Blossoming Love
Blossoming Love
Blossoming Love
Love Our Blog Post is a group of young Filipino young writers which focuses on the genre, love/romance. We started this group last January 21, 2010. Our stories, poems and novels are originally written by our aspiring writers. No one should plagiarize any of our works. We are open for more writers who want to share their own works with us, just send it to our email add [email protected] and we will post it right away . Love Our Blog Post sites:
http://loveourblogpost.multiply.com/ http://loveourblogpost.blogspot.com/ https://www.facebook.com/pages/Love-Our-Blog-Post/388087955020
BLOSSOMING LOVE
Written by: Eunice Laurito Requested by: Daphney Reyes LOBP NOTE: Heller! ^_______^V Haha! Ako po ito, Si Eunice Laurito , one of the writers here at LOBP and isa sa mga nagpasimula din nito Ako din ang matiyagang tagapag-bigay sa inyo ng soft copies. Haha! Hmm.. itong Blossoming Love ay idea talaga ng isa sa mga readers natin na si Daphney Reyes, sa kanya nanggaling ang plot, ako lang gumawa for her and for you, guys! XDD sana magustuhan niyo This story has been posted since august 13, 2010.
MAIN CHARACTERS:
Rachel
Lance
Adrian
Brooke
Baron
Trish
DESCRIPTION:
Rachel -simple, palaging nagbabasa, bestfriend ni Trish , tahimik ngunit makulit din 'pag kasama ang barkada , pinakaresponsable sa grupo, long time friend si Lance. Lance - a very good basketball player, very popular at school because of his talent , sobrang supportive sa barkada , may gusto kay Rachel Baron - sobrang daldal sa barkada, magkasundo sila ni Adrian, palatawa at sobrang cheerful.Brooke second sa pagiging madaldal sa grupo. Kasundo si Baron at lagi silang magkasama sa Home Makers Club. Adrian -isang born leader sa barkada, matalino at Top 1 sa klase. Close kay Trish. Trish - Best friend ni Rachel, makulit, madaldal pero mabait at protective sa best friend niya.
Chapter 1
"Rachel,I love you." wika ni Lance. Oh My Gosh! Ayan na! Papalapit na ang labi niya! hahalikan na ko! ayan na ! ayan na! 1-2-3-4------ (wika ni Rachel sa isip) "Hoy!Rachel! Malelate na tayo! Uy! Bangon na!" Wika ni Trish. "Sh*t! Sayang!" wika ni Rachel nang magising sa ingay ng kaibigan. "Oh? Ang aga-aga nagmumura ka diyan! Ikaw na nga 'tong ginigising dahil concern sa'yo tong kaibigan mo tapos magmumura ka pa diyan! Para naman hindi tayo magkaibigan lagi ka na lang ganyan! alm mo namang ayaw na ayaw ko sa mga taong nagmumura! Bad kasi yun. Sa tagal nating magkaibigan, alam mo n naman yun pero sige ka pa rin. Para namang hindi tayo magkaibigan niyan! Ano-----" wika ni Trish, ang madaldal na best friend forever ni Rachel na paulit-ulit na lang ang mga sinasabi tuwing ginigising si Rachel. Bigla siyang napatigil nang mapansin niyang wala na pala siyang kausap.
-School-
"Ma'am I'm sorry I'm Late." wika ni Rachel nang makarating sa klase nila, Class IV-A.
"Ms.Pascual , why are you late again? Puwede ka namang sumabay sakaibigan mong si Ms. Park na palaging maaga pumasok and I heard na sa iisang dorm lang naman kayo tumutuloy." wika ni Mrs. Sanchez. "Teacher, I'm sorry. I promise, this would be the last time." pakiusap ni Trish na malapit ng umiyak. "Okay,palalampasin muna kita ngayon. You may now take your seat." "Thank you, teacher."
Tiningnan lang siya ni Trish at saka umalis. "Trish!!!!! Sorry,please?kausapin mo na ko?" muling wika ni rachel ngunit patuloy lang si Trish sa paglalakad na tila walang naririnig hanggang sa makasalubong nila si Lance na pinagkakaguluhan na naman ng mga girls. "Hi Rachel! Good Morning! Hi din sayo Trish." wika ni Lance ngunit tila hindi siya naririnig nang dalawa. "Trish! Please? Bessy?" wika ni Rachel habang sinisundan pa rin si Trish (this time,sumunod na rin si Lance) hanggang sa may naapakan siyang balat ng saging. Oh my! Karma ba ito dahil sa ginawa ko kay Trish? Bumagal ang takbo ng oras ng mga sandaling iyon.
Dahil sa power of love, nagawang abutin ni Lance ang kamay ni Rachel upang hindi ito tuluyang mahulog sa hagdan. Si Rachel ay napaikot at napayakap kay Lance hanggang sa maglapit na rin ang kanilang mga
labi...
Chapter 2
"Doc,Is she okay?" tanong ni Lance sa school doctor. "Yes,nawalan lang siya ng malay."
"Mabuti naman po,Doc." "Sige, mauna na ko. Bantayan mo muna siya diyan."
"Bakit ako nandito?" wika ni Rachel nang magising mula sa pagtulog. "Nahimatay ka." sagot ni Lance. "Nahimatay? Baki----, OMG!" "Can you remember na? The moment when our li---" "Shut up!" "Why? Isnt it true?" "Lance, alam mo namang magkaibigan lang tayo." "And so? Hindi ba pwede mag-level-up ang magbest friends?" "What the hell are you saying?" todo deny na sabi ni Rachel dahil ayaw niyang magbago ang samahan nila ni Lance. "Ayaw mo ba?" ani Lance.
"Bessy! Sorry din ako naman ang unang may kasalanan eh." "Ahmm.. Mauna na muna ko." huling nawika ni Lance. "Kaw, Rachel ah.. Naka-points ka dun!" wika ni Trish."Ano'ng feeling?" "Huh? Ano'ng pinagsasasabi mo diyan?" "Magtapat ka na sa'kin. T'saka alam mo naman ang tinutukoy ko diba.. Sige na, Magagalit ulit ako sa'yo sige ka pag di mo sinabi.." "Oo! Sige na. I like him since ,mga bata pa kami .. lagi kasi siya ang kasama ko, simula pa rin noon, siya na nagtatanggol sa'kin .. nag-aalaga .. lagi kong natatakbuhan kung may problema ako.. siya , siya lagi." pagtatapat ni Rachel.
"So? What's the feeling nga the moment your lips----" "Tumigil ka na nga... Pero alam mo mo ba ang saya ko.. Ngayon lang ako sumaya ng ganito sa buong buhay ko.. grabe." "Eh,bakit todo deny ka kanina?" "Huh?Kanina?"
Patuloy lang ang daldalan ng dalawa habang may nakikinig sa kanila... ..si Lance.
-Canteen "Hoy! Lance! Nakatulala ka diyan! " ani Baron nang tabihan si Lance habang kumakain. ""Hoy Lance! Gising!" muling ulit nito. "Uy! Ano ba? Ba't mo ko binuhusan ng tubig?" ani Lance nang buhusan siya ng tubig ni Baron. "Pasensya na.. Eh, Ano ba kasing nasa isip mo diyan at tulala ka?" tanong ni Baron. "Mapapagkatiwalaan ba kita?" seryosong sabi ni Lance. "Oo naman! Sa mukha ko pa lang na 'to mukha naman akong mapagkakatiwalaan ah."
"Aba.. Sinong ,ay sabi niyan? Sa kadaldalan mo pa lang eh, sinong magtitiwala sa'yo?" "Ano ba? Promise... Totoo ... Ano ba 'yon?" "It's about Rachel." "About Rachel?" biglang singit ni Adrian na kararating lamang din. "Uy! Kanina ka pa diyan?" "Hindi ngayon lang..." sagot ni Adrian. "So,P're..." wika ni Adrian sabay tapik sa likod ni Lance. "Kailan mo siya balak ligawan?" "Huh? Wala pa nga akong sinasabi.. alam mo na agad ang sasabihin ko?" gulat na sabi ni Lance. "Alam mo naman 'tong kaibigan natin Lance, sobrang genius.. alam na lahat ng bagay .. matatalo pa yata si Einstein." wika ni Baron. "Sabagay.." "So? Ano ngang balak mo..." ani Adrian. "Hi guys...." biglang dating ng Tatlo pa nilang katropa, si Brooke, Trish at ang major major topic nila na si Rachel.
Chapter 3
>Hey guys! Marahil ay gusto niyong malaman kung paano nagkakilala sina Rachel at Lance at ang tropa, kung saan ba nagsimula ang lahat (pero actually, di naman talaga ito ang pinagmulan ng lahat,,,oops! nagbigay ako ng clue!) at paano nagblossom ang love nila for each other,, yan! let's begin!
8 years ago...
May isang batang naka-upo sa isang sulok ng classroom, ito ay sii Rachel Park. Likas na sa kanya ang pagiging tahimik at palaging mag-isa. Di niya trip makihalubilo sa mga kaklase niya . then one day..
"Hmm?" ani Rachel nang may napansin siyang liwanag na tila may kumuha ng litrato sa kanya ng lihim. Siya ay napatingin sa isang batang lalaking na siyang kumuha ng litrato niya.
"Hi!" kinawayan ni Lance si Rachel na may suot-suot na ngiti sa kanyang mga labi. "Ang cute niya..." ani Rachel sa mahinang boses. "Pero di dapat ako malinlang sa kakyutan niya.. di pa rin tama na kuhanan niya ako ng larawan ng walang paalam.." pagpapatuloy niya at tsaka tinignan ng masama si Lance.
Lumapit si Lance sa kanya. "Bakit ka nag-iisa dito? Ang cute mo pa naman." "Ayoko sumama sa kanila kasi di sila cute tulad ko. Kaw na rin nga ang nagsabi na cute ako." "hahahhaha!" tumawa si Lance.
"Ano'ng nakakatuwa?" tanong ni Rachel. "Nakakatawa ka kasi." "Bago ka dito?" "Oo. First day ko ngayon." "Ah." "Pwede ba akong magtanong ng isang bagay sayo?" ani Lance. "Sige." "Cute ba ko?" "Uhmm.. Huh??" Ano ba naman to kung magtanong. kapal.. "Alam ko ibig sabihin niyang "uhmm" mo.. it means na cute ako.. right? so we're friends now?" wika ni Lance. "Hmm.. Sige na nga. eh, mukhang magkakasundo rin naman tayo,eh." "Talaga?" "Yup." "Sige, tara dun tayo.." pagyayaya ni Lance.
"Picture tayo!" ani Lance nang nasa canteen sila. "Diba bawal ang camera dito sa school?" "Break time naman natin eh.. Okay lang yun.." "Smile!" sabay tutok sa camera.
4 years later..
"9 years old na tayo.." ani Lance. "Oo nga..so 4 years na pala tayo magbest friend.." ani Rachel. "Tamaaa.." "Lance," ani Rachel at tsaka hinawakan ang kamay ni Lance."Pwede ka bang mangako sa'kin?"
"Na?" tumingin na rin si Lance kay Rachel. This time, nakatingin na sila sa mata ng isa't isa habang hawakhwak din ang akamay ng isa't isa. "We'll be friends forever, can you promise?" ani Rachel. Kumawala si Lance sa kamay ni Rachel. "Bakit?Lance?" wika ni Rachel. "Kasi alam mo ba kung bakit gusto kong mangako ka sa'kin kasi mahalaga ka sakin kaya ayaw kong mawala ka. Gusto ko magkaibigan tayo forever.. kay-" napahinto si Rachel sa pagsasalita dahil niyakap siya ni Lance. "Okay I promise. We'll be friends forever." wika ni Lance. Kumawala si Rachel sa yakap na yon at sinabing, "Salamat!"
Kinabukasan.. "Hi sayo..." pagpapakilala ng isang batang babae kay Rachel. Bago nila itong kaklase na si Trish Pascual.
"Can we be friends? Tutal mag-seatmates naman din tayo.. T'saka gusto ko rin ng bagong kaibigan. Alam mo, sobrang miss ko na nga ang mga friends ko sa new school ko eh pero wala kong magagawa kailangan kong lumipat dito.. Nakakalungkot talaga kaya kung pwede pumayag ka na na maging best friend ko..." wika ni Trish. "Okay." wika ni Rachel. "Yun lang? Walang continuation? Haba-haba ng sinabi ko tapos iyon lang ang reply mo?" "Di naman ako kasi madaldal tulad mo." "Sus. Sige na nga basta best friends na tayo, ah." "Okay.." "Yan ka na naman! haha."
"Lance!!" tawag ni Rachel nang makita niya si LAnce na galing sa try-out ng basketball. "uy! Bez..."wika ni Lance. "Kamusta ?" "Eto, nakapasok ako sa team!"
"Congrats!" "Haha .. at tsaka alam mo ba marami rin akong naging new friends.. Wait tawagin ko sila.." at tinawag nga niya ang mga ito. "Si Baron(Gomez) , at ang kaibigan niyang si Brooke(Santos),at si Adrian(Naval)." "Hi ! nice to meet you all." wika ni Rachel.
"Ehem.." ani Trish. "Ah.. this is Trish nga pala... new friend ko din." "Hello.. " wika ni Lance. "So eto na ang bagong tropa??" wika ni Trish. "Mukha nga!!" wika ni Baron. "Hahahhahahah!" at nagtawanan silang lahat." "Hi .. buti naibigan mong kaibiganin 'tong bez ko." wika ni Lance nang silang tatlo na lang nila Trish at Rachel. "Best friends kayo?" wika ni Trish. "Hehe.. Pasensya ka na Lance mapagbiro lang talaga tong si Trish."
Napangiti si Lance. "Bakit naman Trish? Anong di kapani-paniwala dun?" "Wala lang ,eh kasi parang hndi eh kasi bihira sa lalaki at babae ang mag best friends lang." "Ah..Hmm .. Pwede bang humingi ng pabor sayo?" "Ano yun?"
"alagaan mo naman tong c Bez pag wala ako." wika ni Lance. "Sure .. teka.." wika ni Trish."Kita niyo na! Ganyan ba ang magbestfriends?" "Ano ka ba naman Trish? Daldal mo talaga!" wika ni Rachel. "Nagsasabi lang naman ako ng opinyon ko." "Pano, una na ko sa inyo." ani Lance. "Sige bye." sabay na sabi ng dalawa.
"Magbestfriends lang ba talaga kayo?" muling tanong ni Trish. "Oo nga.. Pero wag mong la-la-ngin ang pagiging magbest friends namin dahil 4 years na kami magbestfriends .." "Talaga? Sobrang tagal na bihira magtagal sa pagiging mag best friends lang ang babae at lalaki." "Eh.. ganun eh..tsaka di lang yun magtatagal ng 4 yrs .. forever yun." "Paano ka nakakasiuguro ka bang forever BESTFRIENDS lang talaga?" pagdidiin ni Trish. "Hmm.. Nga pala Trish gusto ko tayo din forever bestfriends, 'kay?" "Oo naman pero wag mo baguhin ang topic. Look, marami pwedeng mangyari sa next years.. sige ka maunahan ka ng iba diyan.." "Hmm.." wala nang nasabi si Rachel.
Tama si Rachel. Marami ngang pwedeng mangyari pero.. kasi. nakapangako na kami sa isa't isa na forever yun .. best friends .. best friends lang..
Chapter 4
Back to present... "Mukhang seryoso kayo diyan sa pinag-uusaan niyo, ah. Ano ba yang major major topic niyo diyan?" ani Trish. "Oo nga.. Sali naman kami diyan." ani Brooke. "Baron, you know what to do mamaya ha.. sabihin mo sakin kung anong pinag-uusapan niyo." pagpapatuloy ni Brooke dahil confident siyang sasabihin ito sa kanya ni Baron dahil sa closeness nila. "Baron.. humanda ka na sa oras na makalabas ang pinag-usapan natin." banta ni Lance.
"Brooke, pasensya ka na, hindi ko talaga puwedeng sabihin," "Wala kang kwenta! hmp! 'wag mo na ko kakausapin!" wika ni Brooke saka nag-walk-out. "Lagot ka 'tol.. Ngayon mo lang sinuway si Brooke, ah." ani Adrian. "Hay! Hirap pumili ! Kaibigan o Pag-ibig?" ani Baron. "Haha! Drama mo!"Ani Trish sabay batok kay Baron. "Wait lang, anong sabi mo? PAG-IBIG kamo?" "Oops!" "Kayo na ba ni Brooke?" tanong ni Rachel. "Di pa.." ani Baron. "DI PA? So kailan magiging kayo?" ani Lance. "Teka! Teka! Ba't niyo ko inuusisa?" "Nagtatanong lang naman kami.." ani Trish. "T'se! Alis na nga ako at hahabulin ko pa si Brooke."
"Sa tingin mo, ano pinag-uusapan ng boys kanina?" ani Rachel nang silang dalawa na lang ni Trish ang naroon. "Hmm... Malakas ang kutob ko." ani Trish. "Na?" "Ikaw ang topic nila." "Huh? Paano mo nasabi?" "Dahil sa nangyari sa stairs.. you know that moment we saw that.." "Tama na!" "Okay. Fine." "Pero malakas talaga ang kutob ko.." "Gano'n?"
Dear Diary, Zen Me Ban? (What should I do?) May gusto ba talaga sakin si Lance? Eh, ayoko ngang magbago
ang tratuhan namin, eh.. So anong gagawin ko? hay buhay! 'pag maganda nga naman .. hehe .. Bye Diary! XOXO, Rachel.
Kinabukasan..
"Oops.. Anong oras na?" sabay tingin ni Rachel sa orasan. "Oh my! Late na ako! Masisira ang record ko ng pagiging maaga niyan lagi , eh. Patay!" Ginising niya agad si Trish at pumasok na sila sa eskwelahan.
Samantalang..
"Oh, Lance. San ka pupunta? Diba may pasok ka pa? Bakit di ka naka-uniform?" tanong ng Tita ni Lance. "Dadalawin ko si Dad, birthday niya ngayon , eh." ani Lance at saka pumunta sa kwarto ng Mommy niya. "Mommy.." Nakaupo lang ang kanyang Mommy sa bench sa terrace at nakatulala sa kawalan. Simula kasi nang mamatay ang Daddy ni Lance, nawala na ito sa katinuan. Hinalikan ni Lance sa pisngi ang Mom niya at sinabing, "Pupuntahan ko po si Daddy." "Huh?Ano'ng pupuntahan? Eh, iyan lang ang Daddy mo sa kama ah.. tulog pa siya Ano ba yang pinagsasasabi mo? wika nito. "Sige,Ma, una na ko.." ani Lance. "Nurse , painumin mo na ng gamot si Mommy."
Sa cemetery.. "Dad, happy birthday." ani Lance habang nkatayo sa may puntod ng Dad niyaat saka ibinaba ang mga bulaklak at nagsindi ng kandila para dito.
"Dad, pangako ko sa inyo.. hindi ko kayo bibiguin sa binitiwan kong mga salita sa inyo bago kayo mamatay. Pangako iyan , Dad." ani Lance habang di na mapigilang umiyak.
School.. "I'm sorry, Ma'am. I'm late." wika ni Lance nang makarating na sa klase. "It's Okay, Lance. You're excused." wika ni Mrs. Suarez, alam kasi nito kung anong meron sa araw na ito. "Lance, San ka nanggaling?" tanong ni Rachel. "Ah.. ako? Na-late lang ako ng gising." palusot ni Lance. "Ano? Eh, bakit sabi ni Teacher, excused ka? It's so daya. Samantalang ako nung na-late ako halos magmakaawa na ko para lang di ako papuntahin sa Principal's office ..tapos ikaw.." umiral na naman ang kadaldalan ni Trish ngunit sa mahinang tono lamang ng boses dahil baka marinig sila ng teacher nila na nagdadaldalan.
"Oo nga.. Ba't ganun?" ani Rachel. "Ah.. eh.. Basta, It's too personal kasi, eh." pagdadahilan ni Lance. "Sige, ganyan ka na Lance, para namang di tayo magbest friend niyan." "Tamaa.." ani Trish. "Pag sinabi kong personal iyon, hindi ko talaga puwedeng sabihin, okay?" ani Lance sa galit ngunit mahinang tono. "Ano bang problema mo?" ani Rachel. Ngunit di sumagot si Lance. Tinignan lamang nito si Rachel, isang tinging ang ibig sabihi'y 'shut up'. "Okay, Fine." nawika ni Rachel. Ngayon lamang niya nakitang nagalit nang ganoon si Lance. Ano kayang problema niya?
"Rachel, McDo tayo! Treat kita para makabawi ako sa'yo." yaya ni Lance nang matapos na ang klase. "Makabawi? Sa'n?" "Alam mo na 'yon.. Tara na. Ayaw mo?"
"Ah!!!!" ani Rachel nang nakabuka ang bibig. Nagpapasubo kasi ito kay Lance ng spaghetti. "Ano ka? Bata? Nagpapasubo? Nagpapasubo?" ani Lance. "Ah!!!" "Sige na nga." tapos sinubuan na ni Lance si Rachel. "Sus. Dami-dami pang sinasabi. Susubuan rin pala ako." "Ano?" "Just kidding. hehe , asar ka na niyan?" "Huh? Sinong may sabing asar na ko? At kailan pa ko naasar sayo? Sabihin mo nga .. aber?" "Kanina lang..." ani Rachel sa mahinang boses ngunit dinig ni Lance. "Rachel.. after 10 years, ano sa tingin mong mangyayari sa'tin?" ani Lance na iniba ang usapan. "After 10 years?"
"Yup." "Basta ang alam ko magbest friend pa rin tayo forever kahit ilang taon pa ang lumipas." "Pero.. paano pag hindi nangyari iyon? Ano'ng gagawin mo?" "Magpapakamatay.." "HUH?!" "Hehe, Biro lang pero siguro pwede kong gawin iyon kasi di ko kayang mawala ka eh." "Bakit naman?" "Kasi, ikaw lang ang nagmamahal sakin." "Eh, andiyan naman ang parents mo, ah." "Parang wala rin naman sila, eh. Palagi na lang ang kumpanya ang inaasikaso nila , para silang walang anak." "Ang kumpanyang sumira ng buhay ko.." mahinang sabi ni Lance. "Lance?May sinabi ka?" ai Rachel. "Ah .. ako? Sabi ko, sige basta palagi lang akong narito sa tabi mo." "Talaga?"
"Yup. Ikaw lang din naman ang nagmamahal sakin eh." "Ang tamis! hehe!" wika ni Rachel sabay ngiti.
Napatulala si Lance sa ngiting iyon. Ano itong nararamdaman ko? Kay gandang ngiti.. Ngayon lang ako nakakita ng napakagandang ngiti niya na naiiba sa mga ngiting nakita ko dati sa kanya. Nang oras ding iyon.. dahan-dahang kumalapit si Lance kay Rachel. Akamang hahalikan na niya si Rachel. Ano'ng gagawin ni Lance? Oh my .. I think this would be our 2nd kiss..--Rachel. Pero hindi, hindi ako dapat main-love sa kanya ng tuluyan. -Lance. Napapikit na rin si Rachel nang oras na iyon. "Rachel, okay ka lang?" ani Lance. Napadilat na si Rachel Hindi ba't hahalikan na niya ko kanina lang? Ano'ng nangyari? Ilusyon ko lang ba iyon? "Ah eh.. okay lang."
"Are you sure?" "Yes, so san na tayo ngayon?" "San mo ba gusto?" "Enchanted Kingdom." "Huh? Maggagabi na o." "Sige na.. sabi mo babawi ka sakin?" "Okay. Fine."
Enchanted Kingdom.. Kung saan-saang ride sila sumakay. Sa roller coaster, ferris wheel at kung saan-saan pa hanggang sa makapgpahinga na rin siola at naupo sa isang bench.
"Nakakapagod , grabe." ani Rachel. "Pero Enjoy naman?" "Oo naman! Basta kasama kita!"
At saka nagsimula ang isang Fireworks display. Napatayo si Rachel sa sobrang ganda.
"Uy!Fireworks! Grabe ang ganda!!!" aniya at saka napansing di tumatayo si Lance. "UY! Ano ka ba? Tumayo ka nga diyan!" ani Rachel sabay hila kay Lance. Hinila niya si Lance at humantong na naman ito para mayakap ni Lance si Rachel. Hindi lang ito basta yakap kundi isang mahigpit na yakap. Gulat na gulat si Rachel sa mga nangyayari. Pilit siyang kumakawala sa yakap na iyon ngunit di niya magawa. "Lance, di na ako makahinga.." ani Rachel at saka kumawala sa yakap na iyon. Ngunit, hinawakan naman ni Lance si Rachel sa magkabilang braso nito. "Lance, Anong proble--" At nang sandaling iyon, hinalikan na bigla ni Lance si Rachel. And it was not just a simple kiss but a true kiss. Pumikit na si Rachel habang nararamdaman ang pagmamahal na naggagaling sa halik na iyon. Na naggagaling sa best friend niya. Na nangagaling kay Lance.
I'm sorry 'cause I have really fallen in love with this lady. I just can't help it but what about my true motive? nasa isip-isip ni Lance.
Chapter 5
--- True Motive . Ang dalawang salitang huling nabanggit sa Chapter 4. Naiintriga much kung ano iyon? Actually, ang nilalaman ng Chapter 4 were the clues na kung ano iyon pero here sa Chapter 5 , ang True Cause . The MOTIVE.---
"Son , anong gusto mo maging paglaki mo?" wika ni Mr. Garcia (Dad ni Lance)
"Daddy, ano ba yan, sobrang bata ko pa para isipin yan. Magpa-5 years old pa lang ako." ani Lance.
"Totoo pero kung magsalita ka para kang matanda na." "syempre naman, Dad. Nagmana ako sa'yo eh." "Son, gusto kong ikaw ang bumuhay ng kumpanya sa oras na mawala ako." "Ano ka ba, Dad? Di ka pa naman mawawala, eh." "Maipapangako mo ba sakin un anak?" "sure, Dad. Ako ang bahala sa kumpanya." "Salamat." "I love you, Dad." "I love you too."
--Lumulubog na ang kumpanya dahil sa mga Park na iyon." wika ni Mr. Garcia. "Hon, 'wag kang mag-alala, maisasalba rin natin yan." ani Mrs. Garcia.
--"Ma'am, Si Sir po." ani maid nila Lance. "Bakit? Ano'ng nangyari?" wika ni Mrs. Garcia at saka sumugod kaagad sa ospital kasama si Lance.
---"Dad, lumaban ka.." wika ni Mrs. Garcia. "Di na kaya. Nasa'n si Lance?" wika ni Mr. Garcia. Lumapit si Lance sa ama niya na umiiyak.
"Anak, ang ipinangako mo sa akin. Gawin mo , ah. At higit pa ro'n alagaan mo ng mabuti ang Mommy mo. Wag mo siyang pababyaan at syempre ang sarili mo rin." "Dad, pangako po.. ibabangon ko po ang kumpanya sa oras na kaya ko na at aalagaan ko rin po ang sarili ko at si Mommy at magbabayad po ang mga Park." "Anak... Hindi .. ang mga Park.......wag...." ani ni Mr. Garcia at saka na nawalan ng hininga.
Di makapaniwala si Lance sa mga nangyari. Namatay ang Dad niya. Nang masuri ng mga pulis ang dahilan, ang sabi nila'y marahil ay nagpakamatay ito dahil wala silang makitang kahit anong senyales na may kung sino o may kung anong sasakyan na naging dahilan ng pagbangga ng sinasakyan ni Mr. Garcia. At dahil roon, bumalik sa isipan ni Lance ang mga nangyari. Ang naging usapan ng parents niya bago pa mangyari ang insidente. "Dahil ito sa mga Park." ani Lance. "Dahil sa kanila, nagkaganito ang lahat, namatay si Dad nang dahil sa kanila." patuloy pa nito.
----"Ang daddy mo, ang daddy mo.. Bakit hindi pa gumigising ang Dad mo? Bakit? Bakit?" wika ni Mrs. Garcia. "Mommy, hindi na po magigising si Daddy." ani Lance. "Hindi. Hindi totoo yang sinasabi mo." "Mommy.. tama na po..." ani Lance habang yakapyakap ang inang umiiyak.
---Nang nailibing na si Mr. Garcia ay tulala lang si Mrs. Garcia. Hanggang sa araw na 'yon ay hindi pa rin nito matanggap na wala na ang asawa niya. Habang si Lance naman, iba nag nasa isip, ito ay ang maghiganti sa mga Park. PAGHIHIGANTI.
----" 'Nak, ang Daddy mo.. tawagin mo na.. handa na ang breakfast." ani Mrs. Garcia. "Mommy.." "Oh?ano? ano pang ginagawa mo? Tawagin mo na ang daddy mo."
At nagpaulit-ulit ang ganoong sitwasyon hanggang sa naisipan na ng Tita ni Lance na ipatingin sa doktor ang kalagayan nito.
"I'm sorry." ang tanging nasabi ng doktor ngunit ayon naman dito ay ,maaari pa rin itong gumaling ngunit hindi masasabi kung kailan.
Dahil sa balitang iyon, lalong nagalit ang batang damdamin ni Lance. "Park!Park!Park! magbabayad sila.
Dahil naman sa mga nangyari ay minabuti ng Tita ni Lance na ampunin na lang siya dahil wala na ring maaaring mag-alaga dito.
---"Tita, gusto ko pong lumipat ng school." ani Lance. "Huh? Bakit naman?" "eh, kasi po ayokong tuksuhin ng mga kaklase ko about sa mga nangyari." "Sige, I understand. Teka, san ka naman lilipat?" "Sa San Gabriel School po." "Ah, okay. Bukas na bukas rin aayusin ko na ang papers mo." "Thanks, Tita."
Tagumpay ang plano ni Lance. Makakalipat na siya ng school kung saan naroon ang anak ng magasawang Park. Paano naman niya nalaman? Itoy
dahil minsan na rin niyang nakita ito sa kumpanya ng mga Park Dati kasing magkaibigan ang mga Park at Garcia.
Chapter 6
"Brooke! Wait!" hinahabol pa rin ni Baron si Brooke pagkatapos magalit ni Brooke dahil ayaw sabihin s akanya ni Baron ang naturang sikreto.
"BROOKE! I LOVE YOU!" wika ni Baron. Sinigaw lang naman niya sa buong campus na mahal niya si Brooke. Dahil dito, napalingon si Brooke.
Hanggang sa lumapit na si Baron kay Brooke. "Gotcha!" "What?" pagtataka ni Brooke. Ano'ng ibig sabihin niya sa Gotcha? Biro lang ba yung I LOVE YOU? "Haha.. Nahuli kita.. uy.. di na siya galit." ani Baron. "MAS GALIT NA KO NGAYON 'NO!"
"uy.. uy.." patuloy na naman sa paghabol si Baron. "Bakit mo ko hinahabol? eh, hindi mo rin naman sa'kin sasabihin 'yong sikreto diba? So what's the point pa nang paghabol mo sa'kin ngayon?" "Sobrang galit ka ba talaga?" "Oo! Di pa ba obvious?" "Ano'ng dapat kong gawin para di ka na magalit?" "WALA!" "Huh?" "W-A-L-A!! Di ka ba makaintindi?" "Teka, may iba pa ba kong kasalanan sa'yo bukod sa di pagsabi nung sikreto? Kasi mukhang galit na galit ka talaga,eh." "Sh*t ka! Bwiset!" "Uy! Makamura ka ah! Ibig sabihin meron nga." Ano ba'ng problema nito ni Brooke?
Pagkatapos naman ng araw na iyon ay di na nagkikita ang dalawa. Isang araw na rin ang lumipas.
"Bro, Di pa ko kinakausap ni Brooke pagkatpos ng araw na iyon." "Baliw! Ang slow mo kasi!" ani Adrian. "Bakit? Yan ka na naman eh, porket matalino ka lang eh." "Sino ba naman kasing babae ang di magagalit kung ipinagsigawan nang isang lalaki na mahal niya ito?" "So, ibig sabihin nagalit siya dahil do'n?" "Tumpak!! Na-gets mo rin sa wakas!" "Eh, so anong gagawin ko?" "Mahal mo naman talaga siya diba?" "Oo." "Edi sabihin mo totoo yung sinabi mo nung araw na iyon na mahal mo siya." "Eee... mahirap kaya!!" "MAHIRAP? puwes, bahala ka na sa buhay mo!!" ani Adrian sabay alis.
Sabay dating naman ni Rachel. "Oh? Rachel? " Tila hindi naman siya marinig ni Rachel. Kumakain ito ng noodles ngunit hindi naman niya ito naisusubo. Nalalaglag lan ang bawat noodle na nasa kutsara niya. "RACHEL!" sigaw ni Baron. "Oh? Baron? My Friend! What can I do for you that you cannot do for me?" ani Rachel na mukhang may tama talaga. "ano bang nangyayari sa'yo?" "Wala naman. How about you?" "Hay! Wala naman akong makausap nang matino sa mundo!" wika ni Baron saka umalis. "Paalam kaibigan! Kung walang knowledge, walang powers! Buh-bye!" ani Rachel.
"Ano bang problema ng mga tao ngayon? Una si Brooke di ako kinakausap taz si Adrian taz si Rachel din wala sa katinuan naman. Hayyy..." ani Baron.
*Mall "Oh? Bakit ngayon ka lang? First date natin ngayon tapos late ka?" ani Lance nang dumating na si Rachel. "You know naman kaming mga girls, talagang medyo late dapat 'no." "Ah ewan!Halika na nga..." ani Lanca at saka hinawakan ang kamay ni Rachel. "Ikaw ah.. pasimple ka pa diyan.." ani Rachel. "Bakit? Ayaw mo ba?" "ikaw naman .. Di ka na mabiro.. Siyempre gusto." Napansin naman ni Rachel na di na sumagot pa si Lance at ito'y nakatitig na lang sa kanya. "Uy? Ano'ng problema? May dumi ba sa mukha ko?" Dahan-dahan namang hinawi ni Lance ang mga hibla ng buhok ni Rachel na tumatakip sa mukha nito. At saka dahan-dahan ring inilapit ang mga labi niya sa labi ni Rachel. Nang mga oras na iyon, di nila alintana ang mga taong nakapaligid sa kanila. Pakiramdam nila'y sila lang ang naroon sa lugar na iyon.
"I love you Rachel Park." "I love you too Lance Garcia."
*sinehan
"Dito tayo sa unahan Lance." "unahan?" "oo bakit?" "Dun nalang tayo sa may bandang dulo.. please? ayoko kasi sa unahan eh.." "Ah.. sige na nga.." Sila'y naupo sa may dulo. "Bakit ba tayo dito naupo?" "Wala lang. Gusto ko kasi ng privacy. Marami nang tao sa unahan eh." "Bakit nman?"
"Dami mong tanong! Iyan magsisimula na yung movie." They are watching "50 first dates'
(Guys! Alam kong matagal na 'ong movie na 'to .. pero assuming na lang na SHOWING pa rin siya ng time na 'to.. favorite ko kasi eh!)
Napansin naman din ni Rachel na hindi sinakop ni Lance ang patungan ng kamay sa may upuan, tila ba gustong ipahiwatig ni Lance sa kanya na ipatong din niya nag kamay niya dun.
At saka ipinatong na rin ni Rachel ang kamay niya roon. At dahan-dahang hinawakan ni Lance ang mga kamay niya.
"I wanna make you smile whenever you're sad Carry you around when your arthritis is bad Oh all I wanna do is grow old with you I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks Oh it could be so nice, growing old with you I'll miss you Kiss you Give you my coat when you are cold ..." "Gusto ko yan na ang theme song natin." ani Rachel. "Sige." "T'saka syempre sundin dapat natin kung anong nakasaad sa kanta ah." "Oo naman."
Sa paglabas nila ng sinehan... "Oh?Naiyak ka?" ani Lance. "Oo. Sobrang nakakaiyak kasi, eh. Hanga ako kay Adam Sandler.. nagawa niya ang mga bagay na yun ng paulit-ulit .. di na siya napapagod kasi mahal niya yung girl.." "'Wag ka na malungkot.. Nandito rin naman ako... at di rin ako mapapagod na mahalin ka.."
"Talaga?" "Oo naman." "Weh?" "Oo nga!" "Patunayan mo mu--" ani Rachel. At saka naman siya biglang hinalikan ni Lance. "Oh? Okay na bang patunay 'yon?" "Oo na.. Hmm May napapansin ako, nakakailan ka na ah!" "Pasimple ka pa! Eh, gustong-gusto mo rin naman!" "T'se!!" ani Rachel.
Chapter 7
"RIIIING!! RIING!!" tunog nang tunog ang phone ni Brooke. Tumatawag sa kanya si Baron at ayaw niya itong sagutin. "Ano bang problema ng Baron na yan?" ani Brooke. "I hate him."
Dahil sa sobrang lungkot, naisipan ni Brooke na pagmasdan na lang ang mga tala sa kalangitan. Habang pinagmamasdan niya ng mga iyon, ay nakikita niya ang mukha ni Baron na nakangiti sa kanya at dahil dito, siya'y napaluha. "Baron, di mo ba ko mahal?" "MAHAL KITA!" sigaw na nagmula sa ibaba. "Weh?" "OO nga! Promise!" ani Baron. "Mahal din kita!" "Uy! Brooke! Sino bang kausap mo diyan?" tinig ng Mommy ni Brooke mula sa ibaba ng bahay nila. "Boyfriend ko po!" "Ah.. edi papasukin mo na nang makilala namin!" "Sige po!"
"Mom, Dad, Si BAron po, boyfriend ko NA." "Kailan pa kayo naging mag-boyfriend?" tanong ng Dad ni Brooke. "Kanina lang po." matapt na sabi ni Brooke. "Huh?" sabay na sabi ng mga magulang niya. "Haha! Anak ko talaga!" "Baron, alagaan mo ang anak ko ah. Wag na wag mong sasaktan kundi hindi mo na gugustuhing mabuhay pa." "Yes, Sir."
Hanggang sa nagpasya na si Baron na umuwi. Habang palabas sila ay magka-holding hands sila.
"Oh Pano?" ani Baron at saka napansing nakapikit si Brooke at ang mga labi naman nito'y tila di naman mapakali.
Kaya naman hinalikan na ni Baron si Brooke at nang matapos, "Bye! I love you!!" at saka tumakbo paalis. "Byee! i love you too!"
Ang grupo ngayon ay binubuo na ng dalawang partners kasama sina Trish at Adrian.
"Trish, kailan ba magiging kayo ni Adrian?" wika ni Brooke sa harap ng buong barkada. "Loka!" ani Trish. "Trish, kailan mo ba ko sasagutin?" wika ni Adrian. Matagal na kasing nanliligaw sa kanya si Adrian. "ang ingay mo! Potek!" "Eh..kailan ba---" At sa pagkakataong iyon ay hinalikan siya ni Trish. "Oh? Happy? Happy?" "Naman!"
Chapter 8 "Dad?Hello?" wika ni Adrian nang mapatawag ang Dad niya sa phone. "'Nak, Kailangan kita dito s aAmerika para sa kumpanya." "Sorry, Dad. I can't go." "Kahit ano pang sabihin mo, pupunta ka rito. Malaki ang maitutulong mo rito." huling narinig niya sa Dad niya at saka ibinaba ang phone.
Kinabukasan sa eskwelahan, pinagtitinginan ng lahat ng mga estudyante si Adrian. Parang gangster kasi ang itsura nito. Naka-eyeliner, may hikaw sa ilong at dila, nakataas ang buhook, napakapantalong loose, nakaitim na t-shirt na loose rin.
"Hoy!Ano'ng problema niyo? Ba't niyo ko pinagtitinginan?" wika niya na parang hindi siya isang estudyante.
Oo, tama. Ang estudyanteng dati'y napakalinis at maayos ang pag-uugali, at ang pinakamatalinong estudyante sa klase , ngayon ay nagkaganito.
"Adrian! Ano'ng nangyari sa'yo?" wika nito ngunit di siya pinansin ni Adrian. Nialampasan lang siya nito na parang walang nangyari.
Napansin naman siya agad ni Rachel. "Trish, may problema ba? Ba't ganyan ang itsura mo?" "Si Adrian." "Bakit?" huling nawika nito nang dumating si Adrian. Nakita niya ang itsura nito. Tumayo siya at nilapitan ito. "Hoy!Adrian! Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit ganyan ang itsura mo?" "Wapaks! Tabi!" ani Adrian. "May pake ako sa'yo! Tignan mo 'yung girlfriend mo,nasasaktan sa ginagawa mo!" "Tumigil ka na kung ayaw mong masaktan." "Fine!"
Nilapitan na ni Rachel si Trish. "trish, alam mo siguro may nangyari lang. Hayaan mo malalaman din natin 'yon at maibabalik rin natin ang dating Adrian."
(canteen) "May alam ka bang nangyari, Trish?" tanong ni Lance. "Malamang wala diba? Kaya nga siya nagkakaganyan." pambabara ni Baron. "Kung sino pa ang leader ng tropa, siya pa ang nagkaganito." "Kailangan nating malaman kung ano'ng nangyari, bago pa mas lumala ang lahat. "Oo, Lance , Tama." wika ni Rachel at saka hinawakan ang kamay ni Lance.
"Hi. Nakita niyo ba si Adrian?" paulit-ulit na sabi ni Trish sabawat estudyanteng nagdadaan.
Nang mapagod na si Trish, siya'y naupo muna sa may bench sa labas ng H.S. department. May narinig siyang umiiyak at nang mapalingon siya sa pinanggagalingan nito ay doon niya nakita si Adrian. "Adrian?" ani Trish. Agad namang pinunansan ni Adrian ang kanyang mga luha. "What the hell are you doing here?" maangas na sabi nito. "Ba't ka umiiyak diyan? At puwede ba sabihin mo sa'kin kung bakit ka nagkakaganyan?" tumataas na ang tono ng boses ni Trish. "Ano bang pake mo?" "Huh? Ano'ng pake ko?" nagsimula nang lumuha ang mga mata niya. "Kapal din naman talaga ng mukha mo 'no!! Oo nga! Sino ka nga ba para pakialaman ka? At sino ka rin para saktan ako ng ganito?" "Tumigil ka na." ani Adrian. "Tumigil?At bakit naman ako titigil? Di ako titigil hangga't di mo sinasabi sa'kin kung ano'ng problema!"
Naglakad palayo si Adrian sa pagkakataong ito, di na niya makayanang makita si Trish na nagkakaganoon dahil sa kanya. "Hoy! Di pa ko tapos!" Ngunit patuloy pa rin sa pag-alis si Adrian.
"Hello?Lance?" ani Rachel nang makausap sa phone si Lance. "Pumunta dito si Trish kanina , umiiyak." patuloy niya. "May nalaman ako, Rachel." ani Lance. "Ano iyon?" "Hindi ko pa sure ngayon. Nalaman ko lang na nakauwi na ang Dad ni Adrian mula sa Amerika. Siguro ay may kinalaman ito sa mga nangyayari. "Siguro nga."
"Class, how can you simplify this equation?" pagdidiscuss ni Mr. Geronimo sa klase.
Sa kalagitnaan naman ng klase ay bigla na lang dumating ang mga tila bodyguards at sapilitang isinaman si Adrian sa kanila. "Hindi ako sasama sa inyo!Nakita niyo naman ang itsura ko diba? Sa tingin niyo, paano ko magagwang makatulong sa kumpanya kung ganito ako?"ani Adrian. "Sorry, Sir. Pero mas matalino po ang Dad niyo sa inyo. Alam po niyang ginagawa niyo lang iyan para di niya kayo isama sa Amerika." Matapos sabihin iyon ng mga bodyguards ay napalingon si Adrian kay Trish. Ngayon, alam na ni Trish ang nangyayari. "Adrian!" wika ni Trish nag tuluyan nang naisama ng mga iyon si Adrian. Pinili niyang habulin ang mga ito ngunit huli na. Naisakay na si Adrian sa sasakyan.
Kinabukasan, "Tao po! Tao po!" wika nina Brooke at Baron. Naroon sila sa mansion ni Adrian. "Sino'ng hanap niyo?" sabi ng katulong. "Ate, puwedeng pa-CR?"ani Brooke. "Please, Ate,maawa na kayo sa girlfriendko. Mahal na mahal ko 'to eh."ani Baron at saka hinalikan si Brooke. "Hay nako, kabataan talaga ngayon.O, sige sumunod kayo sa'kin. At saka naman sinenyasan na ni Baron sina Lance at Rachel upang makapasok. "Andito na tayo sa CR."
Papasok na nag dalwa nang, "Hoy! Lalaki.. MagC-CR lang yang girlfriend mo, kailangan mo pang samahan ?" "Ah, sorry ate. I'm just ahm.. hehe." At pumasok na si Brooke.
"Hmm.. Ate ako na lang bahala dito. Maiwan pong bukas yung gate baka po may pumasok." "Ah oo nga,. Sige pakibilisan na lang." Lumabas na si Brooke at nagkita-kita na silang apat. Dali-daling pumunta sina Rachel at Brooke sa kwarto ni Adrian habang atgabantay naman sina Lance at Baron. 'Adrian.. Uy." wika ng dalawa.
Chapter 9 "Kailangan mo nang makatakas dito."ani Rachel. "naghihintay na si Trish sa school."ani Brooke. "I'm sorry .Pero parang imposible."
"Bobo!nakapasok nga kami diba? Edi puwede rin tayong makalabas." "Kung maka-BOBO ah." "Tama na nga! Ano ka ba Adrian!"
Ayaw pa rin lumabas ni Adrian kaya kinaladkad na nina Rachel ay Brooke ito. Ngunit nahuli sila ng mga bodyguards. Nang makalbas sila ng kwarto ay nahimatay sila dahil s apanyong itinakip s aknilang mga ilong.
(AIRPORT) Dali daling pumunta si Trish sa naturang telephoone operator room ng airport.
"Miss." ani TRish na tila hinihingal pa. "Miss, puwedeng magsalita? May kailangan lang akong pigilan umalis.Please?"
"Hoy!" sigaw ni Trish nang nakapagsalita na sa telepono. "Hoy! Adrian BOBO! "nagsimula na siyang lumuha. "Ano ba? Duwag! simple simple lang pala nang problema mo! tapos ngayon tatakasan mo lang? Iiwan mo pa ko.ano'ng klase ka? Pnahirapan mo pa ko sa plano mo tapos aalis ka rin pala. Sinaktan mo pa ko para sa wala! Alam mo ba kung gaano kasakit? Kung alam mo lang. Ang sakit sakit... Hoy! ano? Aalis ka pa??...."patuloy lang sa pagsasalita si Trish. Ang lahat ngiyon ay naririnig sa buong airport kaya dali daling pumunta na rin si Adrian sa kinaroroonan ni Trish.
Matagal rin sila sa posisyong iyon. Hanggang sa nagsalita si Adrian. "Trish.. I'm sorry."
"Aray!"
Chapter 10 >Let's go to the main characters na!!^^ "Masaya ako para kay Adrian at Trish." ani Rachel. "Ako rin.. so pano na?" ani Lance "Huh?" "What about Us?" ani Lance sabay ngiti. That smile. That so wonderful smile. Rachel loves it. That smile from Lance, how could she live without seeing that?
"Kapal!"
Kinabukasan, nagback to normal na ang lahat. Tambak ang homeworks, projects, activities at marami pang iba. Staying stronger na rin ang mga couples. Halos di na naman mabuo ang barkada dahil sa mga school works. Pero silang partners, naghahanap ng time para makasama ang isa't isa. "Class, for your project in English..." wika ni Mrs. Enriquez. "PROJECT? again? Hayy.." sigaw ng buong klase. "Class, whether you like it or not, you have to do this. Okay, for this project, you need a partner. Okay, go to your partners na." "Kami po ni Rachel!" wika ni Lance habang itinataas ang magkahawak na kamay nila ni Rachel. "Okay, partners # 1, Rachel and Lance."
*** Nagpasyang gawin nila Rachel at Lance ang naturang project sa bahay nila Lance dahil wala rin
namang tao roon. Dinala ng Tita ni Lance ang Mommy ni Lance sa ospital upang ipa-check-up. "Ano'ng gusto mong kainin?" tanong ni Lance. "Ah.. eh... kahit ano.." Rachel looked at the whole house. Napakalaki nito at doon niya napagtanto na mayaman pala sila Lance. She has never been in that house. She also saw the pictures.. the paintings that are framed and placed on the wall. She saw the huge painting of a wonderful woman. May pagkakahawig ito kay Lance. She must be Lance's Mom. Yes, Lance's Mom. She could feel that she already saw that woman. She just couldn't remember when, where or how. All she knows is that she knew her. "Your Mom.. right?" sa wakas, naglakas-loob na rin si Rachel na magtanong. "Yep." "I know her." "What?" "I just can't remember." "That's so impossible. You've never been here."
"I know, but.." "But?" "Never mind." Nagsimula muna silang kumain sa mahabang dining table. "Ang layo mo yata, Rachel." ani Lance. Nasa magkabilang dulo kasi sila ng table. "Oops. hehe. Hayaan mo na." "Rachel, do you trust me?" biglang sumeryoso si Lance. "Of course." "Okay." at saka tumayo si Lance at tumabi kay Rachel. "Rachel.. I love you." ani Lance.
Those three words. I LOVE YOU. Rachel just couldn't respond to it this time. She doesn't know why.
Is this because they are the only two people in the house? Only her and Lance? Only them. Or is there any other reason? "Lance.." nagsalita na si Rachel. "Yes?" Tumingin naman si Rachel kay Lance. "Oh? Ba't ganyan ka makatingin?" "Nothing." "You're not thinking of doing that, right?" "What?" nagulat si Rachel sa sinabi ni Lance. Napangiti na lang si Lance. "Oops! Sorry."
"Kunin ko lang materials.. sa room ko." ani Lance. "I'm going with you." wika ni Rachel. "What?" "Bakit? masama ba? I just said by now din naman diba na I TRUST YOU." "Yeah.. yeah.."
"Uhmm.. CR lang ako.," wika ni Lance nang makapasok na sila sa kwarto. " 'kay."
->FLASHBACK
"Hello? Tita?" wika ni Rachel nang tumawag ang Tita niya, ito yung time na nireresolba nila ang Problema nina Trish at Adrian. "I have something to tell you. About Lance, He has something like... uhmm... he got something to do with you. Remember that time? Nung namatay ang mayari ng kumpanyang kalaban ng company niyo? 'yung naaksidente't di naglao'y namatay rin... and the child.. the son of the man.. and the surname GARCIA....."
"Stop it. Tita, later na lang tayo mag-usap.. may aasikasuhin pa po kasi kami..." ani Rachel.
->END OF FLASHBACK
Rachel now started finding, looking for some clues.. Now, she again remembered the woman on that painting, it was the wife of the man died long years ago, that was said that the reason was their company. She now found a notebook.
Suddenly, lumabas na si Lance galing sa CR. He saw Rachel handling the notebook. He just couldn't believe it. What would he do now?
"Rachel...I'll explain." "You don't have to.." "So you already knew the reason?" "Nung isang araw lang..."
"I'll now explain. "Stop it. You don't have to explain anything! Dahil alam ko na ang lahat! Sa simula't simula pa lang, The vary first time we met.. that was also planned, right? Tell me! bakit kailangan mo pang mag-explain? at ang pinakamasakit.. ang pagmamahal na nadama ko mula sa'yo ay di rin totoo.. di pala.." "That's not true! Binawi ko na rin naman ang lahat ng plano , and that was all because I LOVE YOU!" "Tama na! Tama na Lance! Mas mabuti pang sabihin mo na ang lahat .. lahat ng totoo behind your LIES." Umalis na si Rachel matapos ang mga salitang iyon na binitiwan niya. She left the room, the house, she left Lance. She doesn't know what to do. The happiness she felt when sh'e always with Lance.. ay di dapat. The smile she knew.. is FAKE. And the LOVE that she felt from Lance..... lahat.. lahat..,.. hindi totoo ... She was really hurt.
Chapter 11
"Stop it!"
Patuloy lang sa pagtakbo si Rachel habang hinahabol siya ni Lance. Hanggang sa lalo pang tumakbo si Rachel nang mabilis at di inaasahang may isang sasakyang mabilis rin ang takbo. Huli na nang pumreno ang sasakyan. Nabangga na nito si Rachel.
*Hospital*
Nakaupo si Lance sa lapag, sa labas ng kwarto ni Rachel, he is waiting for the Doctor's news. Tears stung in his eyes.
Dumating na ang buong barkada. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala para sa kaibigan nilang si Rachel. Nang makita naman ni Trish si Lance, ang
Nang mapansin ni Lance na naroon na ang mga kaibigan niya, siya'y tumayo. Nagkaharap sila ni Trish. Bakas pa rin sa mukha ni Trish ang galit. Lumipas ang ilangs egundo, bigla na lamang sinuntok ni Trish si Lance. "Walang hiya ka!! How could you? Paano mo 'to nagawa sa bestfriend ko? Tsk. Ang bobo ko naman, dapat. dapat kasi .. hindi ako nagtiwala sa'yo! Dapat... di ko hinayaang mahulog si Rachel sa'yo.. wala kong kwentang kaibigan.. wala...." napaluhod na si Trish dahil sa sobrang emosyon. "Lance., Please.. umalis ka muna.." ani Adrian. *** Nailigtas ng mga doktor ang buhay ni Rachel. ngunit... "Rachel! I love you..." ani Trish nang magkamalay na si Rachel. "I love you too!! Teka, puwede mong sabihin sa'kin kung anong nangyari.. bakit.. bakit ako nandito?" ani Rachel. "You don't remember anything?"
Ang sabi ng doktor, pansamantalang nabura sa isipan ni Rachel ang mga nangyari.. pili lang ang mga naaalala nito. Nagkaroon ng damage sa brain nito dahil na rin s aaksidente at isa pa'y..
"Rachel!" ani Lance nang dumating ito. "Uhmm.. Hi? Sino ka?" ani Rachel.
..Nabura rin sa isipan ni Rachel si Lance. Kadalasan sa mga ganitong kaso, ang pinakamahalagang tao sa pasyente ang siyang nakakalimutan. Ngunit, ito'y pansamantala lang rin naman pero wala ring kasiguraduhan kung kailan maibabalik ang mga naburang alaala. "He's just a janitor here!!" ani Trish. "Trish, Stop it." ani Adrian. "Why? Isn't it true?" aniya saba tingin kay Lance upang sakyan siya. "Ah, yes. Kunin ko lang po yung kinainan niyo." ani Lance. "Oh? Janitor? Eh, bat mo ko kilala?"
*** "What are you planning to do, Trish?" ani Adrian. "What? I'm just protecting Rachel. Mas mabuti na na di na niya talaga maalala 'yung walang kwentang taong 'yun 'no para di na siya masaktan.. Anong mali dun?" ani Trish. "That's not a good reason."
"Whatever."
Chapter 12
Lumipas ang maraming araw at buwan at hindi pa rin bumabalik ang mga naburang ala-ala ni Rachel kasama na si Lance. Mahirap ito para kay Lance ngunit kailangan niya itong tiisin. Siya rin naman ang dahilan kung bakit umantng dito ang lahat, Pinagsisisihan niya ng lubos ang lahat ng mga ginawa at nagawa niya.
Si Rachel naman ay muling namuhay ng normal ngunit ramdam niya na may kulang. May kulang talaga ngunit hindi niya matanto kung ano ito or kung sino ito.
"Trish.." ani Rachel. "Oh?Bakit?" "Kasi .. feeling ko .. there's something missing.." "Iniisip mo lang 'yan." "Hindi, eh. Di ko maiwasang isipin..." "Ano ka ba?! 'Wag mo nang isipin 'yan! Ang isipin mo na lang ay kung ano ang susuotin mo para sa J.S. natin bukas."
Junior-Senior promenade na nila bukas at marami na rin ang nangyari bago pa ito. Dahil sa kaklase rin naman niya si Lance, inisip na lang niya na nagparttime janitor lang ito noon sa ospital dahil hindi rin naman niya magawang tanungin ang buong tropa lalo na si Trish dahil lagi din naman iniiba ng mga ito ang usapan. Tila ayaw na talaga nila ibalik sa isipan ni Rachel si Lance.
-Junior-Senior Promenade-
Rachel was dressed just like a princess. She's beautiful, wearing her white dress that is best fitted on her.
"Uy! Rachel!Ano pang ginagawa mo diyan?" ani Trish. "Nahihiya ako. Ngayon lang kasi ako nakapagbihis nito sa buong buhay ko."
"Sus! Nagganyan ka na din kaya nung 3rd year tayo! Haler!" "Loka! Di kaya ako naka-attend n'on. Nagkasakit ako diba? Badtrip nga eh... Di ko tuloy nakasayaw si best friend..."
Si "BEST FRIEND" , bigla na lang lumabas ang dalawang salitang 'to mula sa labi ni Rachel nang di niya nalalaman st inaasahan.
"Trish.. Ang sakit ng ulo ko." wika ni Rachel. Tila ma'y kung anong nagfa-flashback sa utak niya. Mga kaganapan sa buhay niya na ngayon lang bumabalik sa kanyang ala-ala. At ang isang pamilyar na mukha ng isang lalaki....
"Rachel.. 'wag mong pilitin ang sarili mo.. Itigil mo na 'yang kakaisip.. Natatakot ako sa'yo eh.. " ani Trish. "Trish.. it's.. He's... none other than.. La...La...Lan...Lance!" napamulat ang mga mata ni Rachel nang mabanggit niya ang pangalan ni Lance. "I guess, I have nothing else to do to stop you from remembering him." "Trish?"
"Yes, I lied. I'm sorry... but I just thought that it would be the best way for you to recover faster and... to not feel the pain again that caused you that accident and that caused you to not remember those things..."
Tears stung in Rachel's eyes. Then she suddenly hugged Trish. "It's okay ,Trish. I understand you." "I love you, Rachel.." "I love you too.. Trish.. Uhmm.." "Wala pa si Lance. Abangan na lang natin ang pagdating niya at saka mo siya kausapin."
"Oh Adrian! Nasaan si Lance?" ani Trish nang dumating na ang partner niyang si Adrian. "Hindi siya makakapunta. Nakaalis na siya ng bansa." "What?Ano ka ba? Ba't mo pinaalis?" "Sorry. Pero hindi ko na siya nagawang pigilan. He needs some time to recover from the pain he feels..." "'cause of loving me?" biglang nawika ni Rachel.
"Adrian, she now remembered all the memories." "I'm sorry Rachel." ani Adrian. It hurts again. It hurts so badly. How cold this happen to her? Mas masakit ang nararamdaman niyangayon. She's going to forgive na sana si Lance ung magkikita sila ngayon pero Lance left her. How could he do this. Dali-daling tumayo si Rachel at tumakbo palabas ng naturang lugar. Sinubukan nilang pigilan si Rachel ngunit nakiusap siya sa mga ito na wag siyang pigilan dahil gusto niyang mapag-isa. She then walked along the way with nowhere to go.
Chapter 13
Grumadweyt sila sa highschool ng wala si Lance. Malungkot ang barkada pero wala na rin anman silang magagawa.
Kinabukasan after graduation,muli silang pumasok sa eskwelahan upang gunitain ang masasayang araw nila noon sa huling pagkakataon. Pero kahit saan naroon ang ala-ala ni Lance na hindi man lamang nila alam kung nasaan na.
"So pano guys?" wika ni Baron nang nasa exit gate na sila ng eskwelahan. "This is not a goodbye,right?" wika ni Brooke s masiglang boses. "Isa ngang group hug diyan!" wika ni Adrian.
This time, di na nila napigilang mag-iyakan. Mamimiss talaga nila ang isa't isa. Maraming magandang ala-alang itatago at hinding-hindi nila makakalimutan. Sa naging buhay HIGHSCHOOL nila!
"Rachel, are you sure? Okay ka lang umuwing magisa?" ani Trish. "Yep."
Umuwi si Rachel nang mag-isa.Mag-isang naglalakad sa kalye na tila di tiyak ang paroroonan.
Chapter 14
Nasa isang lugar siya na punong puno ng mga iba't ibang makukulay na bulaklak. Para siyang nasa siang paraiso. Marami ring makikitang kalapating lumilipad. Maya-maya'y tumugtog ang isang musika. Pamilyar ito sa kanyang tainga. Isang pamilyar na tinig rin ang kaniyang narinirinig na.
"I wanna make you smile whenever you're sad ,Carry you around when your arthritis is bad ,Oh all I wanna do is grow old with you ....."
Isang matandang lalaki ang kaniyang nakita. Maputi na ang mga buhok nito at kulubot na rin ang balat.
"Mahal, I love you." anito. "Lance?" ani Rachel. "Oo. ako nga." ani Lance. "Pero, bakit? Paano?"
*(Alarm clock rings) Nagising na si Rachel. Isang panaginip lang ang lahat. Ngunit, ano naman kaya ang ibig sabihin nito? Limang taon na rin ang lumipas at sa isa muling pagkakataon ay pumasok sa panaginip niya si Lance.
"Hoy! Rachel! Gising! Di mo na muling makikita ang lalaking iyon! Asanes ka pa! Baliw!" aniya sabay batok sa sarili.
Nagtatrabaho na si Rachel ngayon. Nakatapos siya sa kursong accountancy. Isa na siyang Accountant ngayon sa kanilang kumpanya. Masaya na rin siya sa buhay niya, kahit papaano... pinipilit niya.
Meron na rin siyang kasintahan ngayon. Ito ay si Brian Gonzales, isang officemate. Isang taon rin siyang niligawan nito, at ngayon, isang taon na rin silang magkarelasyon.
"Oo. Eto na. Paalis na." aniya at sa pagbukas ng pinto ay naroon na si Brian dala-dala ang kaniyang magarang sasakyan.
"Ano ka ba? Sinabi ko nang 'wag mo na ko sunduin eh." "Di mo ko masisisi, ganito kit akamahal, eh." ani Brian sabay halik sa labi ni Rachel. "Oh? Bakit? Masama bang humalik sa girlfriend ko?" aniya nang mapansing napatulala lang si Rachel sa ginawa niya. "Hindi naman. Tara Lets na nga!" aniya sabay sakay sa sasakyan. Bakit ba sa tuwing hinahalikan siya ni Brian ay di siya masaya? Alam naman niyang mahal niya si Brian at
lalong lalo namang di siya napilitang sagutin ito noon., pero bakit ganon?
"Bye, Hon." ani Rachel anag makababa ng sasakyan. "Sige mauna ka na. May kukunin lang ako sa apartment, may naiwan ako."
Muli, di niyang magawang halikan si Brian kahit just for a goodbye kiss. "Dad? Pinatawag niyo daw po ako?" ani Rachel "I told you, Rachel. Sir ang itawag mo sakin pag nasa office tayo." ani Mr. Park. "I'm sorry, Sir." "By the way, I need you to go with me to Macau." "Macau?" "Yeah. We have some business there." Napangiti si Rachel. Matagal na niyang gustong makapunta d'on. Naalala lang naman niya ang bansa
kung saan naghoneymoon sina Michael at Jeanie sa paborito niyang palabas. (oh? diba?)
** "Oh? For the first time, nagyaya kang makipag-date?" ani Brian. Tinawagan kasi siya ni Rachel for the first time para makipagdate sa iisang restaurant. "Ah, hehe. Ano gusto mong kainin? Treat ko!" ani Rachel. "Talaga?" "oo nga!" After eating, they walked along the way, holding each other's hands.
"Brian, how much do you love me?" Finally, Rachel broke the silence.
"Huh?Why all of a sudden?" ani Brian. "Basta! Sabihin mo na lang!" ani Rachel saka binitiwan nag kamay ni Brian nang di niya namamalayan. "Mahal kita. Mahal kita higit pa sa sarili ko't buhay. Mahal kita higit pa sa kahit anong bagay dito sa mundo. Sa bawat paggising ko, ikaw ang nais kong makita. Ikaw ang dahilan kung bakit ninanais ko pang bumangon sa bawat umaga. Di ko kayang di ka makita nang kahit isang minuto. Haha! nakakatawa 'no? Di mo lang alam pero lagi kitang sinisilip sa opisina nang di mo nalalaman." then he smiled at her."Mahal kita, mahal na mahal. Sa bawat ngiti mo , gumaganda ang araw ko. Ang malalambot mong kamay gustung-gusto ko laging hawakan.." sabay hawak sa kamya ni Rachel."Pati ang mapupula't malalambot mong labi .." "That's enough." ani Rachel habang lumuluha na ang kaniyang mga mata. "Oh? Ba't ka umiiyak? Masyado ka bang natouched?" "I'm sorry, Brian. I used to love you but..." "But?" wika ni Brian sabay hawak nang mas mahigpit pa sa mga kamay ni Rachel. "It's just not supposed to be like this. Di mo ba pansin na.. sa tuwing sinasabi mong mahal mo ko, di ako
nagsasabing mahal din kita.. sa tuwing hinahalikan mo ko, ni hindi man lang ako makangiti.. sa tuwing nagkukwento ka .. parang wala ako sa sarili.. parang di ako nakikinig sa'yo .. sa tuwing.." "Okay, Gets ko na." wika ni Brian at saka binitiwan na ang mga kamay ni Rachel. "I'm sorry.. Brian.. Aalis kasi ako ng bansa.. Hmm.. May some business ang company d'on then kailangan daw akong isama ni Dad so minabuti ko nang.." "Makikipaghiwalay sa'kin para di na ko masaktan nang mas malala pa.." "Oo. Para di ka na maghintay pa sa'kin..I'm sorry.....I'm..." "It's okay. I understand." huling wika ni Brian at saka umalis sa naturang lugar.
Chapter 15 Nakaalis si Rachel nang maganda ang lagay. She broke up with Brian dahil ayaw na niyang masaktan pa ito at paghintayin pa. Alam na niya ngayon, minahal niya si Brian pero mas mahal pa rin niya si Lance till now. Tanga na kung tanaga pero hanggang ngayon, alam pa rin niya sa sarili niya na mahal niya si Lance at umaasa pa rin siyang makikita pa niya ito.
"Good morning, Sir. I'm Rachel Park, Mr. Park told me to attend this meeting with you." "Rachel Park?" ani ng lalaki. "Yes,Sir." ani Rachel at sa pagtingin niya ay nakita niya ang lalaking kinakausap niya. Lance? Oh, my .. Wait... Kalma.. Kalma Rachel... Hindi pa niya alam na bumalik na ang mga ala-ala ko.
Si Rachel nga. Wait . Kalma ka Lance. Mukhang di pa rin niya ko naaalala. "Oh, Ms. Rachel , nice meeting you." at saka nakipagkamay ito kay Rachel.
"I'm Mr. Lance Garcia." "Oh. Yes, Sir , nice meeting you too." Wala nga siyang naaalala. Maya-maya'y bumukas ang pintuan ng opisina ni Lance. Kasabay nito ang pagpasok ng isang babae. Ito'y maganda, matangkad at sexy, isang napakagandang nilalang na ngayon lang nakita ni Rachel. "Hon.. Oh, I'm sorry .. May kausap ka pala." anito. Oh.. Marunong palang magtagalog itech .. Eh.. wala naman kasi sa itsura... Amerikana yata ee.. "It's okay, Hon." ani Lance. Hon? Hon ba kamo? Di malaman ni Rachel ang gagawin nang malamang may girlfriend na si Lance. Well, wala namang kagulat-gulat do'n pero.. pero masakit ito para sa kanya. Dahil sa .. dahil sa nagawa siyang kalimutan ng lalaking mahal niya.. Nakalimot na ba siya sa lahat? Siya na ba itong nakalimot sa lahat...?Paano ito nagawa ni Lance sa kanya..It hurts. "Ms. Rachel.. about our plan.." ani Lance na napansing tulala si Rachel sa kawalan. "Ms. Rachel?
Are you okay?" patuloy pa nito. Nagising bigla si Rachel at dali-daling kinuha ang phone at nagkunwaring may nag-text sa kanya. "Sorry, Sir. There's just an urgent meeting that I have to attend now." aniya sabay labas ng opisina. Rachel.. bumalik na ba ang mga ala-ala mo? Bakit parang nararamdaman kong mahal mo pa rin ako ? .. I'm sorry, Rachel , MAHAL KO...
Chapter 16
"Rachel .. wait!" hinabol ni Lance si Rachel nang oras ding iyon. Di niya malaman kung paano niya nagawang habulin si Rachel at iwan roon ang girlfriend niya ngunit alam niyang sinunod lang anman niya ang puso niya.
"uhm.. Can we have a coffee tonight?" ani Lance. "Oh yeah.. Sure." ani Rachel sabay ngiti.
"Grow old with you....." nasa bus si Rachel habang nakikinig siya sa kantang yaon gamit ang kanyang ipod. Then tears stung in her eyes.
Bakit ako umiiyak? I'm such a fool ... I still love him.
Maya-maya'y huminto ang bus, kasabay nito ang pagsakay ng mga bagong pasahero at isa na d'on si Brian.
"Brian?" nakilala ni Rachel si Brian na kakauo lamang sa bakanteng upuan sa tabi niya. "Rachel? Long time no see. I missed you." ani Brian. "Ako din."
"Nabanggit sakin ng Dad mo na si Lance ang tinutukoy niyang tao na makakatrabaho mo." "Si Dad? Paano? Bakit?" "Napansin niya sigurong naging iba ka simula noong mawala si Lance." "Dad... ang bait niya talaga." "so ? have you met him?" "Yeah." "And what happened?" "May girl friend na siya." "And so?" "Yeah. Tama. And so what naman diba?" ani Rachel suot-suot ang isang pekeng ngiti. "what if, maging tayo ulit? Para fair! haha." ani Brian. "Huh?" "Di ka ba natawa? Joke lang yun." Rachel can't deny it. She just missed this attitude of Brian that she loved the most. Yung lagi siyang pinapasaya sa tuwing malungkot siya..
"Oh? Tulala ka diyan? Narealize mo na bang mahal mo pa rin ako?" "Baliw!" Brian smiled."Sa wakas, napangiti na rin kita." "Thanks." This word thanks, she remembered the past. Wala na kais siyang ginawa dati kundi magpasalamat lang kay Brian. Tunay ngang mahal siya nito. Pero bakit ganun? Di niya magawang mahalin ito ng higit pa s apagmamahal niya kay Lance?
Hinawakan ni Brian ang magkabilang pisngi ni Rachel at pinisil ang mga ito. "Ang cute mo!" "Stop it." "I dont want to."
Chapter 17
Dalawang buwan na ring magkatrabaho sina Lance at Rachel. Sa loob ng mga buwan na iyon, puro trabaho lang ang pinag-uusapan nila.
Mayroon pa ring ilangan sa pagitan nila at higit sa lahat, hindi pa rin sila nagkakaaminan tungkol sa mga sikreto nila sa isa't isa.
"Ms. Rachel, puwede ka nang umuwi kung pagod ka na." ani Lance nang mapansin ang itsura ni Rachel na tila pagod na pagod na. "It's okay, Sir." sagot ni Rachel. "Please?" "Okay, Sir." Sa wakas , pumayag na siya.
"O, Sir?" Sa paglabas ni Rachel sa building ay nakita niya roon si Lance na naghihintay habang nakasandal sa sasakyan nito. "Hatid na kita." ani Lance. "But, Sir.." "Please?" "Okay."
Sa biyaheng yaon, ay nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Kinakabahan silang pareho at nahihiyang mag-usap.
"Hm. Rachel , Can I ask you something?" nagsalita na si Lance. "Have you already fallen in love with someone?" patuloy nito. "What kind of question is that?" mataray na naisagot ni Rachel dahil sa pagkabigla niya. "Just answer it." seryosong sagot ni Lance. "Gusto mo talagang malaman? Okay, I'll tell you the truth now."
Napahinto si Lance sa pagmamaneho, itinigil at itnabi ang sasakyan upang pakinggan si Rachel. "I've been so much in love with this man till now. He's so loving and kind and I thought I could live with him forever happily .. pero alam mo ginawa niya? Niloko niya ko ... niloko mo ako..." "Rachel .. Nagkakamali ka.... Niloko nga kita pero.." Tinignan ni Rachel sa mga mata si Lance. "Alam mo Lance... Matagal na kitang pinatawad. Pero anong ginawa mo? Iniwan mo ako ...." "I'm sorry Rachel...." "sor-" ani Rachel na hindi na naituloy ang sasabihin. Lance kissed Rachel gently. Rachel felt like she was in heaven. She was so happy feeling Lance's kisses on her lips. She could feel that Lance still loves her so much as she does. She doesn't need anymore reasons from him, those kisses were enough.
Chapter 18
Naghiwalay na si Lance at ang girlfriend nito. Sinabi ni Lance na hindi na niya ito mahal. Minahal nga niya ito pero hindi pa rin ito hihigit sa pagmamahal niya kay Rachel.
After a year...
"Pa-kiss nga!: ani Lance na kinuulit ang busy na si Rachel. "Ano ka ba! Ang dami-dami pa nating trabaho.. umayos ka nga!" galit na sabi ni Rachel. "eee... Pa-kiss muna!" pangungulit pa rin ni Lance. Humarap si Rachel kay Lance at kinintalan si Lance sa labi. "Happy now?"
"Bitin, eh!" "Kapal!" ani Rachel sabay sampal kay Lance. "Rachel .. di pa ba tapos iyan?" ani Lance na tila inip na inip na sa kakahintay kay Rachel. "Ano bang meron? Ba't nagmamadali ka?" "It's a secret." "Secret..Secret. ka pa diyan." bulong ni Rachel. "Alis na ko. Una na ko sa'yo Tagal mo,eh." sabay tayo ni Lance sa kanyang kinaupuan. Sa kaniyang pagtayo, may iniwan siyang card para sa isang resto at may kasama itong sulat. Rachel .. kita na lang ayo sa address na 'to ah? LOVE YOU. "Rachel... " ani Lance na bumalik. "Magbihis ka ah. Yung maganda." pahabol nito at saka umalis.
Rachel then entered the resto She's wearing a beautiful white dress with a simple design, nakalugay din ang buhok niya. Hinatid na siya ng waiter sa isang exclusive room at doon, kitang-kita ang tanawin sa labas. "Sus. ano naman ang silbi ng tanawin sa labas ngayon? Eh, ang dilim-dilim na..." aniya. The Lance now entered the room, wearing a black suit. Di makakailang gwapo ito sa suot niito. Rachel was mesmerized. Napansin siya ni Lance. "Oh? Gwapo ko 'no?" "Feeling mo naman ..." pagde-deny ni Rachel. At umupo na sila. "Kain na." ani Lance. "Okay." "you know, I missed the old you." ani Lance habang pinagmamasdan si Rachel habang kumakain. "OLD me?" "Yeah.. yung tahimik." "Hayaan mo , pagkatapos ko dito, di na ko magsasalita."
"No. Don't do that. Mas mahal ko na kasi yung ngayon na IKAW." "WaLey." Lance laughed. "What's so funny about it? "Nothing."
-SILENCE-
"Wala ka bang idea kung anong meron ngayon?" ani Lance. "Wala, eh. Bakit? Ano bang meron?" "It's your birthday." Huh? Birthday? Dec. 4 nga pala ngayon at di ko napansin ang paglipas ng mga araw. Dahil na rin sa kabusy-han niya sa trabaho ay di niya na napansin ang araw ng kaarawan niya. Hindi na rin kasi naging mahalaga ang araw na iyon para sa kanya nung mga nakaraang taon dahil sa pagkawala ni Lance sa piling niya.
Tears stung in Rachel's eyes. "I hate you..lagi mo na lang akong pinapaiyak. Tumayo si Rachel then hugged Lance tightly.
"I love you, Lance. Kung alam mo lang kung gaano mo ko napasaya ngayon. Nagyon lang kasi ako ulit naging masaya sa birthday ko."
Lance took her hands and said,"I love you more, Rachel. Gusto ko lang bumawi sayo for all those years na hindi tayo nagkasama sa importanteng araw na ito. I'm sorry. And I promise that from now on, I'll always be by your side, FOREVER."
Then narinig nila ang hudyat ng simula ng Fireworks display. Ayun pala ang silbi ng madilim na kalangitan.
Then suddenly, Lance kneeled in front of her. "Rachel Park, Nangangako akong patuloy kitang mamahalin habang ako'y nabubuhay. Hinding-hindi na kita sasaktang muli. I'll be honest with you for the rest of our lives. So please Rachel Park, Marry me."
MARRY ME. Those two words. How could Rachel explain how much happiness she felt, hearing those words..
"Lance Garcia, I will marry you." aniya habang lumuluha ang kaniyang mga mata dahil sa sobrang kagalakan.
Sinuot na ni Lance sa daliri ni Rachel ang sing-sing na palatandaan ng pagpayag ni Rachel na magpakasal sa kanya. Then he stood up, wearing a smile.
Then he now kissed Rachel deeply. They could feel the sweet feeling brought by hose kisses. They felt very happy.
Then suddenly, lumabas na ang buong barkada. Si Trish w/ Adrian and Brooke w/ Baron and also, Brian. "Congratulations, guys! AIYEE!! "
Sa love, kahit ano pang mangyari kung tunay nilang mahal ang isa't isa , gagawa't gagawa ang tadhana ng paraan upang magkita sila muli at magkatuluyan. When two hearts are meant tobe, no matter how long it takes, no matter how far they go, no matter how tough it seems, fate will bring them together, to share their lives forever.