Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $9.99/month after trial. Cancel anytime.

Happy Na, Gay Pa
Happy Na, Gay Pa
Happy Na, Gay Pa
Ebook157 pages1 hour

Happy Na, Gay Pa

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

“I long for the day when Filipinos in the LGBT community no longer have to live in fear of discrimination. The media, both new and traditional, play important roles in making that possible. By telling the stories of the LGBT community, they shatter biases born out of misinformation. I commend Danton Remoto for contributing to the narrative of LGBT Pinoys in his book Happy Na, Gay Pa. To critics of the LGBT movement, I say: Stupid is forever.”

— Sen. Miriam Defensor-Santiago

LanguageEnglish
Release dateOct 19, 2017
ISBN9789712731792
Happy Na, Gay Pa

Read more from Danton Remoto

Related to Happy Na, Gay Pa

Related ebooks

Gay Fiction For You

View More

Related articles

Related categories

Reviews for Happy Na, Gay Pa

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Happy Na, Gay Pa - Danton Remoto

    Jon Dedmatology

    Ako po si Juan, napaka-boring na pangalan, parang walang imahinasyon ang aking mga magulang. Kaya tinawag ko na lang ang sarili ko na Jon. Hindi Jan ang pronunciation, kung hindi J-O-N. Veddy British, di ba?

    Kahit maliit pa lang ako, alam ko na mas sosyal ang mga British kaysa mga Amerikano. Kasi mayroon silang Her Majesty the Queen, Queen Elizabeth, kahit mukhang mga kabayo ang mga anak niya. Ang mga Amerikano, meron lang silang First Lady na manghuhula, tulad ni Nancy Reagan. Mas mapayat na version ni Madame Auring.

    Paano ko nalamang mukhang kabayo ang mga anak ni Queen Elizabeth? Hindi lang sa pictures, no. Nu’ng nag-aaral ako ng Journalism sa England, nasa library ako nang bigla na lang may public announcement na pinabababa lahat ng mga tao sa library.

    Eh nagre-research pa ako nu’n tungkol sa World War II in England (mahilig ako sa gera, mga sisters) kaya di ako bumaba. After one hour, nang magutom na ako, pababa na ako nang may masalubong akong babae. Maganda naman sana ang pink na suit at maayos ang pagka-tease ng buhok, pero ang fez?

    Parang naalala ko ang tatay ko na relihiyoso, kaya panay ang taya sa Santa Ana at sa San Lazaro.

    Kabayonic beauty itech.

    Ine-expect ’ata niyang mag-curtsey at mag-bow ako sa kanya. Echosera siya. Pabawasan muna niya ang haba ng baba niya. Look na lang ako sa sky, parang ang natsuging Babette Villaruel (sa langit kaya napunta ang hitad na reporter na iyan?).

    At bumaba na ako ng hagdan.

    Ako po si Jon. At pwedeng Dedmatology ang apelyido ko. Jon Dedmatology.

    Wa talaga akong paki.

    Basta ako, sinunod ko ang mga magulang ko. Tinupi ko ang blanket at inayos ang bedsheet pagkagising sa umaga. Umupo ako sa almusal nang nakapaghilamos na. Ang tatay ko ay corporate lawyer (mahilig din sa gera sa board rooms, hehehe). Gusto niya maayos ang mukha at damit pag kakain na. At tuwid ang posture, mga manash.

    So tinuwid ko ang posture ko, nag-aral ng mabuti, nagdasal ng Hail Mary. Singliwanag nga ng umaga ang smile ng Tatay ko tuwing graduation, kasi hindi lang isa o dalawa ang medals ko. Ma’am, humahakot po ako. Hindi lang best in English, ha, Most Behaved din at Best in Community Service.

    ’Yung sa English, madali lang ’yan, basa-basa lang ’yan ng books. ’Yung sa Most Behaved, madali rin ’yan, plastik-plastikan lang ’yan. Huwag masyadong ipahahalata ang pagka-maldita. ’Yung Best in Community Service, kasama ako sa volunteers na nagtuturong magbasa sa mga anak ng mga taga-isKuala Lumpur sa labas ng aming Catholic school. Binabasahan ko ng Cinderella at Snow White ang mga uhuging bata. Sabay bigay ng kendi sa mga sumasagot sa tanong ko. O di mataas ang aking evaluation galing sa aking mga students, di va? Sa amin pa namang Catholic school, kelangang man o woman for others ka. O.

    Nagdasal ako ng Hail Mary kasi Grade One pa lang ako, alam ko nang baklita ako. Nasa kanan ko si Vivian, maganda naman sana at matalino, pero ewan ko ba? Tingin ako ng tingin kay Bobby sa kaliwa ko. Nu’n pa man, mahilig na ako sa kaliwa.

    Ang Sandwich ni Bobby

    Medyo maitim si Bobby, bilog na parang holen ang mata, at makalaglag shorts ang smile. Kahit lagi siyang nangongopya sa akin, hinahayaan ko na lang. Kasi naman cute siya—at binibigyan niya ako ng sandwiches na ang laging palaman ay liver spread.

    Masarap talaga ang liver spread ni Bobby. Brown at manamis-namis.

    Pero dahil grade school pa lang kami, pa-tweetums lang ako kay Bobby from Grade One to Six. Study lang ako, learn ng lahat ng house work. Ang sabi kasi ng Tatay ko, Anak, kelangan marunong ka magluto, mamalengke, maglaba, magplantsa, at maglinis ng bahay . . .

    Pag umaariba na ang Tatay ko, listen lang ako. Di naman ibig sabihin na pag listen ka, susundin mo, di ba? Dahil stay ako sa house niya, eat ako ng food niya, at pay niya ang tuition ko sa school, so syempre, listen ako.

    . . . hindi dahil gagawin kitang houseboy. Gusto ko kasi na pag nag-aral ka sa abroad—tulad ko—marunong ka ng lahat ng trabaho sa bahay para hindi ka maging kawawa.

    Take note ang tulad ko, hehehe. Iyan ang tatay ko. Kahit grade school pa lang ako, sa isip niya, naka-plano na lahat. Polsci daw ang course ko sa college, magla-law ako, tapos mag-ma master of laws sa harvard. Sosyal, di ba?

    Hindi naman ako ganu’n kagaling, emotera lang ako. Kaya minsan, naiisip ko na baka Harvardian Colleges sa Cubao ang bagsak ko.

    So si Bobby nga ang best friend ko sa grade school. Gusto niya akong isali sa basketball team ng section namin kasi ako naman talaga ang pinakamatangkad. Sinabi ko na lang na meron akong scoliosis (charing) na namana ko sa aking Tatay kaya hindi ako pwedeng tumalun-talon sa ere at baka ako lumagapak sa sahig.

    Gusto ko talagang sumali sa volleyball team, eh kaso, bano naman ako at bulag. Kapag inihagis ko na ang bola para i-serve, ayun awa ng Diyos, hindi ko na siya matama-tamaan. Pag nasa harap naman ako ng net at haharangan ko ang bola ng kalaban, sumasabit pa ang aking mga galamay, este mga kamay, sa net mismo.

    Para iligtas ang sarili ko sa malaking kahihiyan, di na lang ako nag-join ng sports.

    Pina-enroll na lang ako ng Tatay ko sa aikido. Na-smell ’ata ni Fadir na Little Mermaid ang kanyang anak. Eh kasi naman, no, wa ako play ng holen o trumpo o baril-barilan with the boys.

    Play ako ng jack stones with the little women in the neighborhood. Mga uhuging girls na sinasabihan ko laging maligo at magpunas ng kanilang manilaw-nilaw na uhog or else, the boys will ignore them. O kaya naman ay play kami ng Chinese garter.

    Ewan ko ba. Kahit gaano pa kataas ang puting garter na tatalunin ko, para akong sinasapian ng kung anong ispirito habang tinatantiya ko ito. At kapag nagsimula na akong tumakbo at tumalon sa punyetang garter na iyan, even the boys would look kasi all clear lahat ’yan. Para akong lumilipad sa ere, sandaling malaya sa gravity ng lupa.

    At pagsayad ko ng paa sa lupa, una akong tumitingin kay Bobby sa may basketball court. Minsa’y nagkakatitigan kami. Siya, namamangha siguro sa galing ko sa Chinese garter. Ako naman, namamangha din. Sa umbok ng kanyang dibdib at umbok sa kanyang harapan.

    A Riot of Hormones

    Ganito pala ang high-school life. Malayo sa pa-tweetums na kanta ni Sharon Cuneta. Lalo na kapag closetang bading ka.

    Na-ikmel naman ata ng buong high school, barangay, bayan, planeta, at uniberso na Little Mermaid ako, pero dedma lang sila. Merong isa o dalawang puritang paslit sa labas ng school na tatawagin akong Bakla! Bakla!

    Pero pag lalapit na ako ay tatakbo sila. Hindi ko naman sila aawayin. Aalukan pa nga sila ng kendi. Na ibinabad ko sa toilet bowl bago ibinalot para sa mga paslit na tulad nila. Naka-plastik ’yan na puti sa loob ng bag ko.

    Mabait pa nga ako. Nang nagwo-work na ako sa diyaryong The Daily Planet, may baklitang lifestyle writer na nagkwento. Etong si Tatiana ay laging naka-bangs at five layers lagi ang make-up. At pag naglalakad sa kalye, ang hips ay nagsi-swing from here to eternity.

    Nakaupo daw siya sa bandang likod ng dyip nang may sumabit na dalawang isKuala Lumpur na mga bata. Super tulo ang uhog at makyoho, amoy maasim-asim na sûka na na nasobrahan ng toyo. Parang adobo. Nang makita siya ng dalawang bata ay sumigaw sila: Bakla! Bakla!

    At siyempre, na-insulto itong si Darna. Kumuha ng bato

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1