Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $9.99/month after trial. Cancel anytime.

A French FairyFail
A French FairyFail
A French FairyFail
Ebook129 pages1 hour

A French FairyFail

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

“Have a heart check woman,” sabi ni Xander na ikanasalpok ng mga kilay ni Liberty.
“What do you mean?”
“Are you sure you love him or you just love the thought of being in love with him?”

Tumungong France si Liberty sa hangaring mahanap doon ang prinsipeng pinapangarap. Doon niya nakilala si Lèonce, isang lalaking tila binuhay mula sa kanyang mga isinusulat na fairytales, kaya naman agad niyang pinangarap makarelasyon ito. Subalit bakit noong labis siyang nasasaktan ay walang ibang naruon kundi si Xander, ang lalaking nagpakita ng pagkamuhi sa kanya sa simula pa lamang ng kanilang pagkakakilala?

LanguageTagalog
Release dateSep 30, 2016
ISBN9781370163274
A French FairyFail
Author

Jessica E. Larsen

Jessica E. Larsen is a Filipina writer based in Spain. As of May 2021, she decided to only write Filipino stories and publish her English stories under Jessie Winterspring.More than anything though, she devours romance like an addict who needs drugs. This can be seen a lot in her writing.She loves spending time reading and falling in love with fictional characters. Enjoy watching Japanese anime while eating noodles with chopsticks and drool at the 80s and 90s music videos.She lives near the Mediterranean coast with her husband and mischievous but adorable son, where she gazed to the ocean and scheme how to torment annoying goody-two-shoes or straight-out murder bitchy exes.

Read more from Jessica E. Larsen

Related to A French FairyFail

Related ebooks

Reviews for A French FairyFail

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    A French FairyFail - Jessica E. Larsen

    A French FairyFail

    Jessica E. Larsen

    Copyright © 2021 by Jessica E. Larsen

    First published May 2015

    This is a second edition

    All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, scanning, or otherwise without written permission from the publisher. It is illegal to copy this book, post it to a website, or distribute it by any other means without permission.

    This novel is entirely a work of fiction. The names, characters and incidents portrayed in it are the work of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or localities is entirely coincidental.

    Contents

    1. One

    2. Two

    3. Three

    4. Four

    5. Five

    6. Six

    7. Seven

    8. Eight

    9. Nine

    10. Ten

    11. Eleven

    12. Twelve

    13. Thirteen

    14. Fourteen

    Afterword

    About Jessica

    One

    HAPPILY EVER AFTER—yun ang mga katagang pumuno sa isipan ni Liberty mula nang magpaalam siya sa ama. Wala itong nagawa kundi ang payagan siyang mag-isang umalis ng Pilipinas at tumungo sa France.

    Pasasamahan na naman sana siya ng daddy niya ng isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan, lalo na at ito ang unang pagkakataon na tutungo siya sa Ardenne kung saan nakatira ang tita niyang kasal sa isang Frenchman. Subalit ayaw niyang may chaperon. Mas gusto niyang makarating sa patutunguhan ng mag-isa.

    Liberty—iyan ang pangalang ibinigay sa kanya ng mommy niya, ngunit mula nang sumakabilang buhay ito noong anim na taon pa lamang siya ay nawalang halaga ang kahulugan ng pangalan niya.

    Hindi natural ang pagkamatay ng mommy niya, nangyari iyon nang muntik na siyang makidnap. Matapang na nilabanan ng mommy niya ang mga tumangkang kumidnap sa kanya, dahilan para masaktan ito at mabawian ng buhay.

    Hindi nahuli ang mga tumakas na kidnapper na hindi niya namukhaan, at simula noon naging napakahigpit ng daddy niya. Nag-umpisa ang pagkaparanoid nito nang pumasok siya sa elementary hanggang sa magtapos siya sa high school. Hatid-sundo siya araw-araw, bawat lakad niya ay naka-monitor. Walang gimik-gimik, walang barkada. Marami siyang mga friends sa mga social networking sites pero maliban sa pinsan niyang si Pamela, wala na siyang matatawag na kaibigan para makasamang maglakwatsa sa labas.

    And then after she graduated from high school, her father helped her get a Harvard business degree online. She graduated two years ago nang hindi nakakatapak sa isang normal college campus.

    Subalit kahit na dama niya ang masyadong pagka-isolated niya kompara sa ibang kadalagahan, wala pa rin siyang reklamo. Mahal niya ang daddy niya at alam niyang hangad lang nito ang tiyak niyang kaligtasan. Ngunit minsan dahil sa pagiging overprotective nito nakakalimutan niyang hindi na siya bata.

    Yes, that’s right. I’m not a child anymore; it’s time for me to find my prince! Nakakuyom ang kamao at nagkakandahaba ang leeg na isip niya sa harap ng train station sa Paris, kung saan sila nagkasundong magkikita ng tiyahin.

    Bahagya niyang inayos ang hanggang baywang niyang dark brown na buhok. Nanlalagkit siya at giniginaw. Napalingon siya sa refleksyon niya sa kalapit na salamin. Almond shape brown stare back at her, mga matang namana niya sa ama.

    I really need a wash, saloob-loob niya.

    Muli niyang tiningnan ang wristwatch na suot. Nalukot ang mukha nang makita ang oras. Nilagay niya sa pagitan ng mga binti ang dalang de-gulong na maleta at dinukot ang cellphone mula sa bulsa ng kanyang computer bag saka dinayal ang numero ng Auntie Francesca niya.

    Pagkatapos ng tatlong ring sinagot naman iyon ni Francesca.

    Hi, Auntie! Nasaan ka na?

    Nasaan? nagtatakang ulit nito. I’m at the hospital.

    Hospital! bulalas niya at napayuko nang magtinginan sa kanya ang mga taong nagulat sa paligid. Auntie, sinabi ko na sa’yo di ba, ngayong araw ako darating!

    Oh dear, was that today?

    Auntie! Sabi mo susunduin ninyo ako ni Uncle Auguste.

    Oh dear, ulit na naman ng Auntie niya, parang nakikini-kinita na niyang nasa bibig nito ang kamay habang lumilinga-linga. Okay, don’t panic. Tatawagan ko si Xander, siya na lang ang susundo sa’yo.

    Sino si Xander?

    Pamangkin ng Uncle Auguste mo. Huwag kang mag-alala, Lib. He knows who you are. Nakita na niya ang picture mo nang minsan ay mapag-usapan ka namin.

    Great. A stranger knows me, isip niya habang patuloy na nakikinig sa sinasabi ng tiyahin.

    Ibibigay ko na rin ang cellphone number mo sa kanya para matawagan ka niya, in case na hindi kayo magkatagpo, at narinig niya na may kung sinong tumawag sa pangalan ng Auntie Francesca niya, tapos sinundan iyon ng pagsasalita ng Frenchman nitong mister. Sorry, Lib. Pero tinatawag na ako ng doctor. Again, don’t worry, tatawagan ko si Xander. ‘Yun lang at pinutol na ng Auntie niya ang linya.

    Alangan na ibinaba ni Liberty mula sa tainga ang cellphone, pinipigil ang magpanic. Pakiramdam niya isa siyang pusa na noon lang nakalabas ng bahay, takot sa paligid, takot na madakip.

    Maya-maya pa tumunog ulit ang cellphone niya, nag-text ang Auntie niya, pinadala ang numero ng pamangkin ng asawa na tinawag nitong Xander.

    Nice name, isip niya at kahit paano nakalma na ang sarili. Tumingin-tingin siya sa paligid at napagpasyahang maghintay sa isang bench na hindi kalayuan mula sa kanyang kinatatayuan.

    Papaupo na sana siya nang may lalaking abala sa pakikipag-usap sa cellphone nito ang bumangga sa kanya, kung kaya sa halip na sa bench, sa matigas na footwalk siya napaupo.

    Ouch! angal niya, sapo ang likod na napatingala sa lalaking hindi naman siya pinabayaan.

    "Je suis désolé, mademoiselle," hinging paumanhin ng lalaking may malambot na tinig, iniabot nito ang kamay sa kanya. Marunong siyang mag-French kaya naman naunawaan niya ang paghingi nito ng paumanhin. Subalit walang sagot na inabot niya ang kamay ng lalaki at hinayaan itong alalayan siya patayo.

    Nang makatayo ng tuwid saka niya hinarap ang lalaki para sana sitahin sa hindi nito pagtingin sa dinadaanan, ngunit nang magtama ang kanilang mga mata at napagmasdan niya ang mukha nito, biglang umurong ang dila niya. Wala ni isang kataga ang lumabas sa kanyang bibig.

    Muli namang humingi ng paumanhin ang lalaki habang tinutulungan siya nitong umupo sa bench. Are you okay?

    Pagtango niya ay ngumiti ito at agad na bumalik sa pakikipag-usap sa telepono.

    I found my prince charming! Sigaw ng isipan ni Liberty, dahil ang lalaking nagsasalita sa harap niya ay tila nilikha mula sa mga fairytale novels niya. He was a handsome man with bronze hair, dark blue eyes, and a smile that could kill. He was incredibly tall, probably six-two, as opposed to her height of five-three; she had to look so far up just to meet his eyes.

    Bigla naalala niya ang numero sa text ng kanyang Auntie. Nilabas niya ang cellphone at sa pagkakataong ‘yun ay dinayal ang numero ni Xander. Gusto niyang sabihin rito na hindi nito kailangang magmadali dahil sa totoo lang, hangga’t maaari gusto niyang magtagal pa ito ng kaunti at nang magkaroon man lang siya nang pagkakataon na malaman ang pangalan ng lalaking nakatayo pa rin sa tabi ng kinauupuan niya, at nakikipagtalo sa kung sino mang kausap.

    Pinindot niya ang call button ngunit busy ang linya. Inulit niya muli ang pag-dial ngunit ganoon pa rin.

    Ang prince charming naman niya ay tapos na sa pakikipagtalo sa kausap at hinarap na siya. I am sorry again but since you are fine, I will get going now, sabi nito at tumalikod habang dumadayal sa cellphone nito.

    Tumayo siya at sinundan ang lalaki nang bigla niyang marinig ang pag-tunog ng kanyang cellphone.

    Hello? bati niya at napadilat ang mga mata nang bigla siyang harapin ng lalaking sinusundan.

    Liberty Roxas? tanong ng lalaki na dinig niya sa labi nito ang pangalan at sa speaker ng kanyang cellphone.

    Yes… sabi niya, na hawak pa rin ang cellphone sa tainga at nakadama ng sari-saring emosyon. Pakiramdam niya naging napakabait ng tadhana sa kanya.

    Ibinaba naman ng lalaki ang cellphone nito at humakbang palapit sa kanya. Please excuse me for not recognizing you. I was only informed with a very simple physical description of you.

    Are you X-Xander? parang hihimatayin na sa excitement na tanong niya. Napansin naman iyon ng binata at hinawakan siya.

    Sorry but no, I am Léonce Dupont. It was Xander who asked me for the favor to pick you up because there is some place I visited nearby.

    Really, that’s good! hindi maalis ang kasiglahan sa tinig na sabi ni Liberty.

    Excuse me?

    No, I mean, let’s go!

    image-placeholder

    PARANG kay bilis para kay Liberty ng naging byahe nila ni Léonce patungo sa tahanan ng kanyang Auntie Francesca. Well, it was to be expected. Sabi nga, kapag nag-e-enjoy ka, ang oras ay tila hinihila.

    Welcome to Château de Perrault, sabi sa kanya ni Léonce na iminuwestra pa sa kanya ang pinapasukan nilang gate na awtomatikong bumukas. Sa unahan nila

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1