SCAP Tagalog

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 30
At a glance
Powered by AI
The key takeaways are that Sunday Celebrations in the Absence of a Priest aim to nourish the faithful with the Word of God and Holy Communion every Sunday, even without a priest to celebrate the Eucharist.

The purpose of Sunday Celebrations in the Absence of a Priest is to nourish the faithful every Sunday by the Word of God and Holy Communion, even though the celebration is not a complete one due to the lack of a priest to celebrate the Eucharist.

Some practices that do not conform to the instructions of the Directory include unlawful use of Sunday Celebrations on weekdays, repeating them on the same day, performing them in chapels that are too close to the parish church, and celebrating them in chapels where Mass has already been celebrated or is to be celebrated.

1

Sunday Celebrations in the Absence of a Priest (Tagalog Rite)

Introduction
The Directory Sunday Celebrations in the Absence of a Priest was published by the Congregation for Divine Worship on June 2, 1988. Since then the practice has been a regular feature in several barrio chapels around the country. Although the practice is not the complete celebration of the Lords Day because of the lack of the priest to celebrate the Eucharist, the faithful are nourished every Sunday by the Word of God and Holy Communion. However, in the course of time certain practices have been introduced that do not conform to the instructions of the Directory. Such practices have led some people to believe that Sunday Celebrations have equal value as Holy Mass. Confusions have arisen regarding the role of the lay leader who should in fact act as one among equals and not as a presiding minister. There are reported instances of unlawful use of Sunday Celebrations on a weekday, of repeating them on the same day, of performing them in chapels that are not sufficiently distant from the parish church, and of celebrating them in chapels where Mass has already been celebrated or is to be celebrated. To address such issues and to promote a liturgically correct and spiritually beneficial Sunday Celebrations in the Absence of a Priest, this rite was prepared by Paul VI Institute of Liturgy. It is a revised edition of the previous rite prepared by the same Institute and approved by the Bishops Conference of the Philippines. For now the rite is offered in Tagalog, Cebuano, and Ilocano. The rite indicates useful rubrics to guide the lay leader in the performance of his or her role. It is necessary that the lay leader read them carefully and faithfully observe them. Special attention should be given to the chair of the lay leader in the nave, to the directive not to stand behind the altar except at communion time, to the use of the Lectionary, to the reading of the homily provided by the parish priest, and to the appropriate vessels and vestments. As regards the texts of the celebration, this rite offers formularies for the different seasons of the year such as Ordinary Time, Advent, Lent, Easter, and Solemnities of the Blessed Virgin Mary. The formularies for Christmas and Easter

Triduum are in English awaiting translation in the vernacular. They are found in the Supplement to the Roman Sacramentary for the Dioceses of the Philippines. The formularies have been carefully written to ensure correct doctrine and foster appreciation of the liturgical seasons. Therefore, the lay leader is advised to respect them avoiding unnecessary spontaneity or modifications. It is hoped that the Sunday Celebrations in the Absence of a Priest will inspire the faithful to long for the complete celebration of Sunday through active participation in the Holy Eucharist. It is likewise hoped that Catholics will commit themselves to pray for vocations to the priesthood and to support seminary formation.

That in all things God may be glorified.

PANLINGGONG PAGDIRIWANG

KUNG WALA ANG PARI


(Para sa Gamit ng Laikong Namumuno)
Magsusuot ang namumuno ng damit na nararapat sa kanyang tungkulin. Ilalagak ang Banal na Sakramento sa tabernakulo ng kapilya o bisita. Kung walang tabernakulo, ilalagay ang siboryo sa ibabaw ng altar na may corporal at sisindihan ang dalawang kandila. Nakalagay ang upuan ng namumuno at ng iba pang tagapaglingkod sa lugar ng sambayanan at hindi sa santuaryo.

PASIMULA
Kapag natitipon na ang sambayanan, magpuprusisyon ang namumuno at iba pang mga lingkod patungo sa santuaryo, maninikluhod sa Banal na Sakramento, at magbibigay-galang sa altar habang inaawit ang pambungad na awit. Tutungo ang mga tagapaglingkod sa upuan na nakalaan para sa kanila. Nakaharap sa altar, mag-aantanda ng krus ang namumuno kasama ng bayan, habang sinasambit:

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Bayan:

Amen.

Haharap ang namumuno sa sambayanan, babati sa pamamagitan ng sumusunod na pananalita o katumbas nito:

Mga kapatid, binabati ko kayo sa ngalan ng ating Panginoong Hesukristo. Naririto siya ngayon sa ating piling, sapagkat sinabi niya, Kapag ang dalawa o tatlo ay natitipon sa aking pangalan, akoy nasa piling nila.
Pipili ang namumuno mula sa mga sumusunod:
A

PAGPUPURI SA PANGINOON Sama-sama tayong natitipon ngayon upang ipagdiwang ang Araw ng Panginoon. Purihin natin siya sa kanyang mga kahangahangang gawa. Ang ating tugon: Purihin ang Panginoon!

Namumuno:

Bayan:

Purihin ang Panginoon!

Namumuno:

Dahil Dahil Dahil Dahil Dahil

sa biyaya ng buhay. (tugon) sa biyaya ng pananampalataya. (tugon) sa biyaya ng Banal na Espiritu. (tugon) sa biyaya ng kanyang banal na Salita. (tugon) sa biyaya ng kanyang katawan at dugo sa sakramento ng Eukaristiya. (tugon) Dahil sa pag-ampon sa atin bilang mga anak ng Diyos. Dahil sa pagiging kaanib ng Simbahang apostolika at

(tugon)

katolika. (tugon) Dahil sa pagpapatawad niya sa ating mga kasalanan.


(tugon)

PAPURI SA DIYOS Samasama tayong nagdiriwang ng Araw ng Panginoon. Magbigay-puri tayo sa Banal na Santatlo, sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
o kaya:

Namumuno:

Samasama tayong nagdiriwang ng Araw Panginoon, purihin natin ang kanyang kadakilaan kabutihan.
Bayan:

ng at

Papuri sa Diyos sa kaitaasan

PAGHINGI NG KAPATAWARAN Sa binyag namatay tayo sa kasalanan at naging bagong nilalang. Bagamat nagkasala tayo, nananalig tayo na patuloy na namamagitan si Hesukristo sa harap ng Diyos para sa atin. Kaya, hilingin natin sa Diyos na patawarin tayo sa ating mga kasalanan

Namumuno:

upang maging ganap ang ating pagdiriwang.


Bayan:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS


Aanyayahan ng namumuno ang bayan na pakinggan ang Salita ng Diyos na ipahahayag mula sa Leksiyonaryo. Namumuno:

Mga kapatid, pakinggan natin ang salita ng Diyos, na naghahayag ng kanyang pagmamahal sa atin. Habang nakikinig, damhin natin ang pagmamahal na ito at palalimin ang ating pag-asa at pananampalataya sa Diyos.

UNANG PAGBASA
Tutungo sa ambo ang magpapahayag ng Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Aawitin o bibigkasin ng salmista ang salmo mula sa Leksiyonaryo.

IKALAWANG PAGBASA
Tutungo sa ambo ang magpapahayag ng Salita ng Diyos.

PAGBUBUNYI SA MABUTING BALITA


Tatayo ang lahat upang awitin ang Aleluya, o kaya sa panahon ng Kuwaresma, ang naaangkop na aklamasyon para sa Mabuting Balita.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Tutungo sa ambo ang namumuno upang ipahayag ang Mabuting Balita. Hindi babanggitin ng namumuno ang pagbating Sumainyo ang Panginoon.

PAGBASA NG HOMILIYA
Matapos ipahayag ang Mabuting Balita, babasahin ng namumuno ang inihandang homiliya ng kura paroko. Pagkatapos ng homiliya, saglit na mananahimik ang lahat.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Sama-samang bibigkasin ng lahat ang Pagpapahayag ng Pananampalataya.

PANALANGING PANGKALAHATAN
Darasalin ang Panalanging Pangkalahatan na inihanda ng parokya. Kasama sa mga pagluhog ang Simbahang laganap sa buong daigdig, ang mga pangangailangan ng lokal na sambayanan, mga namumunong sibil, at iba pang mga kahilingan.

BANAL NA PAKIKINABANG
Ihahanda ng namumuno ang altar sa pamamagitan ng paglalagay ng corporal. Sa bahaging ito, sisindihan ang mga kandila. Kukunin ng namumuno ang siboryo mula sa tabernakulo, ilalagay niya ito sa altar at maninikluhod. Pagkatapos, haharap siya sa sambayanan at bibigkasin:

Mga kapatid, sambahin natin ang Panginoong Hesukristo na kapiling natin sa Banal na Sakramento na kanyang inihabilin sa Simbahan bilang buklod ng pagmamahalan at tanda ng pag-ibig at pagkakaisa.
Babalik ang namumuno sa lugar ng sambayanan. Luluhod siya kasama ng sambayanan at maglalaan ng ilang saglit na pagsamba. Maaaring umawit sa karangalan ng Banal na Sakramento.

PAPURIT PASASALAMAT
Pagkatapos ng pagsamba sa Banal na Sakramento, tatayo ang lahat. Nakaharap sa altar, darasalin ng namumuno ang Papurit Pasasalamat:

Amang mapagmahal, ito ang araw ng muling pagkabuhay ng iyong Anak, na aming Panginoong Hesukristo, na siyang nagdulot ng kagalakan sa buong sanlibutan. Ito ang araw nang nagpakita siya sa kanyang mga alagad, upang bigyan sila ng pag-asa at kaginhawahan at pagkalooban ng kapayapaan. Ito ang araw nang nakisalo siya at nagpakilala sa

kanila sa pamamagitan ng paghahati-hati ng tinapay. Kaya nagpupuri kami sa iyo: Parangal at papuri sa iyo, Panginoong Diyos.
Bayan: Namumuno:

Parangal at papuri sa iyo, Panginoong Diyos.

Ama, napakadakila ang iyong pag-ibig sa amin! Tuwing nagtitipon kami, malayo man sa parokya, hindi ka nawawala sa aming piling bagkus higit naming pinananabikan ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya. Sinasamba at pinasasalamatan ka namin sa mga kaloob at kapayapaang handog mo at sa tinapay na nagbibigay buhay. Kaya nagpupuri kami sa iyo.
Parangal at papuri sa iyo, Panginoong Diyos.

Bayan: Namumuno:

Sa kapangyarihan ng iyong Banal na Espiritu, mag-alab nawa sa aming puso ang iyong pagibig. Maalala nawa naming lagi ang itinuro ng iyong bugtong na Anak sa Banal na Kasulatan at makilala nawa namin siya sa banal na sakramento sa altar. Kaya nagpupuri kami sa iyo.
Parangal at papuri sa iyo, Panginoong Diyos.

Bayan: Namumuno:

Kaisa ni N., na aming Papa, ni N., na aming Obispo, ni N., na aming kura paroko, at ang lahat ng simbahang laganap sa buong daigdig, pinupuri at pinasasalamatan ka namin, Diyos aming Ama, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

Bayan:

AMA NAMIN
Pagkatapos ng Panalangin ng Pagpupurit Pagpapasalamat, aanyayahan ng namumuno ang bayan para sa pagdarasal ng Ama Namin:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin ng lakas loob:
Ama namin... PAGBIBIGAYAN NG KAPAYAPAAN
Aanyayahan ng namumuno ang sambayanan sa ganitong mga salita:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isat isa. PAKIKINABANG


Pagkatapos magbigayan ng kapayapaan, luluhod ang mga tao. Tutungo sa likod ng altar ang namumuno, luluhod, kukuha ng ostiya mula sa siboryo, bahagyang itataas ito at bibigkasin:

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Tutugon ang bayan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Habang nakikinabang ang sambayanan, aawit ng mga naaangkop na awit. Pagkatapos ng pakikinabang, saglit na mananahimik ang lahat. Maaaring awitin ang Awit ng Papuri ni Zacarias (umaga) o ang Awit ng Papuri ni Maria (gabi).

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Tatayo ang sambayanan at darasalin ng namumuno ang sumusunod na panalangin:

Mapagmahal na Ama, pinagsalu-salo mo kami sa tinapay ng buhay.

10

Lumago nawa ang aming pagkakaisa, pag-ibig at malasakit sa isat-isa sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
Kung walang tabernakulo at maraming natirang ostiya, dadalhin ito sa parokya o sa pinakamalapit na kapilya o bisita na kung saan ay may tabernakulo. Sa pagkakataong ito, ipagbibigay alam ang mga patalastas. Tatanggapin ang mga handog ng sambayanan ayon sa alituntunin ng parokya o ng diyosesis.

PAGHAYO
Sasabihin ng namumuno ang sumusunod na pananalita o katumbas nito:

Mga kapatid, yamang ipinagdiwang na natin ang misteryo ng kamatayan at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo, humayo tayo at ipahayag ang salitang narinig at mamuhay ayon sa diwa ng Sakramentong natanggap.
Nakaharap sa altar, mag-aantanda ng krus ang namumuno, habang sinasambit:

Pagpalain tayo ng makapangyarihang Diyos Ama, at Anak, at Espiritu Santo.


Bayan: Namumuno:

Amen.

Humayo tayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.

11

Bayan:

Salamat sa Diyos.

Maninikluhod sa tabernakulo ang namumuno kasama ang ibang tagapaglingkod; yuyuko sila sa altar at hahayo. Maaaring umawit ng pangwakas na awit.

MGA KARAGDAGAN I

PANAHON NG ADBIYENTO PASIMULA


Namumuno:

Mga kapatid, sa panahon ng Adbiyento inaanyayahan tayo ng Simbahan na malugod hintayin ang pagdating ni Hesus, ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan. Purihin natin si Kristo na nagbigay ng galak sa lahat ng mga naghihintay sa kanyang pagdating. Naway dalisayin niya ang ating mga puso at isipan upang maging karapat-dapat tayong tumanggap sa kanya.

12

Sama-sama nating sambitin: Halina, Panginoong Hesus.


Bayan: Namumuno: Bayan: Namumuno: Bayan: Namumuno:

Halina, Panginoong Hesus.

Ikaw na nananahan sa piling ng Ama.


Halina, Panginoong Hesus.

Ikaw na naging katulad namin sa lahat ng bagay maliban sa kasalanan.


Halina, Panginoong Hesus.

Ikaw na nagbigay liwanag sa aming puso at


Halina, Panginoong Hesus.

isipan.
Bayan: Namumuno: Bayan: Namumuno:

Ikaw na dumating upang ialay ang sariling buhay.


Halina, Panginoong Hesus.

Mga kapatid, malugod nating hintayin ang pagdiriwang ng kapanganakan ng ating Tagapagligtas.
Amen.

Bayan:

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS


Namumuno:

Mga kapatid, pakinggan natin ang Salita ng Diyos. Maantig nawa ni Kristo ang ating mga puso at dalisayin ang ating mga isipan upang maging handa tayo sa kanyang pagdating.

BANAL NA PAKIKINABANG
Namumuno:

Mga kapatid, ihanda natin ang ating sarili sa pagtanggap kay Kristo, ang Tinapay ng Buhay. Siya ang bumubusog at nagpapanatili sa atin

13

upang tayo ay patuloy na maghintay sa kanyang pagdating. PAPURIT PASASALAMAT


Namumuno:

Mapagpalang Ama, ikaw ang lumikha sa lahat. Pinuno mo ng pagpapala ang sanlibutan at pinamunga mo nang masagana ang aming pagpapagal upang makabahagi ang lahat. Upang maging karapat-dapat kami sa pagdating ni Kristo, pinukaw mo sa aming mga puso ang maging bukas-palad sa mga nangangailangan. Kaya masidhi naming inihahayag: Paghandaan ang pagdating ni Kristo.
Paghandaan ang pagdating ni Kristo.

Bayan:

Namumuno:

Mapagpalang Diyos nang nakiisa sa amin ang iyong Anak na si Kristo, ipinakita niya na ikaw ay mapagkalinga sa mga naghihirap at nangangailangan. Ipinangaral niya sa mga dukha ang Mabuting Balita. Pinakain niya sa ilang ang mga nagugutom, at iniutos niya na dalawin ang mga nasa piitan, bihisan ang mga walang maisuot, at kalingain ang mga may karamdaman. Upang maging karapat-dapat kami sa pagdating ni Kristo, pinukaw mo sa aming mga puso ang maging bukas-palad sa mga nangangailangan. Kaya masidhi naming inihahayag:
Paghandaan ang pagdating ni Kristo.

Bayan:

Namumuno:

Mapagpalang Diyos, bilang paghahanda sa kapaskuhan iminulat mo ang aming mga mata sa pangangailangan ng iba.

14

Inantig mo ang aming mga puso na magkawanggawa. Tuwing natitipon kami bilang isang bayan upang tanggapin si Kristo, ang Tinapay ng Buhay, naaalala namin na sa buhay na ito ay may mga nasa sakit at kawalan. Upang maging karapat-dapat kami sa pagdating ni Kristo pinukaw mo sa aming mga puso ang maging bukas-palad sa mga nangangailangan. Kaya masidhi naming inihahayag:
Bayan:

Paghandaan ang pagdating ni Kristo.

Namumuno:

Kaisa ni N., na aming Papa, ni N., na aming Obispo, ni N., na aming kura paroko, at ang lahat ng simbahang laganap sa buong daigdig, pinupuri at pinasasalamatan ka namin, Diyos aming Ama, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

Bayan:

AMA NAMIN
Namumuno:

Lakas-loob tayong manalangin sa ating Ama sa pamamagitan ng panalanging itinuro ni Hesuskristo, ang muling nabuhay na Panginoon. PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

15

Namumuno:

Amang nasa langit, binigyan mo kami ng pagkain ng buhay. Sa aming pakikibahagi sa Sakramentong ito, habang papalapit ang pagdiriwang ng Pasko, maging maalab nawa ang aming paghahanda sa pagdiriwang ng nagliligtas na misteryo ng kapanganakan ng iyong Anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

Bayan:

PAGHAYO
Namumuno:

Mga kapatid, habang hinihintay natin ang pagdiriwang ng kapanganakan ng ating Panginoon, patuloy tayong manalangin at gumawa ng mabuti upang maging karapat-dapat sa kanyang pagdating. Pagpalain tayo ng makapangyarihang Diyos Ama, at Anak, at Espiritu Santo.

Bayan:

Amen.

MGA KARAGDAGAN II

PANAHON NG KUWARESMA PASIMULA


Namumuno:

Mga kapatid, sa ating ginaganap na pagtitipon ngayong Linggo ng Kuwaresma

16

ipinaaabot sa inyo ng ating kura paroko at ng ating parokya ang isang taos-pusong pagbati. Sa panahong ito ng Kuwaresma inaanyayahan tayong magsisi at talikdan ang mga kasalanan, magsakripisyo, gumawa ng mabuti sa ating kapwa, at makiisa sa pagpapakasakit ni Kristo. Atin ngayong suriin ang ating sarili at humingi ng kapatawaran sa Panginoon sa ating mga nagawang kasalanan.
Bayan: Namumuno:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos....

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Amen.

Bayan:

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS


Namumuno:

Mga kapatid, sa kapangyarihan ng kanyang Salita pinayayabong at pinatatatag ng Diyos ang ating pananampalataya na nagdudulot ng pagpapanibago sa ating buhay. Bukas-puso nating pakinggan ang Salita ng Diyos.

17

BANAL NA PAKIKINABANG
Namumuno:

Mga kapatid, sambahin natin ang Panginoong Hesukristo na kapiling natin sa sakramento ng Pag-ibig, tanda ng pagkakaisa at buklod ng pagmamahalan. PAPURIT PASASALAMAT

Namumuno:

Amang maawain, pinagpapala mo ang mga matuwid dahil sa kanilang mga mabuting gawa, at pinatatawad mo ang mga makasalanang taimtim na nagsisisi. Sa kapangyarihan ng iyong Salita pinanunumbalik mo kaming mga naligaw ng landas at kami ay pinananatili mo, aming tanging Diyos, sa iyong piling. Taglay ang taos-pusong pasasalamat aming ipinahahayag:
Pinupuri ka namin, Diyos ng awa at pag-ibig.

Bayan: Namumuno:

Amang maawain, naparito ang iyong Anak na si Hesukristo upang ipahayag sa mahihirap ang Mabuting Balita, pagalingin ang mga may karamdaman, at palayain ang mga nasadlak sa kasalanan. Kinakasihan mo kami sa tunay na paglilingkod sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal at paglingap sa mga nangangailangan. Taglay ang taos-pusong pasasalamat aming ipinahahayag:
Pinupuri ka namin, Diyos ng awa at pag-ibig.

Bayan:

Namumuno:

Amang maawain,

18

ipinagkakaloob mo sa amin ang panahong ito upang muling sariwain ang mga pangako na aming binitiwan sa sakramento ng binyag, lubusang pagsisihan ang mga kasalanan, at magkawanggawa kalakip ang pag-ibig. Kinalulugdan mo ang aming panalangin, pag-aayuno, pagkalinga sa mga dukha, at pagtakwil sa kasakiman. Taglay ang taos-pusong pasasalamat aming ipinahahayag:
Bayan:

Pinupuri ka namin, Diyos ng awa at pag-ibig.

Namumuno:

Amang maawain, sa panahong ito ng pagpapanibago, pinatitibay mo ang aming pananampalataya sa pamamagitan ng iyong banal na salita at sa pagsasalu-salo namin sa Eukaristiya. Inaakay mo kami tungo sa pagbabagong-buhay at minamarapat na magalak sa iyong dulot na kapayapaan. Taglay ang taos-pusong pasasalamat aming ipinahahayag:
Pinupuri ka namin, Diyos ng awa at pag-ibig.

Bayan:

Namumuno:

Kaisa ni N., na aming Papa, ni N., na aming Obispo, ni N., na aming kura paroko, at ang lahat ng simbahang laganap sa buong daigdig, pinasasalamatan at pinupuri ka namin, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

Bayan:

AMA NAMIN
Namumuno:

Manawagan tayo sa ating Amang nasa langit, at hilingin na patawarin tayo sa ating mga

19

kasalanan tulad ng pagpapatawad natin sa nagkasala sa atin.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Namumuno:

Panginoon, sa pamamagitan ng Eukaristiyang aming tinanggap ipagkaloob mo na maging makabuluhan ang aming paghahanda sa panahong ito ng Kuwaresma at buong pag-asa naming salubungin ang Pasko ng Muling Pagkabuhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

Bayan:

PAGHAYO
Namumuno:

Mga kapatid, sa ating pagdiriwang ng Kuwaresma patnubayan nawa tayo ng Diyos sa ating paglalakbay sa landas ng ganap na pagpapanibago. Pagpalain tayo ng makapangyarihang Diyos Ama, at Anak, at Espiritu Santo.

Bayan:

Amen.

20

MGA KARAGDAGAN III

PANAHON NG MULING PAGKABUHAY NG PANGINOON PASIMULA


Namumuno:

Mga kapatid si Kristo ay muling nabuhay,


Tunay siyang nabuhay, aleluya!

aleluya!
Bayan: Namumuno:

Natitipon tayo ngayon upang ipagdiwang ang maluwalhating pagkabuhay ng ating Panginoon. Ipinaaabot sa inyo ng ating kura paroko at ng ating parokya ang isang taos-pusong pagbati. Kaisa ng Banal na Espiritu bigyan natin ngayon ng papuri ang Diyos at ang kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesukristo, ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng ating mga kasalanan.
Papuri sa Diyos.

Bayan:

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS


Namumuno:

Mga kapatid, tulad ng mga alagad na patungo sa

21

Emmaus, mag-alab nawa ang ating mga puso, habang pinakikinggan natin ang salita ng Diyos.
Sa Linggo ng Muling Pagkabuhay, hahalinhan ng Pagpapanibago ng mga Pangako sa Binyag ang Pagpapahayag ng Pananampalataya.

BANAL NA PAKIKINABANG
Namumuno:

Mga kapatid, sambahin natin ang Panginoong Hesukristo na kapiling natin sa sakramento ng pag-ibig, tanda ng pagkakaisa at buklod ng pagmamahalan. PAPURIT PASASALAMAT

Namumuno:

Diyos Ama ng sanlibutan, tunay na walang kapantay ang pag-ibig mo at katapatan para sa mga hinirang! Mula sa kamatayan binuhay mo ang aming Panginoong Hesukristo. Kasama niya pinagkalooban mo kami ng bagong buhay sa pamamagitan ng tubig at ng Banal na Espiritu. Kaya kami ay umaawit ng iyong papuri:
Purihin ang Diyos, aleluya!

Bayan: Namumuno:

Diyos Ama ng sanlibutan, tunay na walang kapantay ang pag-ibig mo at katapatan para sa mga hinirang! Nang muli siyang nabuhay nagpakita siya sa kanyang Ina at sa kanyang mga alagad. Natitipon kami ngayon kapiling niya. Kaya kami ay umaawit ng iyong papuri:
Purihin ang Diyos, aleluya!

Bayan:

22

Namumuno:

Diyos Ama ng sanlibutan, tunay na walang kapantay ang pag-ibig mo at katapatan para sa mga hinirang! Ngayon sa panahon ng pagkabuhay. Hindi mo kami pinagkaitan ng iyong pagmamahal at pagpapala, manapay binubusog mo kami sa hapag ng iyong salita at eukaristiya. Kaya kami ay umaawit ng iyong papuri:
Purihin ang Diyos, aleluya!

Bayan: Namumuno:

Kaisa ng buong simbahan at ng aming parokya iniaalay namin sa iyo ang aming panalangin ng papuri at pasasalamat sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

Bayan:

AMA NAMIN
Namumuno:

Lakas-loob tayong manalangin sa ating Ama sa pamamagitan ng panalanging itinuro ni Hesuskristo, ang muling nabuhay na Panginoon. PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Namumuno:

Panginoon, kupkupin mo at kalingain ang iyong Simbahan na pinagkalooban mo ng bagong buhay sa pamamagitan ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Akayin mo kami sa buhay na walang hanggan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo

23

magpasawalang hanggan.
Bayan:

Amen.

PAGHAYO
Namumuno:

Mga kapatid, ipinagdiwang na natin ang muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo, humayo tayo at ipahayag ang salitang narinig at mamuhay ayon sa diwa ng Sakramentong natanggap. Pagpalain tayo ng makapangyarihang Diyos Ama, at Anak, at Espiritu Santo.

Bayan:

Amen.

MGA KARAGDAGAN IV

MAHAL NA BIRHENG MARIA PASIMULA


Namumuno:

Mga kapatid, natitipon tayo ngayon sa kapistahan ng Mahal na Birheng Maria. Ipinaaabot sa inyo ng ating kura paroko at ng ating parokya ang isang taos-pusong pagbati. Purihin natin ang Diyos Ama na naghangad na gunitain natin at ipagdiwang sa lahat ng panahon ang Birheng Mariang Ina ng Diyos. Sapagkat siya ay puspos ng biyaya aming sinasambit: Pinupuri ka namin, Diyos na aming Ama.

24

Bayan: Namumuno:

Pinupuri ka namin, Diyos na aming Ama.

(tugon)

Sapagkat siya ay pinagpala sa babaeng lahat. Sapagkat siya ay ina ng iyong Anak (tugon) Sapagkat siya ay ina ng Simbahan (tugon) Sapagkat siya ay tagasaklolo sa panahon ng pangangailangan (tugon) Sapagkat siya ay aming pintakasi sa langit (tugon)

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS


Namumuno:

Mga kapatid, nakinig ang Mahal na Birheng Maria sa Salita ng Diyos at pinagnilay-nilayan niya ito. Buong pananalig at pagmamahal pakinggan natin ang Salita ng Diyos.

BANAL NA PAKIKINABANG
Namumuno:

Mga kapatid, sambahin natin ang Panginoong Hesukristo na kapiling natin sa Banal na Sakramento na kanyang inihabilin sa Simbahan bilang buklod ng pagmamahalan at tanda ng pag-ibig at pagkakaisa. PAPURIT PASASALAMAT

Pinupuri ka namin Diyos Amang makapangyarihan. Alang-alang sa isasagawang sakripisyo ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo, hinirang mo si Maria upang hindi mabahiran ng kasalanang mana
Namumuno:

25

at maging karapat-dapat na Ina ng iyong Anak. Sa iyong kahanga-hangang gawa, kamiy nagbubunyi: Panginoon, ang puso koy nagpupuri sa iyong kadakilaan.
Bayan: Namumuno:

Panginoon, ang puso koy nagpupuri sa iyong kadakilaan.

Pinupuri ka namin Diyos Amang makapangyarihan. Hinirang mo si Maria na maging Ina ng mag-anak sa Nazaret. Kasama si San Jose, kinalinga niya ang iyong anak nang buong pagmamahal upang umunlad siya sa karunungan sa harap ng Diyos at tao. Sa iyong kahanga-hangang gawa, kamiy nagbubunyi:
Bayan: Namumuno:

Panginoon, ang puso koy nagpupuri sa iyong kadakilaan.

Pinupuri ka namin Diyos Amang Makapangyarihan. Ibinigay mo kay Maria ang pagpapala na makiisa sa iyong Anak sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos, sa pagpapagaling sa mga maysakit, sa pagpapalaya sa mga nasadlak sa kasalanan, at sa pagpapahayag ng iyong walang hanggang pagmamahal. Sa iyong kahanga-hangang gawa, kamiy nagbubunyi:
Bayan: Namumuno:

Panginoon, ang puso koy nagpupuri sa iyong kadakilaan.

Pinupuri ka namin Diyos Amang Makapangyarihan. Ipinagkaloob mo kay Maria ang lakas ng loob na ganap na makiisa sa iyong Anak sa pag-aalay niya ng sakripisyo sa krus. Ginantimpalaan mo siyang matunghayan ang kaluwalhatian ng iyong muling nabuhay na

26

Anak at iniakyat mo siya, katawan at kaluluwa, sa langit. Sa iyong kahanga-hangang gawa, kamiy nagbubunyi:
Bayan: Namumuno:

Panginoon, ang puso koy nagpupuri sa iyong kadakilaan.

Kaisa ni N., na aming Papa, ni N., na aming Obispo, ni N., na aming kura paroko, at ang lahat ng simbahang laganap sa buong daigdig, pinasasalamatan at pinupuri ka namin, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen

Bayan:

AMA NAMIN
Namumuno:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin ng lakas loob:
Ama namin...

ni Hesus

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Namumuno:

Panginoong Diyos, ipagkaloob mo na ang sakramentong aming tinanggap sa kapistahan ng Mahal na Birheng Maria ay maghatid sa amin ng lakas, pagkalinga at kagalingan dulot ng kanyang maka-inang panalangin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

Bayan:

27

PAGHAYO
Namumuno:

Mga kapatid, yamang ipinagdiwang na natin ang kapistahan ng Mahal na Birheng Maria at hiniling ang kanyang panalangin; lagi nawa tayong maging karapat-dapat sa isang Inang katulad niya. Pagpalain tayo ng makapangyarihang Diyos Ama, at Anak, at Espiritu Santo.

Bayan:

Amen.

MGA KARAGDAGAN V

28

Papuring Awit ni Zacarias


(Lukas 1:68 - 79) Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Sapagkat nilingap niya at pinalaya ang kanyang bayan. At nagpadala siya sa atin ng isang makapangyarihang tagapagligtas mula sa lipi ni David na kanyang lingkod. Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang banal na propeta noong una, na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin. Ipinangako rin niya na kahahabagan ang ating mga magulang, at alalahanin ang kanyang banal na tipan. Iyan ang sumpang binitiwan niya sa ating amang si Abraham, na ililigtas tayo sa ating mga kaaway. Upang walang takot na makasamba sa kanya, at maging banal at matuwid sa kanyang paningin, habang tayoy nabubuhay. Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan; sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ng kanyang mga daraanan, at ituro sa kanyang bayan ang landas ng kaligtasan, at kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos; magbubukang-liwayway sa atin

29

ang araw ng kaligtasan. Upang magbigay liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa ilalim ng kamatayan, at patnubayan tayo tungo sa daan ng kapayapaan. Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo, kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Papuring Awit ni Maria (Lukas 1:46 - 56)


Ang puso koy nagpupuri sa Panginoon, at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya ang kanyang lingkod! At mula ngayon, akoy tatawaging mapalad ng lahat mg salinlahi, dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan banal ang Kanyang pangalan. Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya sa lahat ng salit saling lahi. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, pinangalat niya ang mga palalo ang isipan. Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, at pinalayas na wala ni anuman ang mayayaman.

30

Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang, kay Abraham at sa kanyang lahi magpakailanman! Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo, kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

You might also like