Pumunta sa nilalaman

Windows Vista

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Windows Vista
(Bahagi ng kamag-anakang Microsoft Windows)
Retrato

Larawan ng Windows Vista
Gumawa
Microsoft
Websayt: www.microsoft.com/windowsvista
Kaalamang pampaglalabas
Unang petsa ng paglalabas: 8 Nobyembre 2006
Pangkasalukuyang beryson: 6.0 (Build 6002) Service Pack 2 (30 Enero 2007)
Huwarang pinanggagalingan: Pinaghahating source
Lisensiya: MS-EULA
Kernel: Hybrid kernel
Kalagayang pampagtaguyod
Kasalukuyan


Ang Windows Vista ay isang bersyon ng Microsoft Windows, isang pamilya ng mga sistemang operatibo na ginagamit sa mga kompyuter na personal, pambahay man o pantrabaho. Bago ang anunsiyo noong 22 Hulyo 2005, ang Vista ay kilala sa codename nitong Longhorn. Noong 8 Nobyembre 2006, natapos ang paggawa ng Windows Vista at ito ay ni-release to manufacturing. Sa mga sumunod na buwan, ito ay ipinamahagi sa mga MSDN, TechNet Plus at TechNet Direct subscribers, mga manggagawa ng hardware at software ng mga kompyuter. Ito ay ipinamahagi sa mga publiko noong 30 Enero 2007.[1] at makukuha sa pagbili at pag-download mula sa websayt ng Microsoft.[2] Ito ay ipinamahagi mahigit limang taon ng pamamahagi ng Windows XP, na nagpatunay na ito ang pinakamahabang panahon sa gitna ng dalawang bersyon ng Windows.

Maraming mga bagong feature ang makikita sa Windows Vista, ang mga pinakamahalaga ay ang binagong graphical user interface at visual style na tinatawag na Windows Aero, pinaunlad na feature sa paghahanap, bagong mga programa sa paggawa ng multimedia tulad ng Windows DVD Maker, at binagong mga sub-system ng pagkokonekta sa network, pakikinig, pag-iimprenta at pagpapakita. Pinaunlad din ng Vista ang lebel ng komunikasyon sa pagitan ng mga makinerya sa isang home network sa pamamagitan ng teknolohiyang peer-to-peer, na nagpadali sa paghahati-hati ng mga file at digital media sa pagitan ng mga kompyuter at mga device. Para sa mga developer, isinama sa Vista ang .NET Framework 3.0. Mas madaling gamitin ng mga developer ang .NET Framework sa paggawa ng mataas na dekalidad ng mga applikasyon kaysa sa tradisyonal ng API ng Windows.

Ngunit, ang pangunahing layunin ng Microsoft para sa Vista, ay ang paunlarin ang estado ng seguridad sa sistemang operatibong Windows.[3] Isang pangkaraniwang puna sa Windows XP at sa mga sinundan nito ay ang maluwag na seguridad ng sistemang operatibo, na nagpadali sa pagpasok ng mga virus at trojan. Dahil dito, idineklara ni Bill Gates, pangulo ng Microsoft noong 2002 ang kampanyang Trustworthy Computing na naglalayon na mapahigpit ang seguridad sa bawat aspekto ng paggawa ng software sa kompanya. Sinabi ng Microsoft na mas binigyang-pansin nila ang pagpapaunlad ng seguridad ng Windows XP at Windows Server 2003 bago ang pagtatapos sa Windows Vista, na naging dahilan sa pagtagal ng produksiyon.[4]

Mga references

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Microsoft Launches Windows Vista and the 2007 Office System to Consumers". PressCentre. Microsoft New Zealand. 2007-01-30. Nakuha noong 2007-01-30. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  2. "Windows Marketplace: Windows Vista Upgrade Editions: Get Started". Windows Marketplace. Microsoft. 30 Enero 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-02. Nakuha noong 2007-01-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Aaron Ricadela (14 Pebrero 2006). "Gates Says Security Is Job One For Vista". InformationWeek News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-18. Nakuha noong 2006-08-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Mike Ricciuti (1 Hunyo 2004). "Microsoft: Longhorn beta unlikely this year". CNet News. Nakuha noong 2006-08-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na mga kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga rebyu at mga larawan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Windows Ang lathalaing ito na tungkol sa Windows ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.