Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $9.99/month after trial. Cancel anytime.

My Funny Valentine
My Funny Valentine
My Funny Valentine
Ebook289 pages3 hours

My Funny Valentine

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Meet Vince and Vina. Dalawang nilikha na magkaibang-magkaiba ang mundo. Si Vince, isang design artist, samantalang si Vina naman ay isang Guest Relations Officer -- GRO in short. Alam naman natin dito sa Pinas ang connotation pag sinabing GRO ka. Parang nahihilera na rin ito sa hostess, call girl or pick-up girl or whatever. Bottom line, same-same lang katulad ni Julia Roberts sa pelikulang Pretty Woman.. Gets mo na? And there goes the analogy between our two main characters. Isang good boy at isang mapaglarong babae. Two worlds apart, ika nga... pero dahil sa mapaglarong tadhana, nagkatagpo, nagkakilala -- at naging malapit sa isa't isa.
WAIIITT!!! Let's be honest -- iba ang kultura ng mga Pilipino. Unfair as it may be, 'yung nangyari sa pelikulang Pretty Woman -- malabong magkatotoo dito sa atin, diba?
Tulad na lang ng sit'wasyon nina Vince at Vina. Like in Pretty Woman, two worlds apart sila, but in a twist of fate, nagkaroon nang special relationship albeit unconventional. Hindi sila lovers pero hindi naman sila friends lang. Mahal nila ang isa't-isa -- pero ang nakakapagtaka, hanggang doon lang... hindi nagle-level up ang relasyon nila. 
Nakakaintriga, 'no... parang ang labo? Well, tulad ng nasabi ko... unconventional 'yung relationship nila -- kumplikado, ika nga. So, palagay ninyo... forever hanggang friends-zone na lang ba sila o p'wedeng lumagpas pa doon? What's holding them back? And if ever, willing ba sila to take their relationship to the next level or are they better off as friends na lang talaga? You be the judge! Follow ninyo ang nakakakilig... nakakatawa... at kahanga-hangang relasyon nina Vince at Vina.
Can love really conquer it all?

LanguageTagalog
PublisherAB Meneses
Release dateSep 20, 2024
ISBN9786218418189
My Funny Valentine
Author

AB Meneses

Author, blogger, spin writer, SEO, artist, designer, all rolled in one -- that's me! I have a thousand and one ideas that is bursting in my mind and I want to share it with everybody. Hoping ang praying that some my of dreams, ideas, fantasies and whatnots can make, in a good way, a big difference in one's life. I consider myself, a jack-of-all-trade, whilst trying to make a dent in our world to make it a better place to live in.​​​​​​​ Born in Sta. Cruz, Laguna, Philippines. I've worked for twenty odd years, in 2 leading publishing house in the Philippines (Vibal and Diwa), as a layout artist, illustrator and art director. Somewhere along the line, I established my own DTP shop, specializing in book layout and design. Not long after, I started writing and producing my own e-magazines. My first book, titled "Kritterlund" is all about the world of ants running in parallel to us, and, wheeww, it has been and still is a-work-in-progress for almost 20 years (and running). By then, by offshoot, I started making comic strips out of it (Ants World, Silent Witness, David's Adventure, etc.), and turning it into a humor-fantasy book. ​​​​​​​Finally, I discovered that I have this itch for writing. I started writing in social media sites until I said, what the heck -- if I'm this serious in writing, I might as well publish my own books. And thus, the author in me was born. Nope, I'm not a supercalifragilisticexpialidocious author, but just someone who just loves to write. My former boss once told me that I have a talent for writing, so here I am. Of course, and I admit, I have a waaaay lot to learn, when it comes to writing and everything. Ugh! Even my grammar is always faulty. But one thing I'm sure -- I write from the heart. Everything I write comes from the goodness of my heart. That's why, I'm a hopeless romantic ergo I like writing romance-comedy stories, especially with  kilig-to-the-bones narratives. Although not everybody will admit it, everyone of us are romantic fools. That's why I love to write love stories that will make a profound impact in one's life.​​​​​​​ Uhm, every once in a while, I write non-fiction books, too. But don't hold your breath waiting for a new one.​​​​​​​ Happily, writing and producing my own books has become my safe haven.

Read more from Ab Meneses

Related to My Funny Valentine

Related ebooks

Reviews for My Funny Valentine

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    My Funny Valentine - AB Meneses

    Introduction

    Meet Vince and Vina. Dalawang nilikha na magkaibang-magkaiba ang mundo. Si Vince, isang design artist, samantalang si Vina naman ay isang Guest Relations Officer -- GRO in short. Alam naman natin dito sa Pinas ang connotation pag sinabing GRO ka. Parang nahihilera na rin ito sa hostess, call girl or pick-up girl or whatever. Bottom line, same-same lang katulad ni Julia Roberts sa pelikulang Pretty Woman.. Gets mo na? And there goes the analogy between our two main characters. Isang good boy at isang mapaglarong babae. Two worlds apart, ika nga... pero dahil sa mapaglarong tadhana, nagkatagpo, nagkakilala -- at naging malapit sa isa’t isa.

    WAIIITT!!! Let’s be honest -- iba ang kultura ng mga Pilipino. Unfair as it may be, ‘yung nangyari sa pelikulang Pretty Woman -- malabong magkatotoo dito sa atin, diba?

    Tulad na lang ng sit’wasyon nina Vince at Vina. Like in Pretty Woman, two worlds apart sila, but in a twist of fate, nagkaroon nang special relationship albeit unconventional. Hindi sila lovers pero hindi naman sila friends lang. Mahal nila ang isa’t-isa -- pero ang nakakapagtaka, hanggang doon lang... hindi nagle-level up ang relasyon nila.

    Nakakaintriga, ‘no... parang ang labo? Well, tulad ng nasabi ko... unconventional ‘yung relationship nila -- kumplikado, ika nga. So, palagay ninyo... forever hanggang friends-zone na lang ba sila o p’wedeng lumagpas pa doon? What’s holding them back? And if ever, willing ba sila to take their relationship to the next level or are they better off as friends na lang talaga? You be the judge! Follow ninyo ang nakakakilig... nakakatawa... at kahanga-hangang relasyon nina Vince at Vina.

    Can love really conquer it all?

    ABMeneses

    1

    TL Ako Sa ’Yo

    * * * * * * * *

    "Today is the first day

    of the rest of my life"

    * * * * * * * *

    Laking gulat ni Vince nang biglang humilig sa kanya ang babaing kalapit sa jeep.

    Haaiiss! Ano ba ‘to? galit na nasambit niya. Sa harapan sila nakaupo at tulog na tulog ang babae.

    Gusto sana niyang iiwas ang balikat. Pero nag-aalala siya na baka bumagok ang ulo ng babae. Panay ang tulak niya sa ulo nito, pero panay ang balik nito sa kanya.

    Haaay, naku... pabayaan mo na ‘yan, iho, hirit ng driver, puyat lang ‘yan. Madalas kong naisasakay ‘yan at laging nakakatulog sa daan. Hayaan mo na... kawawa naman. Hindi ka naman naiistorbo, diba?

    Ho? Ah, e... hindi naman, sagot ni Vince.

    Saan ka ba bababa? tanong ng driver.

    Uh, diretso po ako sa Project 7... sa dulo ng Bansalangin Street.

    Ganon naman pala. Sige na, pagtiisan mo na ‘yan. Sa may Tanguile ‘yan bababa, makalampas lang ng simbahan. Mauuna pa sa iyo. Gigisingin na lang natin kapag malapit na doon.

    Naiilang si Vince sa sit’wasyon. Kung saan-saan niya nahahawakan ang babae dahil sa pag-alalay dito. Kung minsan ay halos nakayapos na ito sa kanya.

    Sumagot si Vince, Haaaiis! E, baka mamaya n’yan akalain nito tina-tsansingan ko siya, e siya yung dikit ng dikit sa akin!

    Ha! Ha! Ha! Naku, h’wag kang mag-alala... kung saka-sakali, ako na ang magpapaliwanag sa kanya, sagot ng driver. Alalayan mo lang at baka maumpog ‘yan. Pagtiisan mo na... tutal... maganda naman s’ya.

    Ngek! At ginawa pa akong baby sitter! hinaing ni Vince.

    Pasimpleng sinulyapan ni Vince ang babae sa rear view mirror ng jeep.

    Mmmm... tama naman si Manong... maganda nga itong chick... makinis at mamula-mula ang kutis! Artistahin ang dating! Tsk! Tsk! Tsk! Ano kayang trabaho nito at tutulog-tulog sa daan?

    Pasimpleng inuri nito ang suot na damit.

    Naka mini-skirt at fitting na damit? Ha! Ha! Ha! GRO o hostess? Pero, disenteng tingnan -- hindi bastusin. Pati ang make-up -- okay lang... tama lang. Uhmmm... siguro, call center agent?

    Tiningnan niya muli ang mukha nito at pinigurahan.

    Mmmmm... parang may kahawig? Isip, isip,sip! Mmmmm... sino bang kahawig nito? Wait... parang ang dating n’ya... Koreana. Aigooo! Lumalabas na naman ang pagkahilig ko sa Koreanovela! Pero, wait, wait... seryoso, talagang kahawig s’ya nung paborito kong artistang Koreana. Sino ba yun? Si Suzy Bae ba, Park Shin Hye... o si Son Ye Jin? O, baka naman si Song Hye Kyu? Si Moon Chae Woon... Han Ga In... o yung bidang babae sa Love in the Moonlight... si Kim Yoo Jung? Aigooo! Sino nga ba... sino nga ba?

    Matagal-tagal din itong nag-isip. Pinagkukumpara ang mukha ng babae sa mga nabanggit.

    "Heheheh! Para akong judge ng beauty contest. Namimili kung sino ang panalo. Ummmm... -- ahah! Okay, nakuha ko na! Nakuha ko na kung sino ang kamukha nitong babae. Pumikit pa ito at nag-imagine na emcee siya sa isang beauty contest.

    The envelope, please!

    And the winner is...

    TAN-TARA-DAN-TANTAN!!!

    ... Son- Ye-Jin!!!

    Ha! Ha! Ha! hindi na rin napigilan ni Vince na matawa sa sarili niyang kalokohan. Tiningnan muli nito ang katabi, (Giggle!) Pwede, pwede!

    Hindi niya alam ay napapansin siya ng driver, Haay, naku! Ano bang kamalasan meron ‘tong gabing ito? Tutulog-tulog na nga ‘tong babae... tapos, mukhang kulang pa sa turnilyo itong lalake! Aba’y kanina pa salita ng salita -- wala namang kausap. Tapos, ngayon e, tawa ng tawa ng wala namang dahilan!

    * * * * * * * * * *

    Mahaba-haba na ang nilalakbay ng jeep nang maalimpungatan ang babae.

    Ngorrkk...! Uhm... ahh... ahh... sori, sori po! wika nito nang mapansing nakahilig siya kay Vince, at inilayo ang ulo nito.

    P-Pasens’ya na po. Hi! Hi! Hi! Nakatulog lang po ako!

    O-Okay lang! sagot ni Vince sabay naisip, Haaay! Buti naman at nagising! Nangangalay na rin ang balikat ko. Wheew! Thank you, Lord!

    Pero maya-maya lang ay muli na namang nakatulog ang babae at humilig na naman sa kanya.

    Haiiissss! Ano ba yan?!!! inis na nasambit ni Vince.

    Ha! Ha! Ha! hindi napigilan ng driver ang matawa.

    * * * * * * * * * *

    Parating na ang jeep sa Project 7 nang muling magising ang babae.

    Haallpps! Uhuh... Sori, sori ulit! P-Pasens’ya na po... nakatulog na naman ako!

    Tamang-tama, Ineng at nagising ka na... malapit na tayo sa bababaan mo! wika ng driver.

    Ganon po ba? S-Salamat, Manong! sagot ng babae sabay pinunasan ang tumulong laway sa bibig niya.

    Naramdaman nitong nakatingin sa kanya si Vince.

    N-Naku... sori po, sori po, dispensa nito, "m-mukhang natuluan ko pa kayo... ng laway... (yaikks!!!)"

    Haaaissss! halos mangalisag ang balahibo ni Vince. Kaya pala nanlalamig ang pakiramdam niya sa may balikat niya.

    S-So-Sori, Sir, muling pagdidispensa ng babae, hindi ko po talaga sinasadya!

    Sinubukan nitong punasan ng mga kamay ang laway pero inawat siya ni Vince.

    Yikes... h’wag na, h’wag na! diring-diring pigil niya. Okay na... pabayaan mo na ako! (Ahiiii!)

    Magpupumilit pa sana ang babae nang sumigaw ang driver.

    O, Tanguile na, Tanguile na! Bababa ka na dito, Ineng!

    Ayyy, Oo nga! Para, Manong... para!

    Bago ito bumaba ay muli na naman itong nagdispensa kay Vince.

    Sir, Sori talaga! Babawi na lang ako sa inyo sa susunod! pahabol nito bago umarangkada ang jeep.

    Sheesh! iring-iri nasabi ni Vince. Kadiriiii! At hindi pa raw niya sinasadya? E, paano pa... kung sinadya niya?!!! Ahiiii, at balak pang magkasabay kami ulit!

    Ha! Ha! Ha! malutong na natawa ang driver na lalong ikinainis ni Vince.

    Haaiisss!

    * * * * * * * * * *

    Diring-diri si Vince sa sarili pagkababa ng jeep. Napasulyap ito sa may balikat,

    Ahiiiiiiiii! Hanggang ngayon, nayu-yucky pa rin ako tuwing naiisip ko yung.... ngiiiii!!! Grabe ‘yung babaeng ‘yun... maganda nga -- tulo laway naman! Baka mam’ya may virus ‘yun... o kaya may nakakahawang terminal na sakit! Itapon ko na lang kaya itong polo ko? Pero, sayang... mahal pa naman ang bili ko dito. Pakuluan ko kaya?

    Kulang na lang na magtatalon ito sa galit.

    Tapos, sabi pa nung girl... babawi na lang daw siya... kapag nagkasabay kami ulit! At may balak pang magkasabay ulit kami! AYOKO, AYOKO, AYOOKKOOO!!! Kung magkakasabay pa kami noon -- ihahagis ko... itutulak ko palabas sa jeep ‘yun! Ahiiiii! Ipagdasal n’yang h’wag kaming magkakasabay -- kung hindi sorry na lang s’ya!!!

    2

    You Again? Not Again!

    "N giiiiiii!" dismayadong nasambit ni Vince nang namukhaan ang katabi pagkasakay sa jeep.

    Oh no, si Miss TL (tulo laway) -- buhay pa!

    Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng insidente at medyo nakalimutan na niya ito. Pero, heto na naman... kasabay na naman niya ang babae.

    Iginala nito ang mga mata sa loob ng jeep. Nag-aasang baka may malipatan. Pero punong-puno ang jeep. Katunayan ay may mga nakasabit pa.

    Haaaiiissss! Ano bang kamalasan ‘to at nakasabay ko na naman s’ya -- at kalapit ko pa ulit! Grrrrr! Kung hindi lang mahirap sumakay -- bababa na lang ako!!!

    Masamang masama ang loob ni Vince. February 14 ang petsa ngayon, Valentine’s Day at birthday pa niya. Tanggap na nga niya na wala siyang date sa araw na ito -- pero ano bang kamalasan ang dumapo sa kanya at nakasabay na naman niya ang kinaiinisang babae.

    (Sob!) Lord naman! Why, why why? himaktol nito. "Wala na nga akong gimmick... ni hindi nga ako nag-request ng kahit anong special sa birthday ko... tapos, wala pa nga akong date -- bakit naman binagsakan mo pa ako ng kunsumisyon? Good boy naman ako, diba?"

    Katulad ng nauna nilang pagkakasabay, tulog na tulog na naman ang babae. At katulad din ng dati, kung saan-saan napupunta ang ulo nito habang umaandar ang jeep.

    Ahhhhh! Bakit naman ganoon? Napakamalas naman nitong birthday kong ito. Ang dami naman taong pwede niyang makakalapit... bakit ako pa?!! Haaiisss! Lord, please... ano bang kasalanan ko’t pinarurusahan Mo ako ng ganito?

    Napapikit si Vince at napakagat sa labi nang maramdamang humilig sa balikat niya ang ulo ng babae.

    Ahiiiii! Ayan na naman! (Sob!) Tutulo na naman ang laway nito! Help! Saklolo!

    Pasimpleng itinulak nito ang ulo para sa kabilang pasahero mapahilig. Pero dahil mahina ang pagkakatulak ay humilig ulit sa kanya ito.

    WHY? Why me?!!! nangangalit na singhal nito. Haaaisss! Ano kaya... ihulog ko na kaya talaga ito -- palabas ng jeep?!!

    Pagalit na itutulak n’ya sana muli ang ulo nito nang mapansin ang kamay ng lalake sa kabilang tabi ng babae. Nakahawak ito sa hita ng babae at halatang nangtsa-tsansing. Gusto man niyang magwalang-bahala, nanaig ang mabuting-asal ni Vince.

    Tinabig nito ang kamay at sinabihan ang lalake.

    Pre, respeto naman.

    Dahil nabisto, napahiya ang lalaki at tuluyang inalis ang kamay. Tumingin ito nang masama, pero hindi natakot si Vince at gumanti ng tingin. Sa huli ay ang naturang lalaki ang nagbawi ng tingin.

    Nang muling babaling ang ulo ng babae ay pinigilan na ito ni Vince at inihilig sa balikat niya.

    Hindi pa nagtatagal ay naramdaman niyang namamasa ang pagitan ng balikat at leeg niya. Kulang na lang na magtitili ito.

    Oh no! Not again? Yaiikss! Kadiri!!!

    Nandidiri man ay tinatagan ni Vince na hindi alisin ang ulo ng babae. Ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang maniac na mapagsamantalahan ito.

    Haaiisss! Lord, ano ba itong pagsubok na ginagawa mo sa akin?!

    * * * * * * * * * *

    Medyo may kalayuan na ang binabaybay ng jeep nang mapadako ang tingin ni Vince sa kamay ng babae. May hawak itong Tetra pack juice at nangangalahating sandwich.

    Lubos na maawain ang binata at tuluyan ng nabagbag ang kalooban nito.

    Kawawa naman. G-Gutom na siguro... kaya dito na lang sa jeep kumain...

    Napalitan ng pag-aalala ang naramdaman niya tungo sa babae. Maingat na inakbayan niya ito at ikinalang ang ulo nito sa balikat upang makatulog ng husto.

    * * * * * * * * * *

    Malapit na sa may Frisco nang maalimpungatan ang babae. Pasimpleng tinanggal ni Vince ang kamay niya sa balikat nito at umusog ng bahagya. Marami na ring bumabang pasehero, kasama na ang manyakis, kaya maluwag na sila.

    Nang mahimasmasan na ito ay pasimpleng itinago ang sandwich at itinapon sa basurahan ang tirang juice.

    Naku, Ineng, wika ng isang ginang sa tapat ng upuan nila, kanina ka pa hinihipuan nung kalapit mong manyakis. Mabuti na lang at kalapit mo itong mabait na lalaking ire.

    Naguguluhang napatanong ang babae, A-Ano po, Ma’am? May nanghihipo po sa akin?

    Oo! Kaninang habang tulog na tulog ka! Natatakot akong sitahin dahil malaki at mukhang brusko yung mama. Mabuti na lang at kalapit mo s’ya, sabay turo kay Vince, at sinita ‘yung mama!

    Napatingin ang babae kay Vince, Naku, thank you po... thank you!

    Akala ko nga ay magsusuntukan silang dalawa, dagdag ng ginang, Galit yung manyakis pero nakita niyang hindi natatakot sa kanya itong binata.

    Naku, muntik pa pala kayong napaaway nang dahil sa akin. Maraming-maraming salamat po ulit!

    Tumango si Vince, Wala ‘yon. Ingat ka lang ngayon. Kung maaari, h’wag kang matutulog sa biyahe. Marami na kasing salbahe at mapagsamantalang tao sa panahong ito.

    Pagkasabi nito ay lumihis na nang tingin si Vince. Tapos na ang lahat. Ayaw na niyang magkaroon pa ng kaugnayan sa babae.

    * * * * * * * * * *

    Nakakatuwa nga siya, pagpatuloy ng ginang habang itinuturo si Vince, aba’y kabait na bata! Akalain mong inihilig niya ang ulo mo sa balikat n’ya para makatulog ka nang husto. Magkakilala ba kayo?"

    Naku, hindi po, nahihiyang sagot ng babae.

    Sandaling tumingin at umiling-iling naman si Vince. Pagkatapos noon ay tumingin na naman ito sa malayo.

    Naramdaman ng ginang na ayaw ng makipag-usap ni Vince kaya tumigil na ito.

    Pagdating sa EDSA ay nagbabaan na ang karamihang sakay, maliban kina Vince at ang babae.

    Malapit na sa Project 7 nang magiliw na nagsalita ang babae.

    B-Bossing... thank you ulit sa tulong mo kanina.

    Tumango lang si Vince pero hindi tumingin o nagsalita.

    Nakangiting nagpatuloy ang babae. Pinipilit na makahulihan ng loob si Vince.

    Hi! Hi! Hi! Inalalayan mo pa pala akong matulog. Nakakahiya naman sa iyo... sobra-sobra na ang ginawa mo. P-Pero, thank you ulit. Bahala na si God sa iyo... a-alam ko naman... love N’ya ang mga taong katulad mo! Aba! Bibihira na ang mga taong mababait na kapareho mo.... at POGI PA! Hi! Hi! Hi! Salamat ulit.

    Walang kabuhay-buhay na sumagot si Vince habang hindi pa rin tumitingin, (Sigh!) Wala ‘yon. Kalimutan mo na ‘yon.

    Pagkatapos ay muli na naman siyang tumingin sa malayo.

    Halatang naalangan ang babae at pansamantalang nanahimik. Pero makikitang gustong makilala si Vince. Maya-maya ay may naisip ito at nagkandakumahog na binuksan ang kanyang bag at kinuha ang wallet.

    B-Bayad ka na ba? masiglang tanong nito. Dahil bukas ang bag, naghulugan ang mga gamit nito.

    Ayy, ayyy... Hi! Hi! Hi! Ang clumsy ko talaga ngayon! wika nito, habang ibinabalik ang mga laman ng bag.

    B-Bossing... bayad ka na ba? tanong muli nito.

    Pairap na tumingin si Vince bago sumagot.

    "(Sigh!) Oo," sabay itinutok muli ang atens’yon sa malayo.

    Nawala ang saya sa mukha ng babae. Tila naunawaan nito na ayaw makipag-usap ni Vince at nanahimik na lang.

    * * * * * * * * * *

    Mama, para! hiyaw ng babae habang patuloy pa ring inaayos ang mga gamit.

    Nang bumaba ang babae ay lalong umiwas ng tingin si Vince.

    Mahirap na, naisip nito, baka humirit na makipagkilala pa... di bale na lang!

    Pero hindi pa nakakalayo ang jeep nang namataan niya ang wallet ng babae sa sahig. Napatingin si Vince sa driver. Nakita niyang masama ang tingin nito sa wallet at mukhang walang balak isoli.

    Napailing si Vince at nagdesisyon.

    PARA!!!

    3

    Matchy Matchy!

    * * * * * * * *

    The way through a man’s heart

    is through his stomach"

    * * * * * * * *

    Pagkatigil ng jeep ay mabilis na inabot ni Vince ang wallet at dali-daling bumaba. Nakita niya ang pagkadismaya at panghihinayang sa mukha ng driver.

    Hah! Tama ako... balak tirahin nung drayber itong wallet!

    Sa kalayuan ay nakita niya ang babae habang dahan-dahan itong naglalakad. Agad siyang tumakbo papunta dito.

    Miss! Miss!

    Gulat na napalingon ang babae. Nakilala agad nito si Vince.

    B-Bossing... bakit? nagtatakang tanong nito.

    Hinihingal na iniabot ni Vince ang wallet.

    Huh! Ang wallet ko!?? Saan mo nakuha ito?

    Hah! Hah! Na-Nahulog sa iyo sa jeep! hingal na sagot ni Vince. Ka-Kanina... pag bayad mo! Hah! Hah!

    Sa tuwa ng babae ay mahigpit na yumakap ito sa kanya. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na nakaiwas si Vince.

    Weeee! Thank you, thank you!!! Kung nagkataon -- NGANGA ako nito nang isang buwan!!!

    Uh...uhmm... ang nasabi na lang ni Vince. Hindi nito malaman ang gagawin sa situwasyong kinakaharap.

    Grabe... ang bait-bait mo!!! pagpapatuloy ng babae, Ano ka ba... guardian angel ko... member ka ba ng Avengers o Justice League? wika nito. Ilang oras pa lang ang nakakaraan... pero ang dami-dami mo nang nagawang tulong sa akin! Paano kaya ako makakabayad ng utang na loob sa ‘yo?

    Uhmm... ahhh... ahhh...wala ‘yon! Okay lang ‘yon! sagot ni Vince habang nagpupumilit pa rin na makaalpas.

    Ayy, naku... hindi na ako papayag ng ganyan, sagot ng babae habang pansamantalang niluwagan ang pagkakayakap para tingnan sa mukha si Vince, dapat makabawi ako kahit papaano.

    Nalilito si Vince. Hindi niya akalain na aabot sa ganito ang ginawa niyang pagtulong -- lalo na ang yakapin siya!

    Tara, kain tayo... ako ang taya! patuloy ng babae. Dito ka rin ba nakatira?

    Sa wakas ay nakaalpas si Vince sa pagkakayakap.

    Uhmmm! Oo... pero sa Bansalangin ako... sa dulo.

    "Tamang-tama! Treat kita dun sa Aling Marina’s Eatery. Hoy! ‘Wag mong ismolin ‘yun. Malinis doon at yung bopis nila -- something to

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1