Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $9.99/month after trial. Cancel anytime.

Uberman
Uberman
Uberman
Ebook397 pages7 hours

Uberman

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Si Überman ang tipo ng superhero na cliché—may pambihirang lakas, bilis at kapangyarihan. Pero may kakaiba sa kanya kumpara sa mga kontemporaryong superhero. Sa kuwentong ito, bukod sa mayroon siyang self-titled album at nagko-cover ng music video sa YouTube, ay wala siyang kalabang may superpowers na ang tanging hangarin ay maghasik ng kasamaan o kaya’y wasakin ang mundo upang makapaghiganti.

Ang kalaban ni Überman ay ang matagal nang kalaban ng ating lipunan—kahirapan, kriminalidad, kagutuman, kurapsyon, giyera, human trafficking, social, political and economic problems, lumilipad na ipis, atbp. Gamit ang kanyang superpowers at sa tulong ng teknolohiya, paano nga ba niya malalabanan ang mga suliranin ng isang bayang naghihinagpis?

LanguageEnglish
Release dateNov 19, 2017
ISBN9786214201327
Uberman

Related to Uberman

Related ebooks

Superheroes For You

View More

Related articles

Reviews for Uberman

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Uberman - Zero A.D.

    There isn’t much justice in this world. Perhaps that’s why it’s so satisfying—to occasionally make some. – Martian Manhunter, Justice League Task Force

    kab1

    INHALE… Exhale… Inhale… Hay…

    Wala siya sa yoga class. Nandito siya para gawin ang isa sa pinakaayaw niya sunod sa paglalaba—interview. Ilang beses na niya itong ginagawa pero palagi pa rin siyang kinakabahan. Nagiging super self-conscious siya. Hindi niya mapigilan ang sarili sa pag-iisip ng kung anu-anong kapraningan. Na baka mahulog ang kanyang maskara dahil oily na ang kanyang mukha at masaksihan ng madla ang natatago niyang kaguwapuhan. Na baka may punit ang body-fit costume niya nang hindi niya napapansin at biglang masilip sa kamera, up close. Na baka bumakat ang pawis sa kanyang kilikili at siya pala’y nangangamoy anghit na. Paano kung mali ang maisagot niya sa mga tanong na matatanggap niya, magmumukha siyang tanga. Shet. Nakakahiya. Pero kailangan niya itong gawin. Kasama ito sa perks ng pagiging isang superhero.

    Sir, magsisimula na po tayo in five minutes, heads up sa kanya ng floor director.

    Okay po. Salamat, sagot niya sabay tango.

    Malapit nang magsimula ang programa kung saan siya ang guest. Papasok siya mula sa guest entrance. Suot niya ang kanyang full-body costume na pinatahi niya para lamang sa mga TV guestings and appearances tulad nito. Nilinis din niyang mabuti ang kanyang nangingintab na maskara.

    Itim at puti ang tema ng kanyang superhero costume. Itim ang kapa habang puti naman ang damit na hapit sa kanyang buong katawan na nagpapalitaw sa kanyang sumasabog na biceps, pectorals at 6-pack abs. Puti rin ang kanyang leggings. Hindi naman siya nakasuot ng brief, sa labas, gaya ng ibang comics superhero. Sa kanyang dibdib nakasulat ang letrang U na may dalawang tuldok sa itaas, sa may bandang utong, kaya nagmumukha itong smiley. Itim ang kulay ng kanyang gloves at boots, pati na rin ang kanyang maskarang tumatakip sa kanyang noo, mata at ilong. Ang kanyang buhok naman ay babad sa gel na sinuklay nang pa-brush-up. In fairness, hindi siya naka-undercut.

    Nagulat siya sa palakpakan ng audience sa studio, parang pinabalik sa kanyang katawan ang naglalakbay niyang isip mula sa kung saan. Nagsimula na ang programa.

    Magandang gabi mga katoto, bati ng host sa mga manonood na sinundan ng punchline ng kanyang programa. Ako ang inyong host, si Totoy Facundo. Narito na naman po tayo sa paborito ninyong programa tuwing Biyernes ng gabi. Kapag nasa bahay lang kayo’t walang magawa sa buhay dahil sa kayo’y mga poorita: Ang Bagsakan with Totoy! Ang bisita natin ngayong gabi ay kilala na ninyong lahat. Sikat siya hindi lang dito sa ating bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Tagapagligtas siya ng maraming buhay, pinoprotektahan ang mahihina at tinutulungan ang marami sa atin na makabangon mula sa kahirapan. Pero sa kabila ng kanyang kasikatan, isang malaking misteryo pa rin sa atin ang kanyang katauhan. Panahon na kaya para ilahad niya sa atin ang malaking misteryong ito? Well, ladies and gentlemen, let’s welcome, our favorite superhero: Uberman!

    Lumakas ang tibok ng kanyang puso nang marinig niya ang kanyang pangalan. Huminga siya nang malalim, at muntik na halos mabunot ang pinto sa kanyang harapan. Naglakad siya papasok, kumaway sa mga manonood, nakipagbeso sa host saka umupo.

    Ang setting ng studio ay mukhang pangkaraniwang sala ng ordinaryong pamilya. May dalawang sofa kung saan nakaupo ang magkausap at may lamesitang pinagpapatungan ng plastik na halamang nakatanim sa graba. Kung saan may nakapatong ding dalawang baso ng tubig. Sa ilalim ng lamesita ay may mga magasin na maayos na nakasalansan. Ang background ay isang malaking screen kung saan ipinapakita ang mga larawan ni Uberman at ang kanyang pakikipagsapalaran.

    Salamat at pinaunlakan mo ang imbitasyon ng aming programa, Uberman.

    Walang anuman po, Totoy, sagot nito.

    Huwag mo na akong po po-in, paborito ko man ’yan pero hindi magandang pakinggan sa harap ng madlang pipol. Aha ha ha! sagot ng host.

    Ah. Sorry po, Totoy.

    Saan?

    Ha? Hindi na-gets ng superhero ang joke. Ngumiti na lang siya. Awkward na ngiti.

    Biro lang. Aha ha ha ha. Anyway, let’s talk about you, Uberman. Who are you?

    Ako po? Ah. Ako si Uberman.

    Alam namin. Aha ha ha ha. But what I mean is, who are you inside that mask, that costume, that superhero named Uberman?

    Ah, okay. Sorry po pero hindi ko puwede i-disclose kung sino ako eh.

    We know. I just thought baka makalusot. Aha ha ha ha. Headlines din ’yun.

    Awkward na ngiti ulit.

    For the sake of the audience na ngayon ka pa lang makikilala, halimbawa ay ’yung mga bagong panganak, puwede bang sabihin mo sa kanila kung ano ang mga ginagawa mo? What keeps you busy?

    Sige po. Hinanap ang kamera saka tumingin dito. Ahh, ako nga po pala si Uberman. Isang superhero na nagliligtas ng mga buhay sa abot ng aking makakaya. Minsan, higit pa sa aking makakaya. Iyong mga taong maysakit o kailangan ng agarang operasyon na nakatira sa malalayong lugar mula sa ospital ay inililipad ko papuntang Maynira o sa pinakamalapit na bayan para maipagamot. Ano pa ba? Ahh, tinutulungan ko rin pala ang mga kababayan nating magsasaka na mag-araro at mag-ani sa bukid, minsan naman kapag tagtuyot tinutulungan ko rin silang madiligan ang kanilang pananim, kumukuha ako ng tubig sa pinakamalapit na puwedeng mapagkunan. Sa mga mangingisda, nagpapakain ng mga alagang isda at nanghuhuli, paminsan-minsan, kapag mahirap makahuli. Nanghuhuli rin ako ng masasamang loob. Holdaper, kidnapper, snatcher, raper, ay, rapist pala. Nagtawanan ang mga taimtim na nakikinig. Napangiti lang ang host ng marinig ang tawanan. ’Di kasi siya nakikinig, mas iniisip niya ang susunod niyang tanong. Nagpatuloy lang ang superhero.

    Inililigtas ang mga biktima ng human trafficking. Dinadala ko sa tamang awtoridad ang mga smuggler, iligal na nagtotroso, nagmimina at nangingisda para protektahan ang kalikasan. Nagtatanim din ako sa mga bundok na nakakalbo. Dinadampot ang sangkatutak na mga basura sa karagatan. Nagre-recycle. Nagtatayo ng mga bahay, paaralan at ospital para sa mga mahihirap nating kababayan. Naghahain ng mga petisyon para ipagtanggol ang karapatang pantao ng marami sa atin sa iba’t ibang panig ng mundo at para mapahinto ang pang-aabuso sa ating kalikasan. Mayroon din akong sinimulang mga foundations at scholarships. Naglili—

    Wow. Ang dami, mauubos ang oras natin. Aha ha ha ha! You’re really a busy guy. Sabi nga, ‘With great power comes great responsibility. ’ And it’s very true to you, no?

    Siguro nga po. He he.

    Ito, isang tanong mula sa Twitter ni CutieGirl097_Gangstah, and I’m curious as well, ‘Paano ka kumikita ng pera?’ Since, alam naman namin na hindi ka sumusuweldo sa pagliligtas mo ng mga buhay.

    Tama. Siguro po, sabihin na lang natin na sa estado ng buhay ko ngayon ay hindi ko na masyadong pinoproblema ang pera.

    Really, then it means you’re rich?

    Hind—

    Or is it your alter ego that is rich?

    Ha ha ha—

    Do you pay your taxes?

    Uhmm…

    Aha! Baka mahuli tayo ni Ms. Kulimbat.

    Ha ha ha! No comment.

    Do you eat?

    Opo naman.

    What’s your favorite food?

    Gulay po.

    Seryoso?

    Opo.

    Okay. What vegetable in particular?

    Spinach.

    Aha ha ha ha. I see what you did there. Ito naman ang isang tanong sa aming Facebook page ni Ako Si Bob na nagtatrabaho sa Eh di sa Puso mo, ‘Do you have time for a lovelife?’

    Ahh—

    Mahirap ba sagutin? O, sige. Let me revise the statement of Ako Si Bob – Uberman, yes or no, do you have a lovelife or a someone special to you right now?

    Uhmm. Secret na lang po.

    Ano ang kanyang pangalan?

    Ngumiti na lang siya. Hindi siya sumagot. Secret nga kasi. Kulit.

    Okay. Just the initials. A? B? C? what?

    Wala po sa letters of the alphabet.

    Huh? Nasaan?

    Nasa puso ko.

    Nagtawanan sa kilig ang audience.

    Aha ha ha ha. Palabiro ka rin pala. Malambing na hinampas ng host sa braso ang superhero. Hmm. Matigas huh. So, it’s a yes? Mayroon namang gustong magtanong sa audience. Go!

    Tumayo ang isang babae mula sa audience.

    Hello? Hello? Pinukpok nito ang mic. May shound ber?

    Nagtawanan ang nasa paligid. Oo, hija, may sound, sagot ni Totoy, napangiti.

    Ow. Hayr Uberman. Aker nga per pala shi Annah with H. Quershtion kow lang kayr Uberman, Bakert Uberman ang shuperhero name mow? tanong ng dalagang tatlong taon nang nakasuot ng braces pero isang beses lang kada dalawang buwan bumisita sa dentista para makatipid.

    Good question. Thank you Annah with H. Oo nga, why Uberman? tanong ng host.

    Galing po ’yun kay Nietzsche.

    Nicha? Who’s that?

    Siya yung paboritong philosopher ng ta—. Paborito ko.

    What does it mean?

    It’s from a German word, it means over man, super man.

    Wow. That’s deep. Hindi ka lang pala puro physical strength, no? You also have the brain as well.

    Thank you? Inisip na lang ni Uberman na compliment iyon at hindi diskriminasyon sa tulad niyang superhero na puro lakas lang ang pinaiiral kaya wala nang oras para hasain ang utak.

    Maisingit ko lang no, I don’t mean to be sexual ha, but do you wear brief? Aha ha ha ha. Bakas ang kilig sa mukha ng host. Sa pagkakangiti niya, lumilitaw na ang kanyang gilagid. Kasi kung titingnan natin ang mga comic superheroes, they wear briefs outside their spandex. Do you?

    Hindi po—

    Hindi? Oh my god. That would be a headline tomorrow. Animo’y nagsusulat sa hangin. Uberman does not wear brief! Ahi hi hi. Ito ang headline na paborito ng mga tabloid—kontrobersyal pero malayo sa totoong kuwento, para lang makaakit ng mambabasa.

    Ay, hindi po.

    What do you mean, hindi? Hindi ka talaga nagsusuot ng brief or hindi totoong hindi ka nagsusuot ng brief? We’re listening. Napakagat-labi ang host.

    Nagsusuot naman po ako ng underwear sa loob ng costume ko. Boxers nga lang po.

    Oh, really? Sayang. Na-imagine na namin eh. Aha ha ha ha.

    Hindi ko na lang pinalagyan ng brief sa labas ang costume ko kasi old-fashioned na ’yun. Parang kapag ginawa ko ’yun, baka pagtawanan ako ng mga tao. He he he.

    No. You’re wrong. Hindi ka namin pagtatawanan, tititigan ka lang namin. Aha ha ha ha.’ Di ba? Tumingin siya sa audience. Naghahanap ng assurance na hindi lang siya nag-iisa.

    Ito, personal na tanong naman, I’m curious. How do you maintain to look clean and, sorry for the word, yummy despite all your heroic adventures? Nagtawanan ang audience pati na ang superhero sa tanong.

    Salamat po. Pero dahil siguro ’yan sa rare material kung saan gawa ang costume ko. Kahit kulay puti ito, hindi ’to nadidikitan ng dumi. ’Yung kapa ko naman, hindi basta-basta napupunit o nasusunog. Saka hindi lang isa itong costume ko, may lima pa akong stock sa kabinet ko kaya nakakapagpalit-palit din ako kada araw. Kapag mayroon namang time, naglalaba ako. Mayroon din akong personal supplier kung saan ako nagpapagawa at nagpapaayos ng costume.

    Puwede ba naming malaman kung saan? Aha ha ha ha. Biro lang Uberman. We know it’s a secret. Anyway, let’s go to the more serious topic, what are you?

    Superhero po.

    What I mean is, what are you, an alien? a result of an experiment? a human with aberrant genes? You get it?

    Ah, okay po, nakuha ko na. Siguro po, I would just keep it as a secret for now, for the safety of the world.

    World safety. Big word. Well, hindi lingid sa kaalaman ng lahat, that you turned down an offer from world-renowned scientists to study your body, of what makes you a superhuman. Why? Don’t you think it would benefit humanity?

    It’s for personal reasons po kung bakit tumanggi ako.

    Don’t you think its selfish?

    Hindi naman. Since, bilang tao, I also have human rights.

    You see, that’s the big question. Are you even human? I mean it not to deprecate you but with your superhuman strengths, are you really a human being?

    Yes. Kahit matatawag na abnormal ang katawan ko at ang aking kakayahan, I know from my heart that I am still a human being. And I use the best of my powers to benefit humanity. May puso ako, Totoy. Puso.

    I like that. Puso talaga no. Alam namin ang pagmamahal mo sa mga tao. At nararamdaman namin iyon. We are very thankful for that. Salamat, Uberman.

    Nagpalakpakan ang audience.

    Let’s go to politics. Do you like politics?

    ’Yung totoo, hindi po. Pero habang nabubuhay ang tao sa mundong limitado ang resources at may kanya-kanya tayong pagnanais, kahit saan man tayo magpunta, sa ibang bansa man o sa isang organisasyon o sa maliliit na grupo, ay may pulitika talaga. Kaya wala tayong choice kundi makibahagi.

    You think it’s a necessity to be involved in politics?

    Yes. Kasi kung hindi, tulad ngayon, ay patuloy lang na mapagsasamantalahan ang mga mangmang ng mga nakakaalam.

    I see. Well, why do you think politicians don’t like you?

    Natawa siya. Uhm, siguro po, dahil ang primary interest ko talaga ay tumulong sa mga tao. Hindi tulad ng iba riyan, hindi ako tumutulong sa tao para sa primary interest ko.

    I get it. So, sinasabi mo na hindi pagtulong ang primary interest ng mga politiko. But if not public service, what then?

    Kailangan ko po ba talagang sabihin? may pag-aalangang tanong ng superhero.

    No. You don’t have to, but if you want to. You can.

    Kapangyarihan. Walang kagatol-gatol na isinagot ng superhero.

    Natawa ang host. The politicians are saying that you should be monitored. A veteran senator even said that you should be chained. Many of them encourage you to participate on scientific research. And they urge the citizens that you should not be allowed to fly freely in any country’s territory. What can you say to that?

    Obviously, natatakot lang po sila.

    Tingin mo, bakit sila natatakot?

    Dahil may kapangyarihang higit pa sa hawak nila.

    Kapag sinabing kapangyarihang higit pa sa hawak nila. Maliban sa ’yo, we can assume that it’s God. Do you think they don’t believe in God?

    Alam kong naniniwala sila. Kadalasan pa nga, akala nila sila iyon eh.

    Nagtawanan ang lahat ng tao sa studio. Lahat, naka-relate. You’re right, but not all. May mga kaibigan din akong politiko, and they are sincere with their devotion to God.

    Mabuti naman po para sa kanila.

    How about you, do you believe in God?

    Mayroon akong scientific bias. Kung hindi kayang i-prove ng science, then it might not exist. But of course, at the end of the day, human knowledge is limited. So, I am open to possibilities.

    In short, you don’t believe that there’s a God?

    Huwag sana akong husgahan ng mga kapatid natin sa pananampalataya pero masasabi kong hinahanap ko pa.

    Well, balik muna tayo sa politika. Ang takot ng mga politiko, what if you lost your mind while you hold that invincible power. You could be a liability to this country. A threat to national security, and even to the world. What can you say to that?

    Sa kanila, siguradong liability ako. Nagtawanan ang audience. Depende rin kasi ’yan sa pagtingin natin eh. Maraming pagkakataon na ang mga kriminal na nahuhuli ko ay may koneksiyon at proteksiyon mula sa mga politiko. Kaya para sa kanila, liability lang ako. Sinisira ko kasi ang business nila. Pero sa mga buhay na nailigtas ko gawa ng kanilang kasakiman, asset naman ako. Yes, I can say that I am a liability as much as I am an asset. Bahala na lang sila kung saang side of the coin sila mananatili.

    When you say side of the coin. Is this the good and bad?

    Yes.

    Then they are on the bad side?

    Hmmm. Most of them.

    That’s a hard accusation. Do you have evidence? Bakit hindi na lang natin sila ipakulong kung may ebidensiya ka naman pala?

    We have lots of evidences. At kinasuhan na rin namin ang marami sa kanila. Ang problema, hindi umuusad ang hustisya dito sa bansa. Kasi nga—

    Are you saying they are above the law?

    Yes.

    And we can’t do anything about it?

    Oh, yes, we can.

    How?

    That is for the people to find out.

    Aha ha ha ha. Next question, do you have a weakness?

    Marami.

    That’s intriguing. And what is that?

    Secret. Hi hi hi. Tinakpan ni Uberman ang kanyang bibig, kunwaring nahihiya.

    Just one.

    Nakangiting umiling ang superhero.

    That’s unfair. Do you know that you can kill all of us here in a minute and we won’t know how to defend ourselves from you?

    That’s why I need people to trust me. Kapag sinabi ko sa inyo, siguradong malalaman na rin ng mga kriminal at baka sa mga susunod na trahedya, mas mahirapan na akong magligtas ng mga buhay.

    I understand. That’s why we trust you, Uberman.

    Salamat po, Totoy.

    Last question before we take a break, bilang superhero ng mundo, sa iyong palagay, sino at ano ang pinakamalaking threat sa sangkatauhan?

    Ow—

    Bago mo sagutin ang tanong na ’yan, we will take a short break. Tumingin ang host sa kamera. Huwag kayong aalis. Magbabalik ang Bagsakan with Totoy.

    Napabuntonghininga na lang ang superhero. Habang commercial, nagkaroon sila ng small talk ng host. Tinanong siya kung anong almusal niya, anong oras siya nagising, saan pa siya nanggaling bago pumunta rito, anong oras siya matutulog at kung ano-ano pa. Magalang naman na sinagot ni Uberman ang lahat ng tanong ng host nang walang panghuhusga na mababaw ang point of conversation nila.

    Nagbabalik tayo sa Bagsakan with Totoy, opening line ng host pagkabalik mula sa commercial. Uberman, uulitin ko ang tanong ko kanina, bilang superhero, sino at ano sa tingin mo ang pinakamalaking threat sa survival ng sangkatauhan?

    Ignorance and apathy.

    Oh? Why do you think ignorance o sa wika natin, kamangmangan ang banta sa kaligtasan ng sangkatauhan?

    Ang kawalan natin ng kaalaman tungkol sa mga importanteng bagay na nagpapatakbo sa ating buhay gaya ng ekonomiya, gobyerno, siyensiya, teknolohiya, at marami pang iba ang posibleng maging sanhi ng ating pagkasira.

    Bakit?

    Dahil hangga’t nananatili tayong mangmang tungkol dito, hindi natin namamalayan na sinisira na pala natin ang ating mga sarili o kaya ay napagsasamantalahan na pala tayo ng iba.

    Okay. And why is apathy o kawalan ng pagpapahalaga ang isa pa?

    May nagsabi sa akin, na ang kabaligtaran daw ng love ay hindi hate, kundi apathy. Kapag dumating ang panahon na wala na tayong pakialam sa ating kapwa, sa ating kapaligiran, sa ating bayan, ito na ang simula ng pagkawasak ng ating lipunan.

    Nagpalakpakan ang audience. Kunwari may pakialam sila.

    Marami pa silang napag-usapan tungkol sa showbiz, showbiz at saka showbiz. Sa showbiz kasi umiikot ang mundo ng abang bayang ito. Ito kasi ang mabenta sa mga tao, ang pag-usapan ang buhay ng iba. Hiwalayan, pagkakabalikan, pagpapakasal, pagkabuntis nang maaga, at mga iskandalo. Sinagot namang lahat ni Uberman nang maayos. Pinapahalata lang niyang wala siyang pakialam. Hindi na rin natin isasama pa rito ang kanilang napag-usapan dahil wala naman tayong mapapala sa pakikialam sa buhay ng iba.

    Last question bago ka namin paliparin sa kalangitan. Imagine a mirror in front of you and you see the reflection of yourself, what would you say to yourself? Itinapat ng host ang kanyang palad sa mukha ni Uberman.

    Napangiti ang superhero. Hindi agad nagsalita. Huminga nang malalim. Nakatitig sa palad sa kanyang harapan. Sa kanyang isip, marami palang kalyo ang palad ng host. Uberman, sana tama ang gagawin mo. At kung anuman ang desisyon mo, panindigan mo hanggang sa huli.

    That’s deep.

    Salamat po, Totoy.

    You’re welcome, Uberman. Do you want to say something to the people before you go and save more lives?

    Napatigil siya. Nag-isip nang malalim. Parang may gusto siyang sabihin na ewan. Ah, yes. Ang masasabi ko lang, kakampi po ako ng taumbayan. Sana ipagpatuloy n’yo lang ang pagtitiwala sa akin. Kung nasa panig kayo ng katwiran, wala kayong dapat ikatakot, nasa inyo ang hustisya… At sana suportahan n’yo ang aking self-titled album, available na po sa iTunes at Spotify. Support OFM. Say no to piracy. ’Yun lang po. Salamat.

    Ikaw na talaga, Uberman! Aha ha ha ha.

    Tumayo ang superhero mula sa kinauupuan. Nakipagkamay at bumeso sa host. Kumaway sa audience at nagpasalamat. Unti-unting umangat ang kanyang katawan mula sa kinatatayuan. Lumutang. Sumaludo sa kamera. Lumipad patungo sa pader na gawa sa salamin. Binasag sa isang suntok. Muling kumaway sa fans. Hanggang sa tuluyan nang lumipad palabas at paitaas ng gusali. Pinasok ng malakas na hangin ang buong studio.

    Nagpalakpakan ang lahat. Nagsigawan ang ilang teenager, We heart you Uberman!

    May pinto naman ah? Aha ha ha ha. Well, I guess a story of a superhero would not be complete without some destruction. Salamat po sa panonood mga katoto. Muli ako ang inyong lingkod, Totoy Facundo. Hanggang sa muli sa Bagsakan with Totoy. Good night world. Kahit ang totoo ay umaga pa lang.

    I am strong, but I am tired… tired of always having to be the strong one, of always having to do the right thing. – Brenda Joyce, An Impossible Attraction

    kab2

    NAKADAPA siya sa piling ng mga ulap. Cumulonimbus clouds. Sinasagupa ng kanyang katawan ang malakas na hangin mula silangan. Babad sa init ng tirik na araw na paminsan-minsang natatakpan ng mas matataas na ulap. Katatapos lang ng kanyang interview at sa wakas, day-off na niya. Araw na inaalay niya para bigyang-layaw ang sarili.

    Nang mapagdesisyunan niyang maging full time superhero, nagkaroon siya ng mga problemang hindi niya inaasahan. Akala niya noong una, ganoon lang kadali ang magligtas ng buhay at tumulong sa mga nangangailangan. At bilang kabayaran sa kanyang mabubuting gawain ay papalakpakan na siya ng mga tao, sisikat na siya, gagawa na ng mga istatwa at museo sa ngalan niya, paparangalan siya ng Nobel Peace Prize. Hindi pala.

    Hindi pala gayon kadali dahil palaging may problema ang tao sa iba’t ibang parte ng mundo. Hindi nauubos at hindi natatapos. Nang magdesisyon siyang maging superhero ay nagdesisyon din pala siyang pasanin ang problema ng buong mundo. Pagkatapos niyang mailigtas ang isang pamilya sa nasusunog na barong-barong, sa kabilang parte naman ng mundo ay may mga taong binubugbog, inaapi, pinagsasamantalahan, pinapatay, at kailangan niya silang tulungan. Kadalasan, magkakasabay pa itong nangyayari samantalang isa lang ang kanyang katawan. Dagdag pa na masyado rin palang mataas ang expectations ng mga tao sa isang superhero. Gawa siguro ito ng mga hindi makatotohanang palabas sa TV at sinehan tungkol sa mga superhero. Ang hindi nila masyadong ipinapakita sa mga palabas ay sa bawat buhay na naililigtas ay may mga buhay ding nalilimutan.

    Nang nagsisimula pa lamang siya noon, mga anim na buwan siyang lumipad-lipad sa kalangitan nang puyat, gutom, at mababa ang moral. Nang minsang mahuli siya ng ilang minuto o hindi siya makarating sa isang lugar na nangangailangan ng tulong, galit at reklamo ang inabot niya sa mga tao. Namimili lang daw siya ng ililigtas at tinutulungan. Nababasa niya ang mga hate post tungkol sa kanya sa mga blog at minsan ay nababalita pa sa TV. Nagiging internet celebrity pa ang iba niyang haters. Siya na itong nagliligtas ng buhay ay siya pa ang sinisisi nila sa mga kamalasang kanilang sinapit. Sa tuwing tumutulong siya ay parang siya pa ang may obligasyon at utang na loob sa mga tao. Mistula siyang alipin.

    Dumating pa sa puntong naisip na niyang magbitiw na lang bilang superhero. Siguro nga mas okay na walang ibang maaasahan ang mga tao bukod sa kanilang mga sarili, dahil at least, sila ang kumikilos para tulungan ang isa’t isa, hindi tulad ngayon, nakadepende na sa kanya ang lahat na parang siya pa ang nagdudulot ng kahirapan sa iba. Ang gusto lang naman niya ay makatulong at mapaunlad ang buhay ng mga tao. Pero mukhang nagsisisi na siya.

    Mabuti na lamang nung gusto na niyang bitiwan at kalimutan ang lahat, magbagong-buhay, tumira sa bundok at mag-monghe, may ka-ibigan siyang naintindihan ang kanyang sentimyento o siguro ay pinilit na lamang siyang intindihin.

    Nagkainuman sila noon. Nang makarami na siya ng alak, hindi na mapigilan ng superhero na ibulalas ang kanyang emosyon sa kainuman, ang sakit at hirap ng pagiging isang tagapagligtas. Tanong niya, bakit siya pa ang nagmumukhang masama, bakit marami pa ang ingrato, bakit parang siya pa ang may utang na loob sa kanila, bakit pakiramdam niya ay empleyado na lamang siya na hindi pinapasuweldo, bakit maraming nagagalit sa kanya? Ang gusto lang naman niya ay tulungan ang mundo, gawing mas maganda ito kaysa nang matagpuan niya ito. Hindi niya maintindihan. Bakit?

    Para tulungan ang superhero mula sa balon ng depresyon at bago ito tuluyang mamundok, gumawa ang computer wizard niyang ka-ibigan ng libreng apps na ida-download sa smartfone na puwedeng gamitin ng mga taong nangangailangan ng tulong para mas madaling matukoy kung gaano kalala ang isang sitwasyon (low, guarded, elevated, high, severe) at kung nasaan ang lugar ng emergency. Sa tulong nito, madaling nalalaman ni Uberman kung saan ang lugar na mas kinakailangan siya. Gamit ang tracking device, real time din sa apps kung nasaang lugar siya para makita ng lahat kung busy pa ba siya sa ibang lugar o kung parating na siya. Pero sa katagalan, hindi lang pala si Uberman ang makakagamit nito, pati na rin mga rescuer, bumbero, pulis, doktor at iba pang ahensiyang ang trabaho ay tumulong. Nagpasa rin ang isang kongresman ng batas tungkol sa maling paggamit ng app na ito. Magkakaroon ng multa ang maling paggamit ng app gaya ng ginagawa ng ilang mga fans ni Uberman na nagrereport ng emergency kahit wala naman, para lang makita nila nang personal ang superhero at makapag-selfie kasama siya.

    Nagpa-press conference rin siya para i-announce na kailangan niyang mag-set ng day off para sa sarili. Hindi na niya dinagdagan pa ang kanyang mga dahilan. Ayaw niyang mag-guilt trip sa mga tao, baka may masabi na naman ang iba. At gaya nga nang inaasahan, hindi naman agad iyon tinanggap ng masa. Katwiran nila ay hindi naman namimili ang araw ng kagipitan. Paano kung may nasusunog na kabahayan sa araw ng day off niya? Mayroon pang mga nagprotesta sa tapat ng palasyo. Pero wala silang magawa dahil hindi naman nila siya pinasusuweldo at may sarili ring buhay ang superhero. Mabuti pa nga’t may tumutulong pa sa kanila.

    Ayon pa sa isang pag-aaral (Reyes Jr. R., Manalaysay B.B., Alop. J. Social Effect of Uberman to Filipinas Society, BSP Press), mas bumababa ang bilang ng krimen tuwing siya ay day off kaya’t naisipan nilang bigyan pa siya ng dalawang araw na pahinga. Weekends. Pero minsan half day siya kapag kailangan talaga.

    Sa tulong nito, nagkaroon sila ng kagyat na pagkakaunawaan ng mga tao. Napagtanto nilang hindi pala nila siya alipin at tao rin siyang may puso at nararamdaman. Pero siyempre, hindi niya maipaiintindi ito sa lahat, dahil ’yung iba pinipili pa ring maging bulag at tanga.

    Mula sa itaas ay natatanaw na niya ang kanyang tirahan. Bumaba siya sa rooftop

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1