pamahalaan ang bagay na tinatanggap ng Diyos.Gawa 11:17. Halimbawa, ipagpalagay na isang lalakit babae ang nakatira sa bansa kung saan walang diborsiyo o napakahirap kumuha nito, anupat aabutin nang maraming taon bago mapagtibay. Kung ginawa na nila ang lahat ng makatuwirang pagsisikap para tapusin ang dating pagpapakasal at kuwalipikado silang mag-asawa sa paningin ng Diyos, maaari silang lumagda ng Deklarasyon na Nangangako ng Katapatan. Ang probisyong iyan ay isang maawaing kaayusan ng kongregasyong Kristiyano sa gayong mga bansa. Pero hindi ito probisyon na magagamit sa karamihan ng mga bansa kung saan posible naman
ang diborsiyo, kahit pa magastos o masalimuot ang proseso ng pagkuha nito. Palibhasay di-nauunawaan ang layunin ng Deklarasyon na Nangangako ng Katapatan, itinanong ng ilang nakatira sa mga lugar na may diborsiyo kung maaari silang lumagda ng dokumentong ito para hindi na sila mapaharap sa anumang problema o abala. Sa kasong nabanggit sa tanong, ang lalakit babae na nagsasama ay gusto nang magpakasal. Dahil hindi naman sila kasal sa iba, pareho silang malayang mag-asawa ayon sa Kasulatan. Pero ang lalaki ay ilegal na naninirahan sa bansa, at hindi pinahihintulutan ng pamahalaan ang pagpapakasal ng mga ilegal na dayuhan. (Sa maraming bansa, pinapayagan ng mga awtoridad ang kasal kahit ang isa o dalawang partido ay parehong ilegal na naninirahan.) Sa kasong pinag-uusapan, mayroon namang probisyon para sa diborsiyo sa bansang tinitirhan nila. Kaya naman, hindi opsyon ang paglagda sa Deklarasyon na Nangangako ng Katapatan. Pansinin na hindi naman kailangang kumuha ng diborsiyo ang sinuman sa kanila. Pareho silang malayang makapag-asawa. Pero paano sila makapagpapakasal kung ilegal ang katayuan ng lalaki sa bansang iyon? Maaari silang pumunta sa ibang bansa kung saan hindi makahahadlang ang kaniyang katayuan. O baka naman maaari silang makasal sa bansang tinitirhan nila ngayon kung ang lalaki ay gagawa ng mga hakbang para maging legal ang paninirahan niya roon. Oo, maiaayon ng dalawang ito ang kanilang pamumuhay sa mga pamantayan ng Diyos at sa batas ni Cesar. (Mar. 12:17; Roma 13:1) Sanay gawin nila ito. Pagkatapos, maaari silang maging kuwalipikado sa bautismo.Heb. 13:4.
Nabasa mo bang mabuti ang nakaraang mga isyu ng Bantayan? Tingnan kung masasagot mo ang mga sumusunod:
Paano natin iiwasan ang apoy ng walang-ingat na pananalita? Saan sumasagisag ang pitong bituin sa kanang kamay ni Jesus na binanggit sa Apocalipsis 1:16, 20?
Dapat nating suriin ang ating puso. Sa halip na maging mapamintas sa ating kapatid, suriin kung bakit gayon ang ating saloobin. Pinipintasan ba natin siya para mas mapansin ang mabubuting bagay na nagawa natin? Ang pamimintas ay lalo lang magpapalala sa maigting na sitwasyon.8/15, pahina 21.
Sumasagisag ang mga ito sa pinahirang mga tagapangasiwa, at maaari ding tumukoy sa lahat ng tagapangasiwa sa kongregasyon.10/15, pahina 14.
Ang mga babaing Israelita ay may malaking kalayaan at may karapatan sa edukasyon. Dapat silang parangalan at igalang, anupat ipinagsasanggalang ang kanilang mga karapatan.9/1, pahina 5-7.
Yamang papalapit na ang araw ni Jehova, anong mga pangyayari ang malapit nang maganap?
Ipoproklama ang Kapayapaan at katiwasayan! Sasalakayin at pupuksain ng mga bansa ang Babilonyang Dakila. Sasalakayin ang bayan ng Diyos. Magaganap ang digmaan ng Armagedon, na susundan ng paghahagis kay Satanas at sa kaniyang mga demonyo sa kalaliman.9/15, pahina 4.
Dapat pag-usapan ng mag-asawa ang tungkol sa kanilang utang nang tapatan at mahinahon. Makatutulong din kung aalamin nila ang kanilang badyet. Madaragdagan ba nila ang kanilang kita, o mababawasan ang kanilang gastusin bilang pamilya? Dapat nilang alamin kung alin ang kailangan nilang unang bayaran, at marahil, subukang makipag-usap sa mga pinagkakautangan tungkol sa pagbabayad. Pero dapat silang maging makatotohanan at magkaroon ng tamang pangmalas sa pera. (1 Tim. 6:8) 11/1, pahina 19-21.
Ano ang mga pakinabang ng hindi pagkaalam kung kailan darating ang wakas?
Dahil hindi natin alam ang eksaktong araw o oras ng pagdating ng wakas, maipakikita natin kung ano talaga ang laman ng ating puso. Nagbibigay ito sa atin ng pagkakataong mapagalak ang puso ng Diyos. Napasisigla tayong maging mapagsakripisyo at tinutulungan tayong lubusang manalig sa Diyos at sa kaniyang Salita. Bukod diyan, napatitibay ng mga pagsubok ang ating pananampalataya.9/15, pahina 24-25.
Sinasabi ng mga talatang iyon na ang sinumang may dila ng mga naturuan ay hindi babaling sa kabilang direksiyon. Naging mapagpakumbaba si Jesus at maingat na nakinig sa itinuturo sa kaniya ng kaniyang Ama. Gustung-gusto niyang matuto mula kay Jehova. Tiyak na pinagmasdan din niya kung paano nagpakita si Jehova ng kapakumbabaan at awa sa makasalanang sangkatauhan.11/15, pahina 11.
Paano nagsilbing patotoo sa katapatan ng mga Saksi ni Jehova ang espesyal na selyo sa Estonia?
Paano natin magagamit ang Genesis 3:19 para mangatuwiran sa isang taong naniniwala sa impiyerno?
Sinasabi ng teksto na pagkamatay ni Adan, siya ay babalik sa alabok, at hindi mapupunta sa impiyerno.10/1, pahina 13.
Noong 2007, naglabas ang National Post Oce ng isang selyong nagtatampok sa paglipol ni Stalin sa mga Estonian. Ang bilang na 382 sa selyo ay tumutukoy sa bilang ng mga Saksi at ng kanilang mga anak na ipinatapon sa mga kampong piitan sa Russia noong 1951.12/1, pahina 27-28.
DISYEMBRE 15, 2012
18
PAANO MO SASAGUTIN?
GA 30 taon matapos umakyat sa langit si Jesus, lumiham si apostol Pedro sa mga pansamantalang naninirahan na nakapangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia, at Bitinia, sa mga pinili. (1 Ped. 1:1) Ang mga pinili na tinutukoy ni Pedro ay ang mga katulad niyang pinahiran ng banal na espiritu at binigyan ng isang bagong pagsilang tungo sa isang bu hay na pag-asa upang mamahalang kasama ni Kristo sa langit. (Basahin ang 1 Pedro 1:3, 4.) Pero bakit pagkatapos ay tinawag din niya ang mga piniling ito bilang mga dayuhan at mga pansamantalang naninirahan? (1 Ped. 2:11) At yamang mga 1 lang sa bawat 650 aktibong Saksi sa buong daigdig ang nag-aangking pinili at pinahiran, ano ang kahulugan ng sinabi ni Pedro para sa atin sa ngayon? 2 Angkop na tawaging pansamantalang naninirahan ang mga pinahiran noong unang siglo. Gaya ng nalabi ng grupong ito na nabubuhay ngayon, pansamantala lang ang pamumuhay nila rito sa lupa. Si apostol Pablo, na miyembro din ng pinahirang munting kawan, ay nagpaliwanag: Kung para sa atin, ang ating pagkamamamayan ay nasa langit, na mula sa dako ring iyon ay hinihintay natin nang may pananabik ang isang tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Kristo. (Luc. 12:32; Fil. 3:20) Yamang ang pagkamamamayan [ng mga pinahiran] ay nasa langit, iiwan nila ang lupa pagkamatay nila at tatanggap sila ng imortal na buhay sa langit. (Basahin ang Filipos 1:21-23.) Kaya literal silang matatawag na mga pansamantalang naninirahan sa lupang pinamumunuan ni Satanas.
1, 2. Sino ang tinutukoy ni Pedro na mga pinili, at bakit niya sila tinawag na mga pansamantalang naninirahan?
19
Kumusta naman ang ibang mga tupa? (Juan 10:16) Hindi ba mayroon silang matibay at maka-Kasulatang pag-asa na permanenteng manirahan sa lupa? Oo, ang lupa ang magiging tahanan nila magpakailanman! Pero maaari din silang tawagin ngayon bilang mga pansamantalang naninirahan. Sa anong diwa?
3
Hanggat umiiral ang napakasamang sistema ni Satanas, lahat ng tao, kabilang na ang mga Kristiyano, ay patuloy na magdurusa dahil sa paghihimagsik ni Satanas kay Jehova. Mababasa natin sa Roma 8:22: Alam natin na ang buong sangnilalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama hanggang ngayon. Hindi ito kayang lunasan ng mga lider ng daigdig, mga siyentipiko, at mga nagkakawanggawa. 5 Kaya naman mula noong 1914, milyun4
bumabangon?
4. Ano ang hindi kayang lunasan ng mga lider ng
milyon ang nagpasiyang magpasakop kay Kristo Jesus, ang Haring iniluklok ng Diyos. Hindi nila gustong maging bahagi ng sistema ni Satanas. Ayaw nilang maging tagasuporta ng sanlibutan ni Satanas. Sa halip, ginagamit nila ang kanilang buhay at mga tinataglay para sa Kaharian ng Diyos.Roma 14: 7, 8. 6 Ang mga Saksi ni Jehova na nakatira sa mahigit 200 bansa ay mga mamamayang masunurin sa batas. Pero saanman sila nakatira, namumuhay silang parang mga dayuhan. Nananatili silang neutral sa mga isyu sa pulitika at lipunan. Ngayon pa lang, itinuturing na nila ang kanilang sarili bilang mga mamamayan ng bagong sanlibutang ipinangako ng Diyos. Natutuwa sila na malapit nang matapos ang kanilang pansamantalang paninirahan sa di-sakdal na sanlibutang ito. 7 Malapit nang gamitin ni Kristo ang kaniyang awtoridad para puksain ang napakasamang sistema ni Satanas. Aalisin ng sakdal na gobyerno ni Kristo ang kasalanan at pag6. Sa anong diwa masasabing dayuhan ang mga
Saksi ni Jehova?
7. Paano magiging permanenteng naninirahan ang
durusa sa lupa. Aalisin din nito ang lahat ng rebelde sa soberanya ni Jehova. Pagkatapos, ang mga tapat na lingkod ng Diyos ay permanenteng maninirahan sa Paraisong lupa. (Basahin ang Apocalipsis 21:1-5.) Sa panahong iyon, ang sangnilalang ay lubusang palalayain sa pagkaalipin sa kasiraan at magtatamo ng maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.Roma 8:21.
ANO ANG INAASAHAN SA MGA TUNAY NA KRISTIYANO?
8 Ipinaliwanag ni Pedro kung ano ang inaasahan sa mga Kristiyano nang sabihin niya: Mga minamahal, pinapayuhan ko kayo bilang mga dayuhan at mga pansamantalang naninirahan na patuloy na umiwas mula sa mga pagnanasa ng laman, na siya mismong nakikipagbaka laban sa kaluluwa. (1 Ped. 2:11) Ang payong ito ay para sa mga pinahirang Kristiyano, pero kapit din ito sa ibang mga tupa ni Jesus. 9 May ilang pagnanasa na hindi naman masama kapag sinasapatan ayon sa kalooban ng Maylalang. Sa katunayan, ang mga ito ay nakadaragdag ng kasiyahan sa buhay. Halimbawa, normal na pagnanasa ang masiyahan sa pagkain at inumin, maglibang, at makihalubilo sa mabubuting kaibigan. Normal din ang magnasa ng seksuwal na kaluguran sa sariling kabiyak. (1 Cor. 7:3-5) Pero ang tinutukoy ni Pedro ay ang mga pagnanasa ng laman na nakikipagbaka laban sa kaluluwa. Sa ilang bersiyon ng Bibliya, tinukoy ito bilang masasamang hilig ng katawan (Magandang Balita Biblia) o makasalanang pagnanasa (New International Version). Maliwanag na kailangan nating kontrolin ang anumang pagnanasa na salungat sa kalooban ni Jehova at makasisira sa ating kaugnayan sa kaniya. Kung hin-
di, manganganib ang ating kaluluwa, o buhay. 10 Gusto ni Satanas na pahinain ang determinasyon ng mga tunay na Kristiyano na patuloy na mamuhay bilang mga pansamantalang naninirahan sa kasalukuyang sistema. Gusto niya tayong maging materyalistiko, mahulog sa imoralidad, maghangad ng katanyagan, maging maka-ako, at maging nasyonalistiko. Pero tandaan natin na mga silo ito ni Satanas. Kung lalabanan natin ang masasamang pagnanasa na ito, ipinakikita natin na ayaw nating maging bahagi ng balakyot na sanlibutan ni Satanas. Pinatutunayan natin na tayo ay mga pansamantalang naninirahan sa sanlibutang ito. Ang talagang gusto natin ay permanenteng manirahan sa matuwid na bagong sanlibutan ng Diyos. At pinagsisikapan nating makamit iyan.
MAINAM NA PAGGAWI
11 Ipinaliwanag pa ni Pedro kung ano ang inaasahan sa mga Kristiyanong pansamantalang naninirahan. Sinabi niya sa talata 12: Panatilihing mainam ang inyong paggawi sa gitna ng mga bansa, upang, sa bagay na sinasalita nila laban sa inyo na gaya ng mga manggagawa ng kasamaan, luwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng kaniyang pagsisiyasat bilang resulta ng inyong maiinam na gawa na dito sila ay mga saksi. Kung minsan, ang mga banyaga, o mga naninirahan sa ibang bansa, ay pinipintasan. Baka ituring silang masasamang tao dahil lang sa naiiba ang kanilang pagsasalita, pagkilos, pananamit, o hitsura pa nga. Pero kung mainam ang kanilang paggawi, makikita ng iba na walang basehan ang mga akusasyon sa kanila.
8, 9. Ano ang ibig sabihin ni Pedro nang sabihin niyang umiwas mula sa mga pagnanasa ng laman? DISYEMBRE 15, 2012
tanas para maging bahagi ng sanlibutang ito ang mga Kristiyano? 11, 12. Ano ang turing ng ilang tao sa mga banyaga? Ano ang pananaw ng ilan tungkol sa mga Saksi ni Jehova?
21
Sa katulad na paraan, ang mga tunay na Kristiyano ay naiiba sa mga tagasanlibutan pagdating sa pagsasalita, pagpili ng libangan, pananamit, at pag-aayos. Dahil dito, baka ang ilan ay magsalita nang laban sa kanila. Pero maaari din silang papurihan ng iba dahil sa kanilang paraan ng pamumuhay. 13 Oo, ang ating mainam na paggawi ay tutulong sa iba na makitang walang basehan ang mga akusasyon sa atin. Kahit si Jesus, ang kaisa-isang taong nagpakita ng sakdal na pagkamasunurin sa Diyos, ay naging biktima ng maling paratang. Sinabi ng ilan na siyay isang taong matakaw at mahilig uminom ng alak, kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan. Pero dahil sa kaniyang mainam na paggawi, napatunayang hindi siya ganoong klase ng tao. Ang karunungan ay pinatutunayang matuwid ng mga gawa nito, ang sabi ni Jesus. (Mat. 11:19) Ganiyan din sa ngayon. Halim12
13, 14. Ano ang ibig sabihin ng pananalitang ang karunungan ay pinatutunayang matuwid ng mga gawa nito? Magbigay ng mga halimbawa.
bawa, para sa mga taong nakatira malapit sa Bethel sa Selters, Germany, kakatwa ang paraan ng pamumuhay ng mga kapatid na naglilingkod sa Bethel. Pero ipinagtanggol sila ng mayor doon: May sariling paraan ng pamumuhay ang mga Saksing naglilingkod doon, pero hinding-hindi sila nakakagambala sa komunidad. 14 Ganiyan din ang naging konklusyon kamakailan may kaugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa Moscow, Russia. Maraming ibinabatong paratang sa kanila. Pero noong Hunyo 2010, ang European Court of Human Rights sa Strasbourg, France, ay nagbaba ng ganitong desisyon: Nakita ng Korte na hindi makatuwiran ang panghihimasok [ng Moscow] sa karapatan [ng mga Saksi ni Jehova] sa kalayaan sa relihiyon at sa pagtitipon. Ang mga lokal na hukuman ay walang naiharap na matibay at sapat na katibayan na ang organisasyong umapela ay nagkasala, halimbawa, ng pagsira ng mga pamilya, pag-uudyok sa mga tao na magpakamatay, o pagtangging magpagamot. Sinabi rin ng korte na ginamit ng lokal na mga hukuman ang mahihigpit na batas ng Moscow para gipitin ang mga Saksi ni Jehova.
WASTONG PAGPAPASAKOP
Nakatulong ang katotohanan sa Bibliya para magkaisa ang pamilyang ito sa Russia
15
Ang mga Saksi ni Jehova, hindi lang sa Moscow kundi sa buong daigdig, ay sumusunod sa isa pang kahilingang binanggit ni Pedro para sa mga Kristiyano. Isinulat niya: Alang-alang sa Panginoon ay magpasakop kayo sa bawat gawa ng tao: maging sa hari bilang nakatataas o sa mga gobernador. (1 Ped. 2:13, 14) Ang mga tunay na Kristiyano ay hindi bahagi ng napakasamang sanlibutang ito. Pero gaya ng tagubilin sa kanila ni Pablo, kusang-loob silang nagpapasakop sa mga pamahalaang inilagay ng Diyos
15. Anong simulain sa Bibliya ang sinusunod ng
22
ANG BANTAYAN
sa kanilang relatibong mga posisyon.Basahin ang Roma 13:1, 5-7. 16 Bagaman ang mga Saksi ni Jehova ay namumuhay bilang mga pansamantalang naninirahan sa kasalukuyang sistema ng mga bagay, hindi nila ito ginagawa bilang paglaban sa gobyerno o pagbatikos sa ibang tao. Kinikilala nila na ang bawat indibiduwal ay may kani-kaniyang opinyon pagdating sa pulitika o sa paglutas sa mga suliranin sa lipunan. Di-tulad ng ibang relihiyon, ang mga Saksi ni Jehova ay hindi nakikialam sa pulitika. Hindi nila dinidiktahan ang mga awtoridad kung paano pamamahalaan ang taong-bayan. Walang basehan na isiping maghahasik sila ng kaguluhan sa lipunan o magrerebelde sa gobyerno! 17 Kasuwato ng sinabi ni Pedro na magbigay-dangal sa hari, sinusunod ng mga Kristiyano ang mga lider ng gobyerno. Sa ganitong paraan, ipinakikita nila ang paggalang at karangalang nauukol sa mga ito. (1 Ped. 2:17) Kinikilala ng ilang opisyal na wala silang dahilan para isiping banta sa lipunan ang mga Saksi ni Jehova. Halimbawa, ang pulitikong si Steen Reiche, dating ministro ng gabinete sa estado ng Brandenburg, Germany, at naging miyembro ng parlamento sa bansang iyon, ay nagsabi: Makikita sa paggawi ng mga Saksi ni Jehova sa mga kampo at bilangguan ang mga katangian na, ngayon gaya rin noon, ay napakahalaga para sa pagiral ng demokratiko at konstitusyonal na estado: samakatuwid nga, ang kanilang paninindigan laban sa SS at ang kanilang habag sa mga kapuwa bilanggo. Ngayong tumitindi ang kalupitan laban sa mga banyaga at sa mga taong may naiibang ideolohiya o opinyon sa pulitika, lalong kailangan ng bawat mamamayan ng ating bansa ang mga katangiang ito.
16, 17. (a) Ano ang katibayan na hindi tayo kontra
PAGPAPAKITA NG PAG-IBIG
Isinulat ni apostol Pedro: Magkaroon ng pag-ibig sa buong samahan ng mga kapatid, matakot sa Diyos. (1 Ped. 2:17) Ang mga Saksi ni Jehova ay may-takot sa Diyostakot silang gumawa ng mga bagay na di-nakalulugod sa kaniya. Ito rin ang nag-uudyok sa kanila na gawin ang kaniyang kalooban. Maligaya silang maging bahagi ng pandaigdig na samahan ng mga kapatid na pawang naglilingkod kay Jehova. Hindi kataka-takang iniibig nila ang buong samahan ng mga kapatid. Bihira na sa sanlibutan sa ngayon ang nagpapakita ng gayong pag-ibig na pangkapatid, kaya nagugulat ang ilang di-Saksi kapag naoobserbahan ito. Halimbawa, isang tour guide na nagtatrabaho sa isang travel agency ng Amerika ang namangha sa pag-ibig at pag-aasikaso ng mga Saksi na taga-Germany sa mga banyagang delegado sa isang internasyonal na kombensiyon doon noong 2009. Sinabi niya na ibang-iba ang mga Saksi sa lahat ng grupong nai-tour niya. Nang maglaon, ganito ang sinabi ng isa sa mga Saksi: Masiglang-masigla siya at manghang-mangha habang nagkokomento tungkol sa atin. Sa mga kombensiyong nadaluhan mo, nakarinig ka na rin ba ng gayong positibong mga komento tungkol sa mga Saksi? 19 Gaya ng natutuhan natin, ipinakikita ng mga Saksi ni Jehova sa maraming paraan na talagang namumuhay sila bilang mga pansamantalang naninirahan sa kasalukuyang sistema ni Satanas. Maligaya nila itong ginagawa at determinado silang patuloy na gawin ito. Matibay ang kanilang pag-asa na malapit na silang permanenteng manirahan sa matuwid na bagong sanlibutan ng Diyos. Pinananabikan mo ba iyan?
18
18. (a) Bakit hindi kataka-takang iniibig natin ang buong samahan ng mga kapatid? (b) Ano ang napansin ng ilang tao sa mga Saksi ni Jehova? 19. Ano ang dapat maging determinasyon natin, at bakit?
23
PAANO MO SASAGUTIN?
Ano ang pangmalas ng ilang tao sa mga banyaga, pero paano naiiba ang pangmalas ng Bibliya?
AYA ng ipinakita sa naunang artikulo, may mga taong humahamak sa mga banyaga, o dayuhan. Pero kawalang-galang na isiping nakabababa sa atin ang mga tao mula sa ibang bansa. Nagpapahiwatig din iyan ng kawalang-alam. Ganito ang sabi ng publikasyong The Races of Mankind: Ang mga lahi ng sangkatauhan ay gaya ng sabi ng Bibliyamagkakapatid. Karaniwan nang magkakaiba ang magkakapatid, pero magkakapatid pa rin sila. 2 Saanmang bansa tayo nakatira, may mga banyaga. Ganiyan din noong panahon ng sinaunang mga Israelita, na naging pantanging bayan ng Diyos na Jehova sa pamamagitan ng tipang Kautusan. Bagaman limitado lang ang karapatan ng mga di-Israelita, ang mga Israelita ay obligadong makitungo sa kanila nang patas at may paggalang. Napakagandang halimbawa nito para sa atin! Hindi dapat magpakita ng diskriminasyon o pagtatangi ang mga tunay na Kristiyano. Bakit? Sinabi ni apostol Pedro: Tunay ngang napaguunawa ko na ang Diyos ay hindi nagtatangi, kundi sa bawat bansa ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay kaayaaya sa kaniya.Gawa 10: 34, 35. 3 Ang mga banyaga sa sinaunang Israel ay nakinabang sa pakikisama sa likas na mga Israelita. Iyan ang kalooban ni Jehova, gaya ng ipinahiwatig ni apostol Pablo nang maglaon: Siya ba ay Diyos ng mga Judio lamang? Hindi ba gayundin siya sa mga tao ng mga bansa? Oo, sa mga tao rin ng mga bansa.Roma 3:29; Joel 2:32.
1. Ano ang pangmalas ng ilang tao sa mga banyaga? Bakit hindi ito tama? 2, 3. Ano ang pangmalas ni Jehova sa mga banyaga?
24
Nang itatag ng Diyos ang bagong tipan, ang likas na bansang Israel ay hinalinhan ng kongregasyon ng mga pinahirang Kristiyano bilang pantanging bayan niya. Kaya naman tinatawag itong Israel ng Diyos. (Gal. 6:16) Ipinaliwanag ni Pablo na sa bagong bansang ito, walang Griego ni Judio, pagtutuli ni di-pagtutuli, banyaga, Scita, alipin, taong laya, kundi si Kristo ang lahat ng bagay at nasa lahat. (Col. 3:11) Sa diwang iyan, walang maituturing na banyaga sa kongregasyon ng mga pinahirang Kristiyano. 5 Pero baka sumagi sa isip ng iba ang kabanata 61 ng Isaias, na naglalaman ng isang hulang natutupad sa kongregasyong Kristiyano. Binabanggit sa talata 6 ng kabanatang iyon ang mga maglilingkod bilang mga saserdote ni Jehova. Pero sinasabi sa talata 5 na may mga banyaga na makikipagtulungan at gagawang kasa4
Diyos?
5, 6. (a) Anong tanong ang maaaring bumangon hinggil sa Isaias 61:5, 6? (b) Sino ang mga saserdote ni Jehova at ang mga banyaga na binanggit ni Isaias? (c) Ano ang pagkakatulad ng dalawang grupong ito?
ma ng mga saserdote na iyon. Paano natin ito dapat unawain? 6 Ang mga saserdote ni Jehova ay ang mga pinahirang Kristiyano na may bahagi sa unang pagkabuhay-muli at magiging mga saserdote ng Diyos at ng Kristo, at mamamahala . . . bilang mga hari na kasama niya sa loob ng isang libong taon. (Apoc. 20:6) Maraming ibang tapat na Kristiyano ang may makalupang pag-asa. Bagaman gumagawa silang kasama ng mga magli lingkod sa langit at may malapt na pakikipagsamahan sa mga ito, sila ay gaya ng mga banyaga. Maligaya silang sumusuporta at gumagawang kasama ng mga saserdote ni Jehova, anupat naglilingkod bilang makasagisag na mga magsasaka at mga tagapag-alaga ng ubasan. Tinutulungan nila ang mga pinahiran sa espirituwal na pag-aaning nagbibigay-karangalan sa Diyos sa pamamagitan ng pangangaral at pagtuturo ng katotohanan sa iba. Oo, kapuwa ang mga pinahiran at ang ibang mga tupa ay naghahanap ng tapat-pusong mga tao at tinutulungan ang mga ito na maglingkod sa Diyos magpakailanman. Juan 10:16.
Ipinakita sa naunang artikulo na ang mga tunay na Kristiyano ay gaya ng mga banyaga, o mga pansamantalang naninirahan, sa napakasamang sanlibutan ni Satanas. Tulad sila ng tapat na mga lalaki noong unagaya ni Abrahamna inilarawan bilang mga taga-ibang bayan at mga pansamantalang naninirahan sa lupain. (Heb. 11:13) Anuman ang ating pag-asa, maaari tayong magkaroon ng pantanging kaugnayan kay Jehova gaya ni Abraham. Ganito ang paliwanag ni Santiago: Si Abraham ay nanampalataya kay Jehova, at ibinilang itong katuwiran sa kaniya, at siya ay tinawag na kaibigan ni Jehova. Sant. 2:23. 8 Nangako ang Diyos na sa pamamagitan ni Abraham at ng kaniyang mga inapo, ang lahat ng pamilya sa lupahindi lang iisang bansaay pagpapalain. (Basahin ang Genesis 22:15-18.) Bagaman napakalayo pa ng katuparan ng pangakong ito, nagtiwala si Abraham na matutupad ito. Sa mahigit kalahati ng kaniyang buhay, si Abraham at ang kaniyang pamilya ay namuhay nang pagala-gala. Iningatan din niya ang kaniyang pakikipagkaibigan kay Jehova. 9 Bagaman hindi alam ni Abraham kung gaano katagal siya maghihintay bago matupad ang inaasahan niya, hindi nanlamig ang pag-ibig at debosyon niya kay Jehova. Nagpokus siya sa pangako ni Jehova sa halip na permanenteng manirahan sa isang bansa. (Heb. 11:14, 15) Isang katalinuhan na tularan ang halimbawa ni Abraham sa pamama7
gitan ng pamumuhay nang simple at hindi labis na nababahala sa materyal na mga bagay, katayuan sa lipunan, o sekular na karera. Bakit tayo magsisikap na magkaroon ng diumanoy normal na buhay sa sistemang ito na malapit nang magwakas? Bakit natin iibigin ang sanlibutan gayong lilipas din ito? Gaya ni Abraham, ang pag-asa natin ay di-hamak na nakahihigit sa sanlibutang ito. Handa tayong magtiis at maghintay hanggang sa matupad ang ating inaasahan.Basahin ang Roma 8:25. 10 Patuloy pa ring inaanyayahan ni Jehova ang mga tao ng lahat ng bansa na pagpalain ang kanilang sarili sa pamamagitan ng binhi ni Abraham. Ang pinahirang mga saserdote ni Jehova at mga banyaga, o ibang mga tupa, ay nagpapaabot ng paanyayang ito sa mga tao sa buong daigdig sa mahigit 600 wika.
IBIGIN ANG MGA TAO NG LAHAT NG BANSA
7. Bakit natin masasabi na ang mga Kristiyano sa ngayon ay katulad ni Abraham at ng iba pang tapat na mga lalaki noong una? 8. Ano ang ipinangako ni Jehova kay Abraham? Ano ang pangmalas ni Abraham sa pangakong ito? 9, 10. (a) Sa anong mga paraan natin matutularan ang halimbawa ni Abraham? (b) Anong paanyaya ang maaari nating ipaabot sa iba?
Sa pag-aalay ng templo noong 1026 B.C.E., kasuwato ng pangako ni Jehova kay Abraham, nakita ni Solomon na ang mga tao ng lahat ng bansa ay sasama sa pagpuri kay Jehova. Marubdob siyang nanalangin: Gayundin sa banyaga, na hindi bahagi ng iyong bayang Israel at nagmula nga sa malayong lupain dahil sa iyong pangalan (sapagkat maririnig nila ang tungkol sa iyong dakilang pangalan at ang tungkol sa iyong malakas na kamay at ang tungkol sa iyong unat na bisig), at siya ay talagang dumating at manalangin tungo sa bahay na ito, makinig ka nawa mula sa langit, sa iyong tatag na dakong tinatahanan, at gawin mo ang ayon sa lahat ng ipinananawagan sa iyo ng banyaga; upang makilala ng lahat ng bayan sa lupa ang iyong pangalan upang matakot sila sa iyo gaya ng iyong bayang Israel. 1 Hari 8:41-43.
11
11. Ano ang ipinahiwatig ni Solomon hinggil sa mga tao ng mga bansa? ANG BANTAYAN
26
Ang isang banyaga ay isang tao na dumayo o nakatira sa ibang bansa. Masasabing ganiyan ang mga Saksi ni Jehova. Bagaman nakatira sila sa ibat ibang bansa, ang katapatan nila ay para lang sa makalangit na Kaharian ng Diyos at sa Hari nito, si Kristo. Kaya nananatili silang neutral sa pulitika, kahit mapaiba sila sa lipunan. 13 Kung minsan, makikilala ang isang banyaga dahil iba ang kaniyang paraan ng pagsasalita, kaugalian, hitsura, o pananamit. Pero mas mahalagang tingnan ang pagkakatulad, hindi ang pagkakaiba, ng mga tao ng lahat ng mga bansa. Kung aalisin natin sa isip ang mga pagkakaibang ito,
12
12. Bakit maihahalintulad sa mga banyaga ang mga Saksi ni Jehova? 13. (a) Paano natin mababago ang ating pangmalas sa salitang banyaga? (b) Ano ang gusto ng Diyos na maging pangmalas ng mga tao sa isat isa? DISYEMBRE 15, 2012
malamang na hindi na natin ituturing na banyaga ang isang tao. Kung ang lahat ng tao sa lupa ay nasa ilalim ng iisang gobyerno, walang sinuman ang maituturing na banyaga. Sa katunayan, orihinal na layunin ni Jehova na ang lahat ng tao ay magkaisa bilang iisang pamilya sa ilalim ng iisang pamamahalaang kaniyang pamamahala. Posible bang magbago ang pangmalas ng mga tao ng lahat ng bansa sa ngayon para hindi na nila ituring ang iba bilang banyaga? 14 Nabubuhay tayo sa isang sanlibutan kung saan marami ang makasarili at nasyonalistiko. Pero nakatutuwa na may mga indibiduwal na umiibig sa mga tao ng lahat ng bansa. Siyempre pa, hindi madaling baguhin ang pangmalas natin sa ibang tao. Ganito ang komento ni Ted Turner, tagapagtatag ng television network na CNN, tungkol sa mahuhusay na taong nakatrabaho niya mula sa ibat ibang bansa: Napakagandang karanasan na makilala ang mga taong ito. Natutuhan kong ituring ang mga tagaibang bansa hindi bilang mga banyaga kundi mga kapuwa mamamayan ng planetang ito. Para sa akin, ang salitang banyaga ay mapanghamak kung kaya ginawa kong patakaran sa CNN na hindi dapat gamitin ang salitang ito sa pagbobrodkast o sa pag-uusap sa loob ng opisina. Sa halip, ang salitang internasyonal ang dapat gamitin. 15 Ang mga Saksi ni Jehova lamang ang tanging grupo sa daigdig na talagang tumutulad sa kaisipan ng Diyos tungkol sa mga tao ng lahat ng bansa. Kaya naman nagbago ang kanilang opinyon at damdamin sa iba. Hindi nila pinagsususpetsahan ang mga taong nagmula sa ibang bansa ni kinapopootan man ang mga ito. Natutuwa silang makita ang ibat ibang uri ng tao na may ibat ibang abilidad. Pinahahalagahan mo ba ang
14, 15. Ano ang nagawa ng mga Saksi ni Jehova bilang isang grupo?
27
nagawang ito ng mga Saksi ni Jehova at ang magagandang epekto nito sa pakikitungo mo sa iba?
ISANG DAIGDIG NA WALANG BANYAGA
Malapit nang makipagbaka ang lahat ng bansa laban kay Jesu-Kristo at sa kaniyang makalangit na mga hukbo sa pangwakas na digmaan na sa Hebreo ay tinatawag na HarMagedon. (Apoc. 16:14, 16; 19:1116
Inaasam-asam mo ba ang panahon kung kailan wala nang hangganan ang mga bansa at wala nang banyaga?
16) Mahigit 2,500 taon na ang nakalilipas, kinasihan si propeta Daniel na ihula ang kahihinatnan ng mga gobyerno ng tao na salungat sa pamamahala ng Diyos: Sa mga araw ng mga haring iyon ay magtatatag ang Diyos ng langit ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. At ang kaharian ay hindi isasalin sa iba pang bayan. Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito, at iyon ay mananatili hanggang sa mga panahong walang takda.Dan. 2:44. 17 Isip-isipin ang magiging kahulugan nito para sa iyo. Sa ngayon, ang lahat ng tao ay maituturing na banyaga dahil may kanikaniyang hangganan ang ibat ibang bansa. Pero pagkatapos ng Armagedon, mawawala na ang mga hangganang iyan. At bagaman magkakaiba pa rin ang hitsura at katangian ng mga tao sa panahong iyon, ipakikita lang nito ang kamangha-manghang pagkakasari-sari ng paglalang ng Diyos. Ang kapana16, 17. Paano ka makikinabang sa katuparan ng
panabik na pag-asang ito ay dapat magpakilos sa ating lahat na patuloy na purihin at parangalan ang ating Maylalang, ang Diyos na Jehova, sa abot ng ating makakaya. 18 Pangarap lang ba ang pagbabagong iyan sa buong daigdig? Hinding-hindi. Makapagtitiwala tayong mangyayari ito. Ngayon pa lang, wala nang itinuturing na mga banyaga sa gitna ng mga Saksi ni Jehova. Halimbawa, kamakailan, pinagsanib ang ilang maliliit na tanggapang pansangay para mapasimple ang pangangasiwa at mapahusay ang mga kaayusan sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian. (Mat. 24:14) Hanggat ipinahihintulot ng batas, hindi hinayaang makasagabal ang hangganan ng mga bansa sa ginawang mga desisyon. Patotoo ito na ginigiba na ni JesuKristoang itinalagang Hari ng Kaharian ng Diyosang mga hangganan ng mga bansa. Malapit na rin niyang lubusin ang kaniyang pananaig!Apoc. 6:2. 19 Bagaman ang mga Saksi ni Jehova ay nagmula sa maraming bansa at nagsasalita ng ibat ibang wika, itinataguyod nila ang dalisay na wika ng katotohanan. Kaya naman nagkakaisa sila at hindi kailanman magkakawatak-watak. (Basahin ang Zefanias 3:9.) Sila ay isang internasyonal na pamilya na namumuhay sa napakasamang sanlibutan pero hindi bahagi nito. Ang pagkakaisa ng pamilyang ito ay patikim lang ng magiging kalagayan ng daigdig sa hinaharapisang daigdig na wala nang banyaga. Sa panahong iyon, buong-pusong kikilalanin ng lahat ang sinipi sa simula ng artikulong ito: Ang mga lahi ng sangkatauhan ay gaya ng sabi ng Bibliyamagkakapatid. The Races of Mankind.
18. Anong halimbawa ang nagpapakita na wala nang itinuturing na mga banyaga sa gitna ng mga Saksi ni Jehova? 19. Ano ang naging posible dahil sa dalisay na wika? ANG BANTAYAN
28
Ganito ang iniulat ng ilang kapatid sa Timog Pasipiko nang matanggap nila ang pinasimpleng edisyon: Ngayon, talagang naiintindihan
DISYEMBRE 15, 2012
na ng mga kapatid ang Bantayan. Sinabi pa sa isang liham: Ang panahon na dating ginagamit sa paghahanap ng kahulugan ng mga salita at pag-unawa sa mga termino ay nagagamit na ngayon sa pag-unawa sa binanggit na mga teksto at kung paano nauugnay ang mga ito sa aralin. Sinabi ng isang sister na college graduate sa Estados Unidos: Sa loob ng 18 taon, nagsasalita at nagsusulat ako gamit ang malalim na pananalita ng mga may mataas na pinagaralan. Nasanay akong magsalita at mag-isip sa komplikadong paraan, kahit hindi naman kailangan. Nakita ko na dapat kong baguhin ang paraan ko ng pag-iisip at pagsasalita. Isa na siyang mabisang ebanghelisador ngayon. Isinulat niya: Malaking tulong sa akin ang pinasimpleng edisyon ng Watchtower. Napakagandang halimbawa nito kung paano
29
Ang panahon na dating ginagamit sa paghahanap ng kahulugan ng mga salita at pag-unawa sa mga termino ay nagagamit na ngayon sa pag-unawa sa binanggit na mga teksto at kung paano nauugnay ang mga ito sa aralin
sasabihin ang mga bagay-bagay sa simpleng paraan. Isang sister sa England na nabautismuhan noong 1972 ang sumulat hinggil sa pinasimpleng edisyon ng Watchtower: Nang basahin ko ang kauna-unahang isyu, pakiramdam koy katabi ko si Jehova, nakaakbay sa akin, at magkasama namin itong binabasa. Para akong isang bata na binabasahan ng kaniyang tatay ng kuwento bago matulog. Ayon naman sa isang sister na Bethelite sa Estados Unidos na mahigit 40 taon nang bautisado, may natututuhan siyang bagong mga bagay dahil sa pinasimpleng edisyon. Halimbawa, sa kahong Some Expressions Explained sa isyu ng Setyembre 15, 2011, ang pananalitang ulap ng mga saksi sa Hebreo 12:1 ay binigyan ng ganitong paliwanag: Hindi mabilang
sa dami. Sinabi niya: Naging mas malinaw sa akin ang kahulugan ng tekstong iyon. Tungkol naman sa lingguhang pagpupulong, sinabi niya: Kahit binabasa lang ng mga bata ang sagot mula sa pinasimpleng edisyon, iba ang mga pananalita nito kaysa sa regular na edisyon ng Watchtower na ginagamit ng karamihan. Kaya naman, bago sa mga tagapakinig ang komento ng mga bata. Isa pang sister na Bethelite ang sumulat: Sabik akong pakinggan ang komento ng maliliit na bata sa kongregasyon. Sa tulong ng pinasimpleng edisyon ng Watchtower, nakakasagot sila mula sa puso. Napapatibay ako sa mga komento nila. Isang sister na nabautismuhan noong 1984 ang nagsabi ng ganito tungkol sa pinasimpleng edisyon: Pakiramdam ko, sinadya itong isulat
DISYEMBRE 15, 2012
30
para sa akin. Napakadaling intindihin ng binabasa ko. Malakas na ang loob kong sumagot sa Pag-aaral sa Bantayan.
MALAKING TULONG SA MGA MAGULANG
Ganito ang sabi ng ina ng isang pitong-taonggulang na batang lalaki: Dati, kapag naghahanda kami para sa Pag-aaral sa Bantayan, napakatagal at nakakapagod ipaliwanag sa kaniya ang maraming pangungusap. Paano nakatulong ang pinasimpleng edisyon? Sumulat siya: Nasorpresa ako dahil nakakasali na siya sa pagbasa ng mga parapo at talagang naiintindihan niya ang mga ito. Dahil magagaan lang ang salita at mas maiikli ang pangungusap, hindi siya nahihirapan. Kayang-kaya na niyang maghanda ng mga komento sa pulong kahit hindi ko siya tinutulungan, at buhos na buhos ang atensiyon niya sa magasin habang pinagaaralan ito. Sumulat naman ang ina ng isang siyam-na taong-gulang na batang babae: Dati, kailangan namin siyang tulungang maghanda ng mga komento niya. Ngayon, kaya na niya itong gawing mag-isa. Halos hindi na namin kailangang ipaliwanag o pasimplehin ang impormasyon. At dahil madali itong maintindihan,
Para sa maraming bata, ang pinasimpleng edisyon ng Watchtower ay ginawa para sa kani la. Ganito ang hiling ng 12-taong-gulang na si Rebecca: Sana ipagpatuloy po ninyo ang bagong edisyon! Sinabi pa niya: Gustung-gusto ko po ang seksiyon na Some Expressions Explained. Kayang-kaya po itong intindihin ng mga bata. Ganiyan din ang nadarama ng pitong-taonggulang na si Nicolette: Dati po, nahihirapan akong intindihin ang Watchtower. Ngayon, mas nakakasagot na po akong mag-isa. Isinulat ng siyam-na-taong-gulang na si Emma: Malaking tulong po ito sa akin at sa kapatid kong anim na taong gulang. Mas marami na po kaming naiintindihan ngayon! Salamat po! Maliwanag na marami ang nakikinabang sa edisyon ng Watchtower na gumagamit ng magagaan na salita at simpleng mga pangungusap. Kaya patuloy itong ilalathala kasama ng regular na edisyon, na isang napakagandang paglalaan mula pa noong 1879.
Nasorpresa ako dahil nakakasali na siya sa pagbasa ng mga parapo at talagang naiintindihan niya ang mga ito
31
JESU-KRISTO
Apokripal na mga Ebanghelyo, 4/1 Bakit Ikinatisod ng mga Judio ang Paraan ng Pagkamatay? 5/1 Kahulugan ng Sumama Nang Dalawang Milya, (Mat 5:41), 4/1 Kailan Naging Hari? 8/1 Krimen ng mga Nakabayubay sa Tabi, 2/1 Paano Aalalahanin ang Kamatayan ni Jesus? 3/1 Pangmalas sa Pulitika, 5/1 Si Jesus ba ang Diyos? 4/1 Sino ang Nagsugo ng Bituin? 4/1 Tanong na Sinagot, 4/1
SAKSI NI JEHOVA
Bakit Nangangaral sa Bahay-bahay? 6/1 Colporteur, 5/15 Edisyon Para sa Pag-aaral (Bantayan), 1/15 European CourtPinagtibay ang Karapatang Tumangging Maglingkod sa Militar (V. Bayatyan), 11/1 Gradwasyon ng Gilead, 2/1, 8/1 Inihandog ang Sarili sa Brazil, 10/15 Inihandog ang Sarili sa Ecuador, 7/15 Ingatan Mo ang Iyong Puso! Pandistritong Kombensiyon, 11/1 Kasaysayan Hindi Nagsisinungaling (Estonia), 12/1 Kung Saan Hindi Hadlang ang mga Hanggahan (Portugal, Espanya, Pransiya), 1/1 Lakas-Loob na Ipinahayag ang Salita ng Diyos! 2/15 Liham Mula sa . . . , 3/1, 6/1, 9/1, 12/1 Makabagong-Panahong mga Aztec, 3/1 May mga Babaing Ministro? 9/1 Mula sa Bibig ng mga Bata (Russia, Australia), 10/15 Naging Takaw-Pansin Ako (Dawn-Mobile), 2/15 Natupad ang Pangarap Ko (pagpapayunir), 7/15 Paano Ako Mangangaral? (paralitiko), 1/15 Paaralang Teokratiko, 9/15 Pag-iingat ng mga Hiyas Mula sa Nakaraan, 1/15 Pilgrim, 8/15 Pinakamagandang Mensahe Kailanman (radyo sa Canada), 11/15 Pinasimpleng Edisyon (Watchtower), 12/15 Pinawi ng Kabaitan ang Hinanakit, 6/15 Pinunan ng Labis ang Kakulangan (kontribusyon), 11/15 Puwede Bang Magpa-picture? (Mexico), 3/15 Taunang Miting, 8/15
TALAMBUHAY
Binuksan ni Jehova ang Aking mga Mata (P. Oyeka), 6/1 Kaigayahan sa Iyong Kanang Kamay Magpakailanman (L. Didur), 3/15 Kapangyarihan ng Salita ng Diyos sa Pamilyang Hindu (N. Govindsamy), 10/1 Kilala Ko Na Ngayon ang Diyos na Sinasamba Ko (M. Bacudio), 9/1 Lihim na Natutuhan sa Sagradong Paglilingkod (O. Randriamora), 6/15 Magkakaibigan sa Loob ng 60 Taon (L. Turner, W. Kasten, R. Kelsey, R. Templeton), 10/15 Malaya Na Ako! (M. Kilin), 12/1 Naging Malapt Ako sa mga May-edad (E. Gjerde), 5/15 Pitumpung-Taong Pagtangan sa Laylayan ng Judio (L. Smith), 4/15 Tinuruan Ako ni Jehova na Gawin ang Kalooban Niya (M. Lloyd), 7/15
BIBLIYA
Binago ang Buhay, 1/1, 2/1, 4/1, 5/1, 7/1, 8/1, 10/1, 11/1 Coverdale at ang Bibliya sa Ingles, 6/1 Nakahula ang Hinaharap? 1/1 Natatangi, 6/1 Pamahiin sa Paggamit, 12/15 Para sa mga Kabataan, 1/1, 4/1, 7/1, 10/1 Swahili, 9/1
SARI-SARI
Abraham, 1/1 Ahasuero (asawa ni Esther), 1/1 Alak sa Panggagamot, 8/1 Altar Para sa Di-kilalang Diyos, 3/1
JEHOVA
Ama, 7/1 Ano ang Gusto Mong Itanong sa Diyos? 11/1 Bakit Dapat Gamitin ang Pangalan? 6/1
www.jw.org /tl
w12 12/15-TG